SI MARK
Sumabay ako sa hangin tulad ng isang buhangin na sumasama sa bawat hampas ng alon sa dagat, naglakbay kasama ng mga ulap, lumipad na tila may pakpak ng isang ibon, Nakinig sa bawat pagaspas ng mga dahon na tila ungol ng isang pusong nangungulila. Nakipaglaban sa bawat sakit na dala ng panahon, nakipagtagisan sa hagulghol ng pagsubok.
Humakbang dahil kailangan kong umusad, pero may isang bagay ang nais kong maranasan.
Hindi ko pa naranasan maging masaya, hindi ko pa naranasan maging totoong masaya pero hindi ibig sabihin nun ay di ko na yun mararanasan, patuloy akong naglalakbay, patuloy na nabubuhay, patuloy na humihinga dahil alam ko na darating yung araw may taong darating, taong magmamahal, taong magbibigay ng ngiti, taong sasama at hahawak sa kamay ko sa bawat hakbang na gagawin ko at kapag dumating yung taong yun?
Hahawakan ko sya ng mahigpit, dadamhin yung init mula sa palad niya, pagmamasdan yung bawat kurap at kislap sa mga mata niya, ibibigay yung ngiti na sya mismo ang may gawa. Mamahalin at sabay namin pagmamasdan yung ganda ng mundo. Mamahalin at magkahawak ang kamay na maglalakbay, mamahalin at pahahalagan ang bawat sandaling ibibigay ng pagkakataon. Mamahalin at magiging masaya sa piling niya at wala ng iba pa.
Darating sya, maghihintay ako.
----
" Mark Magiinom kami." bungad sakin ni Kuya pagpasok niya sa kusina, kasalukuyan akong naghuhugas ng mga pinggan nun. " Bukas mo nalang gawin yan?" saad pa niya pero marahan lang akong umiling.
" Maglilinis nalang ako Kuya."
" Ayaw mo uminom?" muli pag iling lang yung naging sagot ko. " May nangyare ba?"
" Wala kuya."
" Mark?"
" I'm fine." saad ko na pinilit naglagay ng ngiti sa labi saka lumingon sa kanya, isang buntong hininga naman yung narinig ko sa kanya. " Kuya yung kanina, I'm sorry."
" You didn't mean it naman right, Mark okay." Saad niya, iniwas ko lang yung tingin ko. " Mark, Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka, Kaya sana wag mo hayaan saktan ka niya."
" Kuya, I'm sorry pero kaya ko naman yung sarili ko."
" Hindi na ko mangengealam, pero kapag nakita kitang umiiyak dahil sa kanya? Mark I'm sorry hindi ko sya mapapatawad, hindi ko alam kung ano gagawin ko sa kanya pero sigurado ako hindi niya yun magugustuhan."
" Kuya naman?"
" Basta hindi na ko makikialam, mahal kita Mark just remember that okay, kahit anong mangyare, kapatid mo ko and I'm always here for you, always Mark." ngiti niya.
" Merry christmas kuya." ngiti ko sinuklian naman niya to ng yakap. " Wait kuya basa yung kamay ko."
" Mahal kita Mark kaya walang pwedeng manakit sayo."
You'll also like
Pag-ibig Ang Parating (gayxstraight)
Galing kay calavan
29.2K 109
Carrot Boy (Boyxboy)
Galing kay mikejuha
1.5K 79
Capturing Bae (gayxstraight)
Galing kay calavan
1.3K 122
" Kuya basa yung kamay ko." ngiti ko saka sya marahang tinulak.
" Sabihin mo lang huh, sasapakin ko yang si Kent. Wag kang matakot kasi nandito ako."
" Yes kuya."
" Aixt, sige na? Hindi ka pa ata kumakain."
" Tapusin ko lang to, kakain na din ako."
" Are you sure?"
" Oo naman kuya." ngiti ko. Humugot lang sya ng malalim na hininga saka tumango.
" Ayaw mo ba talaga uminom?"
" Ayoko."
" Okay, ako ng bahala sa kanila." saad niya marahan lang akong tumango. " Balik na ko dun, nagsisimula na sila eh." ngiti niya saka lumabas ng kusina, nanatili naman akong nakatingin sa kawalan.
Dati mag-isa lang ako pero ngayon meron na kong kuya, yung kuya na handa akong protektahan, masarap pala sa pakiramdam kapag may taong nagmamalasakit sayo, may taong ayaw kang masaktan, ayaw kang umiiyak, taong handa kang protektahan.
Isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko.
Dati si Russel yung tagapagtanggol ko kapag may mga nangbubully sakin, sya yung taong nakikipagaway para sakin. Oo, may mga maling bagay akong nasabi sa kanya pero kahit kailan hindi ko ginustong mawala yung kaibigan ko, yung kaibigan ko na kasama ko nung panahon magisa ako, Mahal ko si Russel at kung may alam ko lang na gagawin niya yun, ako yung unang unang pipigil sa kanya.
Pinunasan ko lang yung luhang tumulo sa mata ko saka nagpakawala ng isang malalim na hininga. Dumistansya ako sa kanya nun, hindi dahil galit ako sa kanya, dumistansya ako kasi galit ako sa sarili ko, kung bakit nakakaramdam ako ng selos, galit ako sa sarili ko nun dahil hindi ko mapigilang isipin na iiwan niya din ako. Oo, attracted ako kay Kent nun pero kahit kailan hindi ko inisip na agawin sya kay Russel.
Kung ano man iniisip ni Calix, mali sya.
Wala akong inagaw, ginusto ko lang sumaya.
Pagkatapos maglinis ng kusina ay nagbukas ng ko ng ref pero tunog ng cellphone ko yung pumukaw sa atensyon ko. Nang tingnan ko yung screen nakita ko lang yung pangalan ni Sofhie. Hinayaan ko lang to hanggang tumigil.
" Bakit di mo sinagot?"
" Damn, Ginulat mo ko?" pilit na ngiti ko. Umiwas naman sya ng tingin saka ako hinawi sa ref. " Ano kailangan mo Kent?"
" Kailangan ko? Tigilan mo ko?" sarkastikong saad niya.
" Kent."
" Biro lang, tubig." taas niya ng pitsel saka tuloy tuloy na lumabas ng kusina. Haixt ano pa ba kulang sakin para di niya magustuhan? Ginagawa ko naman lahat eh, binibigay ko lahat pero bakit?
Sobrang sakit nung mga sinabi niya sakin, pero bakit parang hindi ko maramdaman, bakit hindi ko magawang umiyak, bakit hindi ko magawang wag na syang mahalin?
Ganun na ba ko kamanhid o sadyang sanay na ko masaktan?
Muli namang tumunog yung cellphone ko, nang tingnan ko, Si Sofhie parin yung tumatawag. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sinagot yung telepono ko..
Paano ba ko makikipaghiwalay sa kanya, Haixt kilala ko si Sofhie tatalakan nanaman niya ko pero kailangan ko ng gawin eh.
" Merry Christmas babe." rinig kong saad ni Sofhie sa kabilang linya. Ilang sandali naman akong hindi nagsalita. " Mark sabi ko merry christmas?" Ulit niya.
" Merry Christmas din." saad ko, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka nagsimulang ayusin yung mga pagkain sa ref. " Sofhie, I'm sorry kung.."
" Mark, Do you still love me ba?" putol niya sa sasabihin ko.
" Sofhie?"
" Just answer it? May nagawa ba ko? Nagkulang ba ko? Bakit biglang nagbago ka? Mark deretsuhin mo nalang ako kesa ganito tayo, di ko alam kung iniiwasan mo ko o ano ba?"
" Wala kang ginawa."
" Eh ano?"
" Uhm."
" Hoy wag mo ko babanatan ng its not you, its me huh! Lumang luma na yan line na yan." natatawang saad niya, hindi ko naman mapigilang mapangiti. " Alam mo Mark, naiintindihan ko naman eh, hindi ako manhid."
" You mean."
" Yeah, ramdam ko naman na may iba ka ng gusto eh. Lalake di ba?" saad niya napalunok lang ako saka nakagat yung labi. " Mark, tanggap naman kita eh at tanggap ko rin na ganyan ka. Ginawa ko naman lahat para maging straight ka eh, naghubad na ko sa harapan mo, narape na kita pero hay.. Walang power yung ganda ko kung lalake naman talaga hanap mo." saad niya kasunod ng isang buntong hininga. " Mark, Maiintindihan ko pero sana wag mo naman akong pagmukhaing tanga?"
" Sorry, Sofhie."
" Ang hirap tanggapin, gusto kita sampalin, gusto kita sakalin, gusto kita isumpa pero hayy, pero pati yun ang hirap. Sobrang bait mo kasi eh." Saad niya, ialng sandali namang namayani yung katahimikan sa pagitan naming dalawa. " Mark, naiintindihan ko kung hanggang dito nalang tayo, we've been together for two years, sobrang haba pero.. Ganun talaga eh."
" Sa dalawang taon na relasyon natin minahal mo ba talaga ko Sofhie?"
" Hoy Mark akala mo ba hindi ako nasasaktan ngayon, ang sakit kaya pero okay lang, hinanda ko yung sarili ko para sa tagpong to, ang tanga ko naman kasi bakit nagpabulag ako sa itsura mo."
" Minahal mo ba ko?"
" Oo, Sobrang minahal kita pero.. Matagal ko na ding tinanggap na darating yung araw na tatangapin mo sa sarili mo kung ano ka talaga, Mark minahal kita pero.."
" Sofhie I'm sorry."
" Mark, I want you to be happy. Nakita ko kung gaano ka kalungkot, nakita ko kung gaano mo kailangan ng taong magmamahal sayo kaya nga sobrang hirap sakin na iwan ka kahit alam ko kung ano ka talaga, Mark nakita ko kung ano yung tingin mo sa mundo kaya gusto ko yung mamahalin mo, yung totoong mamahalin mo ang magpapakita na mali ka, na magpaparealize sayo na mali yung tingin mo sa mundo, yung tingin mo sa salitang love, sa salitang happiness."
" Mahirap ba ko mahalin Sofhie?"
" Sobrang hirap." saad niya, tumulo lang yung luha ko pero agad ko tong pinunasan. " Sobrang hirap mo mahalin Mark, Sobra kasi ang tingin mo sa ibang tao, iiwan ka lang din, hindi ko na mabilang kung ilang beses mo tinanong sakin kung kailan kita iiwan, Mark magmahal ka, magmahal ka ng walang kundisyon, magmahal ka at hayaang mo yung sariili mong maging masaya." saad niya, hindi naman ako nagsalita. " Mark, Minahal kita pero wala naman akong magagawa kung hindi ako yung kailangan mo, Mark mahal mo ko pero hindi sa paraan na alam ko at gusto ko."
" Sofhie."
" Mark, live your life."
" How?"
" Tanggapin mo kung ano at sino ka talaga? I'm letting you go Mark, spread your wings and fly ganun!" natatawang saad niya. " Pinapalaya na kita, pero ihanda mo na yung sarili mo sampal ko kapag nagkita tayo."
" Bakit pinapalaya mo na ko Sofhie?" tanong ko.
" Uhm kasi, nung tinangihan mo ko nung birthday ko dun ko na realize na we're not meant to be? Na ginamit lang natin yung isa't isa para maghilom, para may makasama at higit sa lahat para maranasang magmahal."
" I'm sorry."
" Naiintindihan ko talaga, Saka Mark I think.. I'm inlove." saad niya, natigilan naman ako saka tumaas ang kilay.
" What?"
" Uhm I'm inlove?"
" Kanino?"
" Di na sayo syempre."
" Sofhie?"
" Mark wag na tayo maglokohan, we can be friends naman eh, besides wala namang nangyare satin di ba so okay lang yan and I really want you to be my friend."
" Pero."
" Wait first of all, it's official wala na tayo okay."
" Seryoso ka ba talaga?"
" Oo naman, and magcoconfess narin ako sayo."
" Ng alin??"
" Hindi na ko virgin!" excited na saad niya, napanganga naman ako. "Alam ko naman na di ka interested dun pero my god Mark! Finally. Wait teka baka marinig ako sa labas, pero Mark!"
" Are you crazy?"
" I know right haha, anyway hindi mo ba ko icocogratulate?"
" For what?"
" Eh kasi nga di na ko virgin."
" Sofhie naman eh?"
" Mark, let's be friends nalang wag ka ng magpretend na nahurt ka! Alam ko naman na hindi mo masikmurang kasex ako."
" Kanino?"
" Uhm anak ng bussiness partner ni Daddy pero wag mo na isipin yun basta okay na tayo."
" Pero."
" Mark I know minahal mo ko, naramdaman ko naman yun."
" Sofhie."
" Inunahan na kita para di ka na mahirapan magbigay ng excuse."
" Alam mo ng makikipaghiwalay ako?"
" Wag kang magalit sa kuya mo huh, kinausap niya din kasi ako."
" Ni Kuya?"
" Yeah, nasaktan ako syempre nung una pero narealize ko na hindi ka talaga para sakin kaya tinanggap ko na agad agad para di na ko makunsensya kasi may nanliligaw na sakin." natatawang saad niya. " Hoy pero alam mo naman na hindi ako tumanggap ng suitors nung tayo di ba kaya wag mo ko aakusahan na niloko kita."
" Hindi." pilit na ngiti ko.
" Anyway, lalake yung gusto mo di ba?"
" Uhm?"
" Lalake? Uhm in case na may mangyare sa inyo, share mo sakin?"
" Huh?"
" To naman, kahit kailan talaga pavirgin ka. Alam mo Mark nung nakipagsex ako? It's like floating with the clouds, syempre clouds na yumuyugyug." saad niya natawa naman ako. " Seriously Mark, masarap."
" Sofhie?"
" Oo na bastos na yung bibig ko pero Mark, masarap talaga kaya I can't wait na maranasan mo yun."
" Uhm di na rin ako-"
" Holy cow????!!!" excited na saad niya, nakagat ko naman yung labi ko. " You mean?!!"
" Yeah, Nagugutom na ko Sofhie."
" Wait wait!"
" Merry Christmas." saad ko saka pinatay yung cellphone. Muli lang tong nagring pero hindi ko na sinagot, Haixt buti sana kung si Kent yung nakavirgin sakin kaso hindi eh, pero okay lang atleast nung nangyare samin ni Ethan yun naramdaman ko na minahal niya ko, kahit kunware lang.
Napangiti lang ako ng mabasa yung pinadalang text ni Sofhie, hanggang muli tong magring.
" Nakakainis ka talaga Mark gusto mo pa talaga tinatakot ka eh! Sasabihin ko talaga kay Mommy na buntis ako at ikaw ang ama kala mo ba!"
" Eh kasi."
" Seriously hindi ka na virgin? Sa lalake ba?"
" Oo nga." saad ko.
" Woww!"
" I'll hang up na, nagugutom na talaga ko."
" Wait promise mo muna na ikwekwento mo sakin kung sino yan kung hindi, Oh mark kilala mo ko and what I'm capable of doing."
" Eh di ba hiwalay na tayo?"
" Hello mark ang ex ay ex! Vinavalue kaya dapat yun?"
" Seriously?"
" Oo! Basta kapag nagkita tayo ikwekwento mo yan huh, ikwekwento ko rin yung sakin at kung gaano kalaki."
" Ang alin?"
" Yung alaga nung super gwapong nakasex ko." natatawang saad niya, napangiwi naman ako.
" ok ok."
" I'm so happy, sige sige na, wala ka talagang kwenta kausap. Merry christmas ulit."
" Ewan ko sayo." natatawang saad ko saka binaba yung cellphone ko. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko haixt dalawang taon din kami ni Sofhie, mejo magulo yung naging relasyon namin, Hindi naman girlfriend ang naging papel niya sa buhay ko kasi mas naging bestfriend ko sya, mas naging kaibigan sya para sakin, Selosa pero alam kong mahal niya ko.
Para akong nabunutan ng tinik ng mga oras na yun, buti over the phone lang kasi kung hindi malamang namamaga na mukha ko dahil sa sampal niya, I know her. Haha.
SI ETHAN
" Hoy gago, nakakaapat na tagay ka na." lingon sakin ni Kent kumunot naman yung noo ko.
" Eh ano naman?"
" Gago ka ba, Alam mo naman na mabilis ka malasing di ba? Gago umayos ka nga? Limang tagay lang nagdadrama ka na eh." simangot niya natawa naman ako."
" Hindi ah."
" Kilala kita gago." Saad niya saka inabot yung baso kay Calix, nahuli ko naman syang nakatingin sakin kaya tinanguhan ko lang sya.
" Alam mo super popular ka sa school." saad ni Calix natawa lang akong payak.
" Wala lang yun, mas gusto ko yung buhay ko sa labas ng school na yun, tagay mo na yan para makarami tayo." ngiti ko, nakagat ko lang yung labi ko ng maramdaman yung hilo, damn bakit ba ganito ako kabilis malasing haixt.
" Wala ka bang plan magtrabaho Kent?" tanong ni Harvey.
" No need na! I'm here naman eh babayaran ko bawat oras mo Kent." natatawang saad ni Jillian, napangiti naman ako.
" Jetro shut up."
" Grabe ka sakin Coz! It's Jillian nga di ba can you just forget kung sino ako dati? Tanggapin mo na yung new me."
" Ewan ko sa inyong dalawa, Plan na magtrabaho? Maybe soon." Saad ni Kent saka kinuha yung baso at sinalinan at binigay kay Jillian, Nang mga oras na yun parang umiikot na yung tingin ko sa baso.
" Ikaw Ethan?" saad ni harvey, nag angat lang ako ng tingin saka nagbigay ng ngiti. " Ano plano mo?"
" Wala, music? Sa banda, yun yung buhay ko kaya okay na ko dun, besisde parang trabaho narin yun kasi may nakukuha kaming pera bukod sa scholarship." saad ko, nang muli kong tingnan si Calix kita ko lang yung kakaibang tingin niya sakin, nang mapansin niya ko ay kinuha niya yung baso kay Jillian saka inabot sakin.
" Tagay." saad niya.
" Sure." kuha ko sa baso saka agad tinunga, napangiwi lang ako ng malasahan yung alak sa lalamunan ko hanggang tila gumuhit to sa hanggang sa sikmura.
" Tangina mo si Jillian muna di ba?" agaw ni Kent sa baso.
" Ay sorry, kala ko si Ethan na eh." ngiti nito.
" Ay friend, wag mo sabihin type mo sya." ngiti ni Jillian kay Calix.
" Tangina niyo huh, wag niyo na subukan." simangot ni Kent.
" Si Mark?" siko kay kent habang naglalagay sya ng alak sa tagayan.
" Nandun bakit?" nguso niya papuntang kusina.
" Wala lang."
" Tangina tol, ako nalang tatagay sayo namumula ka na eh." saad niya pero sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko saka kinuha yung baso sa kamay niya. " Tol gago."
" Bakit mabilis ba malasing si Ethan?"
" Sobra! Hanggang limang tagay lang yan bangenge na yan." natatawang saad ni Kent.
" Gago."
" Talaga mabilis kang tamaan?" saad ni Calix saka muling sinalinan yung baso ko. " Ganyan masarap lasingin!"
" Hoy gago kang bakla, kaibigan ko yan."
" Okay lang, minsan lang naman eh." ngiti ko saka muli tong tinungga."
" Okay ka pa ba Ethan?" tanong ni Harvey, marahan naman akong tumango saka sumandal sa upuan.
" Tangina tol, papakalasing ka ba ngayon?" bulong ni Kent.
" Hindi ah?"
" Eh bakit?"
" Basta, baka mawala lang kasi tong nararamdaman ko, hayop eh." natatawang saad ko saka muling nagsalin sa baso.
" Ay day sya! Kalma lang, gusto din namin maginom." natatawang saad ni jillian, natawa lang ako saka inabot sa kanya yung baso.
" Oh edi ikaw na." ngiti ko.
" Ethan, dahan dahan lang." saad ni Harvey, ngumiti lang ako sa kanya saka tumango.
" Tangina mo Ethan huh, umayos ka nga? Ano ba nangyayare sayo?" bulong ni Kent.
" Tangina mo sinaktan mo kasi si Mark." inis na bulong ko.
" Ano? Lasing ka na gago." natatawang saad niya. " Isang bote palang gago."
" Tangina mo naman kasi sino ba kasi nagsuggest na maginom? Usapan kakain lang di ba?" simangot ko.
" Me?" ngiti ni Jillian. " Pasensya naman masarap kasi mag inom, you know naman christmas?"
" Tangina kaya ayoko papainumin to eh." saad ni kent, aktong sasalinan ni Calix yung baso ng pigilan to ni Kent. " Kung may plano ka kay Ethan, tangina mo tigilan mo okay? Hindi lang bugbog abot mo, papatayin pa kita gago." banta dito ni Kent, natawa naman ako saka sya binatukan.
" Gago, sya may plano sakin? Wala di ba?" ngiti ko kay Calix.
" Tangina tol lasing ka na eh."
" Hindi ako lasing gago, matino ako."
" Okay pa ba si Ethan?" tanong ni Harvey, natawa lang ako saka nagthumbs up sa kanya.
" I'm fine don't worry."
" Ang cute niya malasing infairnes." natatawang saad ni Jillian.
" Sumandal ka nga gago, wag ka na tumagay." hila sakin ni Kent para sumandal sa sofa.
" Okay pa nga ako gago, mejo nahihilo lang pero okay ako."
" Okay tuloy na yang tagay, wag niyo nalang pansinin, lasing na." saad ni Kent pumikit lang ako saka nasapo yung mukha ko, damn lasing na ba ko, haixt.
" Painumin mo pa para mas masaya." rinig kong saad ni Calix.
" Gago, gusto mo basagin ko yung bote sa ulo mo?"
" Joke lang." Ilang sandali pa yung lumipas na nanatili akong nakapikit pero rinig na rinig ko parin yung kwnetuhan nila, hanggang maramdaman ko na tumayo si Kent kaya dumilat ako, nang lumingon ako ay wala na sya sa tabi ko pero nandun parin yung tatlo.
" San pumunta si Kent?"
" Umihi lang?"
" Saan?"
" Sa garden." natatawang saad ni jillian, isang payak lang na ngiti yung pinakawalan ko saka hinawakan yung bote ng alak at nagsalin.
" Tangina kasi si Kent ayaw na ko patagayin eh, tagay ko na huh." ngiti ko saka agad tinungga yung baso. Mukhang effective tong tanginang alak na to, hindi ko naiisip si mark oh shit! Si Mark? Bullshit naisip ko nanaman tuloy kainis!
Aktong magsasalin ako ng alak ng tumabi sakin si Calix sa upuan saka humawak sa hita ko.
" Jillian." saad ni harvey, nang lumingon ako kay Jillian kita ko lang yung kakaibang ngiti niya.
" Go, tagay ka uli." ngiti ni Calix sakin, marahan naman akong tumango saka muling tinungga yung baso.
" Shit."
" Calix, umalis ka jan." rinig kong saad ni Harvey pero ngumiti lang ako.
" Okay lang yan, wala akong katabi eh." saad ko.
" Tatayo ka jan o ililibing kita ng buhay?" rinig kong saad ni Kent, natawa lang ako. Aktong magsasalin uli ako ng alak ng kunin yung bote sa kamay ko.
" Tatayo na." natatawang saad ni Calix saka tumayo at bumalik sa upuan niya.
" Tangina niyo, bastusin niyo na ko wag lang yung kaibigan ko, magkakasubukan talaga tayo."
" Yung kaibigan mo Jetro pwede ba?" saad ni Harvey.
" Okay okay, move on." ngiti ni Jillian, nang tingnan ko si Calix kinindatan niya lang ako, haixt.
" Tangina mo pakalasing ka pa, para marape kita." bulong ni Kent sa tenga ko, natawa lang ako saka sya tinulak. " Tangina mo seryoso ako, kesa isa sa kanila mangrape sayo edi ako nalang."
" Ay may bulungan na nagaganap, Sali niyo naman kami." tawa ni Jillian.
" Gago kasi tong si kent, patagay na nga lang."
" Wawasakin ko yung pwet mo mamaya gago." bulong pa niya.
" Wait wait, wala na tayong ice." saad ni Jillian saka inangat yung pitsel.
" Ethan pwede ikaw na kumuha sa kusina?" saad ni Harvey.
" Huh bakit ako? Bahay ko ba to?"
" Oo nga bakit sya?" saad ni Kent.
" Uhm nahihilo ako eh."
" Fine." saad ko saka kinuha yung pitsel.
" Kaya mo ba gago?"
" Oo naman, wait kukuha lang ako ng ice. Tatagay pa ko huh." ngiti ko, aktong lalagpasan ko si Calix ng bigla niyang dakutin yung harap ko, natawa lang ako saka hinawi yung kamay niya.
" Nanggagago ka ba talaga huh?!" banta dito ni Kent.
" Tangina kent, kalma lang, hawak lang eh Kuha na ko ng ice." ngiti ko saka naglakad papunta sa kusina.
" Tangina mo Ethan gago ka!" habol pa ni Kent, natawa lang ako. Shit nahihilo talaga ko, bakit ba ganito nararamdaman ko, haixt hindi talaga ko masanay sanay sa pag iinom, malapit na ko sa kusina nun ng maramdaman ko na maduduwal ako, oh shit! Tangina naman hindi ko bahay to, hindi ako pwedeng sumuka.
SI MARK
Ilang sandali ko lang tinitigan yung pagkain na nasa harapan ko ng maalala yung mga sinabi ni Kent, Haixt Isang malalim na buntong hininga lang yung pinakawalan ko.
Magisa lang akong kumakain sa Dining area nun, rirnig na rinig ko yung tawanan nila Kent sa sala habang nagiinuman kasama si Kuya Harvey, di niya ko mamahalin? Damn. Para yung paulit ulit na nageecho sa tenga ko.
Tinuon ko lang yung atensyon ko sa pagkain ng makita si Ethan habang may hawak na pitsel. Nakailang bote na sila ng alak, hindi ko naman kayang sumabay sa kanila dahil hindi ko pa naranasan makipaginuman. Pinipilit nila ko pero tumanggi ako, hinayaan naman ako ni Kuya kaya pumunta nalang ako sa kusina para maglinis at mag ayos ng mga gamit.
" Ice?" Tanong niya, tinuro ko naman yung kusina saka sumubo ng pagkain. Ilang sandali pa ng bumalik sya saka tumigil sa harap ko.
" Hoy okay ka lang, sali ka samin."
" No Thanks, hindi ako umiinom eh."
" Hindi ako naniniwala." saad niya.
" lasing ka na ata?"
" Mamatay ka man hindi ka umiinom?"
" Umiinom ako pero iba, yung iniinom niyo kasi."
" Pang kanto? Ah okay naiintindihan ko na, mga wine lang ba iniinom mo?"
" Yeah."
" Ano may nangyare na ba sa inyo ni Kent?" tanong niya, nag angat naman ako ng tingin dahilan para magtama yung mata naming dalawa. " Meron na?"
" Wala pa."
" Saklap!" natatawang saad niya saka umupo sa tabi ko at hinimas yung likod ko. " Okay lang yan, mas gwapo naman ako kay kent eh atleast ako natikman mo di ba." ngiti niya, napalunok lang ako ng mapagmasdan yung mga mata niya na namumungay na.
" Balik ka na dun."
" Masakit magsalita yun si Kent kaya malamang yung mga sinabi niya sayo, sobrang sakit.. Wag mo nalang pansinin, ganun lang talaga yun."
" Yeah sure." pilit an ngiti ko, nagkbit naman sya ng balikat saka tumungo sa mesa pero sakin parin nakatutok yung tingin niya. Tila namagnet naman yung mata ko sa mukha niya, bakit ba ganito sya kagwapo.
" Malakas sex appeal ni Kent pero mas gwapo ako, mas maganda katawan niya pero mas malaki naman yung alaga ko, hindi ko naman siguro kokontra di ba?" ngiti niya, nag init naman yung mukha ko kaya tumungo ako hanggang marinig ko yung mahinang tawa niya habang nakatingin sakin.
Continued.......