Mark....
Continuation......
SI HARVEY
Pagkabihis ay agad na kong bumaba sa kusina para tulungan si Yaya sa mga niluto niya. Bakit kasi kailangan pang kasama ako sa pagsundo kay Kent eh, hanggang maari ayoko sya makita. Di maalis sa isip ko na kung sino sino na yung gumamit sa kanya pero si Mark hindi niya mapagbigyan. Haixt!
Ilang beses na syang nakapunta dito sa bahay at nakapasok sa kwarto ni Mark pero wala parin nangyayare sa kanila. Pano ko nalaman? Kilala ko si Mark at hindi sya marunong magsinungaling sakin pero bukod dun, palihim kong nilagyan ng Video cam yung kwarto niya.
" Sasama ka kay Mark sa mass?" Tanong ni Yaya Glenda
" Kailangan niya po ng car eh."
" Bakit?"
" Susunduin si Kent." simangot ko.
" Ganun ba iho."
" Ano po ba nakita niya sa Kent na yun?"
" Di ba sya si Andrei?" ngiti nito.
" Kilala niyo po sya?"
" Oo naman, bukam bibig yan ng kaibigan ni Mark dati."
" Sino pong kaibigan."
" Si Russel."
" Uhm I see kilala niyo rin po pala si Russel, pero bakit po bukam bibig sya ni Russel?"
" Crush na crush ni Russel yun, Naalala ko na pumupunta dito si Russel ng hating gabi para lang magkwento kay Mark, Di ko nga alam kung bakit nagpakamatay yung batang yun eh."
" Dahil kay Kent?"
" Di ko alam iho, Nung huling kita ko kay Russel, masaya sya kasi sabi niya mahal na sya ni Kent, pero pagkatapos ng gabing yun. Nagpakamatay sya." Seryosong saad nito, mahal tapos nagpakamatay? Bakit ang gulo?
" Kuya let's go?" untag samin ni Mark, nakagat ko lang yung labi ko ng makita yung ayos niya, Haixt bakit ba hindi nalang ako yung mahalin niya. Kaya ko naman ibigay kung ano man yung kaya ni Kent eh. Damn it alam ko din na mas malaki yung alaga ko sa cheap na yun." Kuya tara na, baka naghihintay na si Kent eh."
" Fine, yaya alis na po kami." buntong hininga ko.
" Bye, Yaya." saad din ni mark saka nagmamadaling lumabas ng bahay, paglabas ko naabutan ko lang syang binibuksan yung gate. Napakagwapo ni Mark sa suot niyang pulang polo shirt.
" Kuya, let's go?" excited na saad niya. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumakay sa kotse at pinaandar to para ilabas sa garahe. " Alam mo ba kuya na dito lang Angono nangyayare yang paglakad ng parol na yan?" saad niya pagsakay sa driver side.
" Really?"
" Every year hindi pwedeng di ako manuod nun, at super special sakin ngayong taon kasi kasama ko si Kent." saad niya ng lumingon ako, nakita ko lang yung ngiti niya sa labi. " Kuya I think, he likes me." kita ko lang sa mata niya yung kislap.
" You think so?"
" Yeah." lingon niya sakin.
" I see." tanging saad ko. Tinuro naman niya sakin kung saan nakatira sila Kent at Ethan, Mejo masikip yung daan at ibang iba yun sa lugar kung saan nakatira si Mark. " Ang dilim naman dito."
" Uhm di naman masyado kuya."
" Kala ko mayaman si Ethan, bakit sa ganitong lugar sya nakatira? Di ba sabi mo sa subdivision natin sya nakatira?"
" Uhm, Mahabang kwento pero next time kuya ikwekwento ko sayo." ngiti niya, napabuntong hininga lang ako, hanggang tumigil kami sa tapat ng isang apat na pintong apartment. " Sa unang pinto si Ethan, si Kent naman sa pangalawa. Baba lang ako kuya." saad niya saka nagmamadaling bumaba ng kotse at agad pumasok sa gate.
Napasandal lang ako sa sandalan saka nagbuga ng hangin.
Ganito na ba ko kamarytir at ganun ba sya kamanhid?
Oo, mahal ko si Mark pero pano ko nakakayang titiisin na makita sya na iba yung minamahal niya. Pano ko nagagawang wag pansinin yung nararamdaman kong sakit tuwing magkasama sila ni Kent. Ganito ba talaga kapag nagmahal? Masakit pero tinitiis parin?
" Kuya, Let's go." bukas ni Mark ng pinto ng kotse. Pumasok naman si Ethan at Kent sa back seat.
" Harvey." tango sakin ni Ethan pero si Kent kahit isang tingin ay di man lang ako binigyan, cheap, dirty, scumbag jerk!
" Sa simbahan na tayo kuya." saad ni Mark, inis ko naman minaniobra yung kotse saka mabilis na pinaandar.
" Dude, tangina ayoko pa mamatay." sarkastikong saad ni Kent, Can I kill him? Haixt binagalan ko lang yung pagpapatakbo habang inis na nakatutok sa kalsada.
Malayo palang kami sa simbahan, makikita mo na yung maraming taong naglalakad papunta duon, kitang kita na marami parin ang naniniwala sa simbahan sa lugar na to.
" Kuya di ka makakapagpark ng kotse sa simbahan, hanap ka nalang iba huh."
" Can I stay here? Ayoko na sumama sa simbahan?"
" Kuya, You need to see this, I promise you will like it?" ngiti ni mark.
" Mark."
" Kuya sige na?" saad niya habang nakatingin ng deretso sa mata ko, haixt isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tumango.
" Fine." iwas ko ng tingin.
" Dami pang arte sasama din naman pala." rinig kong saad ni kent.
" Tangina mo ikaw din naman dami mo ring arte kanina." natatawang saad ni Ethan.
" Hoy Ethan ikaw yun! takot ka kasi masunog sa simbahan."
" Gago!"
" I'm happy kasi sumama kayo" lingon ni Mark sa kanila.
" Wala yun." saad ni Kent saka umiba ng tingin, damn! Yun ba yung sinasabi ni Mark an gusto na sya eh parang ayaw nga sya tingnan? Katangahan!
" Kuya mag park ka dun oh." turo ni Mark sa tapat ng isang bakanteng lote.
" Are you sure?"
" Oo, dude okay lang jan." saad ni Ethan. Pagkapark ay nauna ng bumaba si Kent, sumunod naman si Mark dito. " Harvey, please give him a chance." saad ni Ethan.
" Do I have a choice?" sarkastikong saad ko saka bumaba ng kotse, sumunod naman sya sakin. Nagsimula lang akong maglakad patungo sa simbahan habang pinagmamasdan si Mark at Kent na magkatabing naglalakad, nang lumingon sakin si Mark ay tinanguhan ko lang sya saka sinenyasan na okay lang.
Naglakad naman pabalik si Mark.
" Kuya una na kami ni kent huh." excited na saad ni mark saka patakbong bumalik at hinila sa kamay si Kent. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka naglakad.
" Harvey I know alam mo na yung nakaraan ni Kent, pero sana wag mo sya husgahan dahil sa nakaraan niya, Wala na sya dun?" rinig kong saad ni Ethan, nagkibit naman ako ng balikat.
" Oh really?" iling ko. " Hindi na sya nakikipag one night stand kung kani kanino?"
" Uhm."
" Wala na sya sa nakaraan O hanggang ngayon naroon parin sya?"
" Look, sinusubukan niyang buksan yung puso niya kay Mark."
" That's not enough, and you know that."
" Harvey."
" Well I can't do anything about that, Mark loves him. Hindi ko maintindihan si kent sa paggamit niya kay Mark pero naiintindihan ko si Mark sa pagmamahal niya kay kent."
" I know Kent."
" Talaga? Kung kilala mo sya, then you know na hindi niya mamahalin si Mark, na pinapaasa niya lang yung kapatid ko."
" Mahal mo si Mark noh?" sarkastikong saad niya, automatiko naman akong napalingon sa kanya.
" Of course I love him, kapatid ko yun eh."
" Kapatid, Pero nakipagsex ka sa kanya?" seryosong saad niya habang nakatitig sakin, napalunok lang ako saka umiwas ng tingin. How did he know! Damn!
" Did Mark-?"
" Yeah."
" Oh Damn!"
" But don't worry dude, It's okay."
" Look hindi kami magkapatid ni Mark, damn." inis na saad ko.
" You don't owe me any explanation, It's not a big deal."
" Why did he? Oh damn Mark. Kailan ka ba matutong magsinungaling. Haixt." di makapaniwalang saad ko.
" Marunong syang magsinungaling, kay Kent nga lang."
" What?"
" Inamin niya na nakakapagsinungaling sya kay Kent, at yun ang nakikita kong chance na may pag-asa sila. Parehas ng may nangyare satin kay Mark right, Pero kay Kent hindi pa."
" Bakit wala pang nangyayare sa kanila?"
" Kent is a good guy, Yeah maybe ginagamit niya yung katawan niya just to earn money pero it doesn't mean na masama sya, na hindi sya marunong rumespeto. Marunong sya magmahal Harvey, I have known him for a long time and I guarateed you that he's a good guy. Kapag nagmahal yan? Sobra."
" Mahal ko si mark."
" Pero yung nangyare sa inyo? It's just a sex, nothing more , nothing less."
" Shit." bulong ko, hanggang makarating kami sa simbahan , napakaraming tao dun, halos mapuno yung loob pati labas nito.
" Pagusapan nalang natin next time yan." lingon niya sakin, Pumuwesto lang kami malapit sa gate kung saan kitang kita mo yung buong simbahan, malayo kami sa pinakapinto pero kitang kita namin na yung dami ng tao sa loob nito.
" Di ba tayo papasok?"
" Ikaw kung gusto mo, I'll stay here."
" Ayoko kasama yung dalawa, Dito nalang ako." saad ko kay Ethan.
" Magsisimula na yung misa."
" Baka hanapin tayo ni Mark."
" Edi hanapin niya, basta ayoko pumasok." pilit na ngiti niya, sa di kalayuan may nakita lang ako dalawang babaeng naka-gown. Makintab yung suot nila kaya pansin na pansin sila sa kumpulan ng mga tao.
" Bakit sila nakagown?"
" Sino?"
" Yung dalawang babae wearing blue and yellow gown?"
" Ah, sila yung kapitana and tenyenta this year. Kasama sila sa tradition na panunuluyan kaya nakagown sila."
" Panunuluyan?"
" Yeah, well hindi lang maganda tong bayan namin, punong puno rin ng tradition na dito mo lang makikita."
"Is there a competition para sa pagpili ng, what's that again?"
" kapitana and tenyenta, walang kompitisyon. Bunutan, nangyayare tuwing easter Sunday, where in may mga kadalagahan na sasali sa bunutan para maging tenyenta and kapitana."
" So dalaga lang pwede simali?"
" Yeah, mas okay kung virgin pero di naman pwede malaman yun pwera nalang kung kakantutin mo isa isa." natatawang saad niya. " They are beautiful right?"
" Yeah." napatingala lang kami parehas ng marinig yung kalembang ng kampana na hudyat na simula na ang misa. Isang butong hininga lang yung pinakawalan ko saka pinikit yung mata ko saka nagsimulang umasal ng dasal, Hindi ako nagdadasal pero gagawin ko para kay mark, ayoko sya mapahamak, ayoko sya masaktan.
SI ETHAN
Isang sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko habang nakikinig sa misa sa loob ng simbahan, may speaker sa labas kaya maririnig mo parin yung bawat sinasabi sa loob.
" Why?" untag sakin ni Harvey, tangina ang hirap kasama nitong kapatid ni Mark, bwiset ang daming tanong, sana pinagbasa ko nalang to ng libro ng bayan na to. Haha.
" Ah wala."
" Bakit ganyan ngiti mo?"
" Wala lang, kalokohan lang yung naririnig kong sinasabi ng pari."
" I See, hindi ka nga pala naniniwala sa diyos noh? Nakwento ni Mark." saad niya, nagkibit naman ako ng balikat. Patapos na yung misa nun ng makita ko si mark na papalapit samin kasama si Kent.
" Kuya, let's go inside. Magsisimula na yung panunuluyan." saad niya.
" Let's go?" lingon sakin ni harvey.
" No, I'm okay here. Kayo nalang." ngiti ko.
" Tangina mo sumama ka." hila sakin niKent.
" Kent ayoko."
" Excited na ko dali!" saad ni Mark habang hila hila yung kuya niya. Sa gilid na kami dumaan para di makipagsiksikan sa mga tao, pagpasok namin sa gilid ay hinila lang kami ni Mark sa tabi kung saan kitang kita namin yung magiging seremonya.
Inis lang akong umiwas ng tingin, Damn!
" Tol tangina, hayop ka bakit di ka sumama sa misa?" bulong sakin ni Kent.
" Ayoko."
" Tapos ako hinayaan mo, gago antok na antok ako."
" Tol, uwi na ko ayoko na mapanuod yan eh."
" Bakit? Tangina nandito na tayo panuorin na rin natin. Sabi nung pari hindi ka taga rito kung hindi mo pa napapanuod yung paglakad ng pesteng parol na yan."
" Tangina ikaw nalang." aktong tatalikod ako ng hawakan ni Kent yung braso ko. " Kent please?"
" Bakit ba?"
" San ka pupunta Ethan? Magsisimula na eh." tanong ni Mark.
" Ah di sya aalis." ngiti ni Kent, nagbuga naman ako ng hangin. " Bakit ba Ethan?"
" Si Daddy." nakatungong saad ko.
" Saan?"
" Nasa unahan." saad ko, nang mag-angat ako ng tingin nakita ko lang yung sama ng tingin sakin ni Daddy, katabi niya sa upuan si Mommy at si Kenneth.
" Tangina hayaan mo lang." saad ni Kent saka pinisil yung balikat ko, hanggang mamatay yung ilaw sa loob ng simbahan hudyat na magsisimula na ang panunuluyan, pinilit ko naman pakalmahin yung sarili ko.
Sampung taong gulang ako nung una kong mapanuod tong tradition na to sa simbahan, yun yung taon na kahit kailan hindi ko na makakalimutan.
Nakita ko lang yung mga kandilang hawak ng mga sakristan, sa likod nila ay nakapwesto ang kapitana at tenyenta habang nasa bisig ang sanggol na hesukristo. Ilang sandali pa ng nabalot ng malamyos na musika ang buong simbahan, hanggang magsimulang umawit ang choir kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko.
Duon sa bayan ng betlehem
Isang gabing kay dilim
Sa langit sumilay ang isang butuin
Liwanag nito'y kay ningning.
Pinunasan ko lang yung luhang pumatak sa mata ko saka tumalikod.
" Tol, sandali? Nakita mo nagsisimula na yung paglakad nung parol oh?" pigil sakin ni Kent. Nang lumingon ako sa dulo nakita ko lang yung dahang dahang pag-usad ng dalawang malaking parol kasunod yung maliliit na mga buituin. Napakadilim ng paligid tanging ito lang ang makikita mong tanglaw.
Damn kala ko di na maapektuhan, bakit parang sariwa parin yung sugat?
Nagbigay ng tanglaw sa bawat nilalang
Ang anak ng Diyos ay sinilang.
Duon sa bayan ng betlehem, may isang talang nag ningning
Higit sa liwanag ng mga butuin
Sa langit ay mapapansin
Oh bituing natatangi sa'yong liwanag
Pagsilang ni Kristo Iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos.
Sa pagdating ng manunubos.
" Okay ka lang ba Ethan?" untag sakin ni Mark, umiwas lang ako ng tingin at pilit pinipigilan yung mga luhang gustong tumulo sa mga mata ko. Nang mga oras na yun, parang bumalik lahat ng ala-ala, parang muling nanariwa yung mga sugat sa puso ko, nang mga oras na yun bumalik yung takot, yung galit at poot na nasa puso ko.
Ilang sandali pa ng makarating ang kapitana at tenyenta sa harapan sa damabana, kasabay nun ay yung pagtigil ng dalawang parol sa gilid at yung unti unting pag-ilaw ng pinakamalaking parol sa gitna, The star of betlehem ang tawag nila sa malaking parol na iyon.
" Wow that was amazing!" rinig kong bulong ni Harvey.
Binigay ng dalawang dalaga ang sanggol sa Pari.
" Sa atin sumilang ngayon, manunubos Kristong Poon." pahayag ng Pari, dinala nito ang sanggol sa sabsaban.
" Tangina tol, nakakakilabot pala to." bulong ni Kent.
" Ang ganda Kent noh?" saad ni Mark, muli naman lumiwanag ang loob ng simbahan, muli ko rin nakita si Daddy.
" Tol, tangina naiyak ka pa sa ganda." siko sakin ni Kent, pinunasan ko lang yung pisngi ko saka tumalikod at nagmamadali lumabas ng simbahan. Tangina! Bakit ba ko pumunta ngayon. "Tol sandali?" habol sakin ni Kent.
" Mauuna na ko Kent umuwi." Saad ko na tuloy parin sa mabilis na paglalakad, hindi naman sya nagsalita bagkus sinabayan niya yung bilis ng paglalakad ko, pilit ko naman pinupunasan yung mga luhang ayaw tumigil sa pagbagksak. " Tangina, tangina talaga, bakit ba ko umiiyak ng ganito." inis na bulong ko, malayo na kami nun sa simbahan.
" Bakit ba? Alam ko nakakaiyak yung kinanta ng choir pero tangina tol ang alam ko ang Daddy mo lang ang nakakapagpaiyak sayo eh?" Saad niya huminto naman ako sa paglalakad saka lumingon sa kanya. " Bakit ba tol? Kasi nandun yung Daddy mo huh, ano ba tol tapos ka na dun di ba? Wala ka na sa kanila."
" Oo tapos na, Kent tapos na pero tangina hanggang ngayon, gabi gabi, tuwing pipikit ako." madiin na saad ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. " Tol, gabi gabi, paulit ulit kong napapanaginipan yung pananakit sakin ng demonyong yun, tol hanggang ngayon nararamdaman ko parin yung sakit!"
" Ethan."
" Alam mo ba na una kong napanuod tong tanginang tradition na to, yun yung unang beses na hindi ko kasamang nagpasko sila Mommy at Kenneth, kasi yun yung pasko na sa labas ako pinatulog ni Daddy. Tangina niya, tol tangina niya!" gigil na saad ko.
" Ethan tapos na yun di ba? Ano ba tol? Okay di ba? Tara na."
" Kent di mo kasi naiintindihan eh."
" Naiintindihan kita, tara na." lahad niya ng kamay sakin. " Uwi na tayo."
" Alam mo Kent tama ka eh, tama ka nung sinabi mong hindi kita maiintindihan kasi hindi ako ikaw! Tangina tol tama ka dun eh! kasi kahit ilang beses ko ikwento, kahit ilang beses mo malaman na sinasaktan ako ni Daddy nuon. Tol kahit ilang beses hinding hinding hindi mo mararamdaman yung sakit, di mo mararamdaman kung pano magmakawa, tol hinding hindi mo mararamdaman yung bawat sakit ng palo, yung bawat lagapak ng sampal sa mukha ko, tol hindi kasi hinding hindi ka magiging ako!!" umiiyak na saad ko.
FLASHBACK
Nanginginig yung buong katawan ko nun habang nasa loob ng isang madilim na lugar, walang makita, wala akong maaninag na kahit ano, nararamdaman ko yung katawan ko pero tila ako nasa isang kawalan.
Pinunasan ko lang yung luhang naguunahan tumulo sa mata ko saka tumungo at tahimik na umiyak.
" Ted, buksan mo na yung cabinet!?" Rinig kong saad ni Mommy habang umiiyak.
"Hayaan mo syang mabulok sa loob niyan para mamatay na sya!" sigaw ni Daddy. Di ko naman mapigilan yung paghikbi ko habang nasa loob ako ng madilim na cabinet na yun. " Ano buhay ka pa? Bakit di ka pa mamatay hayop na bata ka!" sipa pa ni Daddy sa labas.
" Ted parang awa mo na palabasin mo na yung anak ko oh, please.?"
" Palabasin huh! Gusto mo patayin din kita huh!" sigaw pa nito.
" Daddy wag." katok ko mula sa loob pero malakas na suntok at kalabog lang yung ginawa ni Daddy.
" Parang awa mo na Ted." rinig na rinig ko lang yung pagiyak ni Mommy.
" Gusto mo ilabas ko sya huh?"
" Please."
" Edi ilabas!" sarkastikong saad ni Daddy saka binuksan yung kabinet, nayakap ko naman yung sarili ko ng makita yung nanlilisik na mga mata ni Daddy habang nakatingin sakin.
"Dad?" hagulgol ko pero hinatak niya lang yung damit ko saka ako binigyan ng malakas na sampal.
" Tama na Ted please?" awat sa kanya ni Mommy.
" Daddy ayoko na po." Saad ko pero sinipa lang ako nito, pumikit lang ako saka tiniis yung bawat palo na ginagawa niya. Tanging nagawa ko lang ng mga oras na yun ay umiyak kasabay ng bawat hagulgol na naririnig ko kay Mommy. " Dada, tama na po, masakit po." pero isang suntok yung naramdaman ko sa taghiliran ko. " Daddy."
" Ted please, Wag mo saktan yung anak ko." saad ni Mommy na humarang kay Daddy saka lumuhod.
" Demonyo yang bata na yan, kaya bagay lang sa kanya yan!" sigaw ni Daddy.
" Kuya." umiiyak na saad ni Kenneth saka yumakap sakin. " Daddy tama na po?"
" Umalis kayong dalawa dito kung ayaw niyong pati kayo madamay?"
" Daddy ako naman po talaga yung nakabasag nung salamin ng kotse niyo, hindi po si kuya."
" Ikaw? Kenneth wag mo pagtakpan yang demonyong yan!"
" Daddy ako po talaga."
" Hindi!" sigaw nito saka sinalya si Mommy at hinablot ako, para akong laruan nung mga oras na yun na hila hila niya.
" Daddy tama na, sorry na po." umiiyak na saad ko, halos madapa ako nun sa pagbaba ng hagdan. Pero wala akong magawa dahil hila hila niya yung damit ko.
" Demonyo ka naiitindihan mo! Demonyo ka!" sigaw ni Daddy hanggang makalabas kami ng bahay, sinalya niya lang ako sa labas ng gate.
" Dad?" umiiyak na saad ko..
" Dyan ka magpasko!" sigaw nito saka sinara yung gate. Inayos ko lang yung damit ko saka lumapit sa gate at tumanaw sa loob, nakita ko lang yung sigawan ni Mommy at Daddy, si Kenneth naman nasa pinto lang habang nakatanghod sakin at umiiyak.
Ano ba nagawa ko kay Daddy? Bakit ba lagi nalang niya kong sinasaktan?
Nahawakan ko lang yung rosaryong nasa leeg ko.
" Papa Jesus, bad po ba ko?" tingala ko kasabay ng mga patak ng luha sa mata ko. " Goodboy naman po ako di ba pero bakit po hindi ako mahal ni Daddy?" Umupo lang ako saka niyakap yung sarili ko, halos sira na yung damit na suot ko nun dahil sa paghablot ni Daddy. " Papa Jesus, sagutin niyo naman po ako?" hagulgol ko, nang mga oras na yun tanging pagiyak lang yung nagawa ko.
" Kuya." Rinig kong saad ni Kenneth, nang lumingon ako nakita ko lang yung hawak niyang jacket.
" Kenneth bilisan mo!" sigaw ni Daddy sa loob.
" Pumasok ka na Kenneth." kuha ko ng jacket sa kamay niya.
" Kuya." umiiyak na saad niya.
" Okay lang si kuya dito, wala to."
" Pero kuya pasko na mamaya."
" Okay lang yun, kasama ko naman si papa Jesus eh." ngiti ko saka pinakita sa kanya yung rosary na suot ko.
" Kuya."
" Kenneth ano ba!"
" Pasok ka na." pinilit ko lang maglagay ng ngiti sa labi ko. Tumango lang sya saka pumasok sa gate. Sinuot ko lang yung jacket ko saka muling naupo sa harapan ng gate, tahimik na umiiyak, mag-isang niyayakap ang sarili.
Ramdam na ramdam ko ng mga oras na yun yung mga bagong pasa sa katawan ko pero tila naging manhid na ko dahil di ko na maramdaman yung sakit, kaya ng tiisin ng katawan ko yung hapdi.
Nang muli akong lumingon, kitang kita ko lang yung iba't ibang ilaw na nasa harap ng bahay namin, May malaking parol din ang nakasabit sa bahay.
Pinunasan ko lang yung luha ko saka tumayo at wala sa sariling naglakad, nilagay ko lang yung hood ng jacket sa ulo ko para di ako mapansin ng mga taong naglalakad, sa bawat hakbang ko nun ay kasabay ng bawat hikbing lumalabas sa bibig ko.
" Demonyo po ba talaga ko?" bulong ko habang hawak yung krus na pendant ng rosary na suot ko, Tinahak lang na dereksyon ng mga paa ko yung papuntang simbahan. Kasabay ng mga taong naglalakad nakita ko kung gaano kasaya yung ibang pamilya na magkakasama na patungo sa simbahan, bakas na bakas yung ngiti sa mga labi nila. Bakas na bakas yung saya sa bawat pamilyang nakikita kong magkasama.
" Iho talaga bang nakayapak ka lang?" untag sakin ng isang ale. Nag angat naman ako ng tingin, kita ko lang yung gulat sa mukha nito. " Ano nangyare sa mukha mo?" tanong nito pero marahan lang akong umiling saka nagpatuloy sa paglalakad. " Iho sandali?"
" Okay lang po ako." saad ko saka mabilis na tumakbo, papaluin nanaman ako ni Daddy kapag nakita niya kong nakipagusap sa ibang tao, sigurado tadyak nanaman ang sasalubong sakin kapag nalaman niyang nagsumbong ako sa iba.
Pagdating ko sa simbahan ay naulinagan ko yung pagkanta ng mga choir sa loob, pinilit ko naman simiksik sa kumpulan ng mga tao para makita yung nangyayare sa loob.
Isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko ng makita yung dalawang malaking parol na tila naglalakad sa hangin kasabay ng napakagandang musika, "butuing natatangi" yun yung pamagat ng katang yun, narinig ko ng nagpapraktis yung choir habang kinakanta yun.
Napakaganda nito, ilang sandali pa ng bigla akong itulak ng kung sino at hilahin palabas ng simbahan.
" Teka lang po, gusto ko mapanuod yun." saad ko pero sinalya lang ako nito.
" Bawal ang pulubi dito!" madiin na bulong nito.
" Hindi po ako pulubi." nagsimula naman tumulo yung luha ko pero agad niyang hinawakan yung kamay ko saka ako hinila palabas ng gate ng simabahan.
" Kilala kita, di ba ikaw yung demonyong anak ni Ted?" saad nito.
" Hindi po ako demonyo?!"
"Demonyo ka naiintindihan mo, isa kang malaking kasalanan!" gigil lang nitong hinablot yung rosaryo sa leeg ko dahilan para mapatid to at magkalat sa kalsada yung beeds nito. " Umalis ka dito!" tulak nito sakin, napaupo lang ako sa kalsada, tumulo lang yung luha ko habang pinagmamasdan yung rosaryong suot ko na nagkalat na sa kalsada.
" Papa Jesus, demonyo nga po siguro ako kaya hindi niyo po ako mahal." bulong ko saka tumayo at muling naglakad, hanggang mapatid ako sa isang bato at madapa.
Kitang kita ko lang yung pagdugo ng tuhod ko pero muli akong tumayo at naglakad pabalik sa bahay, Nang panahong yun tila hinihipan nalang ako ng hangin para maglakad, di ko na maramdaman yung sarili ko, para akong walang buhay na pinipilit makauwi.
Sa bawat bahay na madadaanan ko, kitang kita ko yung iba't ibat pailaw nila, mga parol na sobrang gaganda, yung tawanan na naririnig ko sa loob ng tahanan. Bakit sila masaya, bakit ako hindi.
Nang makarating ako sa tapat ng gate ay umupo lang ako at muling niyakap yung sarili. Tumingala sa langit at muling nagtanoang kung ano nga bang kasalanan ang nagawa ko.
" Bakit po?" umiiyak na saad ko.
Agad lang akong napalingon ng marinig yung pagbukas ng gate, nakita ko lang si Mommy habang may hawak na bible.
" Mommy." hagulgol ko saka yumakap sa kanya.
" Adrian I'm sorry, I'm really really sorry anak." umiiyak na saad niya.
" Mom, bakit ganun po si Daddy? Bad po ba ko?"
" Anak hindi, mabait kang bata."
" Eh bakit niya po ako sinasaktan, lagi nalang po niya kong sinasampal? Mom bakit po?"
" Anak." saad niya saka nilahad sakin yung bible na hawak niya.
" Mom."
" Basahin mo yan anak, yan ang magpapabago sa buhay ko."
" Mom ilang beses na po pinabasa sakin ni Daddy yan, paulit ulit ulit na po.."
" Anak sige na." saad nito saka nilagay sa kamay ko yung librong yun.
" Mom totoo po ba si God?"
" Totoo sya anak."
" Mahal niya po ba ko?"
" Mahal na mahal."
"Eh bakit hinahayaan niya pong saktan ako ni Daddy, bakit hinahayaan niya pong ikulong ako sa cabinet, bakit po pinababayaan niya ko? Di ba po kapag mahal dapat pinoprotektahan? Eh bakit po sya walang ginagawa para iligtas ako kay Daddy?"
" Anak mahal ka niya, naiintidihan mo?"
" Sabi sa bible, kaya niya po magpagaling ng mga may sakit di ba?"
" Oo anak."
" Kaya niya rin po ba pagalingin tong sugat ko." saad ko saka pinakita yung malaking sugat ko sa tuhod, nasapo naman ni Mommy yung bibig niya. " Mom, sobrang sakit na po? Sabihin niyo naman po sa kaniya pagilingin niya po to."
" At sinong nagsabi na lumabas ka huh!" hila ni Daddy kay Mommy.
" Ted sandali may sugat yung anak ko." umiiyak na saad ni Mommy.
" Hayaan mo syang mamatay dyan!" sigaw nito, tuloy tuloy lang yung luha ko habang pinagmamasdan si Daddy ng mga oras yun habang nilalagyan ng padlock yung gate.
" Dad." bulong ko.
" Hindi kita anak naiintidihan mo? demonyo ka kaya wala kang karapatan na tawagin akong Daddy naiintindihan mo! Mamatay ka na sanang hayop ka!" gigil na saad nito, tumungo lang ako saka hinayaan yung luhang tumulo sa mga mata ko.
Ilang minuto na kong nakatayo sa harap ng gate nun ng magliwanag yung kalangitan, napatingala lang ako, dun ko lang napagmasdan yung ganda nito. Ibat ibat kulay sa kalangitan.
Pinilit ko lang ngumiti.
Sa araw na araw na ginawa ng diyos, walang araw na hindi ako sinaktan ni Daddy, sa bawat suntok, bawat sipa, bawat sampal na natanggap ko mula sa kanya ay dinaan ko sa dasal, pinilit ko tumawag sa itaas para patawarin ako kung ano mang nagawa kong kasalanan kung bakit ako sinasaktan ni Daddy.
Pagkagaling sa school, agad na kong nagtatago sa cabinet para iwasan si Daddy, pilit kung kinukubli yung sarili ko tuwing darating sya, dahil kapag naabutan niya ko. Sigurado pasa pasa ang buo kong katawan kinabukasan, sigurado din na hindi ako papasukin sa school.
Nabuhay ako na parang robot, nabuhay ako sa takot, sa sakit at sa tanong na bakit? Sa paglipas ng panahon, unti unti namulat ako sa totoong nangyayare. Sinasaktan ako ni Daddy hindi dahil may kasalanan ako, sinasaktan niya ko dahil galit sya sakin.
" Ano pinasok mo sya sa musiko!?" sigaw ni Daddy, nang marinig ko yun ay agad na kong pumasok sa cabinet para magtago.
" Ted, gusto ni Adrian tumugtog? Hayaan mo na sya please?"
" Hindi!"
" Parang awa mo na oh?" nagsimula lang tumulo yung luha ko.
" Sabing hindi di ba! Pasalamat nga sya nag-aaral sya, tapos gusto niya pa magmusiko? Ano sya sinuswerte?! Demonyo yang anak mo kaya wala syang karapatan pumasok sa simbahan!"
" Ted please?"
" Bakit mo ba pinipilit huh! Ano para makita niya si Kuya Harold dun huh!" sigaw ni Daddy, wala naman akong narinig na sagot kay Mommy.
" Sa kabilang bayan sya nagmimisa ngayon di ba?"
" Alam na alam mo!?"
" Hindi Ted."
" Uhm, mga hayop talaga kayo!" sigaw nito, hanggang marinig ko yung pagkalapag ng pinto ng kwarto ko.
" Adrian!" sigaw nito, nanginig lang ako sa takot, nang bumukas yung cabinet tumungo lang ako, ayoko yung magtama yung mata namin ni Daddy dahil alam ko lalo lang akong masasaktan kapag tumingin sa kanya. " halika dito!" hawak nito sa braso ko saka ako sinalya sa kama.
" ted buksan mo to!" kalabog ni Mommy sa pinto.
" Dad ayoko po, tama na po please?" pagmamakaawa ko.
" Demonyo, isa kang demonyo!" sigaw nito saka ako binigyan ng malakas na sampal sa mukha, napasubsob naman ako sa sahig pero isang sipa sa sikmura yung ginawa niya.
" Dad, parang awa niyo na po ayoko na po?"
" Hayop ka, hayop ka!" hila nito sa buhok ko saka ako hinarap sa kanya. " Hayop ka at yang tatay mo!" sigaw nito sa mukha ko.
" tatay ko po?"
"Oo, hindi kita anak naiintindihan mo! Hindi!" sigaw nito, wala naman akong nagawa kundi ang humikbi pero muli isnag sampal lang yung ginawa niya. " Papatayin kita!" saad nito saka ako hinila patayo at hiniga sa kama.
" Dad." palo ko sa kamay niya ng sakalin niya ko. " Dad hindi ako makahinga."
" Ted buksan mo to!" sigaw ni Mommy sa loob.
" Papatayin kita!" saad nito habang nanlilisik ang mga mata.
" Daddy." umiiyak na saad ko, ramdam ko ng mga oras na yun yung sikip ng paghawak niya sa leeg ko at yung kawalan ng hangin na pumapasok sakin, hanggang marinig ko yung pagbukas ng pinto, agad lang sinugod ni Mommy si Daddy saka pinagsasampal.
" Anak ko yan, bitawan mo yung anak ko!" sigaw ni Mommy. Hinang hina naman akong nahulog sa kama saka nagsimulang gumapang, nang mga oras na yun ay gusto ko lang tumakas, gusto ko umalis.
" Tigilan mo ko papatayin ko yang demonyong yan."
" Kung papatayin niyo sya Dad, ako muna." umiiyak na saad ni Kenneth habang nakaharang sakin. " Daddy patayin niyo na rin po ako."
" Umalis ka kenneth!"
" Ayoko po Dad." nang makabawi ng lakas ay pinilit ko tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko, nagmamadalli lang akong bumaba sa hagdan habang iniinda yung ginawang pagsakal niya sakin.
" Anak!" habol sakin ni Mommy pero di na ko lumingon, tuloy tuloy lang ako sa lumabas ng bahay at tumakbo pagkalabas ko ng gate, kasabay ng pagpatak ng luha ko ay yung paghablot ko sa rosaryong suot ko, napatid lang to. Nang tinginan ko yung krus sa palad ko, umiling lang ako saka to binagsak sa lupa at tinapakan.
" Ilang beses ako humingi ng tulong, hindi ka totoo, ilang taon akong nagmakawa pero ni isang dasal ko hindi mo sinagot. Hindi ka totoo, hindi!!" Umiiyak na saad ko saka mabilis na tumakbo, ayoko na.
PRESENT
SI MARK
" Kuya hindi ko na makita sila Kent." lingon ko sa paligid habang pilit hinahanap ng mata ko sila Ethan. Tapos na nun yung seremonyas na paglakad ng parol, unti unti naring humuhupa yung dami ng tao sa loob.
" Let's go?"
" Pero sila Kent?"
" Mark, baka nauna na sila." saad ni Kuya saka hinawakan yung kamay ko.
" Kuya teka." Muli ko lang nilibot yung tingin ko sa paligid, haixt.
" Mark." Rinig kong saad nung kung sino, nang lumingon ako nakita ko lang si Pastor Ted, Nakita ko naman sa di kalayuan yung asawa nito at anak habang kausap yung pari.
" Bakit po?" saad ko na pilit naglagay ng ngiti sa labi.
" Kasama mo si Ethan?"
" Opo, pero hindi ko na po sila makita eh."
" Di ba ilang beses ko na sinabi sayo na adik yung magkaibigan na yun, bakit sinasamahan mo parin sila, Iho concern lang ako sayo kasi baka mapahamak ka." saad nito, kita ko naman yung pagkunot ng noo ni kuya Harvey.
" Kaibigan ko po sila at hindi po sila adik."
" Pusher din sila, kahit kanino ka magtanong yun ang ginagawa nila."
" I'm sorry what did you say?" saad ni kuya. " Hi, I'm Harvey kapatid po ni Mark." lahad ni Kuya ng kamay niya pero tiningnan lang to ni Pastor Ted.
" So kapatid ka ni Mark, kung ako sayo wag mo hayaan lumapit yung kapatid mo sa magkaibigan na yun."
" Kuya tara na." hila ko kay Kuya pero di to nagpahila, nakatingin lang to sa Daddy ni Ethan. " Kuya let's go, wag kang maniwala sa kanya, hindi adik si Ethan at Kent."
" I know."
" Adik yung dalawang yun, kahit tingnan niyo pa yung record nila sa presinto. Ilang beses na silang nakulong dahil sa drugs."
" Kung ayaw niyo po bastusin ko kayo dito sa simbahan, Tigilan niyo po yung sinasabi niyo. Kilala ko po sila." inis na saad ko.
" You know what sir, so what kung drug user sila? hindi ibig sabihin nun masamang tao na sila at huwag niyo sila huhusgahan dahil nagkamali sila, sa nakikita ko mabuting tao yung magkaibigan na yun. Nasa simbahan po kayo at katatapos lang po ng misa, mahiya naman kayo." inis na saad dito ni kuya saka ako hinila.
" Kuya teka."
" Who is he?"
" Daddy ni Ethan." pillit na ngiti ko, tumigil naman sya sa paglalakad saka humarap sakin.
" Seriously?"
" Yes kuya."
" Damn." di makapaniwalang saad nito, palabas na kami nun sa pinto ng simbahan ng isang pamilyar na mukha yung makita kong naglalakad papasok.
" Calix?" Maang ko.
" Harvey, pumunta kami sa bahay ng kapatid mo pero sabi nagsimba daw kayo kaya we're here." ngiti nung kasama nito, lumingon naman ako kay kuya.
" Sya si Jetro Mark."
" Harvey it's Jillian."
" Whatever, Mark this is my cousin Jetro and his Friend. What's your name again?"
" No need, Kilala ako ni Mark." ngiti ni Calix sakin saka nagbigay ng makahulugang tingin. " Kamusta, Finally nagkasalubong uli tayo, how's Sofhie?"
"She's fine. Uhm, yeah nice to see you..again." pilit na ngiti ko, shit! " Kuya let's go." saad ko saka naunang naglakad, agad ko lang pinunasan yung pawis sa noo ko. Damn damn damn! Hindi pwede to.
ITUTULOY