Chapter 01

25.4K 249 35
                                    

**************************************************************

"Hmmm... Umaga na?" sambit ko sa sarili.

Teka, kaninong kama 'to? Nasaan ba ako?!? Marami akong nainom kagabi... Pagkatapos... Leche, wala akong maalala kahit na konting detalye!

KNOCK KNOCK!

"Room service." Magalang na sabi ng isang babae.

"Tuloy ka." Sagot ng isang pamilyar na boses.

Ang boses na 'yan, yung sumagot sa room service, parang kilala ko yata ang boses na 'yan... Si Grey Philipps?!? Teka, ano'ng nangyayari?!? Pumasok si Grey sa kuwarto at nakita akong gising.

"Oh... Grey." Ang nasambit ko.

"Gising ka na pala." Sagot naman niya.

Halata naman siguro 'diba? Bulag lang ang peg? Choss... Anyways.

"Excuse me, pwede bang magtanong? Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanya.

Kinakabahan ako kung ano'ng isasagot ni Grey. Baka may ginawa akong kabaliwan kagabi!

"Sinundan kita palabas kagabi, nakita kong sinisita ka ng guard kaya sinabi kong kasama kita." Sagot ni Grey.

'Yun na yata ang pinakamahabang sentence na narinig ko sa kanya simula last night.

"Sana pinadala mo na lang ako sa baba." Sagot ko naman.

"Masyado ka nang lasing kagabi. 'Di mo siguro kakayanin 'pag yung ang ginawa ko." Sagot naman niya sa'kin ulet.

"So hinayaan mo na lang akong dito na matulog...?" tanong ko ulet.

"Oo, alangan naman. Hindi naman kita pwedeng basta na lang iwan sa hallway." Sagot ni Grey sabay kamot sa buhok.

Shocks! Nakaka-konsensya 'yung ginawa n'ya sa'kin. Siguro kung ibang tao 'yun tinapon na lang nila ako sa basurahan.

"Sorry kung na-istorbo kita ng sobra." Pahiya kong sinabi.

Hindi na naman siya umimik. Naka-poker face na naman siya. Pero in fairness, kahit na walang expression ang mukha n'ya ang gwapo n'ya parin!

Binigyan ako ni Grey ng tray ng pagkain.

"Um, ano 'to?" sabi ko.

"Ano pa nga ba, eh 'di pagkain. Kainin mo na 'yan tapos umalis ka na. Wala akong tulog masyado dahil binantayan lang kita buong magdamag." Sabi ni Grey, may hint ng inis sa boses niya.

"I'm sorry talaga kung na-istorbo kita kagabi. Pagpasensiyahan mo na ako." Pagsusumamo ko. (Pagsusumamo sabay pa-cute effect para bongga diba? Baka maawa pa sa'kin 'tong si Grey kung nagkataon.)

"You should be sorry..." tipid n'yang sagot.

Alien ba 'tong taong to? O sadyang masakit lang talaga s'ya magsalita. Humingi ulet ako ng sorry sa kanya.

"Sorry na talaga, Grey. Kung gusto mo tatayo pa ako sabay choreography sa sorry ko." Sabi ko sabay tayo sa kama.

"Sorry po, Grey!" sambit ko with matching arms stretched.

"Pwede ba... Tapusin mo na lang ang pagkain mo tapos umalis ka na." pasigaw n'yang sabi sabay labas sa kuwarto.

BANG!

Shete, iniwan lang ako ni Grey mag-isa ditto sa bedroom. May ginawa kaya akong masama kagabi na s'yang ikinagalit n'ya? O sadyang suplado lang talaga ang taong 'yon? Teka, baka naman may nangyari sa—

Kyaaaa! Imposibleng mangyari 'yun! Suot ko pa naman ang damit ko kagabi ah. Tama! Pinatulog n'ya lang ako dito kagabi, 'yun lang! Kinakabahan ako.

Nang matapos na akong kumain, tiningan ko ang oras—9:25 am?!? Late na ako masyado sa trabaho! Leche! Dali-dali akong bumangon at naghanda.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon