**************************************************************
Nagsimula na nga ang photo shoot. Naku! Sigurado akong mas madadagdagan pa ang fans ni Grey kapag nakita nila ang mga litratong ito.
"Charmaine right?" sabi ng boses sa likuran ko.
Lumingon ako ng sumakit bigla ang leeg ko.
"Huh—Aray! Umm, oo." Sagot ko.
Si Willie pala.
"Oh, Willie ikaw pala." Sabi ko.
"So, what do you think of the outfit I chose for Grey?" tanong niya.
"I think na nakuha mo talaga ang cool side ni Grey perfectly. He looks wonderful." Sabi ko naman honestly.
"Like, I know right?!? Any girl will definitely fall for him with a look like that!" sabi naman niya.
"Oo nga eh." Ang tanging nasabi ko.
"Haha. You don't need to worry or hide your feelings dear. You are in love with Grey Philipps aren't you? Nakikita ko sa kilos at salita mo." Sabi niya.
WHAT!? Ganun nab a ka obvious? Err-I mean, crush lang naman ah!
"Whaa?!? Hindi no! Oo, inaamin kong crush ko si Grey pero hindi ako in love sa kanya." Sabi ko.
Well, at least hindi pa ngayon.
"Haha. Huwag mo nga akong lokohin pa. Pero saying noh? Taken na ni Mia si Grey." Sabi niya.
Natigilan ako sandal. Nakalimutan ko nga palang stylist ni Mia si Willie kaya I know na alam ni Willie ang totoo...
Bakit parang binubugbog ang puso ko?
***
"And that is a wrap! Thank you for the hard work, everyone!" wika ng photographer.
"Salamat Tony, Kung dahil..." narinig kong sabi ni sir Holden sa photographer as they walk past me.
"Sa wakas, tapos na ang photo shoot." Sabi ko sa sarili.
Hindi ko napigilang pag-isipan ang sinabi ni Willie kaya na-miss ko na tuloy ang buong photo shoot.
"Napagod ako." Mungkahi ni Grey as he makes his way to sit next to me.
"Good work tonight!" ang tanging nasabi ko.
"Is that all for tonight? No interviews?" sabi niya.
Yep. There are no interviews muna, so I'll take you back to the hotel." Sagot ko naman.
"Sige, magpapalit na muna ako." Sabi naman niya.
"..." wala na akong nasabi.
"Hoy..." sabi niya sabay tapik ng noo ko.
"W-Whaaa?!? Umm, ano yun?" nagulat ako!
Shete. Dahil sa sinabi ni Willie, hindi ko na tuloy kayang kausapin ng maayos si Grey. Ultimo pagtingin sa kanya ng maayos di ko na magawa.
"Ba't parang malalim yung iniisip mo?" tanong niya.
"Ha?! Hindi no! Nag-iisip lang ako ng mga magagandang tanong for the next serial interview." Sagot ko.
I can't tell him the truth.
"Totoo ba yang sinasabi mo?" tanong niya.
"Oo noh!" sagot ko naman.
"Eh, bakit parang namumula ka?" tanong naman niya ulet.
"Err—hindi noh! Ini-imagine mo lang yan!" sagot ko naman.

BINABASA MO ANG
15 Shades of Grey
RomanceTinamaan na nga ng swerte si Charmaine "Charm" Sanders. Natanggap na siya sa dream job niya! She's finally working as an editor in the prestigious La Clara magazine. Noong gabing nagco-cover siya sa star-studded opening party ng isang casino...