Chapter 2

220 2 0
                                    

  SI ETHAN

Faith?

Sa sarili ko meron pero sa Diyos mo, Wala.

Well magkakaiba tayo.

We are all different, mula sa dulo ng hibla ng buhok natin hanggang sa pinakadulo ng kuko sa ating mga paa. We are all different, magkakaiba ng pagkatao, ugali, at paniniwala. Magkakaiba ng pinagdaanan, iba't ibang uri ng pagsubok ang nalampasan, magkakaiba tayo mula sa pagkasilang hanggang sa pagkamatay. Iba't ibang storya ng pagkatalo at saya ng pagkapanalo.

We are all different but there is only one finish line, magkakaiba tayo pero iisa ang dulo ng ating paglalakbay. Iisa ng hahantungan, Magkakaiba tayo tulad ng mga bituin sa kalawakan, magkakaiba tayo tulad ng iba't ibang uri ng hayop sa dagat, Magkakaiba tayo tulad mo at tulad ko pero iisa ang dulo na ating tinatahak.

Hindi ko pinili kung saan ako nanggaling pero pwede kong piliin kung saan ko gusto pumunta. Life is a Choice at hindi mo kailangan ng anong relihiyon para maging mabuting tao.

Kasi kahit yung mga taong naniniwala sa Diyos na yan ay di sigurado kung naging mabuting tao ba sila, gagawa ng kasalanan at hihingi ng tawad? What the fuck? Lokohan! Kung gusto mo maging mabuting tao, gawin mo! wag yung puro ka dasal!

Religion? Wala naman tayong dapat katakutan, Pero marami tayong dapat maintindihan, Hindi mula sa Diyos kundi mula sa ating mga sarili.

Bakit hindi ako naniniwala sa Diyos? Simply because he doesn't exist.

I'm Adrian Ethan Zarate, Simpleng tao na may simpleng paniniwala.

This is me and welcome to my story.

" Isusubo ko na ba?" Saad niyang namumungay ang mata habang nakatitig ng deretso sa mga mata ko. Halatang halata yung tama ng alak sa kanya, Nagkibit lang ako ng balikat saka nagbigay ng simpleng ngiti.

" Subo mo na, hindi kita pipigilan."

" Sigurado ka bang gusto mo isubo niya?" ngiti nung kasama nito.

" Oo naman, binayaran na niya yan eh." ngiti ko. " Sayong sayo na yan at hindi kita pipigilan hanggang magsawa ka."

" Gusto mo dilaan ko muna?" ngiti nito habang hawak yung bagay na yun.

" Sure, mainit init yan, masarap dilaan."

" Talaga? Ibig sabihin nakatikim ka na nito?" Natawa naman ako.

" Hindi, hindi pa ko nakakatikim ng ganyan kasi iba yung dinidilaan ko."

" Magaling ka ba dumila?"

" Magaling kung masarap yung didilaan."

" Ayt mare, di ka masarap kaya wag kang umasa." natatawang saad nung kasama nito, napangiti naman ako. " Subo mo na nga yan mare patikim din ako kung masarap, kanina mo pa hawak yan eh."

" May tumutulo na oh, dilaan mo na." saad ko.

" Ethan bakit ang sarap sarap mo?" Natawa naman ako ng payak.

" Subo mo na yan para matapos na tayo, gusto ko na umuwi eh." napalunok lang sya saka tiningnan yung bagay na yun saka to dahang dahang dinilaan. " Subo mo na lahat? Gusto mo ako pa magsubo sayo?"

" Gusto ko unti unti habang nakatingin ako sa mukha mo?"

" Okay bilisan mo na, mawawalan ka ng gana kapag nawala yung init niyan."

" Okay lang uubusin ko to kahit lumamig pa, hihigupin ko kahit huling patak."

" Mare ang tagal mo?"

" Manahimik ka nga! Akin lang to kung gusto mo kumuha ka ng sayo! Dapat kasi umuwi ka na para kaming dalawa lang eh."

" Eh ang sarap niya eh."

" Hey tapusin mo na yan para makauwi na ko." saad ko. " May tugtog pa kami bukas eh."

" Magkano ba kinikita mo sa pagtugtog niyo? Babayaran ko makasama lang kita buong magdamag?" ngiti niya.

" No thanks, Sige na nga patikim na nga niyan para maubos na." iling ko saka kinuha yung mangkok sa harapan niya at yung kutsarang hawak nito. " Di talaga ko kumakain ng papaitan eh, pero para matapos lang to susubukan ko." Saad ko saka humigop ng sabaw.

" Dinilaan ko na yang kutsarang yan eh?"

" Ano naman? Wala ka naman sigurong sakit?"

" Wala pero."

" Di ako maarte." kibit ko ng balikat saka nagbigay ng matamis na ngiti.

" Grabe ang gwapo mo." ngiti niya habang nakatitig sa mukha ko.

" Trulalu mare." ngiti nung kasama niya.

" I know, Pero di talaga ako pwede. Pinakiusapan lang ako ni Kent na samahan kayo kumain kasi sabi niya binayaran niyo daw sya. Masarap pala to, mapait nga lang." ngiti ko.

" Papaitan malamang." natatawang saad nito. " Eh ikaw kailan ko kaya matitikman yung sarap mo papa Ethan."

" Ito nalang tikman niyo." ngiti ko saka inurong yung mankok sa harap nito. Naramdaman ko naman yung paghawak niya sa hita ko saka to pinisil.

" Magkano ka ba?" seryosong tanong niya napangiti naman ako. " Please, babayaran kita kahit magkano? Gusto mo ng phone ibibigay ko? Magkano gusto mo?"

" Really." ngiti ko saka kumuha ng tissue at dinala sa labi niya saka to masuyong pinunasan. " May dumi ka sa labi." saad ko pero hinawakan niya lang yung kamay ko saka dahang dahang sinubo yung daliri ko.

" Ang sarap Ethan."

" Galing akong Cr kanina?" natatawang saad ko saka hinugot yung kamay ko.

" Ethan pumayag ka na, Mayaman yan si Ellen." Saad nung kasama niya.

" Mukha nga pero hindi talaga ko ganun eh, kung si Kent nakuha mo pwes ako hindi."

" Patakam din yang kaibigan mo eh, maghuhubad ayaw naman makipagsex. Wag natin syang pagusapan sumakit lang puson ko sa kanya. Ang gusto ko ngayon ikaw." ngiti niya. Napatingin lang ako sa kamay niya ng dahan dahan tong umangat papunta sa pundilyo ng short na suot ko.

" Malaki yan, hindi mo yan kakayanin." ngiti ko.

" Pagtutulungan namin!" kinikilig na saad nung kasama niya, natawa naman ako saka tinanggal yung kamay niya.

" Please Ethan, Here's my phone sayo nalang." lahad niya ng cellphone niya na halatang bagong bago pa.

" My phone pa ko."

" Pera? Ibibigay ko sayo lahat?"

" You know what? Hindi ko kailangan ng pera besides my girlfriend ako at hindi ko sya lolokohin at higit sa lahat? Hindi ako bakla so I'm sorry." Payak na ngiti ko sa kanya.

" Ethan Please?"

" Nagprecum na ko mare! Pilitin mo sya please."

" I'm sorry alis na ko, kukunin ko pa yung susuotin ko bukas sa bahay nila Kent eh."

" Aalis ka na talaga? Teka lang.'pigil niya sakin.

" Wala kayong mapapala sakin kaya pasensya na."

" Teka lang muna, 10 thausand? Ibibigay ko ngayon?"

" Thanks sa food." ngiti ko saka tumayo at nagmamadaling lumabas sa bahay na yun. Humanda talaga sakin si Kent, haixt. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad. Binayaran si Kent ng dalawang yun para pilitin akong samahan sila kumain, haixt kainis.

Sorry sila di nila ko makukuha sa pera nila, kaya kong kitain yun.

Alas Dos na nun ng madaling araw, Ika dalawapu't tatlo ng nobyembre. Araw ng Pista sa lugar namin. Sa bawat dinadaanan ko makikita yung grupo grupo ng nagiinom sa kalsada.

Sinuot ko lang yung hood ng jacket ko saka walang lingon naglakad.

Naging tradition na dito na bago sumama sa parada dapat nasayaran ng alak ang lalamunan haha.

Well taon taon ganito ang makikita mo, buhay na buhay ang paligid kahit madaling araw na.

" SHIT!!" gulat na saad ko ng maramdaman ko yung pagbuhos ng tubig sa ulo ko otomatiko naman akong napalingon sa likod ko kung saan galing yung tubig.

" HAPPY FIESTA!" saad nung lalake. Nakanganga naman ako tumingin sa kanya. Isa pang tradition dito sa lugar namin ay basaan tuwing Fiesta! Haixt pero alas dos ng madaling araw? What the fuck!

" Happy Fiesta!" basa pa sakin nung iba. Damn it! Binilisan ko naman yung paglalakad ko saka kinuha yung phone ko sa bulsa at tiningnan kung nabasa. Ipinagdiriwang sa bayan na to ang Higantes festival, Viva san Clemente!

VIVA!! haha

Napailing lang ako ng maramdaman yung lamig ng tubig. Shet ang lamig! Haixt dapat kasi!buset kasi si Kent eh! Natigilan lang ako ng matanaw ko yung isang lalake na nakaabang sa gitna ng kalsada habang may hawak na tabo.

Tumigil naman ako sa paglalakad.

" Tang ina naman Rod! Alas dos palang!" sigaw ko ng mamukhaan to na isa sa mga naging barkada ko dahil sa banda.

" Lampas alas dose na kaya basaan na." ngiti nito.

" Malamig eh! May sakit ako ngayon." Pagdadahilan ko.

" Anong gusto mo, May promo kami pre, Tubig na may yelo o tubig na may alak?" Ngiti nito.

" Tang ina naman oh!"

" Kusang loob o santong paspasan pare?" natatawang saad pa nito. Napabuntong hininga naman ako saka tinaas yung kamay ko habang hawak yung cellphone ko.

" Dali na, yung phone ko baka mabasa." simangot ko. Napasingsap naman ako ng buhusan ako ng tubig nito gamit yung balde at hindi yung tabo.

" Wooh! Tang ina ang lamig!" simangot ko.

" Tagay pa pare." lahad nito sakin ng baso ng alak agad ko naman tong tinungga. " San ka ba galing? Fiesta na eh."

" Si Kent sinet up ako sa customer niyang mga bading."

" Talaga, nahada ka na?"

" Gago hindi, Maglaway sila pero hindi nila ko matitikman." hubad ko ng tshirt ko.

" Naku Tol, Mag ingat ka baka magang rape ka ng mga bakla dito."

" Papatayin ko sila, Sige una na ko." saad ko saka naglakad ilang bahay pa yung nadaanan ko haggang makarating ako sa tapat ng isang lumang apartment kung saan ako nakatira katabi yung bahay nila Kent.

Sino si Kent? Naging kabigan ko sya dahil sa banda, Parehas trombone yung hawak namin kaya madalas magkatabi kami sa mga praktis at tuwing may parada.

Parehas trombone ang buhay namin.

Ilang taon na din kaming magkaibigan, matatag na rin.

" Kent!" sigaw ko sa pinto ng bahay nila. " Kent!!" Bumukas naman yung pinto. Tumambad lang sakin yung nanay niyang nagkukuskos pa ng mata.

" Ethan, lasing yung kaibigan mo."

" Eh kasama po kami sa parada ah?"

" Ayun nakanganga sa Sofa." nguso nito sa upuan saka maluwag na binuksan yung pinto, pumasok naman ako dito saka hinila si Kent dahilan para malaglag sya sa upuan.

" Hoy gago, sabi ko sayo sasama tayo sa parada mamaya di ba?"

" Uhmm wag kang maingay." ungol nito. Sumimangot naman ako saka pumunta sa ref nila at kumuha ng pitsel. Kita ko naman na natawa yung Mama niya ng makita yung hawak ko.

" Wag daw maingay tita." kindat ko saka lumapit kay Kent na nasa sahig na. " Kent gising na!!" sipa ko sa kanya.

" Ayoko sumama, Kainis sabi ko lagyan ng vetsin iinumin mo eh."

" Gago ka talaga!" saad ko saka binuhos sa kanya yung malamig na tubig, kita ko naman yung panlalaki ng mata niya.

" Hayop ka Ethan!" gigil na saad niya.

" Happy fiesta! Gising ka na, Pupunta na tayo sa simbahan."

" Ang lamig shit! Pwede naman kasing wag na tayo sumama eh, sigurado talo nanaman tayo sa competition eh." saad niya saka tumayo. " Ang lamig talaga!"

" Aixt! Dali na." hila ko sa kanya.

" Eto na eto na, baka naman humiwalay yung braso ko." simangot niya. " Bakit ka nakahubad?"

" Naabutan na ko ng basaan dahil jan sa mga bakla mo."

" Oh kamusta, nagmotel kayo?"

" Gago." simangot ko natawa naman sya.

" Sabi ko naman kasi sa kanila di ka pumapatol sa bakla eh. Pwedeng pwede nating huthutan yung baklang yun tol, lakas magbigay eh."

" Ewan! Dali na magbihis na tayo." Lumapit naman sya sa aparador saka kinuha yung uniform namin sa banda na nakahanger.

" Plantsado na yan, magpasalamat ka kay mama." abot niya sakin nung isa.

" Amoy menudo yung bahay niyo; Ay mali pala buong bayan pala ang amoy menudo, Sige na magbibihis na ko." saad ko saka lumabas ng bahay nila Kent.

Tumuloy lang ako sa apartment na tinutuluyan ko, Pagmamay ari to ng magulang ko at nung magdesisyon akong humiwalay na sa kanila ay binigay sakin ang pamamalakad ng apat na pintong apartment na to, di na ko umasa sa magulang ko tanging kita ko sa banda at sa apartment yung pinagkukunan ko ng kabuhayan. Haixt mahirap pero sapat na para mabuhay.

Galing ako sa isang mayamang pamilya and I hate it.

Si Daddy ay may ari ng napakaraming business sa lugar na to, Isa rin syang Pastor. Taong nagpapalaganap ng salita ng Diyos haixt Simula bata palang ako pinakain na sakin lahat ng salita ng Diyos na alam niya. Lumaki ako na tanging bibliya ang hawak at hindi laruan. Hambalos imbis na yakap, Panglalait imbis na halik.

Si mommy naman ay isang aktibo sa Church, sa kahit anong okasyon makikita mo sya sa simbahan, Pagtulong sa mahihirap at pagpapakain sa mga nagugutom. Lahat yun ginagawa ni mommy. Sa anong dahilan? Kasi makasalanan sya.

Oo hindi ako naniniwala sa Diyos pero hindi dahil masaklap ang buhay ko, Hindi rin ako galit sa tinatawag mong panginoon kasi kabaliwan ang magalit sa isang nilalang na hindi naman totoo.

Di sya nageexist at papatunayan ko yun.

Alas kwatro ng madaling araw, lahat ng kasali sa parada ay nakatipon na sa harap ng simbahan kung saan magsisimula ang parada. Mula sa mga majorette hanggang sa musiko, mga parihadora at iba't ibang gimik ng mga sasama sa magaganap na parada.

Kasama din sa parada ang iba't ibang higantes na gawa sa paper mushie

Mula sa pinakamalitt hanggang sa pinakamalaki, halos lahat ng establishment sa bayan na to ay may higante na magrerepresent ng pangalan nila.

" Guy's ready na ba kayo? Matatapos na yung misa." saad ng leader ngbanda namin.

" Yes bibe!" asar namin dito dahil sa laki ng nguso nito haha.

" Hayop kayo!" asik nito.

" Inaantok ako grabe!" simangot ni Kent sa tabi ko natawa naman ako.

" Gago ka kasi alam mo naman na kasama tayo sa parada tapos nag inom ka."

" Eh napasarap eh."

" Masarap? Tandaan mo pag katapos ng sarap, dusa!" ngiti ko.

" At pagkatapos ng dusa, Sarap! Kabisado ko na yang linya mong yan." ismid niya. Natawa naman ako.

" Masikip sakin uniform natin." saad ko saka tinaggal yung botones sa bandang leeg ko, Feeling ko hindi ako makahinga.

" Sisihin mo si Bibe! Sya nagpatahi niyan."

" Nagkapalit ata tayo eh?"

" Gago ka ba Ethan, eh mas malaki katawan ko sayo."

" Aixt, at itong pulang feathers na nasa head dress natin? Parang di naman bagay, mas okay yung suot natin last year eh."

" Dami mong reklamo? Pagdaan sa bahay nung parada uwi tayo huh." saad niya.

" Bakit?'

" Palit tayo ng damit tapos sama tayo sa parada, tang ina enjoy naman natin tong fiesta?"

" Papagalitan tayo."

" Di na mapapansin yan." ngiti niya, Nagkibit naman ako ng balikat.

" Bahala ka, gusto ko din magpalit ng damit."

" Guys ready na!" sigaw ni Bibe, Pumuwesto naman lahat ng members ng musiko namin. Lahat ng may hawak ng trombone ay nasa unahan. Syempe kami ang mukha ng banda namin! Haha

Nagsimula na nga pumwesto lahat ng kasama sa parada, inayos yung pagkakasunod sunod ng mga kasali, tumutugtog kami para sa simbahan ng bayan na to. Yung ibang kasali ay mula sa iba't ibang baranggay at grupo.

" Ready na." saad ko saka pumuwesto habang hawak ko yung trombone ko. Kinindatan ko pa si Kent bago nagsimula tumugtog yung banda namin! Anong tugtog? Theme song ng Voltes V! Haha. Ngayon alam niyo na kung bakit natalo kami sa competition ngayon taon, panget ng piece namin eh! Haha

Ito ang buhay ko, di perpekto pero masaya.

Itong hawak kong instrumento? Ito ang buhay ko.

SI MARK

" Sofhie, hubarin ko na tong nasa ulo ko?" simangot ko kinurot naman niya ko sa braso. Nakasuot kami nun ng sungay parehas habang may kulay pulang lipstick sa labi at itim na eye liner haixt! Kainis bakit ganitong costume pa naisip niya.

" Shut up nga Mark." saad niya. Nasa plaza kami nun habang hinihintay yung pagdaan ng grupo ng kasamahan ko sa simbahan kung saan kami sasabay. " Ang gwapo mo kaya."

" Mukha akong kulto eh."

" Gwapo ka, maniwala ka sakin." ngiti niya.

" Yaan na nga." simangot ko. Ilang minuto pa namin pinapanuod yung parada ng makita ko si Ethan and Kent na tumatakbo habang hawak yung instrument nila. Nagtatawanan pa sila, para na silang basang sisiw dahil sa basaan.

Hanggang magtama yung mata namin ni Kent, Ngumiti naman sya sakin pero hinila na sya ni Ethan. Ang gwapo ni Kent, Haixt malaking tukso.

Tuwing Fiesta ay laging may nakahandang bumbero na nakapwesto sa plaza para mangbasa ng mga tao, well ito yung nagpapasaya sa mga nagpaparada tuwing dadaan na sila sa plaza.

Kitang kita sa mata ng mga ttao ng mga oras na yun yungsaya habang nanunuod sa parada, halos lahat nakangiti, lahat nagtatawanan.

Halos abutin din kami ng kalahating oras sa panunuod ng dumaan yung kaibigan kong sakristan agad naman kaming nakahalo ni Sofhie dito.

" Mark, Nice get up!" ngiti sakin ni Ivan.

" Ako nakaisip niyan." Saad ni Sofhie.

" Teka bakit hindi pa kayo basa?"

" Mabubura make up ko."

" No, hindi pwede yan Sofhie, Fiesta so dapat basa kayo! guys help." sigaw nito saka kami tinuro. Nakatinginan naman kami ni Sofhie. Shit!

" Tubig!! Tubig tubig!!!" sigaw nila sa bumbero habang nakaturo saming dalawa..

" Teka teka!!" tarantang saad ni Sofhie saka yumakap sakin, Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung pagtama ng tubig samin, shiiitt!!"

" Sige pa sige pa sige pa!!" sigaw pa nila habang nagsasayaw sa palibot namin. Natawa naman ako saka sinalo yung tubig. Di gaano kalakas yung pagbugso nito, Tama lang para gawin kaming basang sisiw ng girlfriend ko haha.

" Sofhie?" ngiti ko sa kanya ng hindi na samin nakatutok yung tubig. " That was awesome!"

" Kainis! Nasira na yung buhok ko."

" It's okay, you're still beautiful." akbay ko sa kanya.

" Really?"

" Oo naman." saad ko. " Let's go."

" Okay." ngiti niya saka nakihalo sa mga nagpaparada, Bawat dinadaanan namin nun ay may mga kanya kanyang gamit para mangbasa ng mga nagpaparada. Kasabay ng sikat ng aray yung pagbuhos ng tubig samin.

Taon taon sumasama kami sa parada, Well ngayon taon lang kami humiwalay sa simbahan kung saan kami lagi sumasama. Kakaibang experience, Kahit di ko mga kilala yung mga kasama namin feeling ko lahat kami close. Walang wall, walang hiyaan. Kanya kanyang trip at gagawin mo nalang ay sakyan sila.

Tawanan, Sayawan , gitgitan, hilahan lahat ng kasama namin masaya lang.

" Tagay pre." bunggo sa gilid ko, Nang lumingon ako nakita ko lang si Kent habang may hawak na baso. Iba narin yung damit nito at wala na syang hawak na instrumento.

" What?'

" Tagay." ngiti niya saka ngumuso sa baso, tiningnan ko naman si Sofhie na nakikigulo sa mga kasama namin sa parada.

" Di ako umiinom eh."

" Oh come on." saad niya saka nilagay sa kamay ko yung baso. " Inumin mo? Tititrahin kita sige." ngiti niya.

" Huh?'

" Joke lang, inumin mo na yan walang basagan ng trip tol, Fiesta eh."

" Di ba bawal to?"

" Coke to tol, imaginin mo coke to at makikita ng mga tao na coke yan, it's all in your mind you know." natatawang saad niya habang hawak yung bote ng alak. " Inumin mo na?"

" Pero?"

" Hahalikan kita kapag di mo ininom yan?" ngiti niya habang nakatingin sa labi ko napalunok naman ako.

" Fine." saad ko saka tinungga yung baso, Para tong gumihit sa sikmura ko kaya napangiwi ako.

" First time mo?"

" Yeah."

" Sa una lang yan, masasarapan ka na sa susunod. Ako nagpaexperience sayo ng first time at sisiguraduhin kong ako din ang second time, para wasak. " kindat niya. Agad naman akong umiwas ng tingin.

" Tang ina pare! Niyakap ako ng hayop an taong putek na yun!" bunggo samin ni Ethan na puro putek yung damit. Napangiti lang ako ng mapagmasdan sya, Puro putek yung puting damit niya, May kiss mark din sya pisngi.

" Gago ka kasi , bakit ka nagputi kasi, saka sino naman humalik sayo?" natatawang saad ni Kent.

" Yung bakla mo gago! Hanggang dito ba naman nakita parin ako."

" Patay na patay sayo yun, Tagay mo na." abot niya sa baso, Agad naman nitong tinungga yung baso.

" Lagot tayo nito kay Bibe!" natatawang saad niya, Ang puti at pantay pantay yung ngipin niya na lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya, Sino nga bang hindi magkakadarapa sa ganitong itsura.

Silang dalawa ni Kent ay parang isang masarap na pagkain, lahat gusto sila tikman.

" Okay lang yan, May kainuman na tayo habang nasa parada." turo sakin ni Kent, kumunot naman yung noo ni Ethan saka lumingon sakin.

" Oh, Ikaw pala yan." gulat na saad nito. " Mukha kang demonyo di kita nakilala."

" Gawa ng girlfriend ko." ngiti ko.

" Nice, bagay sayo. Teka lang huh kailangan ko ng tubig gagzki baka magmantsa to, ang hirap maglaba." saad ni Ethan saka kami iniwan ni Kent at nakihalo sa mga nagpaparada.

" Asan girlfriend mo?" tanong ni Kent sakin.

" Yun oh, yung nakablack na may sungay." turo ko kay sofhie na kasama nung kababaihan na nagpaparada.

" Bakit di kayo magkatabi?"

" Nangangati na kasi ako sa tubig, gusto pa niya magpabasa eh."

" Ah okay eh sa alak mangangati ka kaya?" saad niya saka nagsalin ng alak sa baso at binuhos sakin, Napanganga naman ako.

" What the!" nganga ko, natawa naman sya.

" Happy fiesta bro!!"

" Aixt, Damn it." saad ko saka inagaw yung bote at yung baso mula sa kanya.

" Hoy anong gagawin mo?"

" Gaganti." saad ko saka nagsalin din ng alak at binuhos sa kanya. Kita ko lang na napapikit sya. Shet! Parang biglang nag slow motion yung paligid habang pinagmamasdan ko sya na may ngiti sa labi.

" Sarap!" kagat labing saad niya saka dinakot yung pwet ko at tumakbo papunta kay Ethan. Inaakit ba niya ko?! " Hoy yung alak mo baka ako mahuli na hawak to." sigaw ko sa kanya.

" Oo nga pala, baka sa kulungan ka pa matira." kindat nito saka kinuha yung bote sakin at yung baso. Ano daw? " Joke lang!" ngiti nito saka nakihalo sa mga nagpaparada.

" Sino kausap mo hon?" saad ni Sofhie na basang basa na."

" Uhm kakilala lang."

" Sino?"

" Di mo kilala."

" Amoy alak ka?"

" Nabuhusan ako ng alak, yaan mo na." pilit na ngiti ko. Sa kasagsagan ng parada ay kasama na namin si Ethan at Kent, Minsan tinatagayan ako pati narin si Sofhie, Makulit din pala sila parehas, Kung ano anong trip yung ginagawa, nagsasayaw at pinapatagay kahit di nila kilala.

Nung mga oras na yun ramdam na ramdam ko na yung epekto ng alak sa katawan ko. Parang iumiikot na yung paningin ko pero hindi ko yun inalintana dahil sa saya ng parada.

Hanggang magtakbuhan yung mga kasama namin, kahit si sofhie ay tumakbo din, kahit di ko alam yung nangyayare ay tumakbo na din ako saka lumayo sa parada, shet baka nahuli na may dalang alak si Kent, haixt ayoko makulong.

Ilang hakbang pa ng mapatid ako at madapa.

" Shit!!"

" Okay ka lang iho?" tayo sakin ng isang Ale, Nang lingunin ko sila Sofhie nakita ko na hinahabol sila ng taong putek.

" Kuya may sugat ka sa tuhod." Saad nung bata. Nung tingnan ko yung tuhod ko kita ko lang yung masaganang pagtulo ng dugo mula dito, Aixt nang muling lingunin ko yung grupo namin ay malayo na ang mga ito. Kainis naman ang lampa!

" Hey are you okay?" rinig kong saad mula sa likod ko, paglingon ko nakita ko lang si Ethan. " What? Okay ka lang?"

" I'm Bleeding." saad ko.

" Kaya mong maglakad?" sinubukan ko naman maglakad pero naout balance lang ako buti nalang agad niya kong nasalo. Nahihilo na talaga ko!" Malaki yung sugat mo." saad niya na nakatingin sa tuhod ko.

" Talian ko nalang para wag dumugo."

" No, Dalhin kita sa ospital." saad niya saka nilagay sa balikat niya yung kamay ko.

"Pano si Sofhie?"

" Malaki na yung girlfriend mo, kaya niya ng umuwi mag isa." saad niya saka ako inakay palayo sa mga tao. " Lalalampa lampa kasi." bulong niya.

" Napatid lang ako." Saad ko hanggang nagpara sya ng tricycle, magkatabi lang kaming sumakay sa loob nun, Naiilang man ay hindi ko na inalintana dahil sa hapdi nung sugat ko. Kitang kita ko lang yung pagdugo ng tuhod ko kaya pumikit ako hanggang marinig ko yung pagpunit niya ng damit niya saka hinawakan yung tuhod ko. " Lalamigin ka."

" Kesa makita ko yan dumudugo." iwas niya ng tingin. " Manong dito po kayo sa street na yan dumaan, di po dadaan jan yung parada." turo ni Ethan.

" Ok iho." saad nung driver.

" Salamat." saad ko pagkatapos niyang talian yung sugat ko hindi naman sya sumagot, nanatili lang syang nakatingin sa kalsadang dinadaanan nung tricycle. Bakit nga ba sya ang kasama ko ngayon? Haixt nakalimutan ko na ba dapat iwasan ko sila.

Pagdating namin sa ospital ay naabutan namin dun yung napakaraming pasyente, karamihan dun ay sugatan din.

" Tang ina ang daming tao." iling niya pagpasok namin sa emergency room. " Uhm nurse pwede ba unahin niyo sya?"

" Hindi pwede, madami pang pasyente. Iparegister niyo mo muna sya dun sa registrar." saad nung nurse..

" Tang ina mauubusan sya ng dugo tapos di niyo aasikasuhin?"

" Edi ikaw magtanggal nung kutsilyo nun sa likod." turo nung nurse sa isang pasyente na may nakatusok na kutsilyo sa likod. " Hindi porket gwapo kayo, uunahin ko na kayo."

" Salamat kasi napansin mo na gwapo kami pero sige unahin niyo na sya." pilit na ngiti ni Ethan.

" Mabuti." irap nung nurse.

" Malabo to." napapakamot na saad ni Ethan habang sa ibang dereksyon nakatingin. Umupo naman ako sa isang upuan na andun.

" Hey kaya ko naman eh?" saad ko.

" Kaya mo? Gago ka ba? Nakita mo naman siguro yung sugat mo di ba, malaki! Namumutla ka na nga oh. Buti sana kung maliit na gasgas lang eh."

" Uhm malaking gasgas?"

" So ano gagawin natin? Hintayin kitang mamatay?"

" Tuhod lang to, makukuha to sa dasal." pilit na ngiti ko saka tumungo at nagdasal.

" Sige tingnan ko kung gagaling yan pagkatapos mo magdasal." sarkastikong saad niya, nag angat naman ako ng tingin. " Gumaling ba? Hindi di ba?" Marahan naman akong umiling.

" hindi."

" Kaya tigilan mo ko sa pagdadasal na yan, hintayin mo ko dito." saad niya saka naglakad palabas ng emergency room. Nang mga oras na yun napakarami pang dumating na hindi na maisakaso ng mga nurse at doctor, haixt.

" Nakapila ka ba iho?" saad ng matandang hirap sa paghinga.

" Hindi po, sige mauna na po kayo." ngiti ko.

" Salamat iho."

" Walang anuman po." ngiti ko. Ngayon lang ako nakapasok sa isang public hospital at hindi ganun kaorganisado yung mga tao, haixt Sana kasi di niya ko dito dinala eh.

Since nahihilo ako, yaan nalang!

Ilang minuto pa ng dumating si Ethan habang may hawak na plastik saka agad lumuhod sa harap ko. " Ano yan?" tanong ko.

" Gamot, Di ka maasikaso kaya ako na gagawa." saad niya.

" Sigurado ka?"

" Oo naman, tingin ko naman di na kailangang tahiin to eh." saad niya habang tinatanggal yung bahagi ng damit niya na tinali sa tuhod ko, napangiwi naman ako ng maramdaman yung pgsigid ng kirot.

" Dahan dahan please."

" Sure." pilit na ngiti niya saka pinunasan ng bulak yung dugo. " Mejo mahapdi to huh." Saad niya, di ko lang mapigilang ilibot yung tingin ko sa paligid, "God, Sana tulungan mo lahat ng nandito." bulong ko.

"Dahan dahan." ngiwi ko hanggang maramdaman ko yung bulak sa sugat ko, nakagat ko lang yung labi ko saka pumikit. Ang hapdi!

" Shhhh, it's okay." ihip niya dito. Habang ginagawa niya yun hindi ko lang mapigilang titigan yung mukha niya, Gwapo nga sya lalo na sa malapitan nag angat naman sya ng tingin saka pilit na ngumiti. " Masakit?"

" Yeah."

" I'm sorry, Ngayon lang ako gumamot ng sugat, natataranta kasi ako kapag nakakakita ng ganito eh." saad niya habang nilinis yung sugat ko. " Lalagyan ko na ng gasa huh."

" Okay." pilit na ngiti ko, pagkatapos niya lagyan ng gasa ay tumayo na sya saka ako inakay din tumayo.

" Ako na gagamot sa kanya." saad nung nurse na lumapit samin.

" Tapos na ate, eh kung inuuna mo yung pag tanggal nung kutsilyo sa likod nun." simangot ni Ethan.

" Edi okay." irap nung nurse samin. " Ingat kayo."

" Okay na yan, bumili ka nalang ng gamot." saad ni Ethan sakin.

" Anong gamot?"

" Antibiotic, Magtanong ka nalang sa botika."

" Salamat huh."

" Okay lang, may pamasahe ka bang dala? Isasakay na kita sa tricycle?"

" Na kay Sofhie yung pera ko eh?" pilit na ngiti ko.

" Haixt okay, gusto mo ba ihatid nalang kita sa inyo?"

" Okay na ko."

" Hahatid na kita, baka madapa ka nanaman eh."

" Si Sofhie?"

" Sino nga uli si Sofhie?"

" Yung girlfriend ko."
" Malayo na yung parada, well kung gusto mo pa maglakad, choice mo yan."

" Uhm."

" Umuwi ka na, mukhang may tama ka din ng alak eh. Gago talaga yang si Kent eh."

" Nahihilo lang naman ako eh."

" Basta uuwi ka na, San ka ba nakatira?"

" Uhmm."

" Naalibadbaran ako sa itsura mo, Mukha ka talagang demonyo sa get up mo." kuha niya nung sungay sa ulo ko saka tinapon. Napansin ko naman yung bahagi ng damit niya na may punit, kitang kita yung sikmura niya tila inukit sa ganda at yung mumunting balahibo na tumutuloy sa parteng yun. " What?"

" Di ka ba nilalamig?"

" Isipin mo yang sugat mo, wag yung katawan ko." Ismid niya napalunok lang ako, alam ko unti unting nagigising yung kakaibang init sa katawan ko habang pinagmamasdan ko yung kabuuan niya. Haixt! " Tara maghanap na tayo ng tricycle para makauwi ka na." saad niya saka nilagay sa balikat niya yung kamay ko. Ogh God, Kasalanna ba tong nararamdaman kong arousal dahil sa pagkakadikit niya sakin.

" Kaya ko na maglakad."

" Shut up, ayoko ng makulit."

" Pero."

" I said shut up?" lingon niya sakin. Agad ko naman iniwas yung mukha ko dahil sobrang lapit ng mukha niya. " Ayoko ng makulit okay?" Saad pa niya. Hindi naman ako nagsalita habang naglalakad hanggang isang kotse yung huminto sa gilid namin.

" Shit!" gigil na bulong ni Ethan, kita ko naman na bumaba yung salamin nung sasakyan.

" Kilala mo?" tanong ko sa kanya pero di sya sumagot.

" Ethan." saad nung matandang lalakeng sakay nung kotse.

" Dad."

" Ano nangyare sa inyo?"

" Nasugatan lang sya Dad, pauwi na din kami."
" Okay alis na ko. Mag ingat kayo next time." saad nung daddy niya, muli naman sumara yung salamin nung kotse saka to muling pinaandar. Isang buntong hininga naman yung pinakawalan ni Ethan.

" Tara." pilit na ngiti niya.

" Kilala ko yung daddy mo, Pastor sya di ba?"

" Yeah."

" Nice, Kaya siguro matulungin ka." ngiti ko.

" Wala syang kinalaman sa pagtulong ko sa iba, At Isa pa hindi na ko sa kanya nakatira kaya kung ano man ako ngayon, sigurado ako na hindi yun dahil sa kanya."

" Uhm, Really?"

" Yeah, Di nakakapagtaka na kilala mo si Daddy, Lagi yun nasa simbahan eh." saad niya, huminto naman kami sa isang waiting shed, pinaupo niya lang ako saka sya tumabi sakin.

" Wow, Tingin ko magkakasundo tayo."

" Why?'

" Kasi lumaki ka na baon yung aral ng simbahan. Daddy mo si Ted Zarate so ibig sabihin Mommy mo si Ms. Cathy?"

" Yeah Parents ko sila at tama ka na lumaki ako na baon ang aral ng simbahan."

" Talaga? Si Kent kaibigan mo sya di ba? So malamang relihiyoso din sya katulad mo?"

" Huh?"

" Si kent?"

" Hindi sya relihiyoso, Mas lalo na ko."

" What?"

" Hindi ako relihiyoso, Di ako naniniwala sa Diyos mo."

" Seryoso?" tanong ko habang nakatingin sa mukha niya, marahan naman syang tumango. " You mean.?"

" Yeah, vampire ako." ngiti niya.

" Vampire?"

" Oo, So wag kang umasang magkakasundo tayo kaso malabo pa yun sa Tv na walang antena."

" Vampire ka? Ibig sabihin umiinom ka ng dugo at takot ka sa krus?" saad ko saka nahawakan yung kwintas ko na may pendant na krus.

" Hindi ako takot sa krus, I just hate it."

" Bakit?"

" Pano mo nasisikmura na magsuot ng isang kwintas na simbolo ng pagtoture sa isang nilalang? Imagine this, pano kung narape ka tapos yung itsura mo pagkatapos nun gagayahin ko at gagawin kong kwintas? Kalokohan!"

" Uhm simbolo to ng-"

" Nevermind ganito nalang, Bakit ayaw ng vampire sa krus?"

" Bakit?"

" Coz they hate bullshit!" ngiti niya. " And I hate bullshit."

ITUTULOY  

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon