" Sinabi niya mahal niya ko."
" Tell me nung sinabi niya yun, binigyan mo sya ng pera di ba?" saad niya, marahan lang akong tumango, nakagat ko lang yung labi ko. " See, see? Pera lang? Parehas nating alam na pera lang makukuha mo na si sya."
" Best."
" Hindi ka niya mahal, hindi hindi hindi!" sigaw niya. " Mag-isa ka lang Russel, tangapin mo na mag-isa ka nalang!"
" Magisa ka nalang din naman ah."
" Hindi ako mag-isa, Si Sofhie, sasamahan niya ko." sarkastikong saad niya. " Eh, ikaw? Sinong makakasama mo huh? Wala di ba?"
" Best."
" Masakit di ba? Masakit na marinig na mag-isa ka nalang?" mapait na saad niya. " tatanda at mamatay ka mag-isa."
" Best enough."
" Walang magmamahal sayo, si Lolo celso na nga lang meron ka iniwan ka pa."
" Tama na best." saad ko kasabay ng luha.
" Russel yun ang totoo, at yun ang dapat mong tanggapin."
" Bakit mo ba sinasabi yan?"
" Kasi.. I Hate you. I hate you kasi pati ikaw iniwan ako. I hate you at dapat lang na ipamukha sayo na mag-isa ka nalang, mag-isa ka nalang! Umalis ka na Russel, umalis ka na."
" Si Kuya tucker at si Andrei, totoo bang?"
" Oo parehas niya kayong ginagamit, dahil sa pera." saad niya, tumalikod naman ako saka nagsimulang maglakad. Hindi ko lang mapigilang humikbi ng mga oras na yun, pati ba naman si Mark." Russel." Tawag niya pero di ako lumingon. " Russel, wait." habol niya sakin.
" Magpahinga ka na Mark, lasing ka na." saad ko saka mabilis na lumabas ng bahay nila.
" Russel wait." hawak niya sa braso ko. Muli lang akong lumingon saka hinayaan yung mga luhang tumulo sa mata ko.
" Mark kala ko kaibigan kita, hindi pala."
" Damn, I'm sorry." umiiyak na saad niya saka ako hinila papasok ng gate. " I'm sorry, I'm sorry Russel hindi ko sinasadyang sabihin yun.. Kasi damn damn!! Bakit ganito ba yung buhay ko." umiiyak na saad niya. " Russel, ikakasal na si Mommy sa Japan." Umiiyak na saad niya pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya. " Eh ako? Pano ako? Russel bakit ba ganun?" hagulgol niya.
" Mark, kung inaakala mong ikaw lang may masaklap na buhay, best ako din eh. Mark hindi lang ikaw ang may problema sa mundo, Meron din ako." mapait na saad ko.
" Namatay lang naman si Lolo Celso ah? Di ba nasabi mo na may lumapit sayo? Russel atleats ikaw may pagasa may pamilya ka pa? Eh ako?"
" Best, puro sarili mo lang kasi iniisip mo eh, ni hindi mo nga alam na narape ako eh! Best nirape ako, binaboy ako." saad ko kasabay ng luha, kita ko naman na natigilan sya saka lumingon sakin. " Mark, kaya hindi ako pumapasok sa school kasi hindi ko alam kung paano magsisimula, hindi ko alam kung pano ko kakalimutan yung nangyare sakin, best binaboy ako, pinaglaruan, Best hindi mo alam kung gaano karumi yung tingin ko sa sarili ko."
" What?"
" Narape ako Mark!"
" Sino?"
" Mark nirape ako ni Kuya Dale! Alam mo nung kailangan ko ng tulong si Andrei yung nandun para sakin na dapat ikaw!" hagulgol ko." Best mahal ako ni Andrei, mahal niya ko."
" You mean?"
" Oo, best!"
" Shit!" saad niya saka tumalikod at mabilis na naglakad paakyat sa hagdan.
" Best ano ba!" habol ko sa kanya hanggang makarating ng kwarto, naabutan ko lang sya dun na may hawak na lukot lukot na papel.
" May nangyare na sa inyo ni Andrei?" lingon niya, napalunok naman ako.
" Ano yang hawak mo?"
" Russel may nangyare na ba sa inyo huh? Pagkatapos kang marape ni Kuya Dale? May nangyare ba sa inyo ni Andrei?"
" Bakit?"
" Russel may HIV si Kuya dale."
" Ano yun?"
" May sakit sya, It's human immunodeficiency virus natatransmit yung sa pamamagitan ng sex kapag walang proteksyon or condom?! May nangyare ba sa inyo ni Andrei?" saad niya, natigilan naman ako. " Kung narape ka niya, ibig sabihin Russel posibleng." nang mga oras na yun parang biglang gumuho yung mundo ko. " Russel posibleng nahawaan ka niya ng sakit, HIV positive si kuya Dale." saad niya.
" Best hindi ayoko." iling ko.
" May nangyare ba sa inyo ni Andrei?" tanong niya pero agad akong umling.
" Wala, walang nangyare samin." Tanggi ko, lumapit naman sya sakin saka ako niyakap. " Best mamatay ba ko?"
" No, hindi." saad niya.
" Pero?" nagsimula lang tumulo yung sunod sunod na luha mula sa mga mata ko. " Best, ayoko."
" Kailangan magpacheck up ka para malaman natin kung nahawaan ka ba ni Kuya Dale."
" Di ba best nakakamatay ang Aids?"
" No, Russel hindi. Magkaiba ang Aids sa Hiv at hindi natin dapat hayaan na mauwi sa Aids yung sayo."
" Best wala naman akong perang pangpagamot eh."
" Tutulungan kita."
" Best mahal ko si Andrei."
" Pero Russel."
" At sinabi niya rin na mahal niya ko."
" Pero pano kung malaman niya na.. Russel kung mahal mo sya hindi mo hahayaang mahawa sya sa sakit na yan."
" Pero best."
" Hindi pa naman kayo nagsex di ba?" nakagat ko lang yung labi ko.
" Hindi." iling ko.
" Good, akong bahala sayo Russel wag mo intindihin yung gastos, akong bahala sayo. "
" Pano si Andrei."
" Gusto mo bang malaman niya?"
" Malaman ang alin?"
" Na may posibilidad na nahawa ka, matatanggap ka ba niya?"
" Bakla na nga tapos may sakit pa, Best bakit ba ganito!" Umiiyak na saad ko pero niyakap lang ako ni Mark saka hinagod yung likod ko. " Nakakainis naman eh! Bakit ba ang malas malas ko."
" Shhhh Russel,m I'm here."
" Magagamot pa ba ko kung sakali?"
" Di ko alam, Russel hindi ako Doctor."
" Di ba nakakamatay yung sakit na yun?"
" Hindi natin malalaman kung hindi tayo pupunta sa doctor, Ang gawin mo Russel, wag kang makikipagsex kay Andrei, No matter what happened kasi kung mangyare yun pati sya madadamay."
" Best bakit ganun? Hayop ka kuya Dale, hayop kayong magkapatid!" gigil na saad ko saka napaupo sa sahig habang umiiyak, niyakap naman ako ni Mark.
Nang gabing yun wala sarili akong umuwi sa bahay, hindi ko lang mapigilan yung mga luha sa mata ko habang pumupasok sa gate. " May sakit ako?" bulong ko habang tuloy yung luha sa mata ko hanggang makapasok ako sa kwarto at pabagsak na nahiga sa kama.
" Pano kung nahawaan ko si Andrei, pano? Sigurado ako na magagalit na sya sakin, sigurado pati sya iiwan ako." umiiyak na saad ko, kinuha ko lang yung unan saka niyakap ng mahigpit.
Buong buhay ko ginawa ko lahat para maging mabuting anak, mabuting apo at higit sa lahat maging mabuting tao, wala naman akong tinapakang iba, minahal ko yung pamilya ko pero bakit kailangan mangyare sakin yung ganito. Bakit kailangan maging ganito yung buhay ko, Habang buhay.. Habang buhay na nasa katawan ko yung sakit na yun kung sakaling nahawaan ako ni Kuya dale.
" Ahhhh!!" sigaw ko kasabay ng pagiyak. " Ayoko na." bulong ko saka tumayo at pumunta sa kusina at naghalungkat ng mga gamit dun hanggang makakakita ako ng lubid, napalunok lang ako habang nakatingin sa hawak kong yun saka wala sa sariling bumalik sa kwarto.
Pagsara ko sa pinto napatungo lang ako saka impit na umiyak, pinigilan yung bawat hagulgol na gusto pa lumabas sa bibig ko, pinigilan yung bawat luhang gusto pang lumabas sa mga mata ko.
" Mahal kita Andrei, pero I'm sorry." bulong ko.
SI MARK
Pinunasan ko lang yung luha ko nun habang nakatanaw mula sa malayo habang hinahatid sa huling hantungan si Russel, Damn bakit sumuko sya. Sabi ko tutulungan kita pero bakit bumitaw ka agad, Damn it!
" Mark what are you doing there." rinig kong saad nung kung sino, paglingon ko nakita ko lang si Calix.
" Wala." saad ko saka naglakad.
" Bakit hindi ka man lang pumunta sa lamay ni Russel?"
" Alam mo ba yung ginawa ni Dale kay Russel huh?!" panguusig ko sa kanya.
" Anong ginawa ni Kuya Dale?"
" Hinawaan niya ng sakit si Russel." gigil na saad ko.
" What?" Dinukot ko lang sa bulsa ko yung papel saka inabot sa kanya. "What's this?"
" Positive si Dale."
" Are you kidding me?" natatawang saad niya. " Grabe, alam mo palang nagpatest si Kuya Dale."
" Oo, nakita ko sya sa ospital."
" Well, mali tong result na to." ngiti niya saka pinunit yung papel.
" Ano ibig mong sabihin?"
" Tong test na to, pumunta sila ng america para gawin yung western blot, and it's negative, walang sakit si Kuya Dale."
" Pero?"
" Tong test na to rapid testing? My god, malaki yung possibilities na magkamali yung test na to, So nirecommend ng doctor na magpawestern blot sya para masigurado kung positive nga sya and fortunately negative sya."
" What?"
"So ito yung sinabi mo kay Russel kaya sya nagpakamatay?"
" Hindi." iling ko.
" Walang sakit si Kuya Dale, wala."
" Damn." gigil na saad ko saka sya nilampasan.
" Mark?" habol niya sakin pero mabilis na kong naglakad, nakagat ko lang yung labi ko ng magsimulang tumulo muli yung luha ko, damn! Damn! Damn! Oh shit!
" Oh God." bulong ko kasabay ng pagiyak, paglabas ko ng sementeryo tuloy tuloy parin ako sa mabilis na paglalakad, bakit ko ba sinabi kay Russel yun. Shit!
" Hey!" rinig kong sigaw sakin pero hindi ako lumingon hanggang mapansin ko yung pagsabay ng kotse sa gilid ko. " Mark are you crying?" rinig kong saad ni Sofhie. " Oh come on." saad niya saka bumaba ng kotse at humarang sa daanan ko. " Bakit ka umiiyak."
" Uhm." agad kong punas sa mukha ko.
" Ilang araw kong di pumasok anong nangyare sayo? Ano suko ka na ba sa panliligaw mo? Sabi na eh." sarkastikong saad niya, tumulo lang yung luha ko saka sya niyakap ng mahigpit. " Hoy teka bawal mangyakap?"
" Just need a hug please?" bulong ko.
" What happened ba?"
" Sofhie, Sofhie.. Mahalin mo naman ako oh?" hikbi ko, naramdaman ko naman yung pagsagot niya sa yakap na yun. " Please?"
" Oo na, pero ligawan mo muna ako." natatawang saad niyq, humiwalay naman ako sa kanya saka sunod sunod nagbigay ng tango.
" Mamahalin mo ko?"
" Basta wag mo na ko aawayin, saka.... Fine gwapo ka naman talaga." ngiti niya saka pinunasan yung pisngi ko. " Hindi pa nga tayo iniiyakan mo na ko, wag ganun."
" Sofhie thank you."
" Welcome." ngiti niya saka binigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi at hinawakan yung kamay ko at hinila papunta sa kotse niya.
PRESENT
SI MARK
Magisa lang akong kumakain sa Dining area, rirnig na rinig ko yung tawanan nila Kent sa sala habang nagiinuman kasama si Kuya Harvey, di niya ko mamahalin? Damn. Para yung paulit ulit na nageecho sa tenga ko.
Tinuon ko lang yung atensyon ko sa pagkain ng makita si Ethan habang may hawak na pitsel. Nakailang bote na sila ng alak, hindi ko naman kayang sumabay sa kanila dahil hindi ko pa naranasan makipaginuman. Pinipilit nila ko pero tumanggi ako, hinayaan naman ako ni Kuya kaya pumunta nalang ako sa kusina para maglinis at mag ayos ng mga gamit.
" Ice?" Tanong niya, tinuro ko naman yung kusina saka sumubo ng pagkain. Ilang sandali pa ng bumalik sya saka tumigil sa harap ko.
" Hoy okay ka lang, sali ka samin."
" No Thanks, hindi ako umiinom eh."
" Hindi ako naniniwala." saad niya.
" lasing ka na ata?"
" Mamatay ka man hindi ka umiinom?"
" Umiinom ako pero iba, yung iniinom niyo kasi."
" Pang kanto? Ah okay naiintindihan ko na, mga wine lang ba iniinom mo?"
" Yeah."
" Ano may nangyare na ba sa inyo ni Kent?" tanong niya, nag angat naman ako ng tingin dahilan para magtama yung mata naming dalawa. " Meron na?"
" Wala pa."
" Saklap!" natatawang saad niya saka umupo sa tabi ko at hinimas yung likod ko. " Okay lang yan, mas gwapo naman ako kay kent eh atleast ako natikman mo di ba." ngiti niya, napalunok lang ako ng mapagmasdan yung mga mata niya na namumungay na.
" Balik ka na dun."
" Masakit magsalita yun si Kent kaya malamang yung mga sinabi niya sayo, sobrang sakit.. Wag mo nalang pansinin, ganun lang talaga yun."
" Yeah sure." pilit an ngiti ko, nagkbit naman sya ng balikat saka tumungo sa mesa pero sakin parin nakatutok yung tingin niya. Tila namagnet naman yung mata ko sa mukha niya, bakit ba ganito sya kagwapo.
" Malakas sex appeal ni Kent pero mas gwapo ako, mas maganda katawan niya pero mas malaki naman yung alaga ko, hindi ko naman siguro kokontra di ba?" ngiti niya, nag init naman yung mukha ko kaya tumungo ako hanggang marinig ko yung mahinang tawa niya habang nakatingin sakin.
" Ang cute mo talaga, saka yang lips mo." saad niya saka inabot yung labi ko, hinayaan ko lang sya ng dumikit yung daliri niya. " Ilang araw akong hindi pinatulog ng punyetang labing yan."
" Ethan you're drunk."
" I know."
" Balik ka na dun."
" Di ko alam kung bakit ayaw sayo ni Kent, hindi ko alam kung bakit hindi ka niya gusto, bakit ako..gusto kita?" ngiti niya, napalunok lang ako. " Bakit kasi hindi nalang ako?"
" Huh?"
" Ah wala, matutunaw yung ice." ngiti niya saka tumayo, nakakailang hakbang na sya ng muli syang lumingon saka nagbigay ng isang matamis na ngiti.
" Ethan lasing ka na."
" Oo nga eh."
" Uhm..kailangan mo na atang magpahinga?" pilit na ngiti ko pero muli lang syang humakbang papalapit sakin, hindi naman ako lumingon habang nakatayo sya sa gilid ko.
" Mark?"
" Uhm?"
" Lasing na ako." saad niya dahilan para tumingala ako, nakita ko lang na nakatingin sya sa pader at hindi sakin. " Baka marape ako ng isa sa mga bakla dun, ayoko? pwede ba ikaw nalang gumahasa sakin?" saad nya, napanganga lang ako ng magbigay sya ng isang matamis na ngiti. " Please?"
ITUTULOY