Ethan.....
Continuation.....
" Sorry." umiiyak na saad ko, nagbigay naman sya ng pilit na ngiti saka umiba ng tingin.
----
"Tol, bakit di ka pumasok?" salubong sakin ni Ethan ng hapon na yun. Parang wala naman sa sariling nilampasan ko sya. " Tol, anong nangyare sayo? Nabugbog ka ba?"
" Tol, wag ngayon." walang emosyong saad ko.
" Si Russel di rin pumasok, kasama mo ba sya?"
" TOL BINGI KA BA HUH!" sigaw ko, natahimik naman sya saka marahang tumango.
" Kung may kailangan ka, katukin mo lang ako." saad niya, agad ko naman pinunasan yung luha na tumulo sa mata ko saka pumasok sa bahay, naabutan ko lang dun si Mama habang kausap si Papa.
" San ka galing, anong nangyare jan sa mukha mo?" salubong sakin ni Papa.
" Wala lang to pa, napaaway lang." Saad ko aktong lalampasan ko sya ng hawakan niya yung braso ko, dun ko lang napansin yung pag-iyak ni Mama. " Anong ginagawa mo sa buhay mo Kent?"
" Ginagawa ko sa buhay ko?"
" Bakit nagkakaganyan ka?"
" Tangina ano ba to, bakit umiiyak si Mama? Kung tungkol sa pera nanaman, ako ng bahala." saad ko, naramdaman ko naman yung higpit ng hawak ni papa sa braso ko.
" San ka kukuha ng pera huh!"
" Anak sabihin mo sakin, hindi totoo yung naririnig ko?" umiiyak na saad ni Mama.
" Ano naririnig niyo?"
" Totoo bang nagcacallboy ka huh!" madiin na saad ni Papa, umiwas lang ako ng tingin saka pinunasan yung luhang tumulo sa mata ko. " Sumagot ka!"
" Anak, hindi ba tama yung pagpapalaki namin sayo?"
" Sumagot ka Kent!" amba sakin ni Papa.
" Oo!" sigaw ko. " Yun ang gusto niyo marinig di ba?"
" Anak alam mo ba kung gaano kasakit sakin na naririnig ko sa mga tao na yung anak ko kung kanikanino sumasama, nagpapagamit, kung saan saang motel pumapasok? Anak ang sakit marinig na yung anak namin napapariwara." iyak ni Mama.
" Masakit? Sana bago kayo nagnakaw, Inalam niyo rin muna sana kung masasaktan ba ko sa sasabihin ng ibang tao sa inyo!"
" Anak."
" Masakit di ba? Ma nasasaktan din ako tuwing nilalait kayo ng ibang tao sa harap ko!" umiiyak na saad ko.
" Hindi to tungkol sa Mama mo!"
" Hindi nga, kasi tungkol to sa pamilya natin! Pa, Alam mo naiinis ako kasi naiisip ko na sana may trabaho ka nalang eh, pa sana ikaw yung bumubuhay samin, Pa sana ikaw yung pinagkukuwaan namin ng lakas, pero ano? Pa ano? Wala di ba! Pa naiinis ako kasi gusto kita sumbatan pero hindi ko kaya kasi tatay ko kayo!" Umiiyak na saad ko, tumungo naman si Papa. "Pa, anng sakit, ang sakit na marinig ko sa ibang tao na inutil yung tatay ko, na magnanakaw ang nanay ko! Nasaktan kayo sa pagcacallboy ko? Edi parehas lang tayo!"
" Ititgil mo yang ginagawa mo, magtatrabaho ako." Saad nito kasabay ng luha.
" Pa, I'm sorry." umiiyak na saad ko.. " Ma, ang sakit, Ma ang sakit." hindi ko lang mapigilang mapaupo sa sahig nun habang tuloy yung luha ko. Tangina bakit nagawa ko yun kay Russel, bakit! Pakiramdam ko hinang hina ako ng mga oras na yun.
" Anak."
" Ma, patawarin niyo ko." hagulgol ko.
--
Ilang araw ang lumipas ay hindi parin pumasok sa school si Russel, nabalitaan ko naman na umalis na yung magkapatid na fuentez habang kami ni Russel, naiwan sugatan, naiwan mula sa isang pangyayareng di na muli pang maibabalik.
Isang pangyayareng nagbigay ng lamat sa pag-ibig na kaytagal inasam.
Araw araw akkong pumupunta sa bahay niya para ipagluto, gamutin yung sugat at samahan para di maisip na mag-isa sya, kadalasan tulala lang sya, hindi nagsasalita wala ng gana mabuhay.
" Russel, May dala akong pagkain." Bungad ko pagpasok sa bahay nila. Naabutan ko lang syang tulala habang nakikinig ng radyo. Hanggang ngayon kinakain parin ako ng kunsensya ko dahil sa ginawa ko sa kanya. " Tara kain ka na?" Saad ko habang pinagmamasdan sya, kita kita na yung paglalim ng mata niya, yung panunuyo ng labi at yung kawalang buhay ng mga mata niya, malayong malayo sa Russel na una kong nakilala.. " Kailangan mo kumain." saad ko saka umupo sa tabi niya. " Please kumain na oh." tumungo lang ako ng maramdaman yung pamumuo ng luha sa mata ko, pwede pa nga bang ibalik yung dati, yung masaya samahan sa pagitan naming dalawa.
" Ayoko."
" Hinahanap ka na sa school."
" Ayoko na pumasok."
" Russel."
" Ayoko na Andrei."
" Di ba magiging valedictorian ka pa? Pano na yun? Pumasok ka akong bahala sayo."
" Ayoko na." Saad niya kasabay ng luha, napatungo naman ako saka hinawakan yung kamay niya.
" Sorry, Sorry patawarin mo ko." bulong ko. " Di ko sinasadya yung nangyare, di ko alam na ikaw yun." umiiyak na saad ko.
" Andrei."
" Sorry."
" Andrei, kapag nawala ba ko mamimiss mo ko?" Saad niya, nagangat lang ako ng tingin saka tumitig sa mga mata niya. " Mamimiss mo ba ko, hahanap hanapin mo ba ko?"
" San ka pupunta?"
" Di ko alam." Iwas niya ng tingin. " Di ko na alam?"
" Kumain ka na please? Ang payat mo noh oh?"
" Dumaan sila kuya dale at kuya tucker dito."
" Mga hayop sila! May lakas pa talaga sila ng loob magpakita sayo! Tang ina nila!" gigil na saad ko. " Sa oras na makasalubong ko sila? Tangina gugulpihin ko silang magkapatid!"
" Binigay nila to." saad niya saka may kinuhang dalawang sobre. " Ito para sakin at ito para sayo." abot niya sakin nung isa.
" Para saan to?"
" Bayad nila." kagat labing saad niya. " Bayad nila sa paggamit satin." nakuyom ko lang yung kamao ko.
" Mga hayop!" bato ko ng sobre, nagkalat naman sa sahig yung laman nito. " Bakit ba ayaw mo magdemanda huh! Tutulungan tayo ng magulang ko. Gagawin ko lahat makulong lang sila!" tumungo lang sya saka may kinuhang cellphone sa bulsa niya, napanganga lang ako ng makita yung video naming dalawa habang nagtatalik.
" Ikaw ang ididiin nila kapag nagdemanda ako." naiiyak na saad niya.
" Tangina!"
" Andrei, wag na."
" Ano ganun nalang yun?"
" Wag na, saka may pera na ko."
" Aanhin mo yun kung buong pagkatao mo yung sinira nila, sinira ko?" nakatungong saad ko.
" Wala kang kasalanan Andrei, wala." Saad niya saka pinilit ngumiti at tinaas yung sobreng hawak niya. " May pangbayad na ko sayo."
" Ano?"
" May pera na ko, may pangbayad na ko." saad niya habang nakatitig sa mata ko.
" Russel ano ba?"
" Mahal kita Andrei at gusto ko bilihin yung pagmamahal mo, kahit sandali lang." Saad niya.
" Tangina ano ba sinasabi mo?" nilagay naman niya sa kamay ko yung sobre.
" Di ko alam kung magkano yan, pero sapat na siguro yan para maramdaman kong mahal mo ko kahit ilang oras lang."
" Nababaliw ka na Russel, pwede ba tigilan mona yang kahibangan mo!"
" Bayad na ko kaya akin ka na." saad niya saka ako hinalikan sa labi, hindi naman ako nakagalaw ng gawin niya yun, hinayaan ko lang sya hanggang mapahiga ako sa upuan. Ramdam na ramdam ko lang sa halik na yun yung paghahanap, sa bawat dampi ng labi niya ay tila nagmamakaawang sagutin ko ang mga iyun.
Pumikit lang ako saka sya niyakap at sinimulang sagutin yung bawat halik na ginagawa niya.
" Russel." bulong ko habang hinahalikan niya ko sa leeg. Rinig ko lang yung paghikbi niya pero tuloy parin sya sa paghalik. "Russel, Gumanti ka. Please gantihan mo ko. Russel hindi ako pinatutulog nung ginawa ko sayo, Russel gabi gabi ko naririnig yung pag-iyak mo." Di ko lang napigilan yung luha ko nun habang nakatitig ako sa sira sirang kisame ng bahay nila.
Naramdaman ko lang yung pagbaba ng halik niya sa dibdib ko saka to masuyong dinilaan, yung kamay niya na humahaplos sa balikat ko pababa sa braso, yung init ng hiningang niyang damang dama ng balat ko.
" Russel." bulong ko.
" Ayoko gumanti, ang gusto mo mahalin mo ko." bulong niya. " Please mahalin mo ko, Di ba sabi mo hindi bababuyin yung taong mamahalin mo?" hikbi niya
" Russel sorry." saad ko kasabay ng luha.
" Kahit sandali ba hindi mo ko kayang mahalin?"
" I love you." saad ko, kita ko naman na nakagat niya yung labi niya kasabay ng pagtulo ng luha sa mata niya. " I love you, Mahal kita. Yan ang gusto mo marinig di ba? Mahal kita Russel, sobrang mahal."
" Ang sarap pakinggan, sana mayaman nalang ako para mabili ko yung pagmamahal mo habang buhay. Para araw araw kaya kitang bayaran masabi mo lang na mahal mo ko, na sana may pera ako para hindi ka na umalis, para mahalin mo lang ako, para mahalin mo lang ako ng sobra sobra." hikbi niya.
" Russel ano ba?"
" Ipangako mo Andrei, pagkatapos ng gabing to. Pipilitin mo kong kalimutan, pipilitin mong maging masaya, pipilitin mong ituloy yung buhay mo. Ipangako mo Andrei na pagdating ng panahon, magmamahal ka, magmamahal ka kahit walang kapalit na pera."
" Russel, saan ka pupunta?"
" Pinapatawad na kita at wag mo iisipin na may kasalanan ka sa nangyare, kasalan ko kasi ako yung lumapit kay kuya Dale."
" Ano?"
" Nagmakaawa ako, nagmakaawa ako na wag niya kunin yung bahay pero di ko alam yun pala yung magiging kapalit, Andrei patawarin mo ako kung nadamay ka dahil sakin."
" Russel ano bang sinasabi mo?"
" I'm really sorry, Just promise na pipilitin mong maging masaya."
" Tangina!" gigil na saad ko saka umupo at humarap sa kanya. " Ano ba sinasabi mo."
" Wala kang kasalanan."
" Binaboy ka, ni Dale at higit sa lahat ako."
" Andrei may huling hiling ako."
" Russel ano ba sinasabi mo?"
" Iparamdam mo naman sakin kung paano ba ang mahalin, Andrei gusto ko maramdaman yun." umiiyak na saad niya.
" I love you, mahal nga kita tangina!" gigil na saad ko saka tinaas yung mukha niya para magtapat yung mukha namin. " Mahal kita." Saad ko saka sya masuyong hinalikan sa labi naramdaman ko naman yung pagsagot niya sa halik na yun hanggang inakay ko sya patayo saka sya dinala sa kwarto niya.
Naramdaman ko narin yung paghaplos ng kamay niya sa likod ko papunta sa batok hanggang tuluyan kaming mapahiga sa maliit na kama ng kwartong yun, wala sa sarili hinubad ko yung damit ko saka sya mapusok na hinalikan.
" Sayo ako, sayo na ko." saad ko habang hinahalikan ko yung tenga niya. Hanggang itulak niya saka pinatungan, Nagsawa lang sya sa paghalik sakin, mula sa dibdib hanggang sa tagiliran habang yung kamay niya ay humihimas sa ibabaw ng short na suot ko.
Nang magsawa sa paghalik ay lumuhod na sya sa pagitan ng mga hita ko saka sinimulang tanggalin yung sinturon ko, kitang kita ko parin yung paghikbi niya pero pilit niya na tong pigipigilan.
" Wag ka ng umiyak oh?" Saad ko pero umiling lang sya saka binaba yung underwear ko, kuwala lang dito yung tigas na tigas kong alaga,ilang sandali niya tong pinagmasdan saka dahang dahang nilapit yung ulo niya saka to unti unting sinubo. " Ahhh."
Ilang minuto niyang ginawa yun nang awatin ko sya saka sya hinila pahiga sa tabi ko at mapusok na hinalikan, sa pagkakataong iyun ay ako naman ang pumatong sa kanya, kasabay ng mapusok na halik ay sinimulan kong tanggalin lahat ng saplot niya.
" Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal." saad ko saka binuka yung mga hita niya, kita ko naman yung pagtulo ng luha niya kaya agad ko tong pinawi gamit ang labi ko.
" Dahan dahan Andrei."
" Mahal kita."
" Salamat." pilit na ngiti niya, kita ko lang na napapikit sya ng unti unti kong ipasok yung ari ko.
" Masakit ba?"
" Hindi, ituloy mo na."
" Sigurado ka?"
" Please." saad niya saka yumakap sakin ng mahigpit, dahan dahan naman akong umulos. " Ahhhh." ungol niya, ginawaran ko lang sya ng halik sa labi saka to masuyong kinagat. " Ahhh Andrei." ungol niya kasabay ng luha, unti utni naging mabilis yung paggalaw ko hanggang puro ungol nalang niya yung narinig ko, Di na namin inalintana yung pag-agos ng pawis sa mga katawan namin, basta ang alam namin ay iisa na kami. Mahal niya ko at mahal ko sya.
Habol habol namin yung hininga nun ng marating namin ng sabay ang rurok ng kaligayan, halos sabay kaming humihingal, sabay sa pagtibok ang mga puso, nanatili akong nakapatong sa kanya habang sya naman ay nakayakap sakin.
" Russel."
" Salamat kasi kahit sandali naramdaman kong mahal mo ko." bulong niya, humiwalay naman ako saka tumabi sa kanya, napagmasdan ko lang yung mukha niya habang nakapikit yung mga mata niya. " Gusto ko na matulog."
" Gusto mo ba dito ako matulog?" saad ko pero umiling lang sya. " Okay sige, uuwi na ko pero ipangako mo papasok ka na bukas?"
" Bye Andrei." Saad niya, napabuntong hininga naman ako saka umupo.
" Kahit araw araw mo ko gamitin, bumalik lang yung dating Russel gagawin ko." Saad ko pero tumalikod lang sya sakin. " Aalis na ko."
" I love you." bulong niya, pinilit ko lang ngumiti saka sya hinalikan sa noo saka tumayo at nagsimulang magbihis.
" Kapag nakakita ako ng airplane, magwiwish ako na sana bukas okay ka na." Saad ko. " Alis na ko, Bye Russel." Saad ko saka muling lumapit sa kanya saka sya biniyan ng mabilis na halik sa labi. " Bye."
---
Kinabukasan pagkauwi galing school ay dumeretso na ako agad sa apartment ni Ethan, Naabutan ko lang sya dun na nakahiga sa upuan habang nagbabasa ng libro.
" Ano yang binabasa mo?"
" Nagrereview, may exam tayo bukas di ba? Nakausap mo na yung teacher ni Russel?"
" Oo."
" Ano sabi, may pag-asa pa bang maging valedictorian sya kahit madami na syang namiss na lessons?"
" Depende daw yun kay Russel kaya dapat mapilit ko na syang pumasok para maasikaso niya yung mga namiss niyang lessons."
" Ano ba kasi nangyare?"
" Saka ko nalang ikwekwento, basta sinusumpa ko yung magkapatid na Fuentez!" gigil na saad ko.
" Ano ginawa nila kay Russel?"
" Kahayupan, Saka ko nalang ikwekwento tol."
" Eh ano ba ginagawa mo dito?"
" Magluluto, pagluluto ko lang ng sopas si Russel."
" Bakit hindi sa inyo?"
" Ang daming tanong ni Mama eh, kaya dito nalang."
" Bahala ka nga, Sama ako kala Russel huh."
" Next time nalang tol, ako nalang muna."
" Ganun, bawal sumama?"
" Oo, gago." pilit na ngiti ko saka nagsimulang magluto sa kusina ni Ethan. Kailangan makumbinsi ko na syang pumasok uli, sayang lahat ng pinaghirapan niya kung magpapatuloy syang ganun. Alam ko nasaktan sya, alam ko sobra sobra yung nangyare sa kanya, pagkatapos ko syang halayin at binubog pa sya ni Dale habang binababoy. Sana nga hindi ko nalang nakita yun, sana di ko nalang nakita yung mukha niya habang sinasaktan ni Dale.
" Hoy kumukulo na yun oh!" gulat sakin ni Ethan.
" Ay oo nga."
" Kent kung may problema ka, magkaibigan tayo huh, tayong tatlo nila Russel."
" Alam ko, pasensya na." saad ko saka pinatay yung kalan. Kita ko naman na nagkibit ng balikat si Ethan.
Pagkaluto ng sopas ay agad ko na tong inayos saka nilagay sa isang lagayan.
" Tol may sopas pa dun, kainin mo nalang."
" Sige, ikamusta mo ko kay Russel."
" Sige, alis na ko kapag hinanap ako ni Mama sabihin mo nasa sementeryo, kay Lolo celso."
" Teka dun ka ba pupunta?"
" Oo, yayain ko si Russel baka sakaling maliwanagan sya." ngiti ko saka lumabas ng bahay dala yung pagkain na niluto ko para kay Russel, sigurado magugustuhan niya to.
Pagdating ko sa harap ng gate nila ay agad kong nilagay yung ngiti sa labi ko, hindi ko na sya hahayang malungkot. Gagawin ko lahat bumalik lang yung dating Russel. Mamahalin ko sya, kung yun ang kinakailangan.
" Russel." Tawag ko pagpasok ng gate saka tinungo yung front door ngunit nagtaka lang ako na nakalock yung pinto nang pihitin ko yung doorknob. " Russel?" muling tawag ko ng pangalan niya ngunit wala akong nakuhang sagot.
" Russel?" katok ko sa pinto. Sinuri ko naman yung labas, wala namang nagbago, naroon parin yung mga tsinelas at kahit yung sapatos niya ay nakaayos parin sa isang tabi. " Russel." Saad ko na nilakasan yung katok, malamang nasa loob sya dahil nakalock sa loob yung pinto.
" Russel sumagot ka naman, si Andrei to?" sigaw ko pero tanging katahimikan ang sumagot sakin, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka umikot sa likod bahay at nagbakasaling bukas yung pinto duon.
" Russel ano ba, Hapon na tapos natutulog ka parin?" sigaw ko. Pagpihit ko ng pinto sa likod ay agad naman tong bumukas, pagsilip ko sa sala nakita ko lang na sarado yung pinto ng kwarto niya kaya tumuloy na ko sa kusina para ihain yung niluto ko.
" Russel gising na!" sigaw ko pero wala akong nakuhang sagot. Pagkatapos maghain ay kumatok na ko sa pinto ng kwarto niya, nabalot lang ako ng pagtataka ng kahit yun ay nakalock din. " Russel nagluto ako para sayo." Katok ko si pinto habang nililibot yung tingin sa buong bahay hanggang mapansin ko yung ayos ng mga upuan, ganun na ganun yung ayos nun kagabi nung umalis ako. Ibig sabihin di pa sya lumalabas ng kwarto?
" Russel ano ba gumising ka na!" sigaw ko saka nilakasan yung katok. " Tangina wawasakin ko tong pinto kapag di mo binuksan!" Sigaw ko pero ni isang kaluskos mula sa loob ay wala akong narinig.
" Russel ano ba!" unti unti nabalot ako ng kaba hanggang sinimulan ko ng itulak yung pinto, sinipa at sinuntok pero ni isang sagot wala akong narinig. " Russel naiinis na ko huh!" sigaw ko saka malakas na tinadyakan yung pinto. " Tangina di ka ba kumain huh!" inis na saad ko pagpasok sa kwarto pero tila tumayo lahat ng balahibo ko ng makita si Russel.
" Russel?" bulong ko saka dahan dahan akong napaluhod kasabay ng sunod sunod na patak ng luha mula sa mga mata ko. " Russel." bulong ko habang pinagmamasdan sya na nakabitin sa kisame ng kwarto. Nang mga oras na yun tila namanhid yung katawan ko, parang hindi ako makahinga, parang nawalan ako ng pakiramdam ang tanging nagawa ko lang ay yung umiyak, hayaan yung luha kong bumagsak, hayaan kainin ako ng hinagpis at lungkot.
.
Nasa iisang kwarto kami pero tanging ako nalang ang humihinga.
PRESENT
Kasabay ng pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko ay pagtulo ng napakainit na luha mula sa mga mata na ang tanging nagawa ay umiyak. Humihiling na sana ibalik ang kahapon.
" Napatawad ka niya Kent." saad ni Ethan.
" Pero hindi niya man lang niya nalaman na minahal ko sya, minahal ko sya hindi dahil binayaran niya ko." Saad ko habang pinagmamasdan yung tuloy tuloy na pagbuhos ng ulan sa labas ng apartment.
" Sigurado ako naramdaman niya yun, Malay mo sya ang magbubura ng lahat ng sakit jan sa puso mo." saad niya na may ngiti sa labi habang pinagmamasdan si Mark na nakahiga sa mahabang upuan na nasa sala niya. Nawalan to ng malay kanina sa harap ng simbahan habang sobrang lakas ng buhos ng ulan.
" Gago." simangot ko saka sinara yung pinto.
" Anong balak mo jan? Bakit kasi dito mo dinala?"
" Dun nga sana sa inyo kaso baka magulantang Mama mo."
" Uwi na ko."
" Hoy teka pano si Mark?"
" Nakantot mo na yan di ba? Kantutin mo uli?"
" Kent naman eh, alam mo naaalala ko si Russel sa kanya."
" Magkaiba sila." sarkastikong saad ko.
" Parehas sila, Parehas silang mahal ka." Ngiti niya.
" Okay sige, anong gusto mong gawin ko? Kantutin ko yan?"
" Ang gusto ko, mahalin mo sya." ngiti niya.ITUTULOY