Kent....
Continuation....
" Eh kung patayin kita huh? Bakla yung kapatid ko at hindi ganyan tingin ko sa kanya, kaya walang nagmamahal sayo hindi ka kasi marunong rumespeto."" Nirerespeto naman kita ah bakit di mo ko magawang mahalin?" ngiti ko sa kanya.
" Eh tang ina ka! Gulpihin nalang noh?" natatawang saad niya kasabay ng suntok. Agad naman akong umilag saka sya sinakal gamit yung braso ko. palihim ko naman syang inamoy. " Bitawan mo ko gago!"
" Titikman ko lang si Mark pero sayo parin ako." bulong ko
"Mukha mo!" tulak niya sakin. Natawa lang ako. " Kay Kate mo sabihin yan, sigurado itutusok ka nun sa stick saka ilalagay sa ihawan nila." Simangot niya na ang tinutukoy ay yung girlfriend niya. Ngumiti lang ako.
" Edi ikaw na may Girlfriend." saad ko saka kinuha yung isang upuan saka binato sa kanya. " Bakit ka nga ba malungkot ngayon?"
" Sinong nagsabi na malungkot ako?"
" Halata Gago?" asik ko sa kanya, natahimik naman sya.
" Kent, si Mark mabait sya, Kng bakla sya tol sigurado aasa lang sayo yun at masasaktan."
" Basta titirahin ko sya at ibabaon ko ng sagad na sagad hanggang mapunta sya sa langit pero ang gusto malaman ngayon tol, bakit ka malungkot?"
" Di nga ako malungkot?"
" Hindi pera? Uhm si Kate may problema ba kayo?"
" Okay kami ni Kate."
" Eh anong problema mo?"
" Wala?"
" Tang ina kapag hindi mo sinabi, Ibig sabihin payag kang makipagthreesome samin ni mark? Tang ina ang sarap nun."
" Hayop ka Kent huh."
" Dun ko yayain sa bahay mo si Mark para wala ka ng kawala." Ngiti ko sa kanya, napabuntong hininga naman sya.
" Oo na, birthday ni Mommy ngayon." iwas niya ng tingin. " Ang bastos mo tang ina ka talaga!"
" Birthday ng mommy mo?"
" Oo, galing ako sa bahay kaninang umaga bago pumasok sa school."
" Seryoso?"
" Seryoso."
" Edi nagkita kayo ng hayop mong Daddy?"
" Oo eh, Inom tayo tol?" saad niya saka sinukbit yung bag ng instrument niya sa likod.
" Inom tayo?"
" Oo, gusto ko lang makalimot ngayong araw."
" Tang ina mo baka magalit si Kate."
" Nagpaalam na ko sa kanya."
" Ganun?" natatawang saad ko.
" Sabi ko ikaw naman kainuman ko, saka malungkot ako ngayong araw na to kaya pwede samahan mo nalang ako mag inom?" simangot niya.
" San ba?"
" Sa bahay nalang para kapag nalasing deretso tulog agad, tapos ang problema."
" Tang ina lugi naman ako sayo, ang bilis mo malasing eh, tutulugan mo lang ako."" Tang ina kaibigan mo ko Kent at responsibilidad mong makipaginuman sakin kapag malungkot ako, responsibilidad mo yun."
" Ayoko nga ng commitment eh, ayoko ng responsibilidad tapos sayo, meron akong responsibilidad?"
" Ayaw mo ba o hindi?"
" May magagawa ba ko, basta sagot mo alak?"
" Wala akong pera tol eh." ngiti niya.