Chapter 2

107 1 0
                                    

  SI MARK

Life?

Kahit gustuhin mo man hinding hindi magiging perpekto ang buhay, Laging may masaya at malungkot, laging may nakangiti at laging may iiyak. May mga bagay talaga na nangyayare kahit ayaw natin. Mga bagay na hindi natin kayang pigilan, tulad ng ulan na kahit gaano mo to pigilan wag bumagsak, babagsak parin ito at kung hindi ka sisilong mababasa ka. Tulad ng pag ihip ng hangin na hindi pwedeng pigilan sa pag ihip at kung hindi ka magiging matatag, tatangayin ka.

Hindi perpekto ang buhay ng tao pero dapat mo tong sabayan, magpadala sa alon ng pagsubok, lumipad kasabay ng hangin, bumagsak kasama ng ulan at muling magbigay ng kulay tulad ng isang bahaghari. Hindi ikaw ang sasabayan ng panahon, iikot ang mundo kahit wala ka, sisikat ang araw kahit hindi mo ito makita, huhuni ang mga ibon kahit hindi mo ito marinig, sumabay ka hindi para mabuhay, sumabay ka dahil buhay ka.

We only live once so always give your best shot.

Wink!

" Di ka ba nilalamig?"

" Isipin mo yang sugat mo, wag yung katawan ko." Ismid niya napalunok lang ako, alam ko unti unting nagigising yung kakaibang init sa katawan ko habang pinagmamasdan ko yung kabuuan niya. Haixt! " Tara maghanap na tayo ng tricycle para makauwi ka na." saad niya saka nilagay sa balikat niya yung kamay ko. Ohh God, Kasalanan ba tong nararamdaman kong arousal dahil sa pagkakadikit niya sakin.

" Kaya ko na maglakad."

" Shut up, ayoko ng makulit."

" Pero."

" I said shut up?" lingon niya sakin. Agad ko naman iniwas yung mukha ko dahil sobrang lapit ng mukha niya. " Ayoko ng makulit okay?" Saad pa niya. Hindi naman ako nagsalita habang naglalakad hanggang isang kotse yung huminto sa gilid namin.

" Shit!" gigil na bulong ni Ethan, kita ko naman na bumaba yung salamin nung sasakyan.

" Kilala mo?" tanong ko sa kanya pero di sya sumagot.

" Ethan." saad nung matandang lalakeng sakay nung kotse.

" Dad."

" Ano nangyare sa inyo?"

" Nasugatan lang sya Dad, pauwi na din kami."
" Okay alis na ko, Mag ingat kayo next time." saad nung daddy niya, muli naman sumara yung salamin nung kotse saka to muling pinaandar. Isang buntong hininga naman yung pinakawalan ni Ethan.

" Tara." pilit na ngiti niya.

" Kilala ko yung daddy mo, Pastor sya di ba?"

" Yeah."

" Nice, Kaya siguro matulungin ka." ngiti ko.

" Wala syang kinalaman sa pagtulong ko sa iba, At isa pa hindi na ko sa kanya nakatira kaya kung ano man ako ngayon, sigurado ako na hindi yun dahil sa kanya."

" Uhm, Really?"

" Yeah, Di nakakapagtaka na kilala mo si Daddy, Lagi yun nasa simbahan eh." saad niya, huminto naman kami sa isang waiting shed, pinaupo niya lang ako saka sya tumabi sakin.

" Wow, Tingin ko magkakasundo tayo."

" Why?'

" Kasi lumaki ka na baon yung aral ng simbahan. Daddy mo si Ted Zarate so ibig sabihin Mommy mo si Ms. Cathy?"

" Yeah Parents ko sila at tama ka na lumaki ako na baon ang aral ng simbahan."

" Talaga? Si Kent kaibigan mo sya di ba? So malamang relihiyoso din sya katulad mo?"

" Huh?"

" Si Kent?"

" Hindi sya relihiyoso, Mas lalo na ko."

" What?"

" Hindi ako relihiyoso, Di ako naniniwala sa Diyos mo."

" Seryoso?" tanong ko habang nakatingin sa mukha niya, marahan naman syang tumango. " You mean.?"

" Yeah, Vampire ako." ngiti niya habang hinahangin yung manipis niyang buhok, nang mga sandaling yun di ko lang mapigilan titigan yung mukha niya, Bakit ba may mga taong kahit di mo naman kilala mararamdaman mo na magaan na yung loob mo sa kanila. Haixt siguro dahil gwapo sya kaya ganito yung nararamdaman ko. Ideny man natin o hindi minsan sa itsura tayo nagbabase. " See this." saad niya saka pinakita yung pangil niya. " Ito ang patunay na vampire ako."

" Vampire?" ngiti ko.

" Oo, So wag kang umasang magkakasundo tayo kasi malabo pa yun sa Tv na walang antena."

" Vampire ka? Ibig sabihin umiinom ka ng dugo at takot ka sa krus?" saad ko saka nahawakan yung kwintas ko na may pendant na krus.

" Hindi ako takot sa krus, I just hate it."

" Bakit?"

" Pano mo nasisikmura na magsuot ng isang kwintas na simbolo ng pagtoture sa isang nilalang? Imagine this, pano kung narape ka tapos yung itsura mo pagkatapos nun gagayahin ko at gagawin kong kwintas? Kalokohan!"

" Uhm simbolo to ng-"

" Nevermind ganito nalang, Bakit ayaw ng vampire sa krus?"

" Bakit?"

" Coz they hate bullshit!" ngiti niya. " And I hate bullshit." Natulala naman ako sa kanya.

" Seriously?" di makapaniwalang saad ko, ngumiti naman sya saka tumango. " You know what, alam mo ba na ang cross ay symbol ng pagmamahal ng diyos sa tao na handa syang isakripisyo ang sariling buhay para kaligtasan ng sanlibutan." natawa naman sya ng payak.

" Naniniwala ka ba sa will ni God? That everything is planned according to will of God?"

" Yeah."

" Then will niya na mamatay si Jesus sa Cross." natigilan lang ako, shit! " You're wearing a bare cross. Alam mo ba meaning niyan?" tanong niya nakatingin sa kwintas ko.

" Uhm salvation?"

" Seriously?'

" Yeah."

" Okay sige, Anong pagkakaiba ng Crucifix sa Cross?" ngiti niya, napalunok naman ako. Alam ko yun eh, haixt.

" Wait I know that."

" Pretending that you know everything? Wow Yan ang tinuturo ng simbahan."

" Teka, You really hate God?"

" Ano ako baliw? Bakit naman ako magagalit sa kanya?"

" So you believe in God?'

" Hindi."

" Pero."

" Pano ako magagalit sa isang taong hindi naman nageexist? He's imaginary." ngiti niya.

" No, Totoo sya."

" Really? Anyway, So nakasuot ka ng kwintas na may pendant na cross."

" Uhm Yeah?'

" Do you have crucifix?"

" Ito?" hawak ko sa kwintas ko.

" Magkaiba sila." saad niya. " Gusto mo malaman?"

" Fine ano pagkakaiba nila." napapakamot na saad ko.

" Wow, Sa cross wala si Jesus pero bukod dun meron pang ibang meaning yan na pinaniniwalaan ng maraming kristiyano," matamis na ngiti niya saka umiba ng tingin. " Crucifix symbolizes that Jesus died on the cross to redeem humanity or Jesus' death as a powerful act of sacrifice to atone for the sins of the world. " litanya niya na kinanganga ko. " Ang crucifix ay pagpapaalala sa tao kung pano niya sinakripisyo yung buhay niya para sa kaligtasan ng lahat."

" Same lang naman ah?'

" Nope."

" Eh ano pagkakaiba nun sa cross lang?"

" Cross, Naniniwala sila na ang cross, It illustrate that Jesus is no longer suffering. Na ibig sabihin na naghahari na sya sa kalangitan." saad niya saka lumingon sakin. Nanitili naman akong nakatingin sa mukha niya. " I'm not saying na fact yun, what I'm saying is there's always a difference between two objects, people or anything. May difference pero nung pinako si Jesus sa cross, naging isa sila."

" Cross and Crucifix, Ngayon ko lang nalaman yun." pilit na ngiti ko.

" Well some says na nagkaroon lang ng meaning ang cross because Jesus died on it that's why tinawag syang holy cross, pero kung siguro hindi nangyare yung sinasabi sa bible na pagkamatay ni Jesus? baka walang meaning yang Cross na yan hindi tulad ng pagbibigay nila ng meaning sa cross na nakita after ng 9/11 attack sa world trade center. Na ang ibig sabihin daw na God has a plan kaya nangyare yung bombing na yun, Nonsense plan?" saad niya kasunod ng payak na tawa.

" Uhm, teka? are you questioning God?"

" Hindi?"

" Pero bakit ganyan ka magsalita?"

" He's imaginary. So bakit ko sya iquequestion?"

" Seriously?" manghang saad ko. Tama ba yung naririnig ko? Aixt.

" If I were you wag mo ko kausapin about religion maiinis ka lang sakin."

" Hindi ka talaga naniniwala kay God?"

" Makulit ka din noh? Wag natin syang pagusapan." saad niya napabuntong hininga naman ako. Tama nga siguro baka mag away kami ngayon haha at wala ako sa mood para kontrahin lahat ng sinasabi niya, ni ayaw nga iabsurb ng utak ko yung sinasabi niya kasi bawat buka ng bibig niya ang sarap pagmasdan.

" Yeah, some other time iinisin din kita about religion."

" Sure, Ready ako jan." ngiti niya. " Mark lang ba talaga pangalan mo?"

" Yeah, Mark Salazar."

" Ok, I'm Adrian Ethan Zarate kung gusto mo lang naman malaman, I have my phone here gusto mo tawagan mo parents mo para masundo ka nalang dito?"

" Wala akong parents dito, nasa abroad sila parehas."

" Huh?

" Yeah, Nakakalungkot sabihin pero mag isa lang ako, Well may dalawa kaming katulong sa bahay."

" Friends?"

" I have Sofhie, my gilrfriend."

" Bukod sa kanya, Alam mo yun kabuddy, bestfriend?"

" Wala, Bukod sa mga kasama kong sakristan wala na."

" Di mo close yung mga sakristan na ksama mo?"

" Di gaano."

" Saklap naman." saad niyang nakatitig sa mukha ko. " Alam mo magisa nalang din naman ako pero dahil kay Kent and sa family niya hindi ko nararamdaman yun, feeling ko kapatid ko si Kent and magulang ko yung magulang niya."

" Eh yung parents mo?"

" Mahabang kwento yun pero panget man pakinggan di ko na sila tinuturing na magulang."

" Really?"

" Yeah, But I'm okay. I'm happy di tulad mo na parang ang lungkot ng buhay."

" Hindi ah, okay naman ako." ngiti ko natawa naman sya na ikanakunot ng noo ko. " Why?"

" Di naman tayo magkaibigan pero dami mo ng alam tungkol sakin." iling niya. " Anyway, Naniniwala ka ba talaga sa vampire? Para kasing naexcite ka nung sinabi kong vampire ako." Marahan naman akong umiling.

" Uhm no, I mean Yes, Uhm no pala... Aixt sometimes, Sabi mo Vampire ka?" Hindi sya naniniwala sya sa Diyos? Pero Vampire? Meron pa bang mga ganun? " Vampire ka ba?"

" What the fuck!" tawa niya. " So naniniwala ka talaga na Vampire ako?"
" Konti?"

" Nakakatawa ka." napakamot naman ako sa ulo, eh sa mabilis ako maniwala eh haha.

" Napanuod mo ba ang twilight?" tanong ko sa kanya.

" Hindi eh."

" Alam mo ba I love vampires?"

" Hoy gago may syota ako." simangot niya.

" Not that, Can you suck me?"

" What?" gulat na saad niya.

" I mean suck my blood? Here?" turo ko sa leeg ko. " Uhm, Dream girl ko kasi si Bela eh, Please baka sakaling maging Vampire ako?" ngiti ko.

" Yan ang hirap sa tao eh, napakabilis maniwala sa kalokohan." saad niya saka tumayo.

" Joke lang ba na Vampire ka?"

" Yeah, baliw ka na ba? Sabagay katoliko ka nga pala."

" What?"

" Wala, sabi ko umuwi ka na." nanatili naman akong nakaupo habang nakatulala at nakangiti. " Ano na?"

" Aixt paasa ka eh noh?"

" Huh? Type mo ba ko? Sorry huh may girlfriend ako." lingon niya.

" Hindi yun, Paasa ka. Kala ko pa naman may nameet na kong real life vampire. Bigla pa naman gumaan yung loob ko sayo."

" Naniniwala ka talaga sa Vampire?"

" Uhm gusto ko maniwala, Iniimagine ko na totoo sila, tapos mapupunta ako sa mundo nila Bela and Edward." ngiti ko napakamot naman sya ng ulo.

" May tricycle na, Sumakay ka na."

" Di mo pa talaga napanuod yung twilight?"

" Hindi nga, Ang kulit mo."

Continued......  

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon