Chapter 14

9.7K 126 2
                                        

**************************************************************

Nagbabakasyon ako sa isang tropical island na puno ng mga sunflowers at roses... Ang sarap ng simoy ng hangin! Kulay asul ang mga ulap, ang linis ng dagat, maraming mga butterflies na lumilipad-lipad!

At siyempre, ako naman eh naka-white na beach dress at may sun hat na may tatlong sunflowers na nakadikit bilang design. Nakabuhaghag lang ang buhok ko and I am running endlessly along the flower fields.

Ang gaan ng pakiramdam ko-wait, is this really a dream? Or baka naman patay na ako and this is heaven... I'm sure this is a dream, right?

Okay, I stop running. May naririnig akong tunog... Parang hininga ng tao. Wala naman akong makita kaso bakit parang nararamdaman ko yung init ng hininga sa pisngi ko? I pick up a poppy flower at inamoy ko ito.

"Hmm... Ang bango!" sabi ko.

Talaga ngang mabango ang bulaklak, pero mas mabango ang hiningang naaamoy ko... I'm sure naman na hindi sariling hininga ang inaamoy ko kase hindi ko naman kayang amuyin ang sarili kong hininga-and hindi naman ganito kabango ang hininga ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko para amuyin pa ang hininga... Impossible naman na sa bulaklak nanggagaling ang bangong ito! I slowly open up my eyes to see—GREY'S FACE!

"Anong?!?" nagising ako.

Wait, nahulog na sa sahig ang unan sa pagitan naming dalawa ni Grey, magkaharap na kami and to at the moment eh magkayakap kami! OO, MAGKAYAKAP KAMI!

To make things worst, wala pa rin siyang suot na shirt.

"Whaaaaa!" napasigaw ako.

"Eh?!?" nagising si Grey.

Agad akong bumangon at tumayo mula sa higaan.

"Whaaa! Umm, good morning Grey... Uhh, matulog ka muna hindi ko sinasadyang gisingin ka!" sabi ko.

"Hmm... Hindi, ayos lang." sabay niya sabay kamot ng mata niya.

Naku! Inaantok pa nga talaga siya. Pero in fairness ah, cute siya 'pag bagong gising... Err, what am I thinking?!? Stop it!

"Umm, so pa'no?!? Pupunta muna ako sa garahe, uhh... Para maghugas... Err, para maghugas ng bag ko!" sabi ko sabay labas ng kuwarto.

Shete! Nakakahiya 'yon! Magkayakap na pala kami habang tulog?!? Grabe, nakakahiya 'yon! Then I remember his face and how his breath felt on my cheeks...

"Whaaa! Hininga niya pala yung dumadampi sa pisngi ko! And to think na na-feel ko na ang hininga niya!" sabi ko sa sarili.

Ganun na ba talaga kalapit ang mga mukha naming para ma-feel ko ang hining niya? Pero he didn't know naman siguro, right? I mean, tulog rin naman siya... At nagising na naman siya after I shouted.

"Oh, Carmina Ligaya gising ka na pala." Sabi ni mama.

"Huh?!? Ma, ba't ang aga niyo gumising?" sabi ko.

"Well, kailangan kong maghanda ng agahan kase may bisita tayo... By the way, bakit puro ice cream ang laman ng ref mo? Nahirapan tuloy akong mag-isip kung anong lulutuin ko!" sabi ni mama.

"Ahehehe, hindi ho kase ako kumakain ditto ma eh. Hindi nga ako nag-aagahan dito kaya hindi na ako nago-grocery." Sabi ko.

"Well, buti na lang at may convenience store sa baba sa unahan. Pumunta na ako dun para bumili." Sabi ni mama.

"Ahh, I see." Sabi ko.

"Biruin mo, 24 hours silang bukas!" sabi ni mama.

"Alam ko po ma. Palagi ko iyang nadadaanan on my way to work." Sagot ko.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon