**************************************************************
Okay, nandito ako sa loob ng sasakyan ni Grey kasama siya at papunta kame dun sa hill na may beautiful view. While on our way patungo dun, may na-realize ako-nine pala ang alam na language ni Grey! Hindi na sama sa bilang ang English.
I know, parang medyo ang pointless ng sinasabi ko. Well, I just want to clarify things about Grey. Bakit nga kaya? Parang napansin ko rin na these past few days na nakasama ko si Grey eh palagi akong masaya. Well, I guess won't know the answer for now pero I hope n asana masagot ko ang tanong na iyan in time.
"Mukhang hindi masyadong traffic ngayon, madali lang siguro tayong makakarating dun." Sabi ni Grey.
"Oo nga eh. Excited na ako bumalik dun." sagot ko naman
"Bakit ka naman excited?" tanong niya sabay lingon sa'ken.
"Well, kung iisipin mong mabuti, third time na nating pumunta dun diba? Kaya naging memorable place na sa'ken yun. At nae-excite ako everytime babalik ako sa lahat ng mga memorable places na napuntahan ko." Katuwiran ko.
"Hmm..." matipid na sagot ni Grey.
"PInoy ka talaga, noh?" sabi niya.
"Huh? Ba't mo naman nasabi yan?" tanong ko.
"Melodramatic ka kasi eh." Sagot niya.
"Ah! Ehehehe, wala namang masama dun eh." Sagot ko.
"By the way, ba't mo nga pala ako tinawag na "MA" over the phone nung isang gabi?" tanong niya bigla sa'ken.
SHET! Naaalala pa pala niya ang nangyari over the phone nung isang gabi! Oh no! Nafe-feel kong namumula na naman ako.
"Well, before ka kase tumawag nun eh tumawag muna yung mama ko. Nangumusta at nag-congratulate lang siya sa'ken kase nakita niya daw yung balita sa TV tungkol sa ginawa kong expose." Paliwanag ko.
"I see. Mahal mo sila noh?" sagot ni Grey.
"Huh? Yung pamilya ko? Shempre naman! Sino namang tao ang hindi mahal yung family nila noh?!?" sagot ko.
"Sa totoo nga eh name-miss ko na sila. Masyado na akong naging busy sa trabaho to the point na nakakalimutan ko na silang kumustahin." Dagdag ko pa.
"Well, I love my family. Kaso they don't know how to return the feeling eh." Sagot ni Grey.
Teka, anong ibig niyang sabihin? Na hindi siya mahal ng family niya? Eh I remember pa nung first time kami magpunta dun sa hill eh sabi niya nag-joy ride na rin sila ng mama niya. How can that not show love?
"Anyways, hindi ba sila bumibisita sa'yo?" biglang change ng topic ni Grey.
"Well, nung tumawag si mama sa'ken ang sabi niya nun eh bibisita daw sila sa'ken next week. Kaya baka next week eh nandito sila." Sagot ko naman.
"Nakakatuwa naman yung family mo." Sagot niya.
"Ahehehe. Ikaw? Manonood ba ng race mo ang family mo?" tanong ko.
"Malapit na tayo." Sagot ni Grey.
Whoa... Bakit hindi niya sinagot yung tanong? I observe Grey. Parang may mist yung mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag.
"Umm, okay." Sagot ko na lang.
Teka, may something ba sa family ni Grey kaya parang ayaw niyang mag-share? Now that I think about it, parang wala naman akong narinig na something from his family... Well, except that time ng tumawag ang papa niya. Pero parang pinagalitan siya nun eh.
BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
RomanceTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...