The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
FLASHBACK
SI KENT
Ang buhay ay parang ulan pwede mo syang saluhin gamit ang iyung palad pero di lahat ng patak masasalo mo, Di lahat dadaan sa palad mo, di lahat ng patak dadampi sa balat mo. Oo, may masasalo ka pero unti unti itong mawawala, dahan dahang aagos hanggang maging isang ala-ala na lamang.
Ang buhay ay parang patak ng ulan, Galing sa taas na kasabay ng luha na babagsak mula sa malungkot na mga mata. Patak ng ulan na sumasabay sa lipad ng isang eroplano na nagdadala ng kakaibang kapangyarihan para dalhin ka sa ibang lugar.. Sa lugar kung saan ka minsan naging masaya.
Para itong buhos ng ulan na di titigil kahit basa ka na.
Para itong buhos ng ulan na di tumitigil hanggang malunod ka.
Ang buhay ay parang ulan, lilipas, hihinto, mawawala at kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pagkabura ng bawat bakas na kahit kailan ay di na muling makikita sa kasalukuyan... Bakas na mananatiling na lamang na isang ala-ala habang buhay.
--
Nakatayo ako nun sa harap ng presinto habang pinagmamasdan yung patak ng ulan. Bukod sa malakas na pagbuhos nito ay wala na kong ibang marinig. Sa tunog nito habang bumabagsak hanggang sa paghalik nito sa uhaw na lupa. Damang dama ko nung panahong yun, yung lamig ng hangin sa balat ko, yung banayad na pag ihip nito na nagdadala sa tuyong dahon na galing sa matandang puno. Nang mga sandaling yun pakiramdam ko napakatahimik ng buhay ko.
Pakiramdam ko normal ako.
Pakiramdam ko tao ako.
This is my real story and let me introduce the real me.
I'm Andrei Kent Lee, Kent para sa marami pero Andrei para sa nag-iisang taong minahal ko.
Pero bago yun, gusto ko muna ikwento kung saan nga ba ko galing at kung sino talaga ko.
Kung anong buhay nga ba ang mayroon ako.
Ilang taon akong lumaking walang magulang, tanging si Lolo lang nag-alaga sakin pero dahil sa katandaan nito ay napabayaan ako, dahil dun mas naging bahay ko ang kalsada kesa sa sarili naming tahanan.
Sa araw araw kung sino sino ang nakahalubilo ko, lasengero, tambay, sugarol kahit magnanakaw at sila ang humubog sa katauhan na meron ako ngayon. Natuto akong dumiskarte para samin ni Lolo sa tuwing di nagpapadala si Mama na nasa abroad. Natuto akong magtrabaho habang labas masok si Papa sa hospital dahil sa kung ano anong sakit niyang di ko maintindihan.
Musmos palang ako nang mamulat ako sa totoong mundo.
Lahat na ata ng mura sinalo na ng tenga ko dahil sa pamimilit ko sa bawat taong dumadaan sa kalsada para bumili sa kung ano anong tinda ko, lahat ng masasakit na salita at panlalait natanggap ko dahil sa mga gusgusin kong damit na di ko magawang labahan. Hanggang natuto ako makibagay, hanggang natuto akong sumabay sa bawat salita na binabato sakin. Hanggang natuto akong humakbang habang binabato ako mula sa likod.
Kinailangan kong matuto, dahil gusto ko sumabay sa agos ng buhay.
Kinailangan kong matuto, dahil yun ang hinihingi ng mundong aking ginagalawan.
Lumaki ako na pinaniniwalaan na may Diyos, yun lang ang sinasabi ni Lolo, manalig ako sa Diyos, maniwala ako sa lumikha, sa nilalang na tinatawag ng marami na Diyos. Diyos na walang pangalan at walang grupong kinabibilangan. Sa buong buhay ko ni minsan hindi ko pinahalagahan ang pagsisimba at lalo na ang pagdarasal.
Nabubuhay ako dahil humihinga ako at dahil nilikha ako nang kung sino at hindi ng isang relihiyon.
Hindi ako naniniwala sa simbahan, hindi ako naniniwala sa bawat letrang nakasulat sa isang libro, di ako naniniwala sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng isang tagapagsalita ng isang grupo na sarado ang utak sa totoong katotohanan.
Naniniwala ako na may lumikha ng lahat pero di ako naniniwala sa likha lang ng tao. Likha ng tao na ang tanging hangad ay pasunurin ang nakakarami. Yun ako, judge me? I don't give a shit!
Isang payak na ngiti ang kumawala sa mga labi ko ng makita yung unti unting pagtila ng ulan. Lilipas ang lahat, lahat ...
At yun ang natutunan ko sa paglalakbay kong ito.
Paglalakbay na hanggang ngayon ay di ko alam kung nasaan ba ang dulo at kung ano madadatnan ko sa huling hakbang na gagawin ko.
Pero ika nga nila, life goes on kaya hahakbang ako hanggang kaya ko.
This is my journey, my own journey , own life kaya ako ang masusunod.
So let me welcome you to the world.... To the world where Andrei's lived.
Ilang sandali pa ng lumabas sa presinto si Mama kasabay ni Papa, Bakas sa mukha nila ang hindi matagong lungkot. Nangilid lang yung luha ko saka agad yumakap kay Mama. Ilang araw din syang namalagi sa kalungang yun dahil sa kasong sinampa sa kanya ng pinagtatrabahuhan niya.
" Ma okay ka lang?"
" Okay lang anak."
" Sinaktan ba kayo sa loob? Mga hayop sila gugulpihin ko silang lahat!" inis na saad ko, natawa naman si Papa.
" Kent di ba sabi ko ayoko marinig yang pagmumura mo?"
" Pa, nakasanayan ko na to. Wag mo nalang pakialaman?" ngiti ko. " Malaman ko lang talaga may nanakit sa Mama ko? Tang ina Pa! Di ko sila bubuhayin lahat."
" Uwi na nga tayo." gulo ni papa sa buhok ko.
" Ma, Ano ba talaga nangyare? Natanggal ka na ba talaga sa trabaho? Pano na tayo?" Nag-aalalang saad ko pero binigyan lang ako ni Mama ng ngiti. Uri ng ngiti na lagi kong nakikita sa kanila ni Papa, ngiti ng isang taong di sigurado sa mga susunod na mangyayare. Uri ng ngiti na laging dumudurog sa puso ng anak na kagaya ko.
Nung panahong yun si Mama lang nagtatrabaho para sa pamilya namin, kung matatanggal sya pa'no kami kakain? Pa'no yung gamot ni Papa? Pa'no kami mabubuhay sa mga araw na darating, Wala na kong pakialam sa pag-aaral ko basta may pagkain ka kami okay na ko.
" Maghahanap ako ng trabaho anak." Saad ni Papa kaya agad akong napalingon sa kanya, Si Papa magtatrabaho? " Wag kang mag-alala sakin anak, Yung sakit ko sa bato, okay na."
" Pero Pa?"
" Anak."
" Tang ina naman kasi nila eh, napatunayan ba nilang ninakaw ni Mama yung pera? Wala naman silang pruweba eh mga papansin lang sila! Alam mo Pa kung ako magiging presidente ng Pilipinas, papatanggal ko lahat ng epal." Inis na saad ko, kita ko naman na umiwas ng tingin si Mama. " Ma, wag mo sabihing totoo na ninakaw mo yung pera?" Marahan naman syang tumango. " Tang ina, bakit?"
" Kent yung pagmumura mo?" saway sakin ni Papa. Haixt kahit ilang beses ata ako sawayin di na yun mababago sakin, laman ako ng kalye at lahat ng mura kaya kong sabihin. Haha.
" Sorry pa, Pero ma? Totoo talaga?"
" Anak ginamit ko yung pera sa pagpapagamot at pagpapalibing ni Papa at sa pagbabayad ng mga utang natin." nakatungong saad nito. Napalunok naman ako. Mag-isang anak lang si Mama, Si Papa naman ay bata palang ulila na. Nung umuwi si Mama galing sa abroad ay dun na nagsimulang umayos ang buhay ko, nakapag-aral na ko ng maayos, naranasan ko uli maging teenager at normal na tao.
Ngunit sandali lang yun, kasi muli kaming lumubog sa utang nang magsimulang magkasakit si Lolo kasabay pa ng pagpapaopera ni Papa sa bato. Unti unti para kaming kandilang nauupos, naubos yung ipon ni Mama hanggang kahit pagkain di na kami makabili.
Trabahador si Mama sa isang maliit na Grocery store, Mula ng bumalik sya ng Pilipinas ay dun na sya nagtrabaho hanggang tumagal sya duon ng ilang taon dahilan para pagkatiwalaan sya ng may-ari. Sa kanya dumadaan lahat ng pera hanggang mabalitaan ko nalang na demanda siya at saka pinaaresto.
" Ikukulong ba kayo uli?"
" Kailangan bayaran yung pera." malungkot na saad ni Papa. " Napakiusapan ko yung amo ng Mama mo, pero kailangan talaga ibalik yung pera."
" Pero pano? Wala na tayo pera." Isang buntong hininga naman yung narinig ko kay Mama saka tumingin sa malayo. " Ma, Pa? Pano natin mababayaran yung pera na yun?"
" Kailangan natin ibenta yung bahay natin." Napatungo lang ako ng marinig yung basag na boses ni Mama.
" Yung bahay? eh kay lolo yun Ma? Bakit ibebenta niyo?"
" Kailangan mabayaran yung pera anak, kasi kung hindi ipapakulong nila yung Mama mo."
" Pero Pa kay lolo yun eh, san tayo titira kung ibebenta yun?"
" Mangungupahan nalang muna tayo." Saad ni Mama, di ko naman mapigilan yung luha ko ng mga oras na yun. Oo alam ko na mas naging bahay ko ang kalsada pero yung bahay na yun ang tinuring kong tahanan, na alam ko sa gabi na may bahay akong uuwian at matutulugan.
Na alam ko na tuwing uuwi ako nakaabang sakin si Lolo para salubungin ako ng ngiti. Dun kami nagkaroon ng masayang ala-ala ni Lolo, masayang alaala na di ko na makakalimutan.
" Ma, yun nalang alaala natin kay Lolo?"
" Ako, anak at higit sa lahat ikaw, tayo ang alaala ng Lolo mo kasi nasa puso natin sya at kahit kailan hindi sya mawawala." ngiti ni Mama. Naramdaman ko naman yung paghagod ni papa sa likod ko.
" Kainis naman kasi si Lolo? Nangako pa ko sa kanya na makakatapos ako ng pag-aaral eh, di man lang niya hinintay." pagmamaktol ko.
" Edi tuparin mo parin, tutulungan ka namin ng Mama mo."
" Eh ikaw pa? Di ka pwede magtrabaho pano kung sumunod ka kay Lolo? Ayoko?"
" Hindi anak, kaya ko na pangako, wag kang mag-aalala sakin." ngiti ni Papa. Humugot lang ako ng malalim na hininga, Buwan ng disyempre nun at ilang buwan nalang ay graduation na ng high school.
Makakapag-aral pa kaya ako? Haixt mula bata ako tumatak na isip ko na mahirap maging mahirap.
Sobrang hirap.
Ilang araw ang lumipas nakita ko kung pano magmakaawa sila Mama para mangutang ng pera kung kani kanino, mabayaran lang yung perang nagamit sa pagpapalibing ni Lolo. Lahat na ata ng kaibigan nila nalapitan nila at lahat ng pagmamakaawang pwedeng gawin, nagawa na nila.
Pilit kong tinatakpan yung tenga ko sa bawat panlalait at panghuhusga na naririnig ko sa mga taong pinakikiusapan ng magulang ko. Mga taong hindi alam yung salitang 'Awa'
Habang gumagawa ng paraan ang magulang ko, tinuloy ko yung buhay ko. Pumasok sa school at nag-aral ng mabuti. Pinilit wag isipin ang problema.
Pero alam ko kailangan kong gumawa ng paraan, kahit ano. Basta makatulong.
" Hoy Ethan ano yang binebenta mo?" Agaw ko sa bag na hawak niya. Isa sya mga kabanda ko sa musiko na kinabibilangan ko, Matuturing na kaibigan pero di sya gano nagsasalita, palaging tulala, palaging mag-isa. Pero dahil classmate ko sya at kabanda ay madalas kami ang magkausap.
Ewan ko kung magkaibigan na nga kami nung panahon na yun, basta ang alam ko kumportable akong kausap sya.
Sya si Ethan, nag-iisang taong tinuturing kong hindi lang bilang kaibigan kundi bilang kapatid sa kasalukuyan O siguro higit pa dun, di ko alam at lalong hindi ko sigurado.
" Akin na yan, ano ba?" Simangot niya pero binigyan ko lang sya ng sarkastikong ngiti saka binuklat yung bag. Nakita ko lang dito yung kung ano anong sitsirya .
" Ano to?"
" Tinda ko."
" Para san? Tang ina naghihirap na kayo?" natatawang saad ko, ang alam ko mayaman tong gagong to eh, minsan nakita ko syang pumasok sa sobrang laking bahay ang di ko lang alam bakit sya sa public nag-aral at hindi sa private na tingin ko naman ay afford nila.
Balita ko pa na yung kapatid niya ay sa private nag-aaral tapos sya dito? Tang ina anong kalokohan yun!
" Umalis na ko samin." iwas niya ng tingin, natigilan naman ako. " At kailangan ko kumita ng pera para makakain." Tinaas ko naman yung maluwag na tshirt na suot niya. " Ano ba Kent?"
" Tang ina ang dami mo nanaman pasa? Eh kung isumbong natin sa pulis yang Daddy mo?" Simangot ko, sa tuwing nakikita ko ata tong gagong to lagi nalang may pasa kung saan saan. Ang alam ko lang Daddy niya may gawa nun, di ko lang alam kung anong dahilan.
" Wag na tol." saad niya saka inagaw yung bag sakin.
" Eh kung ikwento mo kaya sakin kung bakit ka sinasaktan ng Daddy mo, tapos isumbong nating kay teacher para matulungan ka? Haixt Oo nga pala, sasabihin mo nanaman na nadapa ka kung saan. Ewan ko sayo."
" Wag na, umalis na ko samin kaya di na ko masasaktan pa ni Daddy."
" Bakit ka ba niya sinasaktan?"
" Coz for him I'm a sinner." pilit na ngiti niya.
" Gago wag mo ko englisin, gusto mo ng sapak?"
" Mura ka ng mura."
" Wala kang paki."
" Okay fine."
" Saan ka nakatira ngayon?"
" Apartment."
" Tang ina, pinabayaan kang tumira ng Mommy mo sa sementeryo? Dun ka nalang samin?"
" Eh di ba binebenta na rin yung bahay niyo?"
" Oo pero di naman kaya ng kunsensya ko na nakatira ka sa sementeryo? Apartment type pa?"
" Gago, apartment talaga. Bahay."
" Weh?'
" Oo nga."
" Maniwala sayo, pagkain nga pinoproblema mo pano pa kaya yung pang upa ng bahay?"
" Uhm kay Mommy na apartment yun, binigay na niya sakin." seryosong saad niya, haixt may mga taong mas malala yung problema, mas nakakapanghina pero habang tinitingnan ko nun si Ethan mababakas mo yung tapang sa kanya. Oo, lagi syang may pasa sa katawan, laging may bangas sa mukha, laging maga ang mata sa pag-iyak pero kahit isang beses ata hindi ko sya nakitang umiyak sa harapan ko. Naalala ko pa na sinabi niya nun na hindi sya iiyak sa harapan ko lalo na kung yung Daddy niya ang dahilan. Sabi lang niya yun haha. " Mahal naman ako ng Mommy ko kaya hindi niya ko pababayaan."
" Eh bakit di ka niya bigyan ng pera?" tanong ko pero marahan lang syang umiling.
" Kay Daddy manggagaling yung pera at ayoko isumbat niya sakin na sya parin ang nagpapalamon sakin, kaya kong pakainin yung sarili ko kaya di ko na sya kailangan."
" Ang bata mo pa tangina?"
" Ano naman? Kaya ko ng paliguan at pakiinin ang sarili ko therefore I can live on my own."
" Wow sapakin kita eenglish ka pa eh! akin na nga yan tutulungan na kita magbenta." agaw ko sa bag na hawak niya.
" Ako nalang tol."
" Manahimik ka, mas gwapo ako sayo kaya sigurado ubos agad to." ngiti ko saka nagsimulang mag-alok sa mga classmate namin, Tong payatot na to yung nakikinig sakin tuwing gusto ko maglabas ng sama ng loob, siguro naman sapat na yun para tulungan ko sya kahit paano. Wala pang limang minuto ay ubos na agad yung tinda ni Ethan, lumapit naman ako sa kanya saka kumindat. " Sabi sayo eh."
" Salamat."
" Kung di ko lang alam bahay niyo? Tang ina iisipin ko isa ka sa mga problema ng gobyerno. Payat mo tol para kang babae, gwapo ka sana kaso tingnan mo yung katawan mo? Kumakain ka ba sa inyo?"
" Don't mind me, Ikaw kamusta kayo? Yung Mama at Papa mo?" Tanong niya nagkibit naman ako ng balikat.
" Okay pa kami Tol, saka di tayo close."
" Really, kala ko close na tayo kwento ka kasi ng kwento sakin eh."
" Wala lang akong makausap gago." asik ko, nagkibit naman sya ng ballikat.
" Nakahanap na ng trabaho Papa mo?" marahan naman akong umiling. " Eh, pano kayo, di ba wala ng trabaho Mama mo?"
" Uhm nagagawan naman ng paraan." Tiningnan naman niya yung bag niya at binilang yung napagbentahan niya. " tang ina mo di ko kinupitan yan huh."
"Well kailan kaya ako masasanay dyan sa mga murang lumalabas sa bibig mo, haixt Kumain ka na ba?" tanong niya agad naman akong tumango. Tang ina di pa ko nagbebreakfast tanghali na haha bwiset na buhay to.
" Sinungaling."
" Pang kain mo yan gago, okay lang ako tol di naman ako gutom eh."
" May baon ako tanga." natatawang saad niya saka kinuha yung tinapay sa bag niya. " hati nalang tayo."
"Okay lang ako Ethan, tang ina ka naman eh."
" Shut up, here." Abot niya sakin ng kalahati.
" Ayoko gago, sayo nalang yan. Gwapo parin naman ako kahit gutom eh, ikaw payat ka na nga gutom ka pa yun ang mas masaklap."
" Shut up." simangot niya saka nilagay sa bibig ko yung tinapay. "kain."
" Tang ina ka di naman ako gutom eh!" simangot ko saka kinain yung tinapay, kita ko naman na natawa sya. " Ano kaya kung magbenta din ako?" nawala naman yung ngiti niya sa labi.
" Kakalabanin mo pa ko?"
" Gago, hindi! magbebenta ako ng katawan."
" Seriously?" ngiwi niya.
Continued.....