Chapter 06

14.8K 149 27
                                        

**************************************************************

YAWN...

Kakagising ko lang. I remembered everything that happened kagabi, masyado na kaseng late nang makauwi ako. I look at myself in the mirror—

LECHE! Ang laki ng eyebags ko!

Parang ayokong lumabas! Nakakhiya kapag nakita nila itog eyebags ko noh! Pero, I still have work to do... Saka isa pa, magi-interview na naman ako ngayon kay Grey.

Suddenly, I remembered how he called be my name last night. Parang kinurot yung heart ko! Kyaaah!

Bakit kaya ako nagkakaganito? Please don't tell me na nagkaka-crush na ako kay Grey kase impossible eh, one week pa lang kaming magkakilala! Hindi naman ako ganun ka easy to get na babae.

Okay Charmaine, Keep and Calm and Maligo Ka Na! I tell myself, baka ma-late pa ako nito.

***

Kahit na naligo na ako, nag-commute at uminom ng tatlong cups ng Starbucks (Sosyal diba? Manigas ka! Choss... Bonggabells!) eh inaantok parin ako.

"What's this? Mukhang kulang yata ang tulog mo Sanders." Sabi ni sir Holden ng makita niya ako.

"Opo sir eh, talagang kulang(*yawn) po ang tulog ko(*yawn)." Sabi ko in an inaantok voice.

"Hay naku, ano ba kaseng pinag-gagawa ninyo ni Grey at pinupuyat ka ng sobra!" sabi ni sir.

"Huh?!? Nagkakamali kayo sir! Wala kameng ginagawang masama!" katuwiran ko!

Ayokong ma-misinterpret ni sir Holden ang pagkakapuyat ko noh! Nakakahiya kaya!

"Eh ba't namumula ka?" dagdag pa na tukso ni sir.

"Blush on ho yan! Uso yan sa mga magagandang tulad ko." pasagot ko na lang na biro.

"Talaga lang ha? Hahahahaha!" sabi ni sir in a pahalakhak na manner.

Wow, di naman masyadong halata na natutuwa siya sa pang-aasar sa'ken ah.

Pero in fairness, parang nawala ang antok ko dahil sa ginawa ni sir.

"Umm, siya nga pala Sanders, kumusta na ang feature natin?" tnong ni sir, biglang naging serious ang tono niya.

"Okay na naman po sir. May interview kami mamayang 5:00 pm sa hotel." Sagot ko naman.

"Ganun ba? Very good. Siya nga pala, naka-set na ako ng schedule para sa photo shoot niya." Sabi naman ni sir.

"Talaga po? Kelan?" pagtatanong ko kay sir.

"Tomorrow night." Sabi naman ni sir.

"Okay, sige po. I'll let Grey know." Sagot ko naman.

"Okay, sige." Matipid naman na sagot ni sir.

"Dapat maganda ang mga kuha ng litrato kay Grey para makapili tayo ng magandang pang-cover sa magazine." Dagda ni sir.

"Hay naku sir, kahit na basahan lang ang suotin ni Grey, gwapong-gwapo parin siya noh!" bulyaw ko bigla.

Maya maya pa eh na-realize ko na kung ano ang nasabi ko.

AhdvfhekrgrtbverltdgyrhbSHETE! Bakit ko ba nasabi 'yun! Whaaaaa!

"Huh?!? Tama ba ang narinig ko Sanders?" laking gulat ni sir.

"Eh? Umm, na-nagkakamali kayo ng iniisip sir—" di ko na alam ang sasabihin ko.

"Hahaha, sabi ko na nga ba! May gusto ka na kay Grey!" sabi ni sir na halatang natutuwa.

"Aishh, hindi pa po noh!" sambit ko.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon