**************************************************************
"I'm sorry, pero the search is hopeless." Sabi ni Janus.
Nandito ako ngayon sa suite niya kasama sina Rhena, Dave at Owen. Kakatapos lang naming mag-breakfast and Grey doesn't know na nandito kaming lahat sa suite ni Janus.
"What do you mean it's hopeless?" tanong ni Dave.
"My men visited each and every address na nasa listang ito. 0015 DAEMUL, GANGNAM DISTRICT... Halos lahat na yata ng 0015 na mga lugar sa buong Gangnam eh nahalughog na nila pero wala eh. Wala silang makitang babae na siyang maaring mom ni Grey." Paliwanag ni Janus.
"Actually, kaya hindi ako sumama kahapon is because I was monitoring my men." Dagdag pa niya.
"Ano? P-Pero, papano na 'yan?" sabi ni Rhena.
"Oo nga, ano masasayang lang ang pagpunta natin dito?" dagdag ko naman.
Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Grey kagabi. He's been trying so hard to remember things. Siguro, kapag nahanap namin ang mama ni Grey, makakatulong 'to para maalala niya ang past niya.
"Don't worry, they are still searching pa naman hanggang ngayon." Pagpapanatag ni Janus.
"Kung ganun tutulong kami sa paghahanap." Offer ni Dave.
"Look, like I told you mabubuking tayo ni—" I cut off kung ano man ang sasabihin ni Janus.
"No. Tutulong kami sa paghahanap, Janus." Sabi ko in a serious tone.
Nagsipagtinginan silang apat sa'kin.
"Pero Charmaine—" pinutol ko ulet ang sasabihin ni Janus.
"Janus, mas mapapadali ang lahat kung pati tayo maghahanap." Sabi ko.
"But what about Grey?" tanong niya sa'ken.
"I know you're worried na baka malaman ni Grey ang totoo pero don't worry, ako na ang bahala sa kanya." Sabi ko.
"Are you sure?" tanong niya ulet, nagbabakasakali na magbago pa ang isip ko.
"YES." Walang pagaatubiling sagot ko.
This isn't about the magazine, or the article, or the documentation anymore. After kong marinig at makita ang frustration ni Grey kagabi, I realized na this all about him and his memories-na nakakapagtaka hanggang ngayon kase hindi niya parin maalala ang mga childhood memories niya.
"Okay then. When do we start searching?" tanong ni Owen.
"Siyempre ngayon." Sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong niya.
"Oo naman. Sabi nga nila, the early worm catches the bird." Sabi ko.
"Baliktad. The early bird catches the worm 'yun!" saway ni Janus.
"Umm, err—sabi ko nga. The early bird catches the worm... Tara na nga!" sabi ko naman.
Kailangan na isama namin si Grey sa pag-alis naming ito, baka kase magtaka yung kung bakit namin siya iniwan. We can't let that happen, baka magsuspetcha siya so we'll bring him along with us.
Bumaba ako upang sabihan si Grey na aalis kame. On my way sa kwarto niya, sa corridor I'm thinking of a reason na gagamitin in case na magtaka siya kung bakit nagliliwaliw kames a mga villages at subdivisions sa Gangnam-baka kase magtanong ang tayong iyon eh.
"Hmmm..." mind, please work this time!
I need to think of a smooth white lie para—wait!
I stop walking, nakatayo ako sa corner ng corridor at nakasilip sa other side, may pamilyar na lalake na nakatayo sa harap ng mismong hotel room ni Grey.

BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
Roman d'amourTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...