CHAPTER 46

73 1 0
                                    

  SI ETHAN
Maging masaya, Paano nga ba maging masaya? Ngumiti na tila baliw sa isang lugar na 'di kilala, ngumiti na parang walang bukas na inaalala, Isang ngiting di nais mabura pa. Isang pakiramdam na tayong lahat ay nais makuha, pakiramdam na sana ay 'di na matapos pa, pakiramdam ng isang ibon na kay tagal bago nakalaya, pakiramdam ng ulan tuwing babagsak sa lupa.
Pakiramdam.. Pakiramdam ng isang taong masaya.
Pakiramdam... Pakiramdam ng taong gustong sumaya.
Sa bawat tibok na tila kidlat sa bilis, mga matang iisa ang nais, kamay na may dalang init sa bawat haplos, halik na dahan dahang sa puso'y gumagapos, higpit ng mga hawak sa mga palad na tila ayaw nang kumalas, isang pakiramdam unti unti sa pag usbong. Sa isang kislap puso'y bigla huminto sa pag tibok nang sa aking mga mata'y isang ngiti ay sumalubong.

Ito na nga ba yung pakiramdam na 'yun?
Pagkatapos ng isang halik puso'y biglang umibig.
----
Naalipungatan lang ako ng maramdaman yung kung anong kumakagat sa paa ko kaya agad akong napatayo.
" Shit! Langgam!" inis na saad ko saka hinubad yung sapatos ko at pinagpag. Natigilan lang ako ng mapansin yung tinatapakan ko, teka? Nasaan ako? Nang ilibot ko yung tingin ko nakita ko lang si Mark na mahimbing din na natutulog sa gilid habang nakasandal sa pader.
" Mark." tawag ko sa kanya. Napakamot lang ako, oo nga pala magkasama kami kanina, Nawala na yung pagkalasing ko dahil sa pag akyat namin sa letseng bundok na to.
Napabuntong hininga lang ako saka nilibot yung tingin ko sa buong lugar.
Unti unti nang kinakain ng liwanag yung kalangitan.
Lugar kung saan nagkikita ang buwan at ang araw?
Tumingala lang ako saka hinahap yung bilog na buwan na kanina ay sobrang liwanag ang dala, hanggang mahagip to ng mata ko.
Wow
" Mark wake up!" saad ko pero wala pa din sagot mula sa kanya. " Aixt I said wake up?"
Nang lumingon ako ay mahimbing parin syang natutulog.
Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng mapansin yung unti unting pagsilip ng araw sa silangan, oh shit.
" Mark wake up, you need to see this." saad ko. " Shit hindi ka ba talaga magigising?" napapakamot na saad ko saka lumapit sa kanya saka lumuhod sa gilid niya.
Aktong hahawakan ko sya ng matigilan ako ng mapagmasdan yung mukha niya ng ganung kalapit, nang ganun kaliwanag, nang ganun kalinaw, yung makinis niyang mukha, yung mapupulang labi. Yung mahabang pilik mata.

You'll also like

Carrie & Bal (bisexualxstraight)-May-June
Galing kay calavan
1K 59

My Bodyguard, My Lover
Galing kay Markyboi5
14.4K 916

Capturing Bae (gayxstraight)
Galing kay calavan
1.4K 122
Tanging paglunok lang yung nagawa ko ng mga oras na yun, oh shit ang pangit parin ng panlasa ko haixt!
Gusto ko sya hawakan pero bakit parang.. damn! Hindi ko na maintindihan sarili ko.
" Mark." bulong ko, napalingon lang ako ng tumama na sa mukha ko yung sikat ng araw. " Ang hirap mo talaga gisingin noh?" saad ko saka dahan dahan dinala yung palad ko sa mukha niya saka to masuyong hinaplos.
Ilang segundo ang lumipas pero nanatili akong nakaluhod sa gilid niya, pinagmamasdan ko lang sya pero parang ayoko na umalis sa pwestong yun. Di ko ramdam yung ngalay, di ko ramdam yung paligid, parang pagmasdan ko lang yung napakaaamo niyang mukha ay sapat na.
Mark oh Mark ano bang ginawa mo sakin?
Unti unti parang may nagtutulak sakin para ilapit ko yung mukha ko sa kanya, hanggang magtapat yung mukha namin, nanatili akong nakadilat pero nang magdikit yung labi namin parang may sariling buhay yung mga mata kong sabay na pumikit.
Dinama yung labi niya.
Sana panaginip lang to, panaginip ka lang Mark.
Sa panaginip nalang kita mamahalin, kasi duo'y akin ka.
Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung kamay niya sa batok ko kasabay nun ay yung pagsagot niya sa halik na yun.
Nang sandaling yun sumasabay sa bawat galaw ng labi ko yung kabog ng dibdib ko, Ramdam ko yung diin ng kamay niya sa batok ko na tila nagsasabing wag akong tumigil sa ginagawa ko, napakalambot ng labi niya, napakasarap.
Unti unti dinala niya ko sa panibagong mundo, panibagong mundong di ko alam kung saan, panibagong mundo na hindi ko sigurado kung gusto ko pang iwan, nang mga oras na yun pakiramdam ko gagawin ko na lahat tumigil lang sa pag galaw ang kamay ng orasan, dadasalan ko lahat ng santo para tumigil lang yung mundo sa pag ikot, ayoko na umalis sa tagpong yun, ayoko na matapos pa yung halik na pinagsasaluhan namin, ayoko na pero...
Ilang segundo din naming pinagsaluhan yung halik na yun hanggang dahan dahan niya kong itulak, nakagat ko lang yung labi ko habang magkalapat parin yung mata naming dalawa hanggang isang ngiti ang nakita ko sa mga labi niya.
Shit I'm inlove! Hindi ako naniniwala sa love sa ganitong paraan pero bakit hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon.
Yung ngiti niya, yung mga mata, yung maninipis niyang buhok na tila sumasabay sa ihip ng hangin, parang biglang nagslow motion yung paligid.
Tangina, para akong nakadroga.
" Mark." mahinang saad ko, parang ayaw kumawala ng boses sa bibig ko pero napakarami ng gustong bigkasin nito.
" Ang panget ng lasa ng bibig mo?" pilit na ngiti niya.
Ano daw?!
Natauhan lang ako. Bwiset! Aaiixxt! Mark tangina ka talaga panira ka talagang bwiset ka aixtt! " Uhm kasi hindi talaga maganda yung lasa."
What?!
" I'm sorry pero ang panget talaga ng lasa, oh my god." punas niya pa sa bibig niya.
" Shit." ngiwi ko saka agad tumayo, damn damn! Ethan bakit mo ba sya hinalikan, shit naman kasi. Nang lingunin ko sya nakatayo na sya habang nakatanaw sa paligid, malamang halikan ko sya eh mahal ko sya? Pero tangina naman oh?!
Hanggang marinig ko yung pigil niyang tawa.
" Bakit ka tumatawa?" tanong ko.
" Uhm."
" Bakit nga?"
" Bakit mo ko hinalikan?" tanong niya.
" Ah eh."
" Ethan, uhm tao lang ako kaya sana...Uhm gwapo ka saka mabait pero kasi."
" Kasi ano?"
" Ayoko umasa, uhm kakalimutan ko nalang." lingon niya habang may ngiti sa labi. " kakalimutan ko don't worry."
" Ang alin?"
" Yung naiisip ko, mali ako di ba? Mali ako sigurado ako, mali."
" Mali na alin?"
" Na gusto mo ko?"
" Ah eh." nauutal na saad ko, natawa naman sya saka tumalikod saka humakbang pababa sa lugar na yun.
" Let's forget it, pero ang hirap kalimutan nung lasa ng bibig mo, My god." saad niya. Gusto ko sya, damn gusto ko sya! Gusto ko maglupasay ng mga oras na yun, shit nasabi ba sa science kung paano pigilan tong chemical reaction na to? Parang di naman! nasabi ba sa mga libro na ganito yung pakiramdam na yun, yung masayang pakiramdam?
Pagkatapos ng halik na yun damn lalo kong nasiguradong mahal ko nga sya.
" Uy tara, wag kang mag-alala kakalimutan ko na hinalikan mo ko."
" Uhm Mark wait kasi ano."
" Ok aaminin ko, yung halik mo hinahanap hanap ko pero dahil sa kiss natin kanina I have reason na para wag maisip na halikan ka uli." ngiti niya. " God Ethan, maisip ko palang yung lasa ng bibig mo , hinding hindi na talaga hahalikan." saad pa niya, napangiwi naman ako habang nakatingin sa kanya.
" Mark kasi ano."
" What?"
" Sorry?"
" Appology accepted, now let's move on? Seriously Ethan kailangan mo na magmumug." natatawang saad niya. " Iniisip ko na pwedeng makasex uli kita pero my god ngayon hindi na."
" Why?"
" This is the most kadiri kiss I've ever had." tawa niya.
" Kadiri?" simangot ko, nakagat naman niya yung labi niya saka nagkibit ng balikat, habang pinagmamasdan ko sya ng mga oras na yun hindi ko maintindihan yung sarili ko na dapat naiinis ako kasi nilalait niya yung hininga ko pero hindi ko magawa, ang sarap niya pagmasdan nun, yung ngiti niya, yung tunog ng tawa.
Para syang anghel ng mga oras na yun habang tumatama sa kanya yung sikat ng araw ng umagang yun.
" Ok pakunswelo you're a great kisser,but with a bad breathe." asar pa niya saka nagpeace sign habang nakangiti. " Tara na, please gusto ko na din magmumog, nalalasahan ko pa yung bibig mo, tara na please? Sobrang panget talaga ng lasa promise." saad niya saka bumaba sa hagdan.
Isang payak lang na ngiti yung pinakawalan ko saka napailing, tangina niya ano bang uri ng tao sya. Muli lang akong lumingon sa lugar saka muling tumingala, Marunong pala ako magmahal? Magmahal?
. " Ethan tara bilis." Sigaw niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumunod sa kanya, nakita ko lang syang nakatanaw sa buong lugar habang nasa gitna na sya ng hagdan.
Sinundan ko lang yung tingin niya, napakaganda ng lugar, sobrang ganda.
" I really miss this place." lingon niya sakin habang may ngiti sa labi, umupo naman ako sa hagdan,gusto ko lang syang pagmasdan, pagmasdan ng pagmasdan, Tangina nababaliw na ko! " Alam mo naniniwala ako na most places are as happy as we make them." Saad nya. Nanatili naman akong nakatulala sa kanya. " The sun makes me feel alive, I can feel the essense of life flow through me whenever I'm here."
" Hate this part, paper hearts and I hold a piece of yours. Don't think I'll just forget about it, hoping you won't forget about it." bulong ko sa lyrics ng kantang yun, natigilan lang ako ng lumingon sya habang nakakunot ang noo.
" Are you singing?"
" No?" iwas ko ng tingin.
" Really?"
" Oo nga, hindi ako kumakanta." simangot ko natawa naman sya. " Nakakainis na pa nga yang tawa mo."
" I'm just happy?"
" Happy?"
" Yeah, this place makes me happy." ngiti niya saka dumipa at tumingala " Anyway I love your voice." saad niya saka bumaba sa hagdan, inis naman akong sumunod sa kanya.
" Kilala mo ba si Patnubay?" tanong niya habang pababa ng hagdan.
" Yung photographer ng Angono Tourism?" Kunot ang noong saad ko, lumingon naman sya saka tumango. " Bakit?"
" Kinunan ata tayo ng picture?" tumingin naman ako sa paligid, hanggang makita ko yung grupo na nagjojogging at yung isa na may hawak ng camera na kumukuha ng pictures sa paligid. " Pustahan tayo makikita ko nanaman yung mukha ko sa page niya." natatawang saad niya.
" Bakit lagi ka ba niyang kunukununan ng picture?"
" Hindi nga eh, lagi akong photobomber sa mga pictures niya na pinopost, kung hindi stolen, kalahati lang ng mukha ko yung kita tapos si Sofhie lagi akong tina-tag. Kainis lang, May picture tayo nung fiesta sa page niya, nakita mo ba?"
" Tayong dalawa?"
" Oo, kasama si Kent kaso nakatalikod sya eh kaya tayo lang yung malinaw."
" Di ko pa nakita."
" Teka saan ba tayo pupunta?"
" Bibili ng pangmumog?"
" Nakakatawa ka na huh."
" Just kidding." ngiti niya, pagbaba namin sa strakturang yun ay napagmasdan ko na yung buong lugar, malaki yung kalsada, may natatanaw din akong golf course sa di kalayuan.
" Ano ba tong lugar na to?" tanong ko sa kanya habang naglalakad patungo sa kung saan.
" Uhm dindevelop na kasi to, marami na ring subdivision dito meron ding mga resorts, Ngayon ka lang ba talaga nakapunta dito?"
" Yeah." kibit ko ng balikat.
" May daan dito papunta antipolo, papuntang tanay. Well shortcut pero since pabundok at delikado bihira parin yung dumadaan."
" I see, saan nga tayo pupunta?"
" May bahay kami dito." lingon niya sakin. " Sabi ko nga bata palang ako, nakita ko na yung punong yun di ba."
" Okay." tango ko, Halos inabot din kami ng sampung minuto sa paglalakad hanggang makarating kami sa tapat ng isang malaking bahay, dalawang palapag yun at may malawak na bakuran.
Nakita ko lang syang may kinuha sa isang paso sa gilid.
" Keys' ngiti niya sakin habang hawak yung susi. " Kaso walang mouthwash sa loob."
" Ewan ko sayo."
" Wala ding tubig?"
" What?"
" Eh kasi pinutol na saka yung kuryente, wala nanaman kasing nakatira dito."
" Wala man lang pangmumug? Well okay lang para magsuffer ka naman kapag hinalikan uli kita bayad sa bawat pawis na tumulo sa katawan ko." Saad ko, natawa lang sya saka humarap sa gate at sinuksuk yung susi. " So wala talagang tubig sa loob?" umiling naman sya. Napabuntong hininga lang ako saka lumingon sa paligid, may iilang bahay akong nakita kaya nagpasya akong maglakad sa isa sa mga yun pero agad niya kong hinila pabalik sa gate nila.
" Bakit?"
" San ka pupunta?"
" Manghihingi ng water?"
" Teka ako na?"
" Ako nalang."
" Eh ako na, baka mahimatay yung kakausapin mo eh." natatawang saad niya saka ako nilampasan, nang limingon sya binigyan ko lang sya ng di makapaniwalang tingin. Damn sumuka kaya ako kaya malamang mabaho yung bibig ko saka yung tanginang alak na dahilan kung bakit kami magkasama ngayon aixt! Tangina yung alak nga yung dapat kong sisihin bwiset! haixt kainis.
Tangina baka lasing pa ko kaya ganito yung nararamdaman ko? Haixt.
Ilang sandali pa ng bumalik sya na may dala ng bote ng mineral water.
" Here." ngiti niya.
" Nakakaoffend ka na huh."
" Bakit?"
" Ngayon lang mabaho hininga ko, kung makapagsalita ka."
" Edi ngayon lang." ngiti niya saka ako nilampasan at pumasok sa gate, palihim ko naman inamoy yung hininga ko, shit amoy alak at suka haha. Tangina kahit ako hindi ako makikipaghalikan sa ganitong amoy ng bibig haha.
" Mark teka." habol ko sa kanya.
" Dito ka nalang magmumog, ayoko na pumasok sa bahay."
" Bakit?"
" Eh nakakatakot kaya?"
" Naniniwala ka pa sa multo, well sabagay si God nga pinaniniwalaan mo, multo pa kaya?"
" Wah, ayoko pag usapan si God kapag ikaw ang kausap." natatawang saad niya, nagkibit lang ako ng balikat saka nagsimulang magmumog, nakita ko naman sya na may kinuhang dalawang bike sa gilid.
Binuga ko naman yung laman ng bibig ko.
" Magbibike tayo pababa?"
" Sinong nagsabi na baba na tayo?"
" Eh saan tayo pupunta?"
" Maglilibot, alam mo bang may mga resort sa paligid? Saka napuntahan mo na ba yung Angono cave?" agaw niya sa hawak ko saka to tinungga, natigilan naman ako, may laway ko na yun eh, binuga naman niya sa gilid yung tubig na nasa bibig niya saka muling inabot sakin yung bote.
" Ayos na." ngiti niya na kita lahat ng ngipin.
" Perfect set of teeth." saad ko habang pinagmamasdan sya.
" Yeah, asset ko yan. Ikaw din naman ang ganda din ng teeth mo,"
" Wala na yung isang bagang ko eh, yung sayo parang buong buo?" Natawa lang sya saka tumango.
"Yeah, Tinatanong kita kung alam mo yung cave dito?"
" Cave? May Cave dito?"
" Ano ba yan di alam?"
" Biro lang alam ko yun syempre, pero di ko pa sya napuntahan."
" Puntahan natin?"
" Ang sakit pa ng mga paa ko eh?"
" Kaya nga magbibike tayo eh?" ngiti niya.
" Para na kong ginahasa sa pagod, hinang hina na ko tapos gusto mo pa?"
" Ang bastos mo, tara na dali wag mo ubusin yang tubig painom pa ako." saad niya saka inabot sakin yung isang bike. " Hawakan mo."
" You're imposible?"
" Well sabi nga di ba sa bibile everything is possible?"
" Ah ganun ipapasok mo uli bible? Alam mo ba-"
" Nananananana." kanta niya saka lumabas ng gate habang akay akay yung bike niya.
" Walang diyos, mga tanga lang naniniwala sa kanya." simangot ko.
" Well tanga naman talaga ko, sa love." ngiti niya natigilan lang ako saka nagbigay ng sarkastikong tingin.
" Agree ako dyan." ngiti ko saka sumakay sa bike, kita ko naman na nakasimangot syang nakatingin sakin. " Oh bakit?"
" Grabe sang ayon ka ba talaga na tanga ako?"
" Oo naman, self proclaim ka eh kokontra pa ba ko?" natatawang saad ko. " tara na?"
" Kainis ka Ethan?"
" Mejo okay na uli hininga ko, parang gusto ko manghalik ng mabagal?" ngiti ko sa kanya.
" Mabaho pa yan! Langhap na langhap ko pa oh?"
" Gusto ko din manghalik ng reklamador, tangina sya na nga hinalikan ng ganito kagwapo nagrereklamo pa."
" Whatever." simangot niya saka sumakay din sa bike niya saka nagsimulang magpedal, di ko naman mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sya. Tingin ko okay naman sya kausap eh lalo kung hindi tungkol kay Kent ang usapan.
Sobrang poistive ng aura niya, parang hindi nauubusan ng pag asa.
Isang payak na ngiti lang yung ginawa ko saka nagsimulang magpedal at sumunod sa kanya, bahala na, bahala na kung saan ako dadalhin ng pakiramdam na to, pakiramdam ng taong hindi na inakalang may pagasa pa syang sumaya.
" Ethan wag mabilis!" sigaw niya ng malampasan ko sya, nagfuck you sign naman ako saka lumingon at nagbigay ng isang ngiti.
Mahal ko sya.
" Ethan!" sigaw niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka binagalan yung pagpepedal hanggang magtapat yung bike naming dalawa. " Kainis ka."
" May tanong ako."
" Ano?"
" Wala ka bang ibang kamag anak?" tanong ko sa kanya, nang lingunin ko sya kita ko lang na sa kalsada lang sya nakatingin. " Uy may tanong ako?"
" Meron." pilit na ngiti niya.
" Nasaan sila?"
" May kapatid pa yung Mommy ko, may dalawang anak."
" Nasaan sila?"
"Si Tita Michelle nakakulong, ganun din yung lalake niyang anak, yung babae naman namatay dahil sa cancer."
" Wow, pero nakakulong?"

" Nabanggit ko na sayo si Nicko di ba? Si Nicko kasi anak ni Tito sa ibang babae, So galit sa kanya si tita michelle ang ginawa niya kinidnap niya tapos nirape ng anak niya. " saad niya kasunod ng isang payak na tawa. " Yung pamilya ko kasi, sobrang gulo, madaming kwento, maraming tinatago, maraming baho." mapait na saad niya, napatango naman ako.
" I see, ayoko na magtanong."
" Alam mo kung ikwekwento ko sayo lahat, kulang ang isang lifetime para matapos yun."
" Oa ka naman."
" Seryoso ako."
" Si Nicko minahal mo ba talaga sya?"
" Yeah."
" Sinubukan mo ba syang ipaglaban?"
" Oo naman pero narealize ko hindi naman yung totoong Mark yung nagmahal sa kanya eh." saad niya, nakita ko lang yung simpleng ngiti sa labi niya. " Hindi talaga ako yun."
" Huh?"
" Nung highschool, para sakin hindi ako yun, hindi yun yung totoong Mark."
" Bakit naman?"
" Kasi that time, I was just pretending, Hiding, pretending? nagpanggap ako na lalake talaga ko, na matigas? Yung tipong mamahalin ng mga babae at kabaklaan, tipong pagpapantasyahan ng kahit sino, tinago ko yung sarili ko para malaman kung may magmamahal sakin." saad niya. " Minahal ko si nicko kasi tingin ko katulad ko sya, minahal ko sya kasi tingin ko sya lang yung pwedeng magmahal sakin."
" Nung kayo ni Sofhie, nagpapanggap ka parin?"
" Yeah, syempre babae yung syota ko eh."
" Bakit ngayon binibitawan mo na yung pagpapanggap na yun?"
" Ayoko na magpanggap, gusto ko na maging ako, yung totoong ako, yung Mark na gay." Saad niya dahilan para mapalingon ako sa kanya pero ngiti lang yung sinalubong niya sakin. " Yes I'm gay, narealize ko kasi hindi porket bakla ako kailangan ko na magsuot ng pangbabae, na hindi dahil bakla ako aasal na ko na parang babae, Na hindi dahil bakla ako, iisipin ko na babastusin ako ng ibang tao, narealize ko na it's me, irerespeto ako kung ipapakita ko na dapat akong irespeto. Yes, I'm gay but im also human." ngiti niya, napatango naman ako.
" Tama ka naman eh"
" Alam mo kahit dictionary sinasabi na gay means happy, gay means gleeful, cheerful, glad and so I'm gay a homosexual and a happy person." ngiti niya. " Ayoko na magtago, ayoko na malungkot habang tinatago ko yung sarili ko sa aparador."
" Closets are for clothes nga di ba?" ngiti ko sa kanya natawa lang sya saka tumango.
" Buti tanggap mo yung mga gay?"
" Si Kenneth." ngiti ko.
" Ay oo nga pala, so okay lang sayo?"
" Oo naman, for me pointless kung kokontra ko sa homosexuality, normal yun, so kapag sinabi kong ayoko ng mga bakla para ko na ding sinabi na ayoko ng ulan, Pero ayoko lang nung labeling, lesbian, gay, bisexual? Walang sense kasi for me labels are for filing, ang labels para sa damit at hindi para sa mga tao, We are all human, It doesnt matter if you're a girl or boy or whatever you think you are, We are human and for me that's enought for you to gain my respect."
" Wow, ang swerte talaga ni Kent kasi kaibigan ka niya."
" Di ah, seriouly kailan mo narealize na ganyan, na hindi ka na dapat magtago?"
" Honestly? Nung nagsex tayo." pilit na ngiti niya, natawa lang ako. " Seryoso ako kaya gusto ko magthank you sayo."
" Thank you for what?"
" Kasi pinaramdam mo sakin na pwede akong maging masaya, pwede akong maging maligaya bilang ako, magmahal at mahalin bilang ako, pinaramdam mo sakin na okay lang maging ako, na walang masama maging totoo." isang payak na ngisi lang yung lumabas sa bibig ko, pinakilala niya rin sakin kung sino talaga ko tangina niya. " Thank you huh."
" Welcome." iwas ko ng tingin.
" Alam mo nareaize ko din nun, time's a bitch and I don't want that bitch to ruin my life."
" Minsan ba sumasagi parin sa isip mo yung nangyare satin?" tanong ko napalingon naman sya sakin.
" Oo naman, araw araw? Oras oras?"
" Talaga?"
" Yeah pero para hindi kita pagpatasyahan , si Kent yung iniisip ko kapag naiisip ko yung nangyare satin, na si Kent talaga yung kasex ko nun."
" Ganun?" ngiwi ko.
" Yeah." saad niya umiwas lang ako ng tingin. " Alam mo okay naman kami ni Kent eh, di ko lang alam kung ano nangyare bakit nasabi niyang di niya ko mamahalin, hindi ako naniniwala."
" Bakit si Kent?"
" Huh?"
" Bakit sya yung mahal mo?"
" Uhm nagustuhan ko kay kent yung pagiging prangka niya, yung wala syang pakialam kung hindi sya magustuhan ng mga tao, Si yaya at si kuya tinatanong din sakin yan, bakit sya, bakit yung mukhang bad boy pa, bakit yung walang pakialam kung nakakasakit na."
" Eh bakit nga ba?"
" Alam mo di ko alam kung bakit laging yung mali ang unang napapansin, Sabi nila di ba find good people and leave bad ones, alam mo mali yun kasi dapat, find good in people and ignore the bad in them. Wala naman perfect eh, ikaw at ako, si Kent lahat tayo hindi perpekto."
" Find good in people?"
" Yeah, mabait si Kent kahit masungit at nagmumura, marunong syang magmahal kahit sa sarili niya hindi niya alam kung paano yun ipapakita, ngumingiti sya, tumatawa at ang sarap pakinggan nun, Si Kent yung tipong hindi mo magugustuhan pero kapag nakilala mo hinding hindi mo na iiwan."
" Hindi mo pa sya ganun kakilala."
" I still have a lifetime para makilala sya."
" Pero sinasaktan ka niya?"

Continued.......  

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon