DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI MARK
You can't stop the waves, but you can learn to surf.
Sabi nga di natin mapipigilan ang bagyo sa pagdating, di natin mapipigilan ang hangin sa pag ihip, di natin mapipigilan sa pag ikot ang mundo. Pero pwede mo syang sabayan, pwede kang magpadala sa agos, magpatangay sa hangin, sumabay sa bawat alon ng buhay kasi dadalhin ka niya sa lugar kung saan matatanaw mo ang ganda ng paglubog ng araw. Dadalhin ka niya kung saan makikita mo ang ganda ng liwanag ng buwan, Dadalhin ka niya kung saan makikita mo ang ganda ng bahaghari pagkatapos ng malakas na bagyo.
May dahilan ang lahat, matuto ka lang magtiwala sa Panginoon kasi may plano sya para sayo,Magandang plano na para lang sayo.
WINK! wink emoticon
Nakatayo ako nun sa pinto ng simbahan habang nakatanghod sa sentro na nasa harapan kung saan nakalagay yung imahe ni Jesus habang nakapako sa krus.
Nang mga oras na yun pakiramdam ko napakagaan ko, para akong nakalutang habang nakatingin sa imahe na yun kasabay ng haplos ng hangin sa mukha ko.
Tuwing nakatingin ako sa imaheng yun, pakiramdam ko napakaganda ng paligid ko, na para akong nasa isang paraiso na tanging huni ng mga ibon at pagaspas ng dahon yung bumabalot sa paligid, Para sakin? Ito ang lugar kung saan mararamdaman mo .ang pakiramdam ng nasa langit, This is heaven.
" Ilang minuto mo ba titigan yan? Di naman yan aalis ah." saad ng tao sa gilid ko. Paglingon ko para akong biglang naestatwa. Si Kent?
" Anong ginagawa mo dito?"
" Napadaan lang, Ang weird mo kasi kanina ka pa nakatayo jan."
" Uhm gusto ko lang mag-isip." iwas ko ng tingin.
" Magisip ng alin?" tanong niya, ngumiti naman ako saka umiling.
" Gusto ko lang huminga kaya nandito ako, Si God lang ang pwede makinig sakin ngayon eh."
" Really." Sarkastikong saad niya.
" Yeah."
" Oo nga pala,Nakita mo ba yung friend ko? Si Ethan?"
" Hindi eh."
" Okay alis na ko." kindat niya sakin saka ako tinapik sa balikat. Ilang sandali ko naman tiningnan yung balikat ko na tinapik niya parang may bolta bolataheng kuryente yung dumaloy sa katawan ko sa ginawa niya. Aixt!
Pumikit lang ako saka humugot ng malalim na hininga.
" God, please tell me wala lang to." bulong ko.
" Mark let's go?" tawag sakin ni Kuya Harvey. Haixt halos isang linggo na syang nasa bahay at hanggang ngayon naiilang parin ako sa kanya. Umalis na si Daddy at di ko alam bakit kailangan dito tumira sa Pilipinas ni kuya. Feeling ko kapag nasa bahay ako hindi ako makahinga, lagi syang nakadikit sakin.
" I'm sorry." pilit na ngiti ko paglapit ko sa kanya.
" So Let's go?"
" Yeah, Kailan ka aalis Kuya?" tanong ko sa kanya, tumigil naman sya sa paghakbang saka lumingon sakin. " O kuya nga ba talaga kita?" Seryosong tanong ko. Napangiti lang sya habang tila sinusuri yung mukha ko. " Wala kang nababanggit na dahilan kung bakit nagpaiwan ka kay Daddy, Tell me anong dahilan? Bakit?"
" Mark."
" Halos isang linggo ka na dito at wala ka ng ginawa kundi pagmasdan ako? Para saan? Gumanti? Aralin yung kilos ko? Di ko alam kung ako ba ang weird kaya pinagmamasdan mo ko o pinagmamasdan mo ko dahil weirdo ka? You really freakin' me out."
" Did I inform you that I Actually understand your language? "
" No, Pero since filipina yung Mommy mo, So I assume na nakakaintindi ka ng tagalog at naririnig din kita minsan magtagalog so kung pwede lang since nandito tayo sa Pilipinas gami-"
" I know, Let's go." putol niya sa sasabihin " Gumanti? Are you out of your mind? Where did you got that idea?" natatawang saad niya saka naglakad. humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad papunta sa kotse niya. " Did you try to ask Dad for a car?" Lingon niya sakin.
" No."
" Why don't you ask him, marami syang pera. 18 ka nanaman right?"
" Why should I?"
" Kasi responsibilidad niya yun sayo kasi anak ka ng kabit niya." Ngiti niya.
" Kuya Harvey please kung dahil to sa anak ako ni daddy sa labas, I'm sorry?."
" Just kidding, Mark I'm not mad at you. Nandito ako sa Pilipinas coz I want a new life."
" Why here?"
" Coz you're here?" natawa naman ako ng payak.
" What bakit ako?" tanong ko pero umiba lang sya ng tingin. " What? Anong kinalaman ko? Bakit all of a sudden bigla nalang kayong magpapakita ni Daddy sakin? Kasi as far as I remember ngayon lang ako nakita ni Daddy, ngayon lang kami nagkaharap but for what reason? Alam mo di ko mapigilang mag-isip eh."
" You really want to know the reason?"
" For god sake! Of course, Kung akala niyo naging maganda yung buhay ko, pwes hindi, kasi buong buhay ko mag-isa ako."
" I'm sorry about that."
" Kaya kung gusto mo kong pahirapan Kuya? Please stop it? Kasi kahit ako mag-isa lang, napapagod din naman ako Kuya. Hindi ako masaya? Hindi." seryosong saad ko kasabay ng pagpatak ng luha ko pero agad ko tong pinunasan. " Hindi ko naman kasalanan maging anak ni Daddy sa labas di ba? Wala akong kasalanan."
" No, Mark hindi yun."
" Eh ano?" tanong ko pero isang buntong hininga lang yung pinakawalan niya, napagmasdan ko naman yung mukha niya. Ang ganda talaga ng mga mata niya, yung matangos na ilong at yung mapulang labi, bakit hindi ko nakuha kay daddy yung katangian ganun? haixt.
Wala akong makitang pagkakahawig namin, kahit konti. Matangkad din sya hindi katulad ko na katamtaman lang. Kahit ako tanungin di ko masasabi na kapatid ko sya dahil magkalayong magkalayo yung itsura namin.
" Please tell me, anong dahilan mo bakit nagpaiwan ka kay Daddy?" Tanong ko sa kanya pero umiba lang sya ng tingin saka nagbuga ng hangin. " Tell me?"
" A couple of months ago, Namatay yung kapatid ko, Si Danny." Nakatungong saad niya, natigilan naman ako. " He's actually the same age as you, kasing cute at innocent mo sya." saad niya saka umiwas ng tingin. " He had a brain tumor."
Ilang sandaling nabalot kami ng katahimikan.
" I'm sorry." saad ko pero nagkibit lang sya ng balikat saka pinilit ngumiti.
" I just miss him, at sinabi nga ni daddy na may anak syang iba at ikaw nga yun. It hurts to know na may iba syang anak bukod samin ni Danny pero narealize ko na nawala man si Danny nandyan ka naman."
" What do you mean?"
" I want my brother back, Pero di ba imposible na yun? All I want now is not to waste another chance na magkaroon ng kapatid. Time? Hindi ko yun naibigay kay Danny, Wala akong ginawa kundi mag-aral, sundin lahat ng utos ni Daddy until one day nagising nalang ako na libing na pala ni Danny." Kwento niya saka sumandal sa kotse at tumingala. " All I want is maging proud sakin si Daddy, Kumpitisyon? Yun ang tingin ko sa kapatid ko, mula pagkabata hanggang lumaki kami gusto ko lagi akong angat sa kanya, Would you believe that I even thank God para sa pagbibigay niya ng sakit kay Dannyy? Kasi because of that naging milya milya yung layo ko sa kanya. " saad niya kasabay ng luha.
" Kuya Harvey?"
" Alam mo ba na kahit isang beses hindi ko sya dinalaw sa ospital? Nasaan ako? NagCecelebrate for my new Job." Iling niya. " I was drunk that night nung nabasa ko yung text galing sa phone ni mommy. I love you Kuya." Saad niya habang nakatingin sa phone niya. " Here." abot pa niya sakin, nabasa ko lang dun yung text na yun.
" Si Danny yung nagtext?"
" Yeah, After an hour tumawag si Mommy para sabihing wala na yung kapatid ko." bulong niya, ilang sandali naman walang nagsalita saming dalawa. " Oo alam ko, masama ako sa paningin mo, Kahit ako? Tingin ko sa sarili ko I am the worst Kuya ever."
" No."
" Wala akong kwentang Kuya."
" Pero mahal ka ni Danny." pilit na ngiti ko. Tumungo naman sya. " Mahal mo naman sya di ba?"
" Sobra, I love him, Pero kahit kailan hindi ko nasabi sa kanya yun. Lagi kong pinamumukha sa kanya na I hate him, That I really really hate him! All my life lagi akong kinocompare sa kanya, All my life lagi akong nasa anino niya, kasi ganyan, ganito sya? Hanggang dumating ako sa realization na kaya nasa kaniya lahat ng atensyon nila mommy kasi he is sick." Umiba lang ako ng tingin ng makita ko yung luha sa mga mata niya. " Di man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya, di ko man lang nasabi na mahal ko sya."
" Bago sya nawala tingin ko pinatawad ka na niya." saad ko umuling naman sya saka pinunasan yung mukha niya. " Kuya Harvey pinatawad ka na niya."
" I don't know."
" Mahal ka niya di ba? Kahit sa huling sandali ng buhay niya sinabi niya parin sayo yun para malaman mo na mahal ka niya, na pinapatawad ka niya." ngiti ko sa kanya habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. " Kuya Harvey, He loves you."
" But I-"
" Kuya Harvey, kapag mahal ka ng isang tao kahit gaano ka pa naging masama sa kanya. Pipilitin ka parin niya intindihin, mamahalin ka parin niya at papatawarin. Unconditional love ang tawag dun, Parang pagmamahal ni God sa tao?"
" Ni God?"
" Oo kuya, Unconditional love na kahit ilang beses mo sya ipagtabuyan, kahit ilang beses mo sya talikuran o gawan ng masama, papatawarin ka niya kasi mahal ka niya. Si Danny? Kasama na sya ni God sa heaven and I'm sure he is watching you right now and alam mo tingin ko nakangiti sya ngayon kasi finally narinig niya sayo na mahal mo sya. " ngiti ko, napangiti naman sya kasabay ng luha. Haixt ang ganda ng smile ni Kuya Harvey.
" Are you sure?"
" Oo naman, Don't be sad na kuya Harvey kasi alam mo magiging sad din si Danny?" saad ko na may ngiti sa labi, humugot naman sya ng malalim na hininga saka tumingala.
" You think so?"
" Of course."
" I Love you Danny, mahal na mahal kita." bulong niya sa hangin habang nakatingala.
" Message sent." saad ko napalingon naman sya sakin. " Binulong sakin ng hangin na nakarating na daw kay Danny yung sinabi mo." ngiti ko sa kanya.
" Mark thank you, Mas lalo ko napatunayan na tama yung decision ko to stay here. Nawala si Danny pero pinakilala ka naman niya sakin."
" Maybe it's destiny? Bukod kay Danny may kapatid pa ba tayo?'
" Wala, Actually I'm kinda dissapointed kasi hindi mo kamukha si Daddy."
" Si mommy yung kamukha ko."
" Yeah I saw your Mom sa picture, I'm sorry Mark if I choose to stay here, I just want to know you."
" Yung mommy mo galit ba sya sakin?'
" Yeah." ngiti niya tumungo naman ako. " She had no idea that dad had an affair."
" Di ko naman hinahabol si Daddy, Kinilala niyang anak niya ako and for me that's enough."
" It's obvious, he gave you his name. Can you do me favor Mark?"
" What?'
" Ituring mo kong kuya mo, Kapag tinatawag mo kong kuya feeling ko kasama ko si Danny." ngti niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. " I know that hindi ka dapat icompare sa kanya pero napapadali yung pagmove on ko kapag nakikita kita, Your two big hazel brown eyes, your heart shape lips, your fair skin and even your soft voice that lingers in my ears everytime I think of you." saad niya habang nakatitig sa mukha ko. " Mark, I want to be with you, I want to be your Kuya?" Umiwas naman ako ng tingin, bakit parang iba yung dating sakin nung pagkakasabi niya nun.
" Uhm."
" Please?" pakiusap niya, nakagat ko lang yung labi ko saka tumitig sa mukha niya na may ngiti sa labi. " Please?"
" Alright."
" Thank you." ngiti niya.
" Si Danny, Blue eyes din ba sya?"
" Yeah, kamukha kami ni Daddy."
" Ako lang pala hindi?"
" But you're cute, Nakikita ko nga si Danny sayo, Asian version?" saad niya natawa naman ako.
" Uhm Kuya Harvey."
" What?"
" Pwede bang humingi ako ng favor sayo?"
" Sure."
" Pwedeng idye mo yung buhok mo?" saad ko kumunot naman yung noo niya saka tumingin sa paligid, halos lahat ng mata nakatingin sa kanya. Nahawakan naman niya yung buhok niya na blonde. " Masyado kasing pansinin eh, naiilang ako kapag nakafocus lahat ng atensyon sakin."
" Anything you want." ngiti niya. " Pero may favor din ako?"
" Ano yun?"
" Hindi ko lang gusto na ituring mo akong kuya, Sana hayaan mo din na ituring kitang kapatid." ngiti niya.
" Sure?" pilit na ngiti ko.
" Matagal ko na tong gusto gawin kay danny, please let me?"
" Ano yun?"
" Can I hug you?" saad niya napatingin naman ako sa paligid. " look magkapatid tayo?"
" Pero."
" Please Mark I really want to hug you?"
" Sige." saad ko napangiti naman sya saka ako niyapak ng mahigpit, ilang sandali naman akong hindi nakagalaw saka dahan dahan hinawakan yung likod niya. Kuya ko sya, Finally my kuya na ko, finally may pamilya na ko. Dahan dahan naman syang humiwalay saka kinurot yung magkabilang pisngi ko. " Kuya harvey?" simangot ko.
" Ang cute mo kasi." natatawang saad niya saka ginulo yung buhok ko
" Kuya naman eh!"
" Since tinanggap mo na maging kapatid kita at maging kuya mo ko, ibubully na kita."
" What?"
" That what's brothers do." ngiti niya natawa naman ako.
" Ganun ba talaga yun?"
" Yeah, I have a bestfriend and ganun sila ng kapatid niya pero kahit lagi sila nag-aaway makikita mo yung bond nila to each other, na they love each other kaya kapag binibiro kita or kinukulit, tandaan mo na it's my way of saying I love you." ngiti niya saka ginulo uli yung buhok ko.
" Kuya wag na yung buhok ko." nguso ko.
" Sakay ka na." Saad niya saka binuksan yung pinto ng kotse. Pumasok naman ako dito. Haixt sa buong linggo kaming magkasama ngayon ko lang sya nakita na tumatawa, ngayon ko lang sya nakita na nakangiti ng matamis, nagbibiro. Haixt yaan ko na nga sya sa pangungulit. Way niya yun sa pagsasabi ng I love you, yaan na! Haha
" How old are you na kuya?" tanong ko sa kanya pagsakay niya.
" I'm 22, Masaya ako na nag-uusap tayo. Pasensya na kung hindi kita masyadong kinakausap nung nakaraan huh, hinahanap ko kasi sa mukha mo yung itsura ni Danny, pero hindi mo talaga sya kamukha eh."
" Pasensya na." saad ko.
" It's okay Mark, Wag kang magpapatalo sa pangbubully ko huh. I dare you." kindat niya sakin napangiti naman ako. Buong buhay ko nabuhay akong mag-isa, na ako lang, na walang tinatawag na kuya. Haixt masarap din pala sa pakiramdam magkaroon ng kapatid.
Pero may bagay akong dapat ingatan sa sarili ko, Gwapo si kuya Harvey, sobrang lakas ng sex appeal, ang ganda ng mga mata niya and even his body type sobrang fit.
Ngayon lang ako may nakasamang lalake sa bahay ko, shit I know naattract ako sa same sex pero please wag naman sa kanya. Napadako naman yung tingin ko sa umbok na yun sa jeans sya niya pero agad kong iniwas yung tingin ko saka napalunok. No!
" Why my cute lil bro?" lingon niya sakin.
" Nothing." pilit na ngiti ko.
Pagdating namin sa bahay ay agad syang umakyat sa kwarto niya, ako naman ay dumeretso sa kusina kung nasaan si Yaya Glenda.
" Yaya?" tawag ko dito ng makita to na nag-aayos ng mga gamit sa kusina.
" Mark, iho." ngiti nito.
" Dumaan po ba si Sofhie dito kanina?"
" Oo iho, may dala syang cake." saad nito saka binuksan yung ref at kinuha yung maliit na cake. " Tinatanong nga niya kung kailan aalis kuya mo, naiilang daw kasi sya kaya ayaw niya magstay muna dito."
Continued..............