Jasper......
continuation......
SI ETHAN
Gaano ka nga ba kaimportante? Gaano ka ba kamahal ng mga taong alam mong mahal ka? Paano ka ba dapat mahalin? Paano mo ba gustong mahalin? Paano mo gusto pahalagahan? Paano ka ba dapat alagaan?
Simpleng mga tanong na minsan napakahirap bigyan ng sagot.
Pero ganun ba talaga?
Na kailangan may taong...mahal ka?
May taong dapat pinahahalagahan ka?
May taong dapat inaalagaan ka?
Kapag nagmahal ka ba, dapat ba laging may kapalit, kapag nagpahalaga ka ba, talaga bang dapat pahalagahan ka rin? Sabi nila di dahil nagmahal ka, mamahalin ka na rin. Hindi dahil nagbigay ka, masusuklian. Totoo naman yun, pero may pagkakataon sa buhay natin na may darating, may magmamahal sayo, may gustong mag alaga pero masakit na mahal niyo ang isa't isa ngunit hindi pwede, hindi mo gusto at higit sa lahat ay di dapat.
" Pero..siguro mahal ko na." Mahinang saad niya, otomatiko naman akong napalingon kay Kent. " Tangina tol, mahal ko na ata." Saad niya pa kasabay ng iling. " Di ako sigurado pero parang eh." Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pinilit ngumiti.
Ito naman yung gusto ko di ba?
Ito yung gusto kong marinig mula kay Kent... na mahal niya si Mark.
Sobrang tagal kong hinintay yung araw na masasabi uli sakin ni Kent na nagmamahal na sya uli, na hindi na sya nakakulong sa nakaraan nila ni Russel, sobrang tagal pero ngayon... gusto ko maging masaya para sa kanya.
Pero sobrang sakit parin pala.
Si Mark, sobrang sakit na sya yung mahal ni Kent.
Dalawang buwan, dalawang buwan na halos pagurin ko yung sarili ko wag ko lang sya maisip, dalawang buwan na tuwing hihiga ako sa kama ay tanging pag luha ang pwede kong gawin. Dalawang buwan ng pagpapanggap na masaya ako tuwing nakatingin sakin si Kent kapag magkasama sila ni Mark, dalawang buwan na pakiramdam ko durog na durog ako.
Mahal ko sya, pero mahal niya si Kent at ngayon mahal na sya ng kaibigan ko.
Napalunok lang ako ng makita yung ngiti sa mukha ni Kent, gusto ko sya maging masaya. Mas mahal ko naman si Kent kesa kay Mark di ba, mas malalim yung pinagsamahan namin. Mas kilala niya ko.
" Tara na ihahatid na yung bagong kapitana at tenyenta." Saad ko na pilit naglagay ng ngiti sa mga labi, pilit itinatago yung sakit.
" Narinig mo ba ko gago?"
" Mahal mo na, narinig ko." Tango ko, nagkibit lang sya ng balikat saka ngumiti, ngiti na ngayon ko nalang uli nakita. " Finally, sana totoo na yan."
" Totoo na to tangina! Alam mo yun parang katulad kay Russel, hindi kami nagsesex tol pero parang kahit kasama ko lang sya okay na ko." Saad niya. " Masaya na, makita ko lang sya tangina solve na ko. Alam mo tama ka tol eh, sa oras na kilalanin mo sya dun mo makikita kung gaano sya kasarap kasama."
Nagbigay lang ako ng simpleng ngiti saka marahang tumango.
" Saka tol, yung mga mata niya ang sarap lang tingnan. Tangina dati gusto ko sya dumihan kasi sobrang linis pero ngayon tol, tangina papatayin ko magpaiyak sa kanya. Ihaharap ko kay satanas kung sino man magtanggal ng mga ngiti niya sa labi."
" Satan isn't real." Payak na saad ko.
" Di gagawin kong totoo, ipaparanas ko kung ano kayang gawin ni satanas."
" Talaga lang huh."
" Oo gago, mahal ko na yung baklang yun kaya wag nila ko subukan."
"Mahal?"
" Oo, gago."
" sigurado ka na ba?" saad kong deretsong nakatingin sa mata niya pero tanging kibit lang ng balikat yung ginawa niya." Mahal mo na talaga?"
" Oo, pero syempre kung.. kung.."
"Kung?"
" Mamahalin mo ko, sayo ako." Ngiti niya.
" Tangina mo!"
" Biro lang gago! Basta ako seryoso na ko sa kanya, bahala na tol. Gusto ko na rin to, ginugusto ko na rin na kasama sya. Masaya naman ako, saka di ko na kailangan sumideline sa gabi kasi binibigyan naman ako ni Mark ng pera."
" Binibigyan ka parin niya?"
" Tangina alam ko sinabi mo na wag kong tanggapin, eh kaso tol syempre kailangan ko rin ng pera, ayoko na rin naman mamakla."
" Nagmotel ka nga nung nakaraan."
" Tangina sobrang badtrip lang ako nun, libog na libog ako tapos ayaw ni Mark, tangina niya."
" Alam ko tol, sinabi ko na makipagsex ka lang sa kanya kapag mahal mo na sya, baka dahil lang sa sex kaya sinasabi mong mahal mo sya."
" Hindi noh, sinusubukan ko na talagang kilalanin sya, unti unti hanggang nakita ko na mabait sya, mapagmahal , may drama rin sa buhay." Saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagkibit ng balikat.
" Ok."
" Ikaw wala ka pa bang plano magsyota?"
" Pwede bang tatlo nalang tayo nila Mark?" saad kong nakatitig sa mata niya, pero isang ngiti lang yung binigay niya.
" Tangina mo, ayoko. Kung tayo, tayo pero kung kami, kami lang. Wag kang epal tol."
" sa kama?"
" Tol tangina mo."
" Di ba gusto mo yun?"
" Dati, ngayon ayoko na. Akin lang si Mark."
" seryoso ka ayaw mo?"
" Tol, yung nangyare sa inyo sabi mo wala lang yun di ba, tinanggap ko na yun, kasi naisip ko curious ka lang."
" Yeah."
" Mahal ko si Mark, magtitino na ko para sa kanya. Tangina kahit walang sex sex okay lang, seseryosohin ko to tol kaya tigilan mo ko sa threesome na yan, ako lang kakantot sa kanya."
" seryoso ka nga."
" seryosohan na talaga to, kaya ikaw maglovelife ka na rin."
" Okay lang ako."
" Ows." saad niya, tumango lang ako. Damn he's serious.
Pano na ko?
" Sige tol, kausapin ko lang yung bagong kapitana." Ngiti ko saka agad humakbang pero kasabay nun yung pagtulo ng luha ko, umiling lang ako saka binilisan yung hakbang.
Lumilipas ang sakit di ba Ethan, nawawala din yung kirot.
Palihim ko lang pinunasan yung luha ko.
Mahal na niya.. mahal na niya ..mahal na niya yung mahal ko.
" Ethan? You're here?" saad ng bagong kapitana ng makalapit ako. " Umiiyak ka?"
" Hindi napuwing kasi ako, congratz nga pala." Punas ko sa mata ko, umikot naman yung mata niya saka nagkibit ng balikat. " Pustahan di mo gusto?" natatawang saad ko.
Magpapanggap ako, magpangap na okay lang, magpanggap na masaya..dun naman ako magaling di ba? Sanay na ko.
" Right, si Daddy kasi ang kulit eh. Malay ko bang ako makakabunot." Simangot niya. " Gusto mo bang panyo?" saad niya saka may kinuhang panyo sa mamahahaling bag na hawak niya. Naglagay lang ako ng ngiti sa labi saka umiling. " I insist, namumula yung mata mo eh."
" okay lang talaga ko."
" Are you sure na hindi ka umiiyak?"
" Yeah, bakit naman ako iiyak?"
" I don't know?"
" Wala to, maalikabok kasi tong trombone ko. Ngayon lang uli nakatugtog eh." Pilit na ngiti ko.
" Okay." Ngiti niya habang nakatitig sa mukha ko.
" Why."
" Wala, Ang linis linis mo kapag nasa school. Nakakapanibago pala kapag hindi ka nakaayos, I mean white shirt, mukhang ang luma pa ng jeans na suot mo and look at your shoes?" napatingin naman ako sa sapatos ko. Luma na pero nagagamit pa naman, haha. " Parang ibang tao yung kaharap ko, buti nga namukhaan kita eh."
" Iisa lang naman kasi yung mukhang ganito."
" Nabanggit nga ni Blue sakin na nagmumusiko ka nga daw."
" Yeah." Taas ko ng instrumento ko.
" Sa school guitara hawak mo, pero dito. Uhm what's that?" turo niya sa hawak ko.
" Trombone.?"
" I see, para kang prinsepe kapag nasa school, gwapo , mukhang mabango pero dito..you look.."
Yeah iba ako kapag nasa school, yung ginagamit, yung kilos, yung ayos. Ginagawa ko lahat para magfit in sa napakasosyal na school na yun.
" Ito talaga ko Erika." Sarkastikong saad ko
" I really don't understand but sino ba ko para magtanong, anyway gwapo ka parin naman."
" Naman."
" Tol tangina ka, pakilala mo ko." Ramdam kong akbay sakin ni Kent.
Ito yung gusto ko, kaya dapat tangapin ko.