Chapter 32

83 1 0
                                    

" Pero for me it doesn't matter naman, simbahan lang naman ang may ayaw nung bagay na yun, Kung masaya yung dalawang tao, okay lang they are just making their life, not mine."
" Sabagay." ngiti ko, may sense talagang kausap tong gagong to bukod sa nagkakasundo kami tungkol sa relihiyon nagsaswak din yung mga pananaw namin sa buhay.
Nang makarating kami sa bahay nila Russel naabutan lang namin si Lolo habang nakikinig ng radyo.
" Merry Christmas Lolo." halik ko sa pisngi nito.
" Maligayang pasko iho, may kasama ka?'
" Opo, si Ethan po kaibigan ko."
" Magandang hapon po."
" Magandang hapon naman."
" Si Russel po?"
" Nasa mga fuentez pa iho."
" Anong oras na po ah?"
" Pauwi na siguro yun." saad ni Lolo, napansin ko naman si Ethan habang sinusuri yung buong bahay nila Russel. " Namalengke na yung apo ko kanina, balak niya magluto ng pansit."
" Talaga po? Gusto niyo po ako na mag-asikaso?"
" Sige iho, pwede ba?" napapakamot na saad ni Lolo. " Di kasi talaga marunong magluto si Russel."
" Alam ko naman po, maiwan ko na po kayo dito huh." saad ko saka hinila si Ethan sa kusina. Nakita ko lang dun yung mga pinamili ni Russel, " Tang ina magpafried chicken si bakla." ngiti ko. " Tol, kanina ka pa tahimik?"
" Uhm kasi ano."
" Luma na ng bahay nila?"
" Parang babagsak na to tol ah?"
" Gago, hindi." natatawang saad ko.
" Alam ko lumang bahay to ng fuentez di ba?"
" Malay ko? Tara luto na tayo."
" Baka magalit si Russel kapag pinakailaman mo yan."
" Sapakin ko pa sya." ngiti ko saka sinimulang ilabas yung mga sangkap ng pansit. " Game maghiwa ka." abot ko sa kanya ng kutsilyo, kita ko lang yung tingin niya sakin kaya nagkibit ako ng balikat saka nagbigay ng sarkastikong ngiti. " Alam mo yung salitang pakikisama di ba? Patunayan mo gago."
" Oo na." simangot niya saka kinuha yung kutsilyo. " Dapat pala nanahimik nalang ako sa bahay, haixt."
" Tangina ka ikaw nagpumilit sumama eh, saka panindigan mo yang sinasabi mong pakikisama!"
" Oo na!" Simangot niya saka nagsimulang maghiwa, napangiti lang ako ng marinig yung radyo sa sala. Haixt parehas sila ng lolo ko na mahilig makinig ng music.
" Bait ni Lolo noh?"
" Malay ko, di ko pa naman sya masyadong nakakasama eh."
" Wala ka kasing lolo kaya hindi mo alam yung pakiramdam." asar ko sa kanya, kita ko naman na umiwas sya ngt ingin. " Gusto mo magkwento tungkol sa pamilya mo?"
" Gago ayoko!"
" Edi wag."
" Ikaw tumigil ka na ba sa pagcacallboy mo?"
" Hindi , pero tol minsanan nalang. May mga tanginang tsismosa kasi."
" Bakit?"
" May nakarating na balita kay Mama na, kung kanikanino daw ako sumasama."
" Buti nga sayo Gago!" natatawang saad niya.
" Pero tol tangina, di parin ako titigil noh. Ang sarap kaya makipagsex." ngiti ko.
" Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting star!!" napalingon lang kami ng marinig yung malakas na pagkanta sa sala.
" Si Russel na yan, tang ina ang ingay talaga ng bibig niya."
" Mukha nga." kibit ng balikat ni Ethan.
" ANDREI!!!!" sigaw nito saka pumunta sa kusina habang nanlalaki ang matang nakatingin sa ginagawa namin ni Ethan.
" Ano!?"
" Ako magluluto niyan eh!"
" Nasimulan na namin, Tangina ang lakas ng bibig mo sarap pasakan ng titi!" asik ko sa kanya.
" Grabe ang bastos mo! Ay Ethan nanjan ka pala."
" Hi, pasensya na pinakialaman namin?" pilit na ngiti ni Ethan.
"Oo nandito sya, kaya pwede mahiya ka naman?"
" Eh kasi naman, ako magluluto niyan eh!"
" Ako na, ano yang mga dala mo?" turo ko sa mga paper bags na dala niya, nilapag naman niya to sa mesa saka sinimulang ilabas yung mga tupperware.
" Kainis ka talaga Andrei, pero sabagay pagod ako kaya tamang iluto mo na yan."
" Kapal noh?" ngiwi ko kay Ethan. Kita ko naman na binuksan niya yung mga tupperware na nasa mesa.
" Merry christmas!! And dami di ba?"
" Woow." ngiti ni Ethan.
" Galing lahat sa mga fuentez yan?"
" Yeah, binigay ni kuya Tucker saka nung kapatid niyang si Kuya Dale." Natigilan naman ako ng mabanggit yung pangalan na yun, Sabi ni Tucker pagkatapos daw ng pasko ako makikipagsex sa kapatid niya, haixt pera naman yun saka halos isang linggo na kong walang kasex. " Gusto nga ni kuya Dale dun an ko magcelebrate eh, sabi ko di pwede kasi gusto ko kami ni Lolo magkasama."
" Sobrang dami naman niyan."
" Okay nga yun, saka mukhang apat tayong magcecelebrate ng Christmas."
" Nang holiday." ngiti ni Ethan, natawa naman ako.
" Why?"
" Wala, ano okay lang sayo Ethan?"
" Okay lang, ikaw hindi ka ba hahanapin ng parents mo?"
" Hindi kami nagcecelebrate ng Christmas, Hindi ko alam kung bakit pero mas importante samin yung new year."
" Ay ganun." nguso ni Russel.
" So dito na kami magpapalipas ng gabi ni Ethan."
" Sige sige, para may kakwentuhan ako. Maaga kasi natutulog si Lolo wala akong kasama hanggang midnight." ngiti pa niya saka binuksan yung isang tupperware. " Alam mo Andrei and Ethan napakadaming pagkain sa mansion ng mga fuentez, grabe nakakalula sa dami!"
" Mayaman eh."
" Ganun rin ba sa bahay niyo Ethan?"
" Huh?"
" Eh di ba mayaman kayo?"
" Uhm Daddy ko lang."
" Russel, bawal pag-usapan yung pamilya ni Ethan, magwawalk out bigla yan." ngiti ko.
" Ganun? Ang dami niyong ek ek magkaibigan, Andrei tikman mo tong salad ang sarap." saad nito saka lumapit sakin habang hawak yung kutsara na may lamang salad.
" Ayoko."
" Dali na?"
" Matamis ata yan eh, ayoko pangbakla yan!" simangot ko pero binatukan niya lang ako. " Tang ina mo huh gusto mo ng sapak?"
" Titikman mo o hahalikan kita?"
" Haixt, sige na." nganga ko, narinig ko naman yung pagtawa ni Ethan.
" Grabe ayaw mo talaga ng kiss ko?"
" Gano ba karami yung salad na yan, ako na uubos!" asik ko sa kanya.
" Ang mean mo!" maarteng saad niya.
" Ewan ko sayo." ngiti ko saka sinubo yung kutsarang hawak niya. " Tang ina ang tamis nga, sabi na pangbakla yan eh!"
" Porket matamis, pangbakla na?"
" Oo gago! Lumayo ka sakin baka di ko mapigilan tirahin kita habang nagluluto ako."
" Bastos mo."
" Para namang ayaw mo nun."
" Uhm."
" Ay gago gusto nga, samahan mo nalang si Lolo dun ako ng bahala dito!" tulak ko sa kanya.
" Di bale na nga, magbibihis na ko ng maganda para sa pagsalubong kay Baby Jesus." ngiti nito saka maarteng lumabas ng kusina.
" Sino daw sasalubingin niya?" Tanong ko kay Ethan.
" Yung imaginary friend ng lahat, sikat na sikat yun kapag pasko." Sarkastikong saad ni Ethan. Napakamot lang ako sa ulo saka sumunod din kay Russel tangina napakavocal ni Ethan sa pagkontra sa simbahan, ako di ako naniniwala pero di ko na kailangan ipangalandakan haha, napangiti lang ako ng makita yung binigay ni Russel na box sa Lolo niya.
" Wow may gift ka kay Lolo?"
" Salamat apo huh."
" Wala yun Lo, bibihis lang ako."
" Lo yung gift ko after nalang ng pasko, nakalimutan ko po kasi eh." saad ko
" Okay lang apo."
" Sige po, hihiram po ako ng damit kay Russel baka po kasi madumihan ako habang nagluluto eh." Saad ko saka sumunod sa kwarto ni Russel.
" Waaahh!" sigaw nito ng buksan ko yung pinto.
" Makasigaw ka naman, parehas naman tayong lalake, Pahiram ako ng damit." ngiti ko saka umupo sa kama niya, pilit naman niyang tinatakpan yung nipples niya ng dalawang kamay.
" Ang bastos mo Andrei! Wala ba kayong pinto sa bahay kaya di ka marunong kumatok?"
" Meron, pahiram nalang ng damit para makapagluto na ko." simangot ko.
" Kainis ka talaga!" simangot niya saka nagbukas ng cabinet. Napangiti lang ako ng mapagmasdan syang walang pang itaas. " Minamanyak mo na ko huh!" lingon niya sakin kaya natawa ko.
" Gago! Assuming ka naman masyado." sarkastikong ngiti ko saka nilibot yung tingin sa buong kwarto na yun, hanggang mapansin ko yung mga drawings sa pader at ilang sulat kamay. Tumayo lang ako saka isa isang binasa yung mga nakasulat sa pader. " Ikaw nagsulat nito?"
" Hindi ako, mga multo! Malamang ako? Kwarto ko to eh."
" Tangina kapag nainis talaga ko? Itatali kita at ipapasubo ko tong titi ko maghapon!" asik ko sa kanya.
" Kadiri ka!"
" Tangina wala ka bang notebook bakit dito ka nagsusulat sa pader?" Simangot ko, Halos lahat ata ng pangarap niya nakasulat at nakadrawing duon, chef? Doctor? Kahit beauty queen tangina. " Gusto mo bigyan kita ng sketchpad?"
" No thanks, gusto ko nakikita ko."
" Edi buksan mo yung notebook para makita mo, gago ka eh noh? Parang magigiba na nga tong bahay niyo tapos dinudumihan mo pa."
" Okay lang, di naman samin to, Oh yung damit." bato niya sakin ng t-shirt. Ngumiti lang ako saka lumingon sa kanya.
" Gusto mo ko makitang nakahubad?"
" O gusto mo lang makita akong maglaway sa katawan mo?" sarkastikong ngiti niya. " Alam mo Andrei, hot ka naman talaga. Nakakabwiset nga lang."
" Bakit naman?" ngiti ko.
" Alam mong hot ka kaya lalong nakakainis, magbihis ka na!"
" Excited kang makita akong nakahubad?"
" Excited akong matikman yung luto mo."
" O excited kang matikman ako?"
" Mag-iipon pa nga ko diba?!" simangot niya. " Magbihis ka na baka matukso ako, magpapasko ayoko muna magkasala, I'm super mabait ngayong araw na to kaya tigilan mo ko Andrei." tarantang saad niya ng magsimula akong humakbang papalapit sa kanya. " Andrei ano ba?"
" Wala naman akong ginagawa ah?"
" Wag mo ko tingnan ng ganyan!"
" Tingnan?" nang-aakit na saad ko. Patakbo naman syang pumunta sa pinto saka agad lumabas. " Pakipot ka tangina!" habol ko sa kanya, napailing lang ako saka nagsimulang magbihis, kung pagbigyan ko kaya sya? Tangina alam ko naman na may pangangailangan din yung baklang yun. Alam ko sabik na sabik sa titi yung mga kagaya niya.
--
Nung gabing yun, sabay sabay namin pinanuod yung iba't ibang ilaw sa kalangitan kasabay ng pagsalubong sa pasko ng taong yun, Sabay sabay naming tatlo nasiksahan yung liwanag na dala ng mga taong nagsasaya para sa kapanganak ng sinasabi nilang lumikha.
Kasabay ng pag ilaw ng kalangitan ay pagdampi ng liwanag sa isang anghel na ang tanging hangad ay isang makasaysayang paglalakbay. Sa bawat kwitis na pumuputok sa taas ay kasabay ang pagsilip ng isang ngiting napakahirap ng ibalik sa kasalukuyan.
Nung panahong yun di ko mapigilang mapangiti habang palihim akong sumusulyap sa mga ngiting nuon lang nakapasok sa puso ko, mga ngiting kahit kailan hindi ko na makikita.
" Ang sarap naman ng pwesto ko." saad ni Russel, sabay naman kaming napalingon dito ni Ethan.
" Bakit?'
" Nasa gitna ako ng dalawang gwapo." ngiti niya habang nakatingin sa mga butuin, narinig ko naman yung pag ngisi ni Ethan. Kasalukuyan ng tahimik ang kalangitan ng mga oras na yun, kasabay ng paghupa ng usok ay ang pagsilip ng mga butuin mula sa kalawakan. Mga butuin na makikita mo ang kislap sa mga matang halos dumurog sa puso ko.
" Sabi sayo Kent gwapo ako." rinig kong saad ni Ethan.
" Gago." ngisi ko.
" Gwapo ka naman talaga Ethan, mejo payat nga lang saka simula ata nung umalis ka na sa inyo, may nakita na kong glow sa mukha mo." lingon ni Russel dito.
" Alam mo yung pag-alis ko samin?"
" Nakwento ni Andrei pero alam ko nanaman yung story mo, yung kwento niyo ng Daddy Ted mo." ngiti niya.
" Alam mo pano?"
" Balitang balita sa buong simbahan yung pag-alis mo sa inyo, sabi ni Pastor naglayas ka daw, tapos sabi adik ka daw kasi kaya pinaalis ka niya sa inyo."
" Tangina talaga yang Daddy mo Ethan noh sarap sikmuraan!" Saad ko saka napailing.
" Hayaan mo na, basta ang alam ko wala na ko sa poder niya."
" Pero di ako pumayag noh! Pinagtanggol kita." saad ni Russel saka umupo nanatili naman kaming nakahiga ni Ethan sa damuhan..
" Kay Daddy?"
" Oo, kaibigan ka ni Andrei kaya kaibigan mo na rin ako, di ako manhid, di ako bulag at lalong di ako magbubulagbulagan. Alam ko na sinasaktan ka ni Pastor at di ko hahayaan na sirain ka niya sa ibang tao." lingon niya kay Ethan, kita ko lang yung tingin dito ng kaibigan ko. Isang ngiti lang yung pinakawalan ko.
" Anong ginawa mo?"
" Sabi ko sa kanya na kapag tinuloy niya yung paninira sayo, titisgo ako na sinasaktan ka niya, na ako mismo magpapakulong sa kanya. Kung hindi mo sya kayang ipakulong dahil Daddy mo sya, then ako gagawa. Hindi bilang kaibigan mo kundi bilang tao na nagmamalasakit sa kapwa tao." ngiti ni Russel. " Hello, ikaw na nga yung nasaktan, ikaw ngayon naghihirap tapos ikaw pa yung masama? Hindi naman pwede yun. Minsan talaga hindi mo makikita sa itsura o propesyon ang tunay na ugali ng isang tao, malalaman mo lang kung anong uri ng tao sya sa mga sinasabi niya tungkol sayo kapag nakatalikod ka na."
" Sinabi mo talaga sa kanya yun?"
" Oo, And I'm so proud of myself dahil nasabi ko yun sa kanya kasi alam ko kahit paano may nagawa ako para ipagtanggol ka."
" Thank you." ngiti ni Ethan.
" Wala yun, ginawa ko lang kung ano yung tama."
" Kahit si Mommy, hindi kaya yun."
" Kaya yun ng Mommy mo, takot lang sya. Nakakasalubong na kita sa school at napapansin ko na talaga yung mga bruises mo. Lately ko lang napagtanto na Daddy mo nga gumagawa nun."
" Salamat."
" You can always count on me pare." natatawang saad niya. " Kainis, mga barako kasama ko, feeling ko tuloy hindi na ko bakla!"
" Gago ka, hindi ka pa bakla sa lagay na yan huh, pulang pula yang mga kuko mo."
" Wag ka nga Andrei, sign to ng pagiging goddess ko." maarteng saad niya habang pinagmamasdan yung mga kuko niya sa kamay.
" Sign mo mukha mo!"
" Russel may gusto ka ba kay Kent?" maya maya tanong ni Ethan.
" Gago ka Ethan huh."
" Sayo may gusto ako, may pag-asa ba ko sayo?" lingon dito ni Russel kaya agad ko syang sinuntok sa balikat.
" Ang landi mo talagang bakla ka!"
" Ang hilig mo pa nga manakit Andrei?" Simangot niya.
" Teka bakit Andrei tawag mo sa kanya?"
" Trip lang niya, nakakabwiset na nga eh."
" Hindi ah, ayoko lang talaga ng Kent."
" Bakit?" lingon ni Ethan.
" Uhm kasi, parang ang negative."
" Negative?"
" Yeah, Sounds like Can't? Not able, hindi kaya, hindi pwede? Super negative kaya mas gusto ko yung Andrei." ngiti niya, napagmasdan ko naman yung mukha niya. Ang simple pero ang lakas ng dating kapag tinitigan mo na. " I know na may mga bagay naman talagang imposible pero yung ipamukha, ipangalandakan, masakit yun! kaya as much as possible kahit maling umasa, kahit alam mo namang malabong mangyare deep inside in your heart gusto mo parin umasa na pwede, sa buhay yan huh hindi si love, magkaiba kasi yun."
" Very optimistic." ngiti ni Ethan.
" Actually pessimist ako, so as much as posible iniiwasan ko yung negative thoughts kasi kapag inisip ko masyado, kakainin ako ng sarili kong kahinaan."
" Balita ko candidate ka daw bilang validectorian?"
" Ikaw? Di nga?" di makapaniwalang saad ko.
" Hoy Andrei matalino ako noh!"
" Sus maniniwala ako na matalino ka kapag alam mo lahat ng pusisyon na pwedeng gawin sa kama!"
" Whatever Andrei!" simangot niya.
" Naniniwala ka sa love?"
" Tang ina mo Ethan bakit napunta na sa love yan?"
" Shut up Kent, curious ako kung naniniwala nga ba sa love yung mga kagaya niya, sabi niya kasi magkaiba daw yung pananaw niya sa love at buhay. Optismistic sya pagdating sa life, eh how about love? Do you believe in love?"
" Yeah, naniniwala ako."
" Really."
" Love sa family?"
" How about significant other? Love?'
" Relasyon? Sa katulad kong bakla?Negative na kung negative." mapait na saad niya. " Siguro pwede, pero panadalian hindi pang matagalan."
" Ayaw mo ng negative pero ikaw mismo ang negative?" natatawang saad ni Ethan.
" Hindi ah, Totoo naman yun di ba? Sa mga katulad naming bakla kapag wala kang pera, wala ka ring pag-ibig at yung ang pinakamasakit na katotohanan sa mga katulad namin, mamahalin ka dahil may pera ka hindi dahil sa kung sino at ano ka."
" Ang bitter mo!" asik ko sa kanya.
" Bakit totoo naman ah, di ba nga sabi mo matitikman lang kita kapag may pangbayad na ko? Pera? Pera ang dahilan kaya lumalapit samin ang lalake, pera ang dahilan kaya may nagmamahal sa mga katulad namin, pera ang nagpapaikot sa mundo ng mga kagaya ko."
" Grabe tingin mo sa mga lalake noh? Mukhang pera?
" Kapag bakla ang kaharap! Totoo naman yun Kent." ngiti ni Ethan.
" Hindi kaya!"
" Sus ganun ang tingin mo sa mga bakla di ba? Kahit ako nang dahil sa mga kwento mo, minsan ganun na din tingin ko sa kanila. Pwedeng mahalin basta may pera."
" See, Andrei pati si Ethan hinawaan mo na!?" nguso niya,haixt ang cute niya.
" Pero syempre iba iba naman ang tao, iba ako kay Kent at iba yung pinaniniwalaan ko, minsan lang talaga nakakahawa sya." ngiti ni Ethan. " Pero Russel, di mo ba naisip magkapamilya?"
" Oo nga, ayaw mo ba magkaanak?" tanong ko.
" Kung may ibibigay si God, okay pero kung wala? Edi wala? Malay mo Anghel pala ang papel ko dito sa lupa?"
" Walang baklang anghel gago!"
" Meron at ako ang mamumuno!" natatawang saad niya.
" Di ka ba umaasa na magkaroon ng partner? Yung forever?"
" Uhm ako? Ang plastik ko kung sabihin kong hindi ako umaasa pero ayoko naman magmukhang tanga nalang habang buhay, umasa sa isang bagay na imposible. Walang magmamahal sakin sa paraan na gusto kong mahalin ako." pilit na ngiti niya. " Siguro, sa sex pwede pero kung love na? Love na pang long term? Para lang sinubukan kong hulihin ang hangin gamit ang palad ko." mapait na saad niya, tumayo naman ako saka umupo sa harap niya. " Bakit? Nagagandahan ka na sakin?"
" Ang bitter mo kasi!"
" Hoy andrei, yun ang totoo at yun ang nangyayare sa totoong buhay sa mga katulad namin! Kahit kailan hindi kami magkakaroon ng fairytale, wala kaming happy ending, walang prince charming at lalo hindi totoo ang forever."
" Pessimestic." natatawang saad ni Ethan.
" Ang nega mo?" ngiwi ko habang pinagmamasdan sya.
" Bakit ikaw, kaya mo ba kong mahalin?" saad niyang nakatitig sa mga mata ko, agad naman akong umiwas ng tingin saka ngumisi.
" Hindi." iling ko, kita ko naman yung paglunok niya.
" Oh di ba hindi!" simangot niya. " Hindi mo ko mamahalin kaya bakit ako aasa."
" Atleast alam mo yung lugar mo, pinag-uusapan ka kasi namin ni Kent, na baka nga mahulog ka sa kanya eh hindi ka naman niya kayang mahalin."
" Alam ko naman." rinig kong saad niya, nanatili naman akong nakatingin sa langit. Imposible nga ba? " Walang magmamahal sakin, tanggap ko na yun." Mapait na saad niya.
" Paano kung meron pala?" lingon ko sa kanya.
" Sino?"
" Uhm." iwas ko ng tingin.
" Andrei, tanggap ko na tatanda at maiiwan akong mag-isa." ngiti niya. " Alam mo ba ang pinakakinatatakutan ng mga kagaya kong bakla? Ang tumanda."
" Bakit naman?" tanong ni Ethan.
" Kasi maiiwan kaming mag-isa, pero wala naman kaming choice eh. Yung ang tadhana namin."
" Well, I think we're friends na right? So hindi ka mag-iisa." saad ni Ethan. " At tandaan mo sa friendship? Totoo ang forever kasi sa friendship walang kasarian, walang lalake, walang babae walang bakla, walang tomboy ang meron lang TAYO, at yun ang panghabang buhay." kindat ni Ethan sa kanya.
" Talaga?"
" Oo naman."
" Salamat, Ethan huh."
" Wala yun, tayong tatlo para sakin magkakaibigan na."
" gago ka porket tinulungan ka lang sa Daddy mo? Eh di ba ayaw mo sa kanya?"
" Gusto ko na sya kaya shut up Kent! Sya unang taong tumulong sakin kay Daddy kaya kaibigan ko na sya."
" Ayaw mo sakin Ethan?"
" Eh kasi relihoyoso ka daw, di kasi naniniwala kay God yan eh."
" Parehas kaya tayo Kent?"
" Seryoso?" manghang saad ni Russel.
" Yeah pero it doesn't matter naman sa friendship di ba? Respeto kita basta respeto mo din ako at kapag nangyare yun I'll make sure na kaibigan mo ko habang buhay." ngiti ni Ethan.
" Corny mo tangina!" asik ko sa kanya na ikinatawa ni Russel.
" Alien pala kayong dalawa grabe!" iling pa nito.
" Gwapong alien." natatawang saad ni Ethan saka tumayo. " San ako pwedeng matulog na hindi ako magaalalang magagahasa ako?" ngiti ni Ethan na ikinatawa ko.
" Hoy grabe ka Ethan huh! Wala akong balak mangahasa ng payatot noh!"
" Just kidding, sa sala nalang ako."
" Pwede naman sa kwarto ko pero dahil alam ko na tatangi kayong dalawa, hinanda ko nalang yung banig sa sala, dun nalang kayo ni Andrei." ngiti ni Russel.
" Good, salamat uli Russel huh, Kent di ka pa matutulog?"
" Tangina tol, baka marape din ako eh, ikaw payatot ako, eh pano naman ako na sobrang sexy at gwapo? Tangina tol nakakatakot!"
" Edi sa cr ka matulog! Bang yabang mo talaga Andrei grabe!"
" Joke lang! Mamaya na ko tol, di pa ko inaantok eh."
" Okay, tulog na ko."
" Kaw na bahala jan Ethan huh."
" Sure." saad nito saka pumasok sa bahay, naiwan naman kami ni Russel na magkaharap na nakaupo.
" What!?" mataray na saad niya ng mapansin niya yung titig ko sa mukha niya.
" Wala lang, tinatandaan ko lang yung mukha mo."
" At bakit, inlove ka na sakin?"


Continued.....

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon