Mark....
................................................................................
Kay Kent sya, tama kay Kent si Mark. Hindi na ko kokontra sa dalawang to, Eh ano naman kung wild sa kama si Kent, mukha naman kakayanin ni Mark yun. Haixt I'm sure." Mark." Maya maya saad ko.
" Uhm?"
" Uhm I'm sure narinig mo kami ni Kent kanina sa hallway. About that, Gusto ko lang sabihin na hindi masamang tao si Kent."
" Actually wala naman akong naintindihan sa narinig ko, ang alam ko lang first time kong nakitang umiyak si Kent. Hindi ko naintindihan yung pinag-usapan niyo pero naramdaman ko kung gaano nasaktan si Kent sa kung ano man yun." saad niya habang nakatingin sa kisame. " I knew it, alam ko may dinadala talaga sya sa loob niya."
" Mabigat yun dala niya, kaya nga siguro takot na sya magmahal eh."
" Eh bakit pinipilit mo sya kung hindi pa naman sya handa?"
" Handa na sya, masyado lang talaga niyang iniisip yung nakaraan."
" If you don't mind my asking? Sino sya at anong nangyare sa kanila ni Kent?" lingon niya, natawa naman ako ng payak.
" Sana Mark mali ako ng iniisip?"
" huh?"
" Na ginagamit mo lang ako para makakuha ng information about Kent?"
" Hindi ah." nguso niya, naupo naman ako sa kama. " Narinig ko kasi kaya nacurious ako?"
" Yang curiosity mo ang magpapahamak sayo."
" What do you mean?"" Uhm ano wala." iwas ko ng tingin, tang ina yung curiosity niya yung nagpahamak sa puso ko. Wala naman akong plano na makipagsex sa kanya eh haixt. " Wala ako sa pusisyon para magkwento ng tungkol sa buhay ni Kent, yeah marami akong alam sa kanya pero kahit kailan hindi ko naisip na ikukwento ko yun sa iba."
" Ang gwapo mo Ethan." ngiti niya. Natawa lang ako.
" Nawala na ko sa mood, ayoko na makipagsex kaya wag mo na ko bolahin."
" Hindi yun."
" Hindi mo ko mauuto kaya tigilan mo, besides alam ko naman na gwapo ako. Kaya kung tumanggi ka man na makipagsex sakin, hindi ko na kawalan yun."
" Ayoko ng topic na sex." ngiti niya. " Haixt una palang sinabi ko na sayo na, I like Kent di ba?"
" Bakit mo ba sya gusto? Sex lang ba? Kaya ko naman ibigay yun ah?"
" Nakapainteresting niya."
" Sigurado ka? Kasi Mark kung sasaktan mo lang yung kaibigan ko tigilan mo na sya? Hindi ka niya mahal at kundi mo sya mahal then titiglan mo na tong kalokohan mo."
" Ako pa talaga mananakit huh?"
" Fine edi kung tingin mo hindi mo kaya yung personality ni Kent, tigilan mo na sya. Nakausap mo na sya? Di ba sumasakit tenga mo sa mga words na lumalabas sa bibig niya?"
" Gusto ko sya kilalanin." ngiti niya. Umiwas naman ako ng tingin saka napabuntong hininga, Kainis naman. " Pero alam mo, Gusto ko syang mahalin or siguro mahal ko na sya pero nakakainis kasi tama ka, ikaw yung gusto niya." Saad niya natigilan naman ako saka napalingon sa kanya, kita ko lang sa mukha niya yung pilit na ngiti. " Ikaw ang gusto niya Ethan."
" Sinabi niya sayo?"
" Parang ganun, Hindi mo ba sya kayang mahalin?"
" Kapatid ko na yun eh."
" So hindi?" Marahan naman akong umiling dahilan para mapangiti sya. " Ako nalang magmamahal sa kanya."
" Huh?"