Chapter 33

7.1K 95 13
                                    

**************************************************************

Isang nakakabinging katahimikan ang pumuno sa sasakyan. Walang isa sa amin nina Janus, Rhena, Owen at Dave na nagsalita. Doon sumakay si Andy sa ambulance—ang crew lang kase ni Grey ang pinayagan na makasakay sa ambulance.

Nag-flashback sa'ken ang lahat ng nangyari kay Grey kanina sa racetrack. Naalala ko ang hitsura ni Grey habang nakahiga sa stretcher... May dugo ang mukha niya. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

"Charmaine?" sabi ni Rhena na katabi ko ng mapansing umiiyak ako.

"Huwag kang umiyak, Grey will be fine." Pagco-comfort niya sa'ken.

"Pero kanina, sa stretcher... Huhuhuhu..." Hindi ko na na-control ang sarili ko.

"Hey, let's think positive. Grey will be okay. Okay?" sabi naman ni Janus.

"Oo nga, kaya huwag ka nang umiyak bubuwit, ang pangit mo pa naman tingnang kung umiyak ka." Pagpapatawa ni Owen.

I know na pinapatahan lang nila ako para hindi na ako masyadong mag-alala para kay Grey.

"Nandito na tayo." Sabi ni Dave as we arrive at the hospital.

Lumabas kaming lahat ng sasakyan at mabilis na pumasok sa hospital. Naglipana ang mga media at fans sa labas ng hospital at pinipilit na makapasok sa loob. Halos itulak na nila ang mga security guards. Pagkapasok namin eh agad kaming nagtanong kung nasaan si Grey.

"Nasa emergency room pa po siya, kakarating lang nung ambulance niya kanina and now he's undergoing operation." Sabi nung nurse sa'min.

"Sige, thank you." Sabi ni Janus.

"Dun tayo sa operationg room maghintay guys." Sabi ni Janus as he turns to face us.

Pumayag kaming lahat at agad kaming dumiretso sa labas ng operation room. Pagdating namin sa labas ng operationg room eh sumalubong sa'min ang mga naka-tuxedo na mga lalake-mukhang mga body guards ang mga 'to ah.

"TIngnan niyo, si tito Reymond!" sabi ni Owen sabay turo sa papa ni Grey na nakaupo sa isang bench sa labas ng OR.

"Nandito pala siya, at kasama niya si Andy!" dagdag pa ni Owen.

I look at Grey's dad—nag-aalala rin siya para kay Grey. May puso rin naman pala ang taong ito. I remember what happened kanina sa raceer's entrance. Ayaw niya nga pala na lumapit ako kay Grey.

"Guys?!?" sabi ni Andy na napansin na pala kame from here.

Napatingin ang papa ni Grey sa'min—then he fixed his eyes on me. Lumapit naman si Andy sa'min.

"Oh ano, kumusta na si Grey?" agad kong tanong kay Andy.

"Ayon, inooperahan pa yung ulo at yung paa niya. Nagka-fracture daw kase yung isang paa niya." Sagot ni Andy.

"Ganun ba? Critical ba siya?" tanong naman ni Dave.

"Malaki daw ang fracture sa paa ni Grey, natatakot kame ni dad nab aka hindi na niya magamit ang isa nyang paa." Sagot ni Andy sa kanya.

"Diyos ko po, ganun ba? Sana naman hindi yun mangyari." Sabi ni Dave.

"All of this is because of you're doing you bastardess reporter!" sabi ng papa ni Grey na nasa likod pala ni Andy at naglalakad papalapit sa'min. Itinuro niya ako—he looks angry.

"A-Ako?" tanong ko.

"Yes, you. Ikaw ang naging distraction niya! Dahil sa'yo at sa pagka-pakialamera mo kaya nawalan ng focus si Grey and now he's inside that operating room!" pa-sigaw na sabi ng papa ni Grey sa'ken.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon