Chapter 04

15K 165 7
                                    

**************************************************************

Three days na rin ang nakakalipas mula ng huli kong in-interview si Grey. Tatlong araw na rin ang nakakaraan mula nung huli kong marinig na tumawa si Grey. Naaalala ko pa ang tawa n'ya. Kyaaaaaaaah!

Kailangan ko nang itigil 'to. Ano bang nangyayari sa'ken? Nagkaka-crush ba ako kay Grey? Impossible! Hinding hindi ako magkakagusto sa isang taong makulimlim ang utak! EWWWW!!!

Busy akong nagbabasa sa mga interview ng staff members ko. Ito ang mga interview nila sa mga malalapit na tao sa buhay ni Grey. Hindi pumayag sa interview ang papa ni Grey. I wonder why.

As I flip to the next page sa binabasa kong interview, bigla na lang nag-ring ang phone ko.

"Hello?" I greet formally.

Si Grey ang tumatawag. Nararamdan kong sumisikip ang dibdib ko.

"Magpa-practice ako sa racetrack ngayon, maraming media ang manonood kaya naisip ko na baka gusto mo ring i-cover ang practice ko." Diretso niyang sabi.

"GOOD MORNING DIN! Sige, pupunta ako. Saan ba ang racetrack na pa-practisan mo?" sagot with emphasis sa good morning na part.

"Dito sa track ng URL." Sagot niya.

"Ite-text ko na lang sa'yo ang location." Dagdag n'ya.

"Okay."

Pagkatapos noon eh binaba na n'ya ang phone. Maya-maya pa eh natanggap ko na ang text ni Grey. Mukhang private ang racetrack na'to ah. Pagkatapos kong magpaalam kay sir Holden eh agad na akong umalis tungo sa URL Racetrack.

This will be the first time na makikita ko si Grey na mag-eensayo! I'm so looking forward to it. Mula sa pagpasok ko sa taxi all the way to the racetrack wala akong ibang inisip kundi si Grey na ankahawak sa manibela. Fan na fan ang kapatid kong babae ng F1 racers, hindi dahil sa tomboy s'ya kundi dahil sa crush niya ang mga racers. Maharot 'yung kapatid kong 'yun eh!

Sa wakas ay nasa track na ako. Pagpasok ko pa lang, naaamoy ko na ang mga rubber na gulong at naririnig ko na ang tunog ng mga race cart. After kong magpakilala bilang media, pinapasok na ako ng guard sa media bleachers.

WHOA!

Ang daming media na nagco-cover sa kay Grey. Siguro lahat ng mga 'to eh gustong ma-interview s'ya.

"So many reporters around... Sa'n kaya ako pwedeng pumuwesto?" I tell myself.

Mula sa TV crews to fellow magazine reporters... Feeling ko sardinas na kami dito sa media bleachers.

Aba! May mga foreigner pang media! Kadalasan eh mula sa UK at sa Korea. Halatang-halata sa accent nila. Kung sa bagay, half-Korean at half-British nga naman si Grey kaya 'di na ako magtataka kung bakit ganun na lang ka-wagas ang suporta ng mga foreigners na 'to.

Habang hinihintay ko ang pagdating ni Grey, na-upo muna ako sa isang sulok ng bleachers. Hindi ko naiwasang marinig ang chikahan ng mga reporters sa likuran ko.

"Kelan nga ba huling nag-race dito si Philipps?" sabi nung isang reporter.

"About... six months na siguro?" sagot naman ng isa pang reporter.

Matagal-tagal na rin pala ng huling makapunta ditto sa bansa si Grey.

"Well, he's made quite the performance sa maraming mga Grand Prix kaya proud na proud ang South Korea, UK at maging kahit na tayong mga Pinoy sa kanya." Sabi naman nung isa.

Wow! Nakakamangha naman si Grey.

Alam kong mali ang ginagawa ko, pero hindi ko mapigilang hindi making sa pinag-uusapan ng dalawang 'to na nasa likuran ko.

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon