DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI MARK
Hindi lahat ng bagay pwedeng mong takasan, hindi lahat pwede mong takbuhan minsan kahit ayaw natin or kahit alam natin na kumplikado, kailangan parin natin harapin, Na kailangan parin pasukin kahit gaano pa to kadilim, kakipot o kahit di mo matanaw yung dulo. Na kailangan mong humakbang kahit napakadaming tinik ang nakikita mo sa daraanan.
Lahat naman may pagsubok na hinaharap, may dilim na dapat lampasan, gano man kahirap, alam natin na nasa dulo nito ang liwanag.
Just trust Him.
Takot ako pero hindi ako duwag, That's me.
Hahakbang ako hanggang gusto humakbang ng mga paa ko.
Kasalukuyan nagmimisa ng hapon na yun ng dumating ako sa simbahan, Konti lang yung tao nun na halos hindi napuno yung loob nito , karamihan mga nakakatanda yung umaatend ng misa tuwing biyernes ng hapon.
Naupo lang ako sa pinakadulo saka lumuhod at nag-usal ng dasal. " God , Alam ko may plano ka para sakin, kung ano man yun I trust you, Buong puso kong binibigay yung sarili ko Sayo. I've tried my best but if today I lose my faith please tell me that your plans are better than my desires." Bulong ko.
May plano siya at alam ko dadalhin niya ko sa tamang daan na dapat kong tahakin.
Nagsesermon na si Father ng magpasya na kong tumayo at tumuloy sa Cr sa likod ng simbahan na yun, Haixt kahit paano gumaan yung pakiramdam.
Simula nung pag-uusap namin ni Kent, hindi na sya nawala sa isip ko. Haixt tama sya, Binigyan niya ko ng pwede kong imaginin habang magkasex kami sa imagination ko. Damn it! Demonyo ba si Kent na pinadala mula sa ilalim ng lupa para gawin akong makasalan?
God, Please ilayo niyo naman po ako sa tukso.
Pagpasok ko sa Cr, humarap lang ako sa salamin saka tinitigan yung mukha ko. Nagagwapuhan si Kent sakin. Totoo kaya yun?
" Mark." gulat ng kung sino.
" Ay pusa!" sigaw ko saka natigilan ng mapagtanto kung sino yun. Damn! What is he doing here? Wala naman silang tugtog ngayon ah?
" Asan ang pusa?" Untag niya sakin.
" Huh? Shit bakit ka nangugulat?" ngiwi ko.
" Tang ina mo, kala ko may pusa talaga." simangot niya saka humarap din sa malaking salamin. Palihim ko naman tiningnan yung repleksyon niya sasalamin, Mukha syang mabait pero kakaiba talaga sya magsalita.
" Eh ano naman kung may pusa?" tanong ko dahilan para magtama yung mata namin.
" Wala." iwas niya.
" May tugtog ba kayo ngayon?"
" Wala, napadaan lang ako, ikaw nagserve ka?"
" Hindi, nagdasal lang ako." saad niya saka napangiti, umiwas naman ako ng tingin hanggang makita ko sya na sinara yung pinto ng Cr, Shit. Kinuha ko naman yung cellphone sa bulsa ko saka nagtext kay Sofie na tumawag. Wala naman sigurong plano si Kent.
" Mark." saad niya lumingon naman ako pero agad ko din iniwas yung tingin ko.
"Why?" tanong ko, sakto naman na nagring yung cellphone ko. " Sagutin ko lang." aktong hahakbang ako ng hawakan niya yung braso ko. " why?"
" Sagutin mo na dito?" ngiti niya. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tinapat sa tenga ko yung cellphone, ano plano mo Kent! My God, help please.
" Hon, nasa school pa ko. I'll call you again when I get home okay?" saad ni sofhie sa kabilang linya. " Mark?"
" Sofhie pauwi na din ako." saad ko saka binaba yung cellphone. " Bakit ba Kent?"
" May gusto ka ba sakin?" Saad ni Kent, Shit corner ako.
" What?"
" Oh come on Mark, May gusto ka sakin di ba?"
" May girlfriend ako."
" Pero may gusto ka sakin?"
" Uhm bakit ba?"
" Di mo masagot, eh ito sasagutin mo kaya." ngiti niya saka dahan dahang nilapit yung mukha ko sa kanya hanggang maglapat yung labi namin. Para naman ako naestatwa, Shit! Hinalikan niya ko? Nanatili lang akong nakatayo hanggang maramdaman ko na naging mapusok yung paghalik niya. Wake up Mark wake up! Oh god! Dahan dahan naman syang humiwalay saka nakangiting tumitig sa mata ko. " Ngayon sabihin mong di mo ko gusto?"
" Bakit mo ko hinalikan?"
" Kasi gusto kita." ngiti niya.
" Gusto mo ko?"
" Yeah, so gusto mo rin ako?"
" Hindi?" Iling ko.
" Ah ganun." ngiti niya saka ako hinila papasok ng isang cubicle at tinulak sa loob, napaupo naman ako sa bowl pero agad din tumayo ng pumasok din sya at sinara yung pinto. Damn it!
Aktong itutulak ko sya ng hawakan niya yung kamay ko.
" Hey, what are you doing?" Pagpupumiglas ko. " Kent ano ba?"
" Bawal magsinungaling, nasa simbahan tayo, Pinagpapantasyahan mo ba ko sa gabi o hindi?" ngiti niya, napalunok naman ako. " Ano, mark hahalikan kita at gagahasain kapag di ka umamin?"
" Kent what the fuck is this?"
" Sagutin mo nalang pwede?"
" Bitawan mo ko!"
" Okay, hahalikan kita." saad niya saka aktong ilalapit yung mukha niya.
" Oo! Masaya ka na, I like you! Now let go of my arms please!" tarantang saad ko kita ko naman na napangiti sya.
" Gusto parin kita halikan." saad niya saka ako muling hinalikan sa labi, shit! Pilit ko naman syang tinulak.
" Kent ano ba!"
" Gusto mo ko chupain?"
" Damn it! Bitawan mo nga ako." tulak ko sa kanya saka agad lumabas ng cubicle.
" Oh Mark, sige na." habol niya sakin.
" I like you, pero may syota ako."
" So what?"
" Haixt, please wag mo ko tingnan ng ganyan."
" Gusto mo ko, shit! Buti inamin mo na."
" Haixt, forget it Kent." Aktong hahakbang ako papunta sa pinto ng hawakan niya yung braso ko saka ako niyakap. Wala naman akong nagawa. " Kent ano ba?"
" Number mo?" saad niya, halos magdikit na yung mukha namin ng mga oras na yun.
" Oo, ibibigay ko pero please bitawan mo na ko baka may pumasok."
" Last question, Virgin ka pa ba?" ngiti niya, napalunok naman ako.
" No." Iwas ang tingin na saad ko. Hanggang maramdaman ko yung kamay niya na nasa pwetan ko na. " Bitawan mo na ko please?"
" Hindi ka na virgin? Ibig sabihin may nakapasok na dito sa butas mo?" saad niya, napasinghap lang ako ng maramdaman yung pagdiin niya ng daliri niya sa parteng yun. " Swerte naman niya." kagat labing saad niya, Oh my god.
Damn it, mark lumaban ka! Shit.
" Kent." Bulong ko, shit parang biglang tumigil yung paghinga ko ng lalo niyang diinan yung daliri niya.
" Pinagpapawisan ka na." ngiti niya habang dinidiin yung daliri niya.
" Sasapakin kita kapag hindi mo inalis yang kamay mo jan."
" Talaga kaya mo?"
" Kent hindi ako nagbibiro?" Banta ko sa kanya na nakatitig sa mga mata niya.
" Mas cute ka pala kapag nagagalit." himas niya pa sa pwet ko, alam ko may kakaibang sensasyon ang dala ng bawat himas niyang yun, pero fuck not here!
" Kent last warning, Sasapakin talaga kita?"
" Pano kung ayoko?"
" Please Kent?"
"Ok fine." ngiti niya saka ako hinalikan sa labi, Para naman akong nahepnotismo ng lumapat yung labi na yun, ibang iba sa halik niya kanina. Mas masuyo, mas may paggalang, nakapikit din sya dahilan para dahan dahan ko ding ipinikit yung mga mata ko. Hanggang maramdaman ko yung masuyo niyang paghaplos sa batok ko dahilan para matauhan ako.
It is a kiss, real kiss
Dahan dahan ko syang tinulak, hinabol niya yung labi ko pero lumayo na ko sa kanya.
" Wow." iling niya habang nakaharap sa salamin. " Tangina ang sarap ng lips mo!"
" Kent, yung sinabi ko-"
" Number mo?"
" Kent kasi."
" Tang ina naman naghalikan na tayo, number mo?"
" Yung sinabi ko kanina."
" Tang ina sabing number mo eh." ngiti niya napabuntong hininga naman ako saka inabot yung cellphone ko sa kanya.
" Call your phone." Saad ko, tumango naman sya saka kinuha to. Yung halik niya, bakit ganun, bakit parang it's full of love? Napadako naman yung tingin ko sa mapula niyang labi habang nakatungo sya. Di ko sinagot yung halik niya pero bakit parang nagsisi ako na di ko yun nasagot, aixt!
Ilang sandali pa ng magring yung phone niya sa bulsa saka inabot yung phone ko sakin habang may ngiti sya sa labi.
" Okay."
" Yung sinabi ko na."
" Na hindi ka na virgin? Hindi ako naniniwala. Ramdam ko masikip pa."
" Kent not that! yung sinabi ko na gusto kita."
" Nasabi na, wala ng bawiin saka alam ko naman na sa sobrang gwapo ko, kahit sakristan pwedeng magkasala at maakit sakin." Saad niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko, haixt ayoko talaga ng tinitingnan ako ng deretso sa mga mata. " Kung gusto mo kong chupain, game ako jan basta ikaw magbabayad ng motel, at papakainin mo ko pagkatapos?"
" What?"
" Malamang nakakagutom yung gagawin natin dun, so dapat after nun kain tayong dalawa."
" Kent, mali ka kasi."
" Walang mali?"
" Kasalanan to."
" Sayo, Pero wala ako diyos eh, kaya wala akong paki kung sakaling mali man to."
" Kent, please kalimutan mo nalang yung sinabi ko, nasabi ko lang yun kasi natakot ako sayo, Kasi hinalikan mo ko."
" Tang ina mo huh, gusto mo sigurong halikan pa uli kita noh? Isa pang kontra sisiguraduhin kong dito kita titirahin."
" Pero."
" Alis na ko." ngiti niya. " Tawagan mo ko huh, or tawagan kita?"
" Hindi kita gusto, may syota ako Kent."
" Okay." saad niya saka aktong lalapit sakin habang may nang-aakit na ngiti. " Ginusto mo to, kaya-"
" Oo na sige na hindi na." tarantang saad ko saka sya nilampasan at agad lumabas ng Cr. Oh shit! May ganung tao ba talaga? Haixt.
Nang lingunin ko yung Cr nakita ko lang si Kent na nakatayo sa harap nito habang pinagmamasdan ako.
Oo, gwapo sya pero bakit ganun sya?
Paraako kinukubulsyon sa ginawa niya, sobrang init ng pakiramdam ko, Haixt God sabi ko ilayo ako sa tukso, hindi ko naman sinabi na ilapit ako sa langit.
Yung mata ni Kent, yung labi niya na sobrang lambot. Yung pagyakap niya sakin kanina at yung pagdama niya sa parteng yun ng katawan ko, Yung haplos niya sa batok na nagpatayo ng bawat buhok sa katawan ko.
Shit! Mark what are you thinking!
Palabas na ko ng simbahan nun ng bigla akong mabunggo ng kung sino.
" Hey dahan dahan naman?" rinig kong saad nito, nang mag-angat ako ng tingin nakita ko lang si Ethan habang nakaschool uniform at may sukbit na bag.
" I'm sorry."
" Nakita mo ba si Kent?" Tanong niya agad naman akong umiling.
" Hindi, hindi ko sya nakita." tarantang saad ko.
" Are you okay?"
" Ah eh yeah of course." pinilit ko naman ngumiti. Marahan naman syang tumungo.
" Okay, lutang lang siguro ako ngayon kaya tingin ko sayo parang aligaga ka."
" Of course not." iling ko. " Uhm kala ko hindi ka papasok ngayon?"
" Nabored ako sa babay kaya tumambay nalang ako sa school."
" Okay, alis na ko."
" Tapos na ba yung misa."
" Hindi pa."
" Sa loob ka ba galing?"
" Yeah, sa cr." pilit na ngiti ko.
" Cr? Di mo ba nakita si Kent dun. Sabi kasi sakin nung nasa karinderya pumunta daw sa Cr si Kent?"
" Uhm ah eh, Uuwi na ko. Pasensya na Ethan huh I really have to go, yung girlfriend ko naghihintay sakin." nagmamadaling saad ko saka sya nilampasan. Damn! Nang lumingon ako kay Ethan nakita ko lang syang nakapamulsa habang nakatingin sakin. " Bye?" wave ko pa ng kamay ko sa kanya.
Kita ko naman na nagkibit sya ng balikat saka naglakad na pasunod sakin.
Oh shit!
Binilisan ko naman yung hakbang ko, pero nung lumingon uli ako nakita ko parin sya na nakasunod dahilan para tumigil ako at antayin sya.
" What?" salubong ko sa kanya.
" Anong what?"
" Sinusundan mo ba ko?"
" Hindi? Why should I?"
" Sigurado ka?"
" Oo naman, ito yung way pauwi sa bahay ko, Teka di ba may sakayan naman sa harap ng simbahan? Maglalakad ka lang ba talaga?"
" Huh, Ah eh."
" Are you sure you're okay?"
" Of course?!"
" I see, Wala ako sa mood pasensya na. Gusto ko na umuwi." Saad niya saka ako nilampasan. He looks sad pero, damn napapraning na ata ako.
Ilang sandali pa kong nakatayo dun habang nakatingin lang kay ethan habang binabagtas niya yung kahabaan ng kalsada na yun, deretso yung tingin niya pero parang tagos tagusan to kung tumingin, blanko.
Tinatanong niya ko kung okay ako, eh parang sya ang hindi okay eh.
Ang weird nila!
SI KENT
Nung gabing yun, magkasama lang kami ni Ethan na pumunta sa lugar kung saan nagpapraktis yung mosiko namin, di ko alam problema ng kupal na to, pagdating ko sa bahay nila. Napakatahimik haixt baka nakita nanaman niya yung tatay niya.
Hanggang magsimula yung praktis namin, kahit magkatabi kami di sya umiimik, nakikisabay sa tawanan pero kita parin yung kakaibang lungkot sa mata niya.
" May problema ka ba tol?" untag ko sa kanya ng patapos na yung praktis.
" May, iniisip lang ako."
" Pera ba tol? Mamakla tayo mamaya gusto mo?"
" Gago hindi pera."
" Siguro ka?"
" Oo nga."
" Guys, sa Huwebes yung libing huh, pero tutugtog din tayo sa huling gabi ng lamay, Miyurkules ng gabi."
" Bayad naman siguro yun noh?" tanong ng isa sa mga kasamahan namin.
" Oo naman, Pero kahit white shirt nalang suot sa huling lamay, then sa libing nalang kinabukasan yung costume, yung magiging costume natin is yung suot natin nung fiesta."
" Yun nanaman?" simangot ni Ethan.
" Bakit ayaw mo ba nun Ethan?"
" Masikip yung sakin, di ako makahinga tapos tanghali pa yung libing, gusto mo ba masama ako sa nitso pagdating sa sementeryo?"
" Okay okay, yung last year nalang."
" Eh, di na kasya sakin yun eh?" Simangot ko.
" Kayong magkaibigan dami niyong problema sa buhay?"
" Hoy bibe palpak ka lang kasi magpatahi." asar dito ni Ethan na ikinatawa ng mga kasamahan namin.
" Haixt oo na, di sasama si Garry, hiramin mo nalang yung damit niya sigurado kasya na sayo yun." simangot ni Bibe. " Okay guys, dismiss na kitakits nalang sa miyerkules ng gabi."
" Okay kamahalang bibe." asar dito ni Kent.
" Hoy kayong dalawang magkaibigan, bawal kayong mawala huh, hindi pwedeng walang trombonista, Alam niyo naman yun di ba?"
" Oo naman."
" Sa huling lamay dalawa lang kayong trombonista na tutugtog, di makakapunta yung iba kaya bawal kayong mawala."
" So yung trombone namin pwedeng wala? Tang ina sabi na eh, type mo kami ni Ethan eh." tawa ko.
" Fuck you ka talaga Kent! Ilan lang kayong magaling sa trombone, at kayong magkaibigan ang pangbato ng banda natin."
" Bukod sa magaling kami ni Ethan, gwapo pa."
" Saka malakas ang hangin, kaya di kayo nauubusan ng hangin kapag may tugtog tayo eh." asar ni Bibe.
" Mukha kang vacuum gago." ngiti ko.
Nagsimula naman mag-alisan yung mga kasama namin sa banda.
Nang mga oras na yun hindi ko mapigilan yung sarili ko titigan si Ethan. Tang ina kaibigan ko sya pero bakit ganito nararamdaman ko. Napalunok lang ako ng makita yung pagtulo ng pawis mula sa noo niya hanggang tumuloy to hanggang sa baba niya. Agad niya naman tong pinunasan gamit yung tshirt niya dahilan para mahantad yung sikmura niya na tila inukit sa ganda.
" Ano nga uli sinasabi mo Kent?" tanong niya, agad naman akong umiwas ng tingin saka palihim na napalunok.
" Bro Napaamin ko na sya, May gusto sya sakin." ngiti ko sa kanya katatapos lang ng band rehearsal nun, nagaayos na kami ng mga upuan na ginamit namin sa praktis.
" Sino?"
" Si Mark." ngiti ko. " Sabi ko naman sayo front lang nun yung syota niya eh, may gusto sakin yun tol."
" Gago ka Kent kailan ka pa natutong manira ng relasyon?" simangot niya natawa naman ako ng payak.
" Tol gawain ko yun, Wala ng bago dun."
" Kala ko ba mga bakla lang ang porte mo?"
" Bakla si Mark?"
" I mean yung may karelasyon na lalake? Babae yung karelasyon nun, Tol gago ka kawawa naman yung syota nun."
" Si Sofhie? Yung selosang maarteng akala mo napakaganda? Si Sofhie?" simangot ko natawa naman sya. " Mas kawawa si Mark dun, Eh sa katawan ko palang sigurado na kong magiging maligaya sya sakin eh." Natawa lang sya ng payak.
" Sigurado ka bang inamin niya na may gusto sya sayo.?"
" Oo tol, He likes me daw! Putek english! muntik ngang di ko maintindihan eh." natatawang saad ko.
" Eh gusto mo ba?"
" Gusto ko nga lang tikman." ngiti ko.
" Gago ka, mahal mo ba?"
" Gago hindi! Titiknan ko nga lang yun, Imaginin mo bro, ang kinis ng mukha at balat, ang linis linis tapos yung ngiti niya tol! Ang inosente, ganun yung masarap dumihan at ganun ang masarap kasex, sarap turuan."
" Pano kung mahulog sya sayo?"
" Edi mahulog sya, Basta ako? sex lang habol ko sa kanya at syempre pera, mayaman yun tol.."
" Gago ka talaga di ba sabi ko." amba niya sakin, natawa naman ako.
" Di ba sabi mo di ka na mangengealam?" ngiti ko, humugot naman sya ng malalim nahininga. " Wag ka ng makialam tol, usapan natin yun di ba, last na pagpapaamin ko na sa kanya? Eh umamin na gusto niya ko eh."
" Oo nga pala, bahala ka na nga."
" Ikaw lang mahal ko tol, kaya wag kang seloso."
" Gago!" suntok niya sakin, agad ko naman syang ginantihan ng suntok sa balikat habang tumatawa. " Kung paglalaruan mo lang yun tigilan mo na, kawawa naman."
" Tol, magpapalaro din naman ako sa kanya eh, papaikutin ko sya habang pinagsasawaaan niya yung katawan ko. Walang talo samin, Alam mo ang mga bakla tol, Sex lang masaya na yan kahit di mo sila mahal basta nakikipagsex ka sa kanila kuntento na sila. Try mo kasi yung trabaho ko marami kang matutunan sa kanila, maniwala ka sex lang ang tanging nagpapasaya sa mga ganun. Nabibigay ko yun, nagkakapera pa ko."
Continued....