Mark....
Continuation.....
" Gago! Tinatandaan ko para hindi mahirap yung pagsketch sa mukha mo kung sakaling marape mo ko tapos tumakas ka." Ngiti ko agad naman syang umirap.
" Ewan ko sayo Andrei, paskong pasko iniinis mo ko."
" Sarap mo kasi inisin."
" Andrei naniniwala ka sa love." maya maya tanong niya.
" Bakit mo natanong?"
" Wala lang?" kibit niya ng balikat.
" Sa ngayon hindi, sasagutin ko yan in the future, two, three or five years from now."
" Bakit hindi pa ngayon?"
" Kasi hindi pa ko naiinlove." iwas ko ng tingin, hindi pa nga ba? Tangina hindi pa talaga! Yung tibok nung puso ko kapag nakatingin sya sakin? Ano ba yun? Haixt tangina!
" So maniniwala ka sa love kapag nainlove ka na?"
" Oo, Pano mo masasabing basa ang pintura kung hindi mo hahawakan."
" Pero marami ng humawak at napatunayan nilang basa pa yung pintura?"
" Parang pagkain lang yan, di mo masasabing masarap kung hindi ikaw mismo ang titikim."
" Eh pano kung maubos ng iba?"
" Edi humanap ng iba? Tangina ano ba tong pinaguusapan natin?" simangot ko saka muling nahiga sa damuhan, ilang sandali pa ng humiga din sya, nang lumingon ako nakita ko lang yung titig niya sa mga butuin.
" Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars." mahinang bigkas niya ng lyrics, napangiti lang ako habang pinakikinggan sya sa pagkanta, buong gabi, buong magdamag sa ilalim ng butuin kasabay ng pagdaan ng isang sasakyang panghihimapapawid ay pag-usal ng isang hiling, Hiling na tila tinupad ng hangin.
Yung gabing yun ay isa sa mga gabing nais kong maulit sa kasalukuyan, Gabi na tila may tumulak sa babasagin kong puso na mahulog kung saan. Mula sa nahihimbing na anghel hanggang sa mainit na palad na dumampi sa malambot na mukha at paglapat ng mga labing tila uhaw na uhaw sa totoong ligaya. Sa ibabaw ng berdeng damuhan at sa ilalim na kislap ng mga tala ay natagpuan nang isang tulad ko ang tunay na kahulugan ng salitang ligaya.
" Andrei." bulong niya natauhan naman ako saka agad humiwalay,tangina bakit ko sya hinalikan! Hayop talaga!
" Hoy hindi kita hinalikan huh! Ano kasi nangangati yung labi ko eh parang ang gaspang ng lips mo, kakamutin ko lang sana!" saad ko saka tumayo at agad pumasok sa bahay nila.
Bwiset!
Pagkatapos ng araw ng pasko ay nakipagkita na sakin si Tucker kasama yung kapatid niya. Kailangan ko ng pera para matulungan ko si Russel sa mga gamot ni Lolo, haixt bahala na.
Nag-abang lang ako sa isang kanto nun ng huminto yung motor ni tucker habang angkas yung sinasabi niyang kapatid niya. Base sa itsura nito ay di mo mahahalatang bakla sya, mula sa pananamit hanggang sa tindig at tingin, lalakeng lalake.
" Dale , this is Andrei."
" Hi." tango ko sa kanya.
" So, what do you think?" ngiti ni Tucker, kita ko lang yung pagsuri sakin ni Dale mula ulo hanggang paa saka nagbigay ng sarkastikong ngiti.
" Baka naman makulong tayo kuya?"
" Hindi yan, sampung libo."
" Malaki ba yan?" ngiti ni Dale.
" Oo, malaki pa sa inaakala mo." ngiti ko.
" Sabi sayo, palaban eh, saka malaki talaga."
" Nagpapatira ka ba? Gusto mo din ba ng malaki?" Ngiti niya.
" Ano?"
" Top ako."
" Top?"
" Yeah, at gusto kita ibottom."
" Ano yun?"
" Yung ginawa mo sakin, yung kinantot mo ko. Gusto niya gawin sayo yung ginawa mo sakin." ngiti ni Tucker.
" Eh tang ina mo!" asik ko sa kanya.
" Tucker di ba sabi ko naman sayo, top ako." iwas ang tingin ni Dale. " Eh kung yayain ko nalang yung tutor ni Calix, Mas type ko yun kesa dito sa lalake mo."
" Sino yung tinutukoy mo, si Russel ba?" gigil na saad ko.
" Kilala mo sya?"
" Oo tang ina niyo! Subukan niyo lang galawin sya ipapakain ko talaga tong titi ko sa inyong dalawa!"
" Nakakatakot, Kuya sige na may pupuntahan pa ko. sayo nalang yan" sarkastikong saad niya saka tumalikod. " Maghahanap nalang ako ng iba." habol na lingon pa nito. " At di ko type si Russel, masayadong malambot."
" Hoy tangina niyo, subukan niyong galawin si Russel papatayin ko kayo parehas."
" Bakit type mo ba sya?" ngiti ni tucker.
" Hindi, kapatid ko na yun gago!"
" Ah okay, Sampung libo? Gusto talaga kitang matikman uli."
" Hoy tangina wag niyo galawin si Russel please?"
" Hindi gagalawin ni Dale yun, magagalit yung tinuturuan nun sa bahay."
" Siguraduhin mo lang."
" Yeah, tara tayo nalang. Excited na kong malawayan ka." ngiti niya saka hinawakan yung kamay ko pero agad ko tong hinugot. " Ayaw mo?"
" Tara na, sampung libo huh." simangot ko kita ko naman yung pagngiti niya saka nagmamadaling sumakay sa motor niya. " Tucker, please wag na si Russel, kawawa naman si Lolo celso kapag napariwara sya."
" Okay pero ang sarap pakinggan na tinawag mo ko sa name ko, Andrei pangalan mo di ba?'
" Yeah, at pwede mo ko bilihin kahit ilang beses bilang Andrei." saad ko kita ko naman yung pagtango niya saka ngumiti.
Mukha namang di type nung dale si Russel, bwiset mukhang kakaiba pa naman yung dating nung dale na yun! Parang di gagawa ng mabuti.
Muli pagpasok namin ni Tucker sa isang motel ay di ko na sya napigilan pa sa gusto niyang gawin sa katawan ko, bawat halik, bawat pagsubo at pagtira ko sa kanya ay ligaya ang hatid hindi lang sakin kundi sa kanya.
Hindi lang sya ang naliligayan dahil alam ko ginagawa niya rin lahat para masarapan ako sa nangyayare samin.
" Ang sarap mo talaga!" iling niya pagkatapos naming magshower ng sabay, paghiga ko sa kama ay agad niya ng hinarap yung ari ko saka to muling sinubo at sinuso.
" Ahh, sa lahat talaga ng nakasex ko ikaw ang pinakamagaling chumupa." ngiti ko habang pinagmamasdan yung ginagawa niya.
" Expert eh, saka masarap ka lang talaga kaya ginagalingan ko." rinig kong saad niya, nakagat ko lang yung labi ko ng isubo niya pati yung dalawang itlog ko saka pinaglaruan sa bibig niya, tangina yung ligayang dulot nun ay abot hanggang langit. Sobrang sarap sa pakiramdam.
" Sige pa kainin mo lahat, dilaan mo." hawak ko sa ulo niya saka sinubsub sa titi ko. " Subo mo!" hawak ko sa titi ko saka sinubo sa bibig niya agad niya naman tong sinuso, hinawakan ko lang yung ulo niya saka umulos at kinantot yung bibig niya. " Ahh shit ang sarap!"
--
Lunes ng gabi yun ng pumunta ako sa bahay nila Russel, Naabutan ko lang syang nakatingala sa mga butuin habang nakaupo sa isang upuan, nasa tabi niya yung guitara niya, sira yung string nito.
" Hoy, bakla." gulat ko sa kanya.
" Andrei naman eh!" simangot niya saka umurong para makaupo ako. " Kainis ka talaga."
" Kamusta check up ni Lolo?"
" Okay naman."
"Anong okay? Okay lang sinabi ng doctor? Tang ina nagbayad pa kayo sana ako nalang nagsabi na okay si Lolo?"
" Ewan ko sayo!" simangot niya, napangiti naman ako.
" Ang serious mo kasi, bad news ba?"
" Hindi naman?"
" Eh bakit malungkot ka?"
" Sira yung guitara ko eh." buntong hininga niya.
" Sus yan lang ba? Dalhin ko papagawa ko bukas." ngiti ko.
" Talaga?"
" Oo naman, so ano sabi nung doctor ni lolo? Mabubuhay na ba sya hanggang hundred years?"
" Andrei naman eh!"
" Joke lang! Ano nga sabi ng doctor?"
" Yun dapat mag-ingat sa mga kinakain kasi anytime pwedeng maulit yung stroke."
" Pero okay naman daw?"
" Matanda na si Lolo kaya dapat super mag-ingat na, bawal magalit, bawal maging sobrang masaya haixt basta lahat ng sobra bawal."
" Ganun talaga eh, kung gusto mo makasama pa yung Lolo mo kailangan sundin yun."
" Alam ko."
" Bakit ba parang malungkot ka?"
" Hindi ako malungkot, may iniisip lang ako."
" Ano naman?"
" Andrei may tanong ako." seryosong saad niya.
" Ano?"
" Kung sakaling may magoffer sayo ng malaking pera para sa sex, tatanggappin mo ba?" Saad niya habang nakatingala, napalunok lang ako saka umiwas ng tingin. " Kung sakali lang."
" Depende?"
" Depende saan?"
" Sa itsura saka sa pangangailangan ko, kung may itsura bakit hindi at kung kailangan ko yung pera bakit hindi?"
" Pero di ba dapat sa mahal mo lang yun ginagawa."
" Di noh, For me while you can, have sex." ngiti ko.
" Uhm nung una tayong nagkausap, ginagawa mo ba talagang mang-alok para sa pera kapalit ng sex?" lingon niya sakin, nagkibit lang ako ng balikat. " I'm sure hindi, malamang nakadami ka lang ng kape nung araw na yun."
" Pano ung sabihin kong Oo?" seryosong saad ko kita ko naman yung tingin niya sakin. " Oo."
" Seriously?"
" Ginagawa ko yun." saad ko humugot naman sya ng malalim na hininga. " Bakit?"
" Sigurado mayroon kang dahilan kung bakit mo ginagawa yun."
" Meron naman, dahil sa pera.."
" Dahil sa pera?"
" Oo." ngiti ko, umiba naman sya ng tingin saka humugot ng malalim na hininga. " So, kung gusto mo ko? Mag ipon ka na kasi papatulan kita kahit di kita type basta may pera ka."
" Pano kung gawin ko rin yun?" lingon niya sakin, natigilan naman ako.
" Ang alin?"
" Magpabayad para sa sex?"
" Wag."
" Bakit naman?"
" Basta wag!" simangot ko. Napabuntong hininga naman sya. " Buti sana kung ikaw yung lalake, Russel di mo kakayanin."
" Di ba masarap makipagsex?"
" Masarap, masarap kung mahal mo yung taong kasex mo, pero kung yung taong gagamit sayo di ka mahal? Hindi sex ang tawag dun.. Pangbababoy."
" So, yung mga nakakasex mo binababoy mo?"
" Oo." iwas ko ng tingin. " Yung mga ginagawa ko kapag may kasex ako? Russel hindi ko yun gagawin sa taong mahal ko. Yung sampal, yung panununtok ko, Russel hindi. Kaya ikaw mag-ingat ka sa mga katulad ko."
" Sex addict ka ba?"
" Hindi ko alam at ayoko malaman, Russel wag na wag kang magpapabayad para sa sex. Kasi bababuyin ka lang nila."
" Bakit ikaw?"
" Lalake ako, at kaya ko sila upakan sa oras na bastusin nila ko eh ikaw? Kaya mo ba makipagsapakan?" Saad ko, umiling naman sya. " Kung kailangan mo ng pera? Ako nalang gagawa ng paraan."
" Nahihiya na ko sayo eh."
" Sapak gusto mo?" simangot ko, ngumiti lang sya saka umiling.
" Gusto ko sana subukan?"
" Tangina mo huh, isipin mo si Lolo? Tingin mo magugustuhan niya kapag nalaman niyang nagpapababoy ka sa iba? Russel bakla ka at kung gusto mo irespeto ka, irespeto mo muna yung sarili mo."
" Bakit ikaw?"
" Bakla ka, lalake ako at yun ang pagkakaiba natin."
" Andrei kasi ano."
" Kung gusto mo talaga subukan, tang ina ako nalang magbabayad sayo para wag mo na subukan, Wag lang masaktan si Lolo Celso! Parang kapatid na kita at tingin mo bilang kapatid gugustuhin kong saktan ka ng iba? Russel naman."
" Kapatid?"
" Oo kapatid na turing ko sayo at ayaw ko maranasan mo yung ginagawa ko sa mga baklang nakasex ko."
" Nasarapan ba sila sayo?" seryosong tanong niya.
" Ano bang tanong niya?"
" I'm curious?"
" Tangina ka!" simangot ko saka umiwas ng tingin.
" Pwedeng pakiss?"
" kiss mo yung pader gago! Uwi na nga ako at ikaw umayos ka, ayusin mo yung buhay mo, magtapos ka muna mag-aral bago ka lumandi!" simangot ko saka tumayo at naglakad palabas ng gate nila, Nang lumingon ako kita ko lang na tumingala sya saka sumandal sa upuan.
Di ko alam kung bakit, may nararamdaman akong libog sa kannya pero di ko maisip na may mangyayare sa pagitan namin, parang di ko kaya, Ayoko syang saktan. Haixt tangina naman kasi.
--
Sa buong holiday break ata ng taong yun,kaming tatlo ni Russel at Ethan ang magkasama pero kadalasan nauuna laging umuwi si Ethan, Ako naman tumatambay pa sa bahay nila, naglilinis at nang-aasar. Haha
" Ano nanaman iniisip mo?"
" Si kuya Dale kasi eh." iwas niya ng tingin.
"Bakit ano meron sa kanya."
" Wala! Hindi ka pa ba uuwi?" simangot ni Russel habang nakatanghod sa bintana.
" Pinapuwi mo na ko?"
" Sabi mo pagkatulog ni Lolo uuwi ka na? Kanina pa kaya tulog si Lolo?"
" Wala naman kasi akong gagawin sa bahay, saka masarap humiga dito sa upuan niyo." lingon ko sa kanya pero irap lang sagot niya.
" Ewan ko sayo."
" Ano ba kasi iniisip mo, kanina ka pa tulala? Malamang titi nanaman iniisip mo noh?" ngisi ko.
" Bastos mo talaga."
" Ano nga iniisip mo? Ako ba?"
" Ikaw?" Sarkastikong saad niya.
" Oo, ako habang nakahubad? " ngiti ko.
" Joke ba yun? saka di naman maganda katawan mo noh, di rin karin masyadong gwapo, sakto lang." kibit niya ng balikat.
" Mamatay man?" Ngiti ko pero di sya lumingon sakin. " Hoy Russel mamatay man? Sakto lang ako?"
" Edi hindi!ikaw na gwapo." irap niya.
" Type mo ba ko?"
" Type kitang sipain palabas ng bahay, antok na ko Andrei uwi ka na please?"
" Sus gusto mo nga ako halikan?"
" Hoy Andrei parehas nating alam na ikaw ang unang humalik sakin, nung Christmas remember?" irap niya agad naman akong umiwas ng tingin. Edi ako! haha.
" Gago, nakalunok lang ako ng maraming hangin nun! Saka di ba humingi ka sakin ng kiss nung nakaraan?"
" Edi madami lang din akong nalunok na hangin nun, kapal mo grabe."
" Type mo lang ako, well di naman nakakagulat yun sa gwapo kong to?"
" Hang kapal!" simangot niya napangiti naman ako saka sya kinindatan.
" Bago matulog anong ginagawa mo?"
" Bakit?"
" Gusto ko lang malaman, may nakita kasi ako sa kwarto mo." ngiti ko saka tumayo at kinuha yung magazine sa likod ng radyo, kita ko naman na nanlaki yung mata niya. " Sino satin ang bastos?" saad ko agad naman syang tumayo para sana kunin yung hawak ko.
" Andrei bakit mo kinuha yan! Pakialamero ka!"
" Ang papanget naman ng mga lalake dito, tangina nalilibugan ka sa mga to? Kung bibili ka ng bold magazine siguraduhin mo naman yung nakakalibog!"
" I hate you!" simangot niya saka hinablot yung hawak ko, di ko naman mapigilang matawa.
" Gaano kalaking titi ba gusto mo?"
" Tigilan mo nga ako pwede?"
" Gusto mo sukatin yung akin?"
" Ano ba gusto mong patunayan huh, na bakla ako? Tapos ano? May ipangaasar ka na sakin kapag inakit mo ko tapos bibitinin? Basang basa na kita Andrei kaya tigilan mo ko kasi di kita papatulan." Simangot niya.
" Nagjajakol ka ba bago matulog?" ngiti ko kita ko naman na umiwas sya ng tingin. " Oy totoo? Grabe!"
" Bakit ikaw hindi ba?!"
" Uhm, Oo pangpatulog saka pangpaantok."
" Yun naman pala eh, normal lang yun kaya pwede ba umuwi ka na para-"
" Makapagjakol ka na?" nang-aasar na ngiti ko.
" Ang bastos mo grabe."
" Oy namumula sya!"
" Hindi noh, Rosy cheeks lang talaga ko, dyosa."
" Di nga, Pwede dito ako matulog?"
" Huh saan ka matutulog dito?"
" Kung sasabihin mong sa tabi mo okay lang sakin?"
" Andrei, nakadrugs ka ba? Tigilan mo ko pwede, umuwi ka na!"
" Wag kang maingay magising si Lolo, gusto ko magpaantok bigla, gusto mo manuod?" Ngiti ko habang nakatingin sa kisame, wala naman akong narinig mula sa kanya kaya lumingon ako. " Hoy natulala ka?"
" Ano sabi mo?"
" Gusto ko magpaantok? Gusto mo manuod kung paano ako magpaantok?"
" Hoy Andrei grabe ka huh!"
" Sino ba nagsabi na normal naman yun?"
" Ang alin?"
" Ang magjakol? Minsan everyday kong ginagawa yun kaya tingin ko normal lang nga yun, gusto mo ba makita kung pano ko gawin yun? Tangina tinatanong ko pa kung gusto mo, malamag!"
" Ah eh, Hindi ko gusto kaya umuwi ka na!"
" Sinungaling!" ngiti ko saka umayos ng higa sa kawayan na upuan. " Pengang unan dali, bibigyan kita ng live show."
" Ang bastos mo grabe!"
" Dali na! Nalilibugan ako ngayon kaya kailangan ko magpalabas."
" Ewan ko sayo! Matutulog nalang ako, pakisara ng pinto at gate huh!" simangot niya saka nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. Hindi ko lang mapigilang matawa saka sinimulang himasin yung ibabaw ng short ko, tangina gusto ko magjakol eh, ayaw niya manuod edi wag!
Nilabas ko lang yung ari ko ng masiguradong matigas na to saka nagsimulang magtaas baba yung kamay ko. " Ahh, tangina sino ba iisipin ko."
Ilang sandali pa ng marinig ko yung pagbukas ng kwarto ni Russel.
" Andrei!" simangot ni Russel paglabas ng kwarto agad ko naman tinakpan yung ari ko. " Grabe ang bastos mo!"
" Nagpaalam naman ako ah! Tangina mo istorbo ka eh!"
" Umuwi ka na!"
" Sandali lang tapusin ko lang to, kung ayaw mo manuod pumasok ka na sa kwato mo."
" Uhhmm.."
" Gusto mo manuod?"
" Pwede ba?"
" Wala na lumambot na, uwi na ko!" ngiti ko saka inayos yung short ko. " Bleh!" dila ko sa kanya saka tumayo at tumuloy sa pinto. Nanatili naman syang nakasimangot.
" Nakita ko naman."
" Okay lang, hindi mo naman to malalawayan."
" Kapag nagkapera ko, siguraduhin mong magpapabayad ka sakin huh."
" Sige ba, basta may pera ipaparamdam ko sayo kung gaano kasarap mahalin ang isang Kent Andrei Lee." kindat ko sa kanya. " Mahal ako mahalin kaya dapat pagipunan mo."
" Di mo kailangan bumili ng pagmamahal, ang gusto kong bilihin sayo ay yung ilagay mo ko sa bawat tibok ng puso mo, gusto ko mahalin mo ko." Seryosong saad niya.
" Tangina ang seryoso mo! Basta may pera, mamahalin ko kahit sino." kibit ko ng balikat saka lumabas ng bahay. " Uwi na ko, sa bahay nalang ako magjajakol."
--
Unang linggo ng taon ng muling bumalik yung mga studyante sa eskwalehan, balik na sa dating gawi, papasok sa umaga at uuwi sa hapon, si Russel naman ay kadalasan ay gabi na dahil sa pagtutor niya sa mga fuentez.
Alam ko kakaiba na yung nararamdaman ko sa kanya, di ko alam kung paano nangyare pero di ko na kayang di sya nakikita araw araw, Dati si Lolo ang pinupuntahan ko sa bahay nila, ngayon isa na sya sa mga dahilan.
" Russel late ka na!"" sigaw ko pagpasok sa bahay.
" Sshh wag kang maingay!" salubong niya sakin.
" Bakit?"
" Masama pakiramdam ni Lolo eh, parang ayaw ko nga pumasok eh."
" Apo, okay lang ako." bungad ni Lolo na nakasakay sa wheelchair niya. " Pumasok ka na."
" Sigurado ka ba Lo?"
" Oo naman, Andrei ingatan mo yung apo ko huh." Ngiti nito lumapit naman ako dito saka nagmano.
" Opo naman po Lolo, ako pong bahala sa kalandian ng apo niyo."
" Gusto mo kurutin kita Andrei, ang aga mo mang-inis huh!"
" Sige na apo, mag-ingat ka huh."
" Lo, uminom po kayo ng tubig huh saka po yung gamot niyo po wag niyo po kalimutan."
" Sige apo." ngiti nito, sabay naman kaming lumabas ng bahay ni Russel.
" Parang okay naman si Lolo ah?"
" Di makahinga yun kanina, inaatake ng hika niya." malungkot na saad niya.
" Eh parang okay naman ah?"
" Pinausukan ko na kasi kanina kaya naging okay sya, kailangan ko rin kasi pumunta sa mga Fuentez, ngayon kasi yung sahod ko. Ikaw ano gagawin mo after school?"
" Uhm may praktis kami sa banda."
" Ganun, anong oras matatapos?"
" Mga alas syite, daanan kita mamaya sa harap ng mga fuentez, gusto mo?"
" Okay lang ba?"
" Oo naman."
" Sweet talaga ng boyfriend ko." ngiti niya saka tumakbo.
" Tangina mo!" sigaw ko sa kanya.
Pagkatapos ng klase sa school ay dumeretso na ko kung saan kami nagpapraktis kasama yung buong banda. Ilang taon na rin akong member ng musiko at dahil dito nakakapag-aral ako ng libre kaya malaking tulong sa pamilya ko to.
" Ethan!" tapik ko kay Ethan pagkatapos namin magpraktis.
" Uwi ka na?"
" Punta pa ko kala Russel."
" Bakit?"
" Bagong sahod si Bakla baka sakaling ipangbayad sakin."
" Gago ka Kent, ikamusta mo nalang ako sa kanya. Nag-apply kasi akong waiter sa bar sa highway eh."
" Tanggap ka ba?"
" Oo, magsisimula ako ngayong gabi."
" Tangina goodluck." ngiti ko. Haixt desidido talaga mabuhay mag-isa tong si Ethan, alam ko sapat na yung renta sa apartment para mabuhay sya kahit hindi nagtatatrabaho, pero ngayon pinipilit niya parin kumita ng pera, haixt saludo talaga ako sa kanya!
" Ang tagal mo namang lumabas?" simangot ko kay Russel ng lumabas sya sa malaking gate ng mga fuentez.
" Si kuya Dale kasi pinilit akong magdinner muna."
" Pumayag ka naman?"
" Ayaw ako paalisin eh." napapakamot na saad niya.
" Ewan ko talaga sayo." hila ko sa kanya.
" Aray ko naman Andrei, di po kaya tayo magsyota?" ngiti niya agad ko naman binitawan yung kamay niya. " May gusto ka na sakin noh?"
" Mukha mo ang panget!" asik ko sa kanya saka naglakad
" Mean mo! Mejo okay na si Calix, nakakapagtagalog na sya."
"Pakialam ko naman?"
" Sinasabi ko lang grabe, ipapakilala kita sa kanya."
" Ayoko nga, di ba kapatid ng mga fuentez yun?"
" Ang alam ko pero narinig ko darating daw yung Daddy ni Calix? Eh ang alam ko patay na yung Daddy nila kuya Tucker, nakipaglibing pa nga kami dati eh."
" Baka multo!"
" Ewan ko sayo, Baka gutom na si Lolo, pinadalhan ako ng food ni kuya Dale eh." taas niya ng paper bag. " Ang bait pa nga ni kuya Dale, kaso minsan nanghahawak ng pwet pero okay lang cute naman sya eh."
" Ang landi mo talaga!"
" To naman, pantasya lang? Masama ba yun?"
" Masama!"
" Ewan, malamang gutom na si Lolo, favorite pa naman niya tong dala ko."
" Ano naman?"
" Sinigang na baboy na may halong pagmamahal!"
" Pagmamahal? Bakit ikaw ba nagluto?"
" Hindi?"
" Eh bakit may halong pagmamahal?"
" Kasi may halong puso ng saging! Sus naman Andrei ang slow mo!" nguso niya.
" Gusto mo slowmo din yung pagsapak ko sayo para yanig ka talaga!"
" Sigurado ako may gusto ka na sakin Andrei." ngiti niya habang papasok na kami ng gate.
" Sa panaginip!" asik ko.
" Sus, Lolo I'm home." saad nito saka pumasok sa pinto, sumunod naman ako sa kanya pero natigilan ako ng makita yung pagkatulala niya.
Tangina ng mga oras na yun parang nawalan ako ng lakas, hanggang makita ko na napaluhod si Russel kasabay ng pag-iyak niya.
" Tangina Lo?!" gulat na saad ko ng makita si Lolo celso habang nakabulagta sa sahig. " Lo?" hawak ko sa pulso niya, Tangina wala na kong nararamdamang tibok mula dito. " Lo!" yugyug ko.
Tangina ng mga oras na yun parang nawalan ako ng lakas, hanggang makita ko na napaluhod si Russel kasabay ng pag-iyak niya.
" Andrei?" Umiiyak na saad ni Russel.
" Tangina tumawag ka ng tulong!" tarantang saad ko. " Tangina Lolo!"
" Lolo." umiiyak na saad ni Russel saka patakbong lumabas ng pinto at sumigaw sa labas. Base sa tigas ng katawan nito ay mukhang kanina pa ng bawian ng buhay si Lolo.
" Lolo, di niyo po pwedeng iwan si Russel." hagulgol ko habang nakayakap dito. " Lolo hindi pwede, Lo celso!"
" Please po tulungan niyo po yung lolo ko." rinig kong saad ni Russel hanggang muli syang sumilip sa pinto, marahan lang akong umiling kasabay ng luha.
" Andrei! Hindi pwede!" iyak niya saka sumandal sa pader. " Andrei dalhin natin sya sa ospital please?!"
" Wala na."
" Andrei wag, please buhatin mo na sya oh! Hindi pwede."
" Russel wala na, mukhang kanina pa sya..."
"Hindi wag, please ayoko!" saad niya saka lumuhod sa harap namin. " Lolo, may dala ako sayo oh? Lo gumising ka na, andito na po ako oh? Lolo naman sabi mo matagal ka pang aalis dii ba? Sabi mo lolo hindi mo muna ako iiwan, lo wag na muna please?"
" Russel."
" Andrei, ayoko pa. Hindi ko pa kaya, Lo gumising ka na please!" umiiyak na saad niya saka hinawakan yung kamay ni lolo saka to dinala sa labi niya. " Lo." hagulgol niya. " Lo, sabi ko naman syao hindi ko pa kaya mag-isa di ba! Lo naman eh wag mo na muna ako iwan!" yugyug niya dito, nanatili naman akong nakatungo habang hinahayaang tumulo yung luha sa mga mata ko.
" Lo naman eh!"
Pagkatapos ng araw na yun tila panandilaang nawala yung kilala kong Russel, bigla para syang nawalan ng buhay, tila lahat ng lakas niya ay kasamang nawala ni Lolo celso, mula sa burol hanggang sa libing ay kaming tatlo nila Ethan ang nagasikaso sa tulong narin ng magulang ko at ng mga fuentez, sinagot nila lahat ng gastos mula sa burol hanggang sa pagpapalibing.
Nang maihatid sa huling hantungan si Lolo ay tila lalong nawalan ng ganang mabuhay si Russel, minsan napapatawa namin ni Ethan pero alam ko may nagbago na, hindi na maibabalik yung russel na kasama pa yung lolo niya.
" Hey di ba ikaw yung kaibigan ni Russel." Tanong sakin ng isang lalake, di na ko nag-abalang tingnan sya dahil busy ako sa paghahanap kay Russel ng mga oras na yun. " Hey?"
" Ano ba?" inis na saad ko.To be continued.....