CHAPTER 50

86 1 0
                                    

  Mark....

Continuation..... Part 2

Muling may sinulat
Tumulala ng sandali
Humugot lang sya ng malalim na hininga saka nilagay sa harapan niya yung papel na hawak niya.
Gumagawa sya ng kanta?
Nakita ko lang na nilagay niya na yung dalawang kamay niya sa piano saka humugot ng malalim na hininga, Ang gwapo talaga niya kapag naka uniform, ibang iba.
Ilang segundo yung lumipas.
Tumipa sya sa piano pero tumigil uli.
Aktong maglalakad ako ng muli syang magsalita.
" Mahal mo sya di ba?" saad niya. " Mahal mo sya Ethan, Mahal na mahal." kumunot naman yung noo ko, May mahal na sya?
Tumipa sya sa piano pero sa pagkakataon na yun, hindi na sya tumigil.
Napasinghap lang ako ng marinig yun, yung tunog nito, yung ganda at tamang pagtipa niya sa piano, tila to alon sa dagat na tumangay sa katinuan ko. Hanggang magsimula bumuka yung bibig niya.
Remember the way you made me feel
Such young love but
Something in me knew that it was real
Frozen in my head
Tanging paglunok lang yung nagawa ko ng mapakinggan yung boses niya.
Nagsimula lang akong humakbang papasok, tila ako hangin na sumasabay sa bawat tunog na nililikha ng mga daliri niya, tila ako alipin ng isang boses na nagdadala sakin kung saan.
Nang tumigil ako sa gilid ng piano, napagmasdan ko lang sya. Nakapikit sya pero tuloy parin sya sa pagtipa at pagkanta.
Oh god, bakit ganito nararamdaman ko?
Nang mga oras na yun napakagwapo niya sa paningin ko, para syang anghel at sarap niya pagmasdan, Tila tumigil yung oras sa tagpong yun, parang huminto ang paligid, hindi na ko makagalaw pero yung mga mata ko ay nanatiling nakatitig sa mukha niya.
Anong pakiramdam to?
Bakit ganito?
Bakit.... parang
Ilang sandali pa ng matapos niya yung kanta.
Isang matamis na ngiti lang yung nakita ko sa mukha niya saka dahan dahang dumilat.
Natauhan naman ako ng lumingon sya sakin.
" Mark?" gulat na saad niya.
" Ethan." pilit na ngiti ko.
" Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba dyan?" tanong niya marahan naman akong umiling.
" Ngayon lang, kumakanta ka pala?"
" Hindi ah." iling niya saka tumayo at kinuha yung papel sa piano, tinupi niya lang to saka nilagay sa bag niya. Humugot lang ako ng malalim na hininga, shit bakit ba ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, parang may mga dinasour na naghahabulan sa loob ko?
" Uhm may tatanong ka ba tungkol kay Kent?" tanong niya, shit!
Si Kent, si kent, damn it!
Naglagay lang ako ng ngiti sa labi saka umiling.
" Are you sure na ngayon ka lang?"
" Yeah bakit?"
" Ah wala." iling niya saka sinukbit yung bag niya. " gusto mo mag scnack?"
" Snack?"
" Yeah tapos na klase ko, tara?" saad niya saka ako nilampasan, ang bango niya. Napapikit lang ako ng maamoy yung pabango niya. " Mark let's go, bawal kasi ibang tao dito. Mapapagalitan ako." saad niya saka lumabas ng kwartong yun.
" Ethan wait lang." habol ko sa kanya.
" Yung nicko na sinasabi mo? sya ba yung?"
" Yeah."
" Tara na talaga." hila niya sakin, natawa lang ako. " Baka makita mo sya dito?"
" Okay na kami ni Nicko."
" Eh yung boyfriend niya okay ba kayo?" lingon niya sakin.
" Oo naman, okay na ko kaya don't worry?"
" Are you sure?"
" Oo naman." ngiti ko, humugot naman sya ng malalim na hininga saka nagbigay ng ngiti at binitawan yung kamay ko, ang lamig ng kamay niya? Kinakabahan ba sya?
" Akala ko lang kasi masasaktan ka uli kapag nakita mo sya." saad niya pero marahan lang akong umiling. " Sinasaktan kana nga ni Kent, mas okay ng wag na madagdagan yun."
" Okay lang ako." ngiti ko.
" Sure ka huh?"
" Oo naman, Sabi na mabait ka talaga eh." ngiti ko sa kanya, kumunot naman yung noo niya.
" Hindi ako mabait gago." saad niya, nakagat naman niya yung labi niya saka nilibot yung tingin sa paligid.
" bakit?"
" Sa school na to, importante yung image ko. Bawal naririnig na nagmumura. Haixt."
" Role model nga pala kayo dito noh?" ngiti ko. " Kung alam lang nila kung gaano karaming mura lumalabas sa bibig mo kapag nasa labas ka." natatawang saad ko.
" Mas marami parin yung kay Kent." saad niya habang naglalakad.
" Tama ka naman, speaking of Kent."
" What?"
" I hate you." simangot ko sa kanya saka sya binatukan.
" Aray naman, gusto mo ng sapak?"
" Sabi mo kay Kent galing yung rose di ba?"
" Sa kanya naman talaga galing yun eh!" inis na saad niya. " Well ako bumili pero sabi niya bigyan kita ng rose eh."
" Sabi niya wala daw syang sinasabi."
" May sinabi sya, hindi ako sinungaling noh."
" Eh bakit sabi niya?"
" Sinabi niya na bigyan ka ng rose, hindi ko naman alam na joke lang pala yun." Iwas niya ng tingin.
" Kainis ka!"
" Atleast kahit joke naisip niya na bigyan ka ng rose, ang arte mo naman."
" Sinira nga niya yung rose eh."
" Sinira niya?"
" Oo pero kinuha ko parin." ngiti ko saka binuksan yung bag ko saka nilabas yung rose. " Ginamitan ko ng super glue yan pero hindi na talaga sya kasing ganda nung binigay mo sakin eh." pilit na ngiti ko habang nakatingin sa rose na yun, nag maangat ako ng tingin nakita ko lang yung titig niya sakin. " Sayang kasi hindi ko na makikita yung dati niyang ganda, malalanta na sya na ganito ang itsura."
" Tapon mo na yan."
" Sabi mo nga kahit joke di ba atleast naisip niya na bigyan ako ng rose, ito yung first na bigay niya kaya itatago ko to."
" Well technically dahil pera ko pinambili jan kaya sakin galing yan." seryosong saad niya.
" Eh kay Kent galing to."
" Ewan ko sayo, sabi na kasing ako nalang magmamahal sayo. Ang arte pa."
" Hindi ko kailangan ng pagmamahal ng kapatid noh, meron na kong kuya ang gusto ko yung pagmamahal ni Kent."
" Pero mark-"
" Shut up." ngiti ko.
" Ang sarap mo talaga sapakin."
" Ang ganda ng boses mo, ang sarap pakinggan."
" Talaga?"
" Yeah, pero may mga sharp ka eh."
" Talagang may lait ka parin noh?"
" Eh narinig ko kaya, original song mo ba yun?"
" Hindi." kumunot naman yung noo ko.
" Eh ano yung sinusulat mo?"
" Binabago ko yung lyrics?"
" Why?"
" Kasi, Basta." simangot niya." Tara na." saad niya saka mabilis na naglakad, wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
" Saan tayo pupunta?"
" Uhm saan nga ba?"
" Uhm kahit saan, Tara." ngiti ko saka naunang naglakad sa kanya.
" Saan yung kahit saan?"
" Sabi mo snack tayo? Libre mo ko."
" Hoy Mark wala akong pera, ikaw nalang uuwi nalang ako."
" Uuwi ka na?"
" Oo bakit?"
" Nanduon kaya si kent?" hindi naman sya nagsalita kaya hinawakan ko yung braso niya pero agad niya tong hinawi. " Tinatanong kaya kita kung nanduon si Kent?" Tiningnan lang niya yung orasan sa wrist niya.
" Alas singko palang, nasa simbahan pa yun."
" Ganun, sama ako sayo."
" Bakit?"
" Ipagluluto ko si Kent." ngiti ko.
" Haixt umuwi ka nalang."
" Ethan naman eh please?" nguso ko saka nagpuppy eyes pa, kita ko naman yung titig niya sa mukha ko. " Please?"
" Ayoko." iling niya.
" Ethan naman eh, ang galing mo kumanta saka ang pogi mo grabe." ngiti ko sa kanya.

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon