**************************************************************
Siguro may dahilan kung bakit Grey ang pangalan niya. Well, sa POV ko, isang dahilan na rin siguro 'yung pagka-suplado n'ya. Grey na grey ang pakikitungo n'ya sa iba-parating tahimik, loner, nakakabwisit. Pero sa tingin ko there's a reason to that, ganyan naman talaga 'diba? I'm just so glad na I was able to recover the exclusive interview with Grey.
Kahit na babaguhin ko pa ang proposal ko, okay lang as long as hindi pa nag-quit si Grey. While I'm typing the new proposal, siya namang pagdating ni sir Holden.
"Good morning sir!" bati ko.
"Oh, Sanders. Kumusta na kagabi? 'Di mo sinagot ang tawag ko!" sagot ni sir.
LECHE. Bigla ko ulet naalala ang nangyari kagabi sa suite ni Grey-inagaw n'ya yung CP ko kaya we accidentally hug. Ugh, tinaggal ko muna sa isip ko 'yung nangyari!
"Um, okay na sir!" sagot ko.
"Talaga? Bakit, anong nanyari?" tanong ni sir.
"Well sir, may good news ako sa'yo. TIyak akong hindi mo na ako ulet sisigawan pa!" pabitin ko.
"Ano 'yun?" pagtataka ni sir.
"Well, may permiso ako galing kay Grey misimo na gumawa ng serial interviews hanggang sa susunod n'yang race!" sagot ko ng pasigaw for emphasis.
"A-Ano?!? T-Talaga!?" laking gulat ni sir.
For a moment tumahimik si sir, nakanganga lang s'ya. Then his shocked face suddenly changed into a smirk.
"Hmm, what do you say kung gagamitin natin 'to bilang opportunity para gawing special feature si Grey?" offer ni sir.
"A-Ano? Pero hindi pa po ako marunong mag-handle ng special feature mag-isa!" protesta ko.
Actually, ko kaya ko naman talaga. Kaso nga lang, mas maraming pages pa at mas mahahabang articles ang isinusulat ng special feature. Nakakapagod kaya 'yon!
"Alam ko. Ang kondisyon ni Grey Philipps ay ikaw lang ang magi-interview 'diba?" sagot ni sir.
"Opo, sabi n'ya kase na ayaw n'ya na maraming kausap." Sagot ko.
"Oh kitams? It's perfect! Kailangan mong mangolekta ng impormasyon galing sa mga bibig n'ya mismo! Meanwhile, ii-interview naman ng staff mo ang mga taong malalapit sa kanya. Huhukayin natin ang nakaraan ni Grey. Tiyak akong perfect idea 'to!" paliwanag ni sir.
"S—Siguro po, ibig sabihin ba nito, ang susunod na issue ng La Clara will be all about Grey?" tanong ko.
"YES! Kaya nga dapat mong pagbutihan, lalo pa't nasa editorial division ka." Bulyaw ni sir.
LECHE! Dagdag eye bags na naman 'to! Pero it's gonna be fun, mas makikilala ko pa si Grey... Not that I'm interested, oh no!
"O—Okay sir, pagbubutihan ko po." Sagot ko naman.
From run in dialogue to serial interview to special feature?!? Grabe 'tong si Grey! Mukhang susubukin nito ang powers ko.
"Well, ngayong napag-desisyunan na 'yan, time to get to work!" encouragement ko sa sarili.
Since may permission na ako mula mismo sa kanya, didiretso na ako sa kay Grey, I'll just text him on the way.
***
Gabi na ng makarating ako sa casino, it turned out na marami pa pala akong kailangan na trabahuin para sa proposal... Sa sobrang pagmamadali ko, nakalimutan ko na ang mag-retouch ng make-up ko. Oh well, 'di na bale kase maganda ako! (Choss)

BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
RomansaTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...