Chapter 23

7.8K 108 18
                                    

**************************************************************

KABA. Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko simula pa kaninang umaga ng magising ako. Today is the day that the Lord has made, ngayon na magsisimula ang paghahanap sa mama ni Grey (although feeling ko yesterday pa nagsimula since pinahanap na ni Janus sa tauhan niya ang location ng mama niya).

Kinakabahan ako nab aka mabuko kame ni Grey kapag hindi kame nag-ingat.

Kinakabahan ako nab aka wala sa mga addresses sa listahang iyon ang bahay nina Grey noon.

Sana nga nasa isa sa mga addresses na iyon ang location ng mama ni Grey.

Wait... What if wala naman pala sa listahan na iyon ang tamang address? What if mali lang ng pagkaka-alala si Grey? After all, sabi niya sa'ken hindi niya masyadong maalala ang exact address. Speaking of, bakit nga kaya hindi maalala ni grey ng tama ang address? Surely maaalala pa niya dapat 'yon since doon siya nakatira for a few years... Well, I can't blame Grey naman kase it's been a long long time.

Kaninang 6:18 AM pa ako nagising at hanggang ngayon eto ang mga thoughts na paulit-ulit pumapasok sa kokote ko. May sakit ba ako? Nahihibang na ba ako?

SHEEESH!!!

Calm down. Kumalma ka lang Charmaine, everything will be okay. Sundin mo lang ang sinabi ni Janus kagabi, "Enjoy!" Tama, dapat i-enjoy mo lang ang biyaheng ito. After all, hindi everyday sa buhay ng tao na nakakapunta siya sa Seoul ng libre at sa isang sosyal na hotel pa talaga nakatira!

"Manonood na lang muna ako ng TV." I tell myself.

Kinuha ko ang remote sa flatscreen TV and I turned it on.

After 20 minutes ng paglilibot sa mga channel, na-realize ko na 90% ng mga channels dito eh Korean ang language. Kanina pa dumudugo ang ilong ko sa Korean na salita.

"Yah, byugushin, ching chung hwang hew..." Ugh, ganyan ang mga naririnig kong salita for the last 20 mins. Nakaka-irita na pakinggan.

At least ngayon alam ko na kung bakit mas pinipili ng ABS-CBN na i-dub sa Filipino ang mga Koreanovela kesa sa gumamit ng subtitles.

I don't know kung mahal ako ng langit oh swerte lang talaga ako pero I happened to pass by a Filipino Channel—sa wakas! Tagalog ang language dito!

"May TFC pala sa Korea?" I ask myself.

Siguro meron. Timing at Talk Show ang palabas ngayon-pero sa weird na dahilan, the NEWS is about Mia.

"Mia Rodriguez, aalis ng bansa para magpahinga muna sa career." Sabi ng host na babae.

"Sabi ng manager ni Mia, nagkaayos na daw sila at ang panig ng F1 racer na si Grey Philipps. Matatandaang noong isang linggo eh may eskandalong ginawa si Mia kay Grey na nagsasabing binastos daw siya ng binata pero dahil sa isang video na ipinalabas ng isang magazine editor eh napagkaalamang si Mia pala ang nambastos in the first place." Dagdag naman ng isang lalaking host.

"Magpapahinga? Magha-hiatus ba si Mia? Or magre-retire na talaga siya?" I ask myself.

Well, sobra nga namang nalugmok ang career ni Mia after kong ipakita ang video sa TV station. Nasira ng husto ang credibility niya bilang aktres to the point na tinapos agad ang teleserye nila ni Owen na malaki pa naman sana ang ratings.

"Pero I think Mia learned her lesson. Saka last time na magkita kame, she was really really sorry for what she did to Grey-at pinatawad naman siya ni Grey." I tell myself.

Sana lang Mia will be able to recover her career and credibility kung sakaling babalik pa siya ng showbiz.

KNOCK KNOCK...

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon