Chapter 34

7.2K 100 24
                                    

**************************************************************

"Grey, joker ka na pala ngayon? Hahaha, nag-level up ka na pala ah." Sagot ko kay Grey.

I'm sure joke niya lang yung sinabi niya, I mean... Bakit naman niya ako papaalisin, 'diba?I look at him, serious pa rin ang mukha niya.

"Look, I'm dead serious. Umalis ka na!" sigaw niya ulet.

Okay, this time hindi na ako natawa.

"G-Grey, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko.

"I'm perfectly fine, nagising lang ako sa reality." Sagot niya.

"H-Huh? Anong reality ang pinagsasasabi mo?" tanong ko ulet.

"Ang reality na ikaw ang dahilan ng pagkatalo ko. Ikaw ang naging distraction ko kung kaya't hindi ako nakatapos at nanalo sa race!" sagot niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

"H-Hindi kita... Hindi kita ma-gets." Sabi ko.

I don't know what else to say.

"Hindi mo magets? I said, ikaw ang malas sa buhay ko! I was wrong all these time. Akala ko, ikaw ang lucky charm ko but you're not. Kung tutuusin pala, ikaw ang malas sa buhay ko. Dahil sa'yo, nagkalamat ang relasyon namin ng ama ko at dahil sa'yo, nawala sa racing ang focus ko!" sabi niya sa'ken.

"Alam mo? Okay na sana ang buhay ko. I had enough friends, I was away from the eyes of the media, I was always a winner and I had a quite life-pero you had to come along! And I was dumb enough to let you in." sabi niya.

"And now, this accident had to happed para ma-realize ko na mali ang mga desisyon ko. Na isa ka lang palang malaking mali. I never should've said yes to the interview." Sabi niya.

"K-Kung ganun, Grey ako pala'y..." sabi kong dahan-dahan.

Pinutol ni Grey ang sasabihin ko.

"...Isang mantsa na gusto kong mabura sa damit ko." Sabi niya.

And then, bumuhos na ang mga luha sa mga mata ko. It's like yung sinabi ni Grey ang naging stimuli para i-trigger ng brain ko ang pag-leak ng tear ducts ko.

"G-Grabe, ang sakit nun Grey... Sobrang sakit... Huhuhu..." sabi ko habang umiiyak.

"And am I supposed to care kung nasasaktan ka?" sagot niya sabay tingin sa bintana.

"So, ibig sabihin this is goodbye..." sabi ko.

"Yes, this is goodbye but don't worry, tatapusin ko naman lahat ng mga obligasyon ko sa special issue niyo. I'll attend the press launch of youre magazine's special issue gaya ng napagkasunduan namin ng boss mo before the race." Sagot ni Grey.

"H-Hindi, okay lang kahit hindi na Grey." Sabi ko.

Ayokong ipakita kay Grey na nasasaktan ako. Gusto kong makita niya na naiiyak lang ako pero hindi nasasaktan.

"No, I'm a man of my own words kaya tatapusin ko 'yun. But after that, I hope I won'e ever see you again." Sabi niya.

"Okay... Thank you, Mr. Grey Philipps for the serial interviews... Thank-Thank you for the time... Goodbye." Sabi ko sabay talikod.

"Wait." Pamimigil ni Grey.

"About the thing that I'll tell you after the race..." sabi niya.

I turn my head. Hindi pa nga pala niya yun nasasabi sa'ken.

"I was gonna say na ang lahat ng ipinakita ko sa'yong maganda eh puro pakitang tao lang. It was all gonna end up here." Sabi niya.

"Okay. I understand. Sana, masaya ka na na wala na ako. Saka para malaman mo, hindi ako ang malas sa buhay mo dahil ikaw ang mismong malas. Naka-jackpot ka ng manlolokong ama, ng broken family at ng panget na ugali. Huhuhuhuhu, huwag mong isisi sa'ken yang pagkatalo mo dahil talunan ka na noon pa, 'diba nga anak ka sa labas?" napatigil ako at humikbi pa.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon