Kent.....
Continuation....
" Pero parang totoo naman yun?" ngiti ko sinimangutan naman niya ko. " Pero seriously Ethan, si Kent I love him kaya sya lang ang gusto ko."
" So bubustedin mo ko?"
" Uhm yeah?"
" Ang gwapo mo eh noh, ikaw na." simamgot niya saka binilisan yung pagpedal.
" Hoy teka naman." habol ko sa kanya. " Eh magagawa ko kung si Kent ang mahal ko di ba? Saka wag ka ng kumontra pwede? Ikaw kaya nagsabi na may pagasa kami ni Kent kaya naniniwala ako dun."
" Mark, tangina mo." malutong na mura niya.
" Bakit?"
" Kasi ang tanga mo."
" Tanggap ko?"
" Na alin?"
" Na tanga ko?" ngiti ko.
" Ewan ko sayo."
" Cute mo pa nga Ethan, Haixt swerte ng babaeng mamahalin mo." saad ko napalingon naman sya sakin. " Pero next time, magtoothbrush ka muna bago manghalik huh."
" Sapak gusto mo?"
" Okay lang, wag lang kiss."
" Ang sakit mo sa ulo grabe!" saad niya saka mabilis na nagpedal, napangiti lang ako. Tong magkaibigan na to , Haixt one day masasama ko din dito si Kent, maghihintay ako sa araw na mamahalin niya ko, maghihintay ako hanggang sya na mismo magsabing di niya na ko sasaktan.Si Ethan, yung kiss.. Damn.. Damn! Hindi pwede, hindi pwede.
" Ano hoy tara na gusto ko na umuwi?" sigaw niya sakin, pinilit ko naman ngumiti saka nagpedal. Si Kent ang gusto ko, sya lang..magiging masaya sya, pinapangako ko.
SI KENT
Lumipas ang mga araw hanggang maging linggo pero kahit anino ni Dale hindi ko nakita. Sa bawat pagtugtog namin ni Ethan sa simbahan ay palihim akong naghihintay na darating sya, sabi ni Mark hindi naman umalis ng bansa yung magkapatid, Si calix naman di rin nagpapakita sakin, ang huling balita ko sa kanya pumunta daw sila ng bagyong ng pinsan ni Harvey, haixt bwiset!
" Mark." habol ko sa kanya, nakita ko syang kausap si Dale kanina habang tumutugtog kami ni Ethan sa balcony.
" Kent, sagutin mo naman yung tawag ko oh?"
" Tangina wag mo na sabi ako tawagan di ba?"
" Pero."
" Si Dale, close ba kayo?"
" Kami ni Kuya Dale? Yeah."
" Pwede lumayo ka sa kanya?"
" Bakit?"
" Basta lumayo ka sa kanya, hindi sya mapagkakatiwalaan naiintindihan mo ba?"
" Kaibigan ko sya? Si kuya nga sinasabihan akong layuan ka pero hindi ko ginagawa kasi gusto kita." ngiti niya, umiwas naman ako ng tingin. " Kent, gusto kita."
" Eh hindi nga kita gusto eh?"
" Pero di ba okay naman tayo bakit ngayon biglang ayaw mo na sumama sakin? Dati naman pumapayag ka kapag niyayaya kita?"
" Mark, wag kang tanga okay?"
" Kent please?"
" May number ka ba ni Dale?"
" Bakit?"
" Tangina ibigay mo nalang pwede?"
" Ayoko." saad niya saka tumalikod at naglakad.
" Tangina mo huh, tinatalikuran mo ko?" habol ko sa kanya. " Bakla ka talaga." asik ko pa.
" Kaya nga gusto kita eh."
" Tangina hindi ikaw ang gusto ko, ang gusto ko ibigay mo yung number ni Dale sakin."
" Bakit ba?"
" Makikipagsex ako sa kanya?" sarkastikong saad ko, tumigil naman sya sa paglalakad. " Mas mayaman sya sayo, mas may pera at sigurado akong mas magaling sa kama." Kita ko lang yung titig niya sakin kaya binigyan ko sya ng isang ngiti. " Hindi kita gusto kaya kung ako sayo, titigil na ko."
" Mahal kita."
" Wala akong pake?"
" Kent naman, I'm sorry kung galit ka parin dahil sa ginawa ko. Uhm kasi ano, desperado lang talaga kong-"
" Matikman ako?"
" Na mahalin mo ko?"
" Tangina mo." asik ko saka inagaw yung bag niya, binuksan ko lang to saka hinanap yung cellphone niya pilit naman niya tong hinahablot pero binigyan ko lang sya ng masamang tingin.
" Kent." saad niya, natigilan lang ako ng may makitang isang stem ng pulang rosas sa loob nun, hinugot ko naman to saka tumingin sa kanya. " Salamat nga pala dyan sa rose."
" Ano?"
" Bnigay sakin ni Ethan kanina sabi niya galing daw sayo."
" Galing sakin?"
" Oo."
" Tangina niya, sabi ko bigyan ka niya ng tae hindi ko sinabing rosas ibigay sayo, gago talaga." simangot ko saka binagsak sa lupa yung bulaklak saka tinapakan.
" Kent?!"
" Pwede ba Mark tumigil ka na sa ilusyon mo sakin." simangot ko, hanggang makuha ko yung cellphone niya sa bag, umupo naman sya saka sinimulang pulutin yung gutay gutay ng rosas. " Number ba talaga to ni Dale?"
" Yeah." mahinang saad niya, napabuntong hininga lang ako saka sya tinulungan pulutin yung mga petals na natanggal sa bulaklak. " Hindi ba talaga sayo galing to?" bulong niya.
" Hindi."
" Pero sabi ni Ethan."
" Wag kang maniwala dun sa hayop na yan, kakantutin ko talaga yun paguwi niya."
" Kent."
" Mark, wag ka naman tanga please? Layuan mo nalang ako?"
" Ayoko."
" Hindi nga kita mahal di ba?"
" Mahal naman kita eh, yung pagmamahal ko sapat na yun para maging masaya tayong dalawa."
" Tangina naman." iwas ko ng tingin saka tumayo, tumayo na din sya saka muling sinukbit yung bag niya. " Cellphone mo." abot ko sa kanya.
" Kent."
" Bakit ba ako gusto mo?"
" Basta ikaw ang gusto ko?"
" Ewan ko sayo, alis na ko."
" Kent teka."
" Wag mo ko susundan." simangot ko saka mabilis na naglakad, Tanginang Mark na yun, tanga ba sya, manhid o hindi talaga sya tao? Ilang beses ko na syang pinagtabuyan pero tuloy parin?
Si Ethan, gagahasain ko talaga yun biniro ko lang na bibigyan ko ng rose si Mark kapag pumayag syang sabay kaming magjakol, sineryoso mng gago puta! Bwiset talaga sya.
Tangina nilang dalawa!
Tiningnan ko lang yung number ni Dale saka tinawagan. Ilang sandali pa tong nagring hanggang may sumagot dito.
" Who's this?"
" It's me Dale."
SI MARK
Nakasimangot lang ako habang naglalakad papunta sa building kung saan yung klase ni Ethan, Haixt kainis sabi niya kay Kent galing yung rose tapos hindi pala.
Kahit isang beses hindi ko pa nakausap si Ethan kapag nasa school kami, pakiramdam ko talaga iba sya kapag nasa school, ibang iba. Sikat siya dito, maraming nagkakagusto sa kanya. Member sya ng isang banda na mismong paaralan na to ang bumuo.
Kapag nandito sya para syang ibang tao.
Maporma
Palangiti
Pinagpapantasyahan ng lahat
Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ko saka muling humakbang at nilibot yung tingin sa palligid.
Saan ba yung room niya, haixt kainis naman.
" Hi pwede magtanong?" harang ko sa isang babae na padaan.
" Sure?"
" Saan ko kaya makikita si Ethan?"
" Si Ethan Zarate ba?"
" Yeah sya nga?"
" Uhm ang alam ko may klase sya ngayon pero tapos na nga ata, check mo sa music room, I think nanduon sya." ngiti nito.
" Saan yun?"
" Ah dun sa pinakadulo." saad niya marahan naman akong tumango saka nagsimulang humkbang papunta sa tinuro nitong room, Nahihiya talaga ko lapitan sya pero damn gusto ko lang syang batukan, nakakainis sya.
Pagtapat ko sa room na yun nakita ko lang na nakabukas yung room, mejo madilim sa loob dahil tanging liwanag lang mula sa pinto ang nagbibigay ng ilaw dito.
Nang sumilip ako nakita ko lang si Ethan sa harap ng piano, may papel at ballpen syang hawak.
Napangiti lang ako ng ilagay niya sa tenga niya yung ballpen saka nilagay sa bibig yung papel na hawak niya hanggang magsimula syang tumipa sya sa piano. Ilang keys palang yung napipindot niya ng tumigil sya saka tumingala.
" Haixt! Nakakainis talaga!" inis na saad niya dahilan para malaglag yung papel na nasa bibig niya, pilit ko naman pinipigilan yung tawa ko. " Badtrip ka kasi, ang tanga tanga mo, tangina tanga na nga din pala ko bwisit!" saad pa niya saka kinuha yung papel at muling naupo sa harap ng piano.
Muling may sinulat
Tumulala ng sandali
Humugot lang sya ng malalim na hininga saka nilagay sa harapan niya yung papel na hawak niya.
Gumagawa sya ng kanta?
Nakita ko lang na nilagay niya na yung dalawang kamay niya sa piano saka humugot ng malalim na hininga, Ang gwapo talaga niya kapag naka uniform, ibang iba.
Ilang segundo yung lumipas.
Tumipa sya sa piano pero tumigil uli.
Aktong maglalakad ako ng muli syang magsalita.
" Mahal mo sya di ba?" saad niya. " Mahal mo sya Ethan, Mahal na mahal." kumunot naman yung noo ko, May mahal na sya?
Tumipa sya sa piano pero sa pagkakataon na yun, hindi na sya tumigil.
Napasinghap lang ako ng marinig yun, yung tunog nito, yung ganda at tamang pagtipa niya sa piano, tila to alon sa dagat na tumangay sa katinuan ko. Hanggang magsimula bumuka yung bibig niya.
Remember the way you made me feel
Such young love but
Something in me knew that it was real
Frozen in my head
Tanging paglunok lang yung nagawa ko ng mapakinggan yung boses niya.
Nagsimula lang akong humakbang papasok, tila ako hangin na sumasabay sa bawat tunog na nililikha ng mga daliri niya, tila ako alipin ng isang boses niya na nagdadala sakin kung saan.
Nang tumigil ako sa gilid ng piano, napagmasdan ko lang sya. Nakapikit sya pero tuloy parin sya sa pagtipa at pagkanta.
Oh god, bakit ganito nararamdaman ko?
ITUTULOY