Chapter 19

8.4K 102 3
                                    

**************************************************************

Sa wakas eh nakarating na ang limo sa apartment ko. After kong magpasalamat sa driver eh umakyat na ako.

"Gosh! Pagod na ako!" I tell myself.

Sobra akong nalasing ahh, bumalik sa'ken yung feeling ng pagkahilo! The last time I felt this was nung unang beses akong natulog sa hotel suite ni Grey.

Shocks! Nahihilo talaga ako!

I might as well go to sleep na. Hinubad ko ang Prada stilettos ko at dumiretso na sa bed ko. Hindi na ako nagpalit ng damit, I'm too tired and dizzy na.

...
...
...
...

RING RING
RING RING

Whaaa!

Sino kaya 'tong tumatawag ng ganitong oras ng gabi!

"Sana, tamaan ng kidlat ang taong ito! Bwiset." sabi ko.

Napakalaking istorbo naman kase eh. Bumangon ako at hinugot ang phone ko from my bag upang tingnan kung sino ang tumatawag—si Grey!

"Grey?" sabi ko after I press answer.

"Hello? Gising ka pa ba?" tanong niya.

Malamang gising pa!

Malaman pa kaya niya ang sagot kung tulog na ako?

"Hindi pa naman pero I'm on my way na patulog." Sagot ko.

"Aah I see. Kase may gusto lang sana akong hingin na pabot sa'yo." Sabi ni Grey.

"Ano iyon?" he asks.

"I already informed the guys and Rhena, si Owen na lang ang hindi pa." sabi ni Grey.

"Ano nga 'yon?" tanong ko.

"Pwede bang ilihim lang natin ang trip papuntang Seoul?" sagot niya sa'ken.

"Huh? Bakit naman?" nagtanong ako.

"Well, malapit na kase ang race ko and I know na dad is expecting na focused ako sa practice... If he finds out na umalis ako ng bansa and I'm not practicing, he'll get DEAD ANGRY." Paliwanag ni Grey.

Okay... Bakit bigla akong kinilabutan sa part na may "DEAD ANGRY"...

"Umm, sige. Don't worry this will be top secret as much as possible." Sagot ko.

"Sige, thank you Charmaine." Sabi niya.

"Okay, bye." Sagot ko.

"Okay, good night." Sagot niya sabay baba ng phone.

Whew. Ipinatong ko ang phone ko sa headboard at humiga ulet. I kept thinking, all this time ang akala ko eh na-inform na ni Grey ang papa niya about his interview with us.

Siguro ganun na lang ang galit at takot niya sa papa niya kaya decided na hindi na lang sila pagsasabihan. PArang saklap naman nung feeling na iyon... Dapat ini-dolo ng anak na lalake ang papa niya, hindi katulad ng sitwasyon ni Grey at ng papa niya.

I kept thinking, sana mas mapaaga ang alis namin. I hope na wala nang may busy schedule sa kena Janus para maka-set na ng flight date. Natutuwa pa rin ako kase all out support ang mga kaibigan ni Grey. He's lucky to have them by his side.

Marami pa akong inisip kaya 'di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. This time FOR REAL.

***

I woke up the next morning feeling fresh and energized!

Wow! Matagal na rin akong hindi nakakatulog ng ganito kahimbing ah! Ang sarap sa feeling.

The best part is, hindi ko nararamdaman ang hangover sa alak. That's weird pero okay na rin 'yon kesa nga naman sa gumising akong masakit ang ulo ko 'diba?

15 Shades of GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon