CHAPTER 45

81 1 0
                                    

  " Ang cute mo talaga, saka yang lips mo." saad niya saka inabot yung labi ko, hinayaan ko lang sya ng dumikit yung daliri niya. " Ilang araw akong hindi pinatulog ng punyetang labing yan."
" Ethan you're drunk."
" I know."
" Balik ka na dun."
" Di ko alam kung bakit ayaw sayo ni Kent, hindi ko alam kung bakit hindi ka niya gusto, bakit ako..gusto kita?" ngiti niya, napalunok lang ako. " Bakit kasi hindi nalang ako?"
" Huh?"
" Ah wala, matutunaw yung ice." ngiti niya saka tumayo, nakakailang hakbang na sya ng muli syang lumingon saka nagbigay ng isang matamis na ngiti.
" Ethan lasing ka na."
" Oo nga eh."
" Uhm..kailangan mo na atang magpahinga?" pilit na ngiti ko pero muli lang syang humakbang papalapit sakin, hindi naman ako lumingon habang nakatayo sya sa gilid ko.
" Mark?"
" Uhm?"
" Lasing na ako." saad niya dahilan para tumingala ako, nakita ko lang na nakatingin sya sa pader at hindi sakin. " Baka marape ako ng isa sa mga bakla dun, ayoko? pwede ba ikaw nalang gumahasa sakin?" saad nya, napanganga lang ako ng magbigay sya ng isang matamis na ngiti. " Please?"
" What?"
" Tangina lasing na ko." iling niya saka nasapo yung mukha niya. " Ano ba tong sinasabi ko."
" Matutunaw na yung ice mo, lasing na ba si Kuya?"
" Ewan. Bakit kasi ako inutusan ng kuya mo sa ice na to eh, Haixt balik na nga ako dun." simangot niya pero di sya humakbang.
" Lasing ka lang." saad ko saka tumayo at sinimulan iligpit yung pinggan na kinainan ko.
" Oo lasing ako, pero."
" Alam mo shut up Ethan, konti nalang mapapatawa mo na ko." irap ko sa kanya.
" Huh?"
" Wala sabi ko bumalik ka na dun, matutunaw na yang ice." saad ko saka tumalikod at dumertso sa sink. Sinimulan ko lang hugasan yung kinainan ko saka nilagay sa lagayan, nang humarap ako nakita ko lang syang nakatayo parin sa kinatatayuan niya habang nakatingin sakin.
" Alam mo Mark, ewan ko sayo." iling niya.
" Why?"
" Wala, balik na nga ako dun."
" Uhm teka, gusto mo pa ba uminom?"
" Uhm gusto pa, ang sarap maginom kapag tangina yung nararamdaman mo eh, sali ka na kasi?" ngiti niya, halatang halata sa mukha niya nun yung tama ng alak pero bakit hindi man lang nabawasan yung kagwapuhan niya.
" Uhm can we take a walk?"
" Ngayon?"
" Yeah, Gusto ko lang sana ng kausap at tingin ko ikaw yung masarap kausap ngayon." ngiti ko sa kanya.
" bakit naman?"
" Kasi lasing ka." saad ko saka lumapit sa kanya at kinuha yung hawak niyang pitsel at nilagay sa mesa. " Tara?" hila ko sa kanya papunta sa isang pinto sa gilid kung saan pwede dumaan palabas ng bahay ng di napapansin sa sala.
" Hoy san mo ko dadalhin, tangina dahan dahan nahihilo ako eh."
" Gusto ko lang huminga."
" Hangin ba ko?"
" Eh kasi alam ko hindi ako sasamahan ni Kent eh kaya ikaw nalang.". Saad ko, nagkibit naman sya ng balikat. Napangiti lang ako ng makalabas kami ng gate ng hindi napapansin ng mga tao sa loob. Alas tres na nun ng madaling araw kaya wala ka ng makikitang tao sa kalsada.
" Saan ba tayo pupunta?" tanong niya ng magsimula akong maglakad. " Nahihilo ako seryoso." saad niya. Natawa lang ako ng pagmasdan sya habang hawak yung noo niya. " Tangina wag kang tumawa nahihilo talaga ko."
" Si Kent, ano kaya itsura niya kapag sobrang lasing?" ngiti ko, nagkibit lang sya ng balikat. " Hindi mo pa sya nakitang lasing?"
" Mas nauuna akong nalalasing sa kanya, minsan naabutan ko nalang syang tulog." saad niya. " San ba kasi tayo pupunta?"
" Maghahanap ng tricycle." lingon ko sa kanya.
" Eh san ba tayo pupunta?"
" Magjo-jogging?"
" What?"
" Nakashoes ka naman eh saka."
" Mukha ba kong nakajogging outfit?"
" Uhm hindi pero basta sumunod ka nalang." ngiti ko. " Please sana may tricycle." bulong ko, nang tingnan ko si Ethan kita ko lang yung pagtataka sa mukha niya.
" Ang sakit ng ulo ko, ang alam ko dahil sayo to eh." saad niya.
" What?"
" Wala! Ano nga uli hinihintay natin?"
" Tricycle." ngiti ko.
" Yun oh?" turo niya sa isang tricycle na papunta sa dereksyon namin. " Nahihilo ako tangina, san ba tayo pupunta?"
" Yes!"saad ko saka humarang sa gitna ng kalsada.
" Baliw ka ba?" ngiwi niya.
" Hindi ah, kung di lang ako duwag baka di kita sinama kaya shut up nalang Ethan pwede?"
" Ewan." npapakamot na saad niya, hanggang huminto yung tricycle, agad ko naman syang hinila pasakay sa loob nito. " San ba kasi?"
" Manong sa lugar po kung saan nagkikita ang buwan at ang araw." saad ko, napanganga naman si ethan, yung driver naman napatingin sakin habang nagkukuskos ng mga mata niya.
" San yun iho?"
" Just kidding manong, drive lang po kayo , ituturo ko po yung daan." ngiti ko saka sumandal sa upuan, nang tingnan ko si Ethan nakita ko lang yung titig niya sakin. " What?"
" Uhm, nawawala pagkalasing ko dahil sayo tangina.."
" Nawawala na?"
" Uhm pero nahihilo parin ako." ngiti niya natawa naman ako saka tinuon yung tingin sa kalsada. Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung pagsandal ng ulo niya sa balikat ko. " Pasandal lang."
" Di ko maimagine na gagawin yan ni Kent? Pero sana one day magkaroon din kami ng ganitong moment." bulong ko.
" What?"
SI ETHAN
Ramdam ko yung hilo ng mga oras na yun dahil sa espiritu ng alak na nasa katawan ko pero tila nawala yung epekto nito dahil kay Mark, tangina bakit ba kami magkasama ngayon?
Nakangiti lang sya habang umaandar yung tricycle na sinasakyan namin, alam ko pinatikim sya ni Kent, hindi ng katawan kundi ng mga masasakit na salita, haixt kilala ko si Kent kapag sinabi nung ayaw niya, sandamukal na mura matataanggap mo sa kanya. Kasalanan ko kung bakit sya nasaktan ngayon, kung hindi ko sana pinilit si Kent na pumunta sa kwarto niya baka mas naging okay yung gabi niya.
" Yes, we're here." ngiti niya saka ako tinulak para bumaba. Kung nasaktan sya ni Kent kanina pano niya nagagawang ngumiti? Pano niya nagagawang tumawa? Ganun ba sya kagaling magtago ng nararamdaman? Abnormal.
" Dahan dahan naman." Simangot ko pagbaba. " Lasing kaya ako?"
" Sorry, Bayad ka na."
" What?"
" Wala akong dalang pera."
" Mark nababaliw ka na ba?"
" Basta magbayad ka na." ngiti niya saka tumalikod, napatingin naman ako sa driver na halata na yung inis sa mukha.
" Manong may pangbayad ako." saad ko saka dumukot sa bulsa ko ng bente. " Okay na po ba yan?"
" Oo okay na."
" Okay po." saad ko, pinaandar naman nito yung tricycle. Haixt nasaan ba ko? Nilibot ko lang yung tingin ko sa paligid nakapadilim ng lugar pero dahil sa mga poste ng ilaw ay makikita mo parin yung daan.. " Aakyat ba tayo ng bundok?"
" Yeah, tara na?" ngiti niya sakin.
" Nang ganitong oras?" ngiwi ko.
" Yeah, tara na." hila niya sa kamay ko saka nagsimulang maglakad paakyat sa matarik na kalsadang yun, hindi ko naman mapigilan pagmasdan yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko, damn bakit ganito kabilis yung tibog ng puso ko, parang gusto nitong kumawala ng mga oras na yun. " Gulo gulo na yung buhok mo Ethan, pero gwapo ka parin huh." saad niya saka binitawan yung kamay ko, nahawakan ko naman yung buhok ko.

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon