Chapter 31

81 1 0
                                    

Harvey....


Continuation.......

SI KENT
Alam ko hindi na maibabalik ang oras, nangyare na ang nangyare pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako titigil, kung kailan ako magsisimulang humakbang muli at ituloy yung buhay ko, hindi ko alam kung paano magsisimula ng isang panibagong simula gayong nakatali parin ako sa isang nakaraan na kahit kailan hinding hindi na maaring baguhin.
Na ayoko na maging si Kent, na gusto ko muling bumalik bilang Andrei, yung Andrei na nagdala ng ngiti sa isang inosenteng mukha at hindi yung Kent na sumira sa buhay ng isang masayahing bakla.
Nagsalin lang ako ng alak sa baso saka agad tong tinungga, di ko naman napigilan yung pagtulo ng luha ko ng maalala yung ngiti ni Russel nung panahong yun.
" So it's Tucker?" Saad ni Ethan habang nakatingin ng deretso sakin. " Sya ang nag-utos sayo na gahasain si Russel?" deretsong tanong niya.
" Hindi sya, Si Dale." Nakatungong saad ko.
" Pero tangina tol, bakit mo ginawa?"
" Dahil..."
" Dahil ano?" tanong niya, tumulo lang yung luha ko saka tumayo. " Tol." rinig kong saad niya, tumingala lang ako para pigilin pa yung mga yung mga luhang gustong tumulo mula sa mga mata ko. Bakit ba tuwing pinag-uusapan si Russel hindi ko mapigilan yung emosyon ko, bakit di ko mapigilan yung sarili ko na wag umiwak.
Siguro dahil... Nung panahong yun, nagawa kong pigilin yung nararamdaman ko.
" Kent ano ba? Tuloy mo na yung kwento?"
" Gusto ko muna maglakad, ayoko na ng alak tangina." iling ko. " Tara na ikwekwento ko sayo habang naglalakad tayo."
" Dito nalang tol."
"Tang ina gusto mo ba malaman lahat?"
" Oo."
" Edi tara na?"
" Dito nalang kasi?"
" Gusto mo ba malaman lahat o ayaw?"
" Daming arte Kent!" simangot niya saka tumayo at nagsuot ng jacket. " Mukhang uulan pa naman oh? Di mo ba naririnig yung kulog?"
" Hindi uulan, maniwala ka sakin."
" Ayoko maniwala, uulan yan pustahan pa tayo eh."
" Ewan ko sayo, kantutin kita jan eh." ngisi ko saka tumuloy sa pinto, ramdam ko naman yung pagsunod niya. " Tangina mo di ka talaga mahilig maglock, madadadala ka talaga kapag pinasok ka ng magnanakaw jan." saad ko ng makitang sinara niya lang yung pinto ng apartment niya.
" Wala silang makukuha sakin gago."
" Ako meron yang virginity ng pwet mo."
" Tang ina mo Kent huh, sapakin na kita eh, Kwento mo na nga lang sakin kung ano nangyare sa inyo ni Russel? Pano ka napapayag ni Dale na irape si Russel? Saan at pano nangyare?"
" Eh kayo nung ex mo? Nakausap mo na ba? "
" Tang ina mo Kent huh, kayo ni Russel ang topic, hindi kami!"
" Gusto ko muna malaman kung pumunta ka na sa barbequehan ng ex mo, tang ina yung totoo tol? Hindi masarap yung tinda nila! Tangina barbeque nalang hindi pa nila magawang masarap."
" Kent, gusto mo bang ilibing kita ng buhay?" Asik niya na ikinatawa ko. " Gago ka kahit kaibigan kita ililibing kita ng buhay para-"
" Tangina uunahin kita kapag tinuloy mo yang sasabihin mo!" Amba ko sa kanya, ngumiti lang sya nagkibit ng balikat. "Mukhang pera kasi yung ex mo."
" Nagsalita naman ang hindi mukhang pera." Sarkastikong saad niya. "Di pa kami nakakapag-usap, just cut it off, okay? Ang gusto ko malaman kung pano mo binaboy si Russel, binaboy sa harap.. Sa harap ng magkapatid na fuentez." mapait na saad niya, agad naman akong umiwas ng tingin.
" Hindi ko sya binaboy."
" Rape yung nangyare di ba? Anong rape ba ginawa mo? Sensual rape? Romantic rape? Or rape that full of love? Woow may rape bang pwedeng gawing ganun? Ano yun bible? Kalokohan?"
" Ulul!" simangot ko.
" Ulul ka din!"
" Tangina mo eh noh, wag ko nalang kaya ikwento para magalit yung mga nagbabasa ng kwento to!" (hahahaha!)
" Gago! Gegerahin yung author nito."
" Sus ihain niya yung titi ko! Ewan ko nalang kung may umusap pa." ( Pasensya napraning ako haha -blue). " Wag ko nalang kaya ikwento masyadong masakit eh."
" Ikwento mo, gusto ko malaman?"
" Tang ina naman kasi tol, yung itsura ni russel habang naka- tol, hindi yun mawala sa utak ko." saad ko saka tumingala, haixt yung itsura niya habang .. Nagmamakaawa.. Kahit kailan ata hindi na yun mabubura sa utak ko. " Tol, ang hirap. Ang hirap balikan lahat na parang walang nangyare."
" Kailangan mo din yan, para mailabas mo lahat."
" Magpapalabas nalang ako ng tamod kung pagpapalabas lang naman pala problema mo?" iwas ko ng tingin napangiwi lang ako ng suntukin niya ko sa braso.
" Gago ka talaga!" saad niya, tumingala naman ako sa langit hanggang mahagip ng mata ko yung isang eroplano, Haixt Russel." Kent makikinig ako." saad ni Ethan tumitig naman ako sa mukha niya.. " Tol."
" Oo na, ikwenkwento ko na." simangot ko saka naglakad.
" Game makikinig ako."
" Teka lang, dun tayo sa harap ng simbahan. Excited ka? Gusto mo wisikan kita ng tamod sa mukha?"
" Bibig mo Kent, kinikilabutan ako."
" Kapag nakasex mo ko hindi ka lang kikilabutan, titigasan at lalabasan ka pa."
" Ewan ko sayo!" asik niya. " Kwento mo na?!"
" Sa simbahan nga di ba? gusto mo linisin ko ng titi ko yang tenga mo?"
"Tangina mo! Bakit dun sa simbahan pa?"
" Para maupo gago."
" Tang ina ka naman kasi, sarap na ng upo natin sa bahay, lumabas pa tayo."
" Ayoko sa bahay mo, dun ko dinala si Russel nung gabing yun di ba?" iwas ko ng tingin, hindi naman sya nagsalita.
" Nung gabing ano?" tanong niya, malapit na kami sa simbahan nun ng maramdaman ko yung patak ng ulan, "Tang ina ka naman tol eh, sabi sayo uulan eh."
" Si Mark ba yun?" saad ko ng matanaw si Mark sa harap ng gate ng simbahan.
" Si Mark? Nang ganitong oras? Tang ina silong na tayo Kent."
" Eh jacket niya yun eh?" saad niya hanggang makita naming tumingala to at sinalo yung ulan.
" Bwiset!" saad ni Ethan saka ako hinila para sumilong sa isang tindahan, sa lugar na yun tanaw parin namin si Mark, ilang sandali pa syang nakatayo dun saka nagsimulang maglakad at magpunta sa harap ng saradong karinderia para sumilong, ilang sandali akong natigilan ng makita si Mark dun, yun yung exact place kung saan ko unang nakita yung pag-iyak ni Russel.
Kasabay ng malakas na ulan, sa ilalim ng makulimlim na kalangitan ay ang pagbagsak ng luha mula sa mata ng isang anghel na di ko alam saan nga ba nagmula.
Anghel na ako mismo ang pumutol sa maruwag nitong pakpak.
FLASHBACK
Patapos na yung misa nun ng matanaw ko si Russel habang nakaluhod sa pinakahuling upuan sa simbahan. Magkalapat yung dalawang palad niya habang taimtim syang nagdarasal. I know hindi ako naniniwala sa mga bagay na nasa loob ng lugar na yun pero nung mga oras na yun, habang pinagmamasdan ko syang nakaluhod habang nakapikit. Pakiramdam ko napakapayapa ng mundo ko.
Simula nung pumusok ako sa buhay nilang maglolo, unti unti para akong nagkakaroon ng rason para mabuhay, nagkakaroon ako ng rason para bumangon sa umaga, Kasama ko yung mga magulang ko sa bahay pero tuwing nasa bahay ako nila Russel, parang nagkaroon ako ng bagong pamilya, Yung pamilya na alam ko na kailangan ako.
" Tol, yun si Russel." siko ko kay Ethan. Sinundan naman ng tingin niya yung daliri ko.
" Kilala ko naman yan, pero di ba lagi mo yang kasama pagpasok?"
" Oo."
" Wag mo sabihin, bago mo yan?"
" Gago hindi, Apo yan ni Lolo Celso."
" Okay?"
" Walang pangbayad kaya hindi niya ko matitikman, pero tol mabait yan saka okay naman yung ugali, madaldal nga lang."
" Okay?"
" Bakit ba puro okay sagot mo?"
" Ano gusto mong isagot ko, eh mukhang relihoyoso, Ayoko sa mga tanga." simangot niya natawa naman ako ng payak.
" Sus naman, pakilala kita sa kanya mamaya."
" Nevermind tol, okay na ko sayo. Hindi ko kailangan ng kaibigan na tanga."
" Gago ka kaya wala kang kaibigan bukod sakin eh, basta ipapakilala kita sa kanya."
" Bahala ka nga." saad niya, napangiti lang ako nang muli kong tingnan si Russel, kasalukuyan parin syang nakaluhod nun habang taimtim na nagdadasal, tang ina ano kaya itsura niya kapag chinupa niya ko, Ang saklap naman kasi bakit walang pera tong gagong to eh.
Gabi na ng matapos yung misa, nauna ng umuwi si Ethan, ako naman inabangan ko yung paglabas ni Russel sa simbahan, halos kalahating oras na kong nakatayo dun pero hindi ko parin sya nakikita,
" Haixt tangina nasan na ba yung baklang yun, Mukhang uulaan pa naman."
Hanggang abutin na ng isang oras kaya nagpasya na kong maglakad papunta sa bahay nila, baka nakauwi na sya. Haixt bakit kasi biglang nawala eh, malamang mag-alala si Lolo kapag naabutan sya ng ulan sa kalsada.
" Lo, nakauwi na po si Russel?" bungad ko sa pinto ng bahay nila.
" Hindi pa iho, inaabangan ko nga eh." Saad nito.
" Nagugutom na po kayo?"
" Oo iho." saad nito, humugot naman ako ng malalim na hininga, tang inang baklang yun alam naman niyang may nag-aabang sa kanya sa bahay nila, kung saan saan pa pumunta. " Nasaan yung apo ko Andrei?" Binaba ko lang yung mga gamit ko sa upuan nila saka humalik sa kamay ni Lolo.
" Di ko po alam eh, dito lang po muna kayo huh bibili nalang po ako ng pagkain." saad ko saka nagmamadaling lumabas saka patakbong tumuloy sa isang karinderia, Hayop talaga oh! mukhang malakas na ulan pa ata yung parating.
Pagkabili ng pagkain napatingala ako ng marinig yung nakakabinging kulog at kidlat. Duet pa tang ina haha! nasaan ka bang bakla ka, pagkatapos magsimba lalandi ka agad, haixt mga bakla talaga oh!
" Lolo kain na po kayo, pagkatapos niyo iwan niyo nalang po sa mesa, ako na po bahalang magligpit."
" Mukhang uulan iho, hindi mo ba alam kung nasaan yung apo ko?"
" Hindi po eh, babalik po ako ng simbahan."
" Pakihanap sya iho, baka maabutan sya ng malakas na ulan."
" Sige po, Lolo." saad ko saka agad lumabas ng bahay. Halos patakbo naman yung ginawa ko para makarating sa simbahan, malapit na ko nun ng magsimulang bumuhos yung malakas na ulan. " Tangina talaga, Wawasakin ko talaga pwet mo Russel hayop ka!!" gigil na saad ko saka mabilis na tumakbo.
" Tang ina galing na ko sa bahay nila nakalimutan ko pang kumuha ng payong!" inis pa na saad ko.
Nang makarating ako sa gate, ramdam ko na yung lamig na nanunuot sa damit na suot ko hanggang matanaw ko si Russel na mag-isang nakasilong sa tapat ng isang saradong tindahan.
Nakatungo sya kaya hindi ko makita yung mukha niya, pero alam ko sya yun. Mula sa tindig hanggang sa buhok. Alam ko si Russel yun. Dahan dahan akong humakbang papalapit sa kintatayuan niya hanggang makarating ako sa tapat nito, Dun ko naman narinig yung pag-iyak niya, yung bawat hikbi niya na tila unti unting dumudurog sa puso ko. Yung pag-iyak niya kasabay ng tunog ng ulan.
Yung tunong ng pag-iyak niyang di ko na ata makakalimutan pa kahit kailan.
Nung panahong yun, di ko alam bakit pakiramdam ko gusto syang yakapin ng katawan ko, gusto ko syang ikulong sa mga braso ko, gusto ko syang patahanin.
Ilang sandali akong nakatayo habang pinagmamasdan sya hanggang magpunas sya ng mata.
" Russel." mahinang saad ko dahan dahan naman syang nag-angat ng tingin. Dun ko naman nakita yung pagtulo ng luha sa mata niya saka ako agad niyakap. Para akong naestatwa ng magdikit yung katawan naming dalawa. Bigla parang tumigil yung oras, parang huminto lahat ng bagay na gumagalaw sa paligid namin, nawala yung tunog ng ulan, lumiliwanag ang paligid dahil sa kidlat ngunit tila to naging ilaw para sa sandaling yun.
Nang mga sandaling yun, katawan lang ni Russel yung nararamdaman ng balat ko. Yung init na nagmumula sa kanya, Kaming dalawa sa ilalim ng galit na galit na kalangitan.
" Andrei, buhay yung kapatid ko. Andrei buhay sya!" hagulgol niya dahilan para matauhan ako, Tangina bakit sya nakayakap sakin at kapatid?! Tangina wala naman syang nakwento na may kapatid sya ah.
" Wag mo ko yakapin." tulak ko sa kanya.
" May kapatid ako." ngiti niya.
" Ano?"
" May pamilya pa ko, Andrei may kapatid ako."
" Nasaan sila?" tanong ko, binigyan niya lang ako ng ngiti saka pinunasan yung mukha niya. " Nasaan sila?"
" Di ko pa alam, kanina may kumausap saking matandang babae ang sabi niya matagal na daw niya kong hinahanap." saad niya, natawa naman ako ng bumahing sya.
" Tangina sinisipon ka na oh! Sing lapot yan ng tamod ko." ngiti ko agad naman syang sumimangot.
" Kent naman eh, Wag mo pansinin yung sipon ko, Narinig mo ba ko? may pamilya pa ko!"
" Gago ka baka budol budol yun!"
" Hindi, sabi niya ano.. Yung pangalan daw ng kapatid ko ano.. Teka nakalimutan ko." napapakamot na saad niya, binigyan ko lang sya ng sarkastikong ngiti saka umuling. " Teka lang, nakalimutan ko."
" Yung pera mo?" Saad ko, kinapa naman niya yung wallet niya sa bulsa saka natigilan. " Sabi na eh!"
" Wait, nandito lang yun kanina eh."
" Tangina nabudol budol ka nga, namukhaan mo ba?"
" Hindi pero totoo yung sinabi niya. Andrei alam niya kung nasaan yung kapatid ko, binigay pa nga niya sakin yung number niya eh, Oh my God, wala din." tarantang saad niya. " Andrei sabi pa nga niya kung gusto ko daw sumama sa kanya eh, sabi ko ayoko kasi di ko iiwan si Lolo."
" Tang ina kalokohan yun! Ninakawan ka lang nun gago."
" Totoo yung sinabi niya."
" Eh nasaan yung wallet mo?"
" Nasa bulsa ko lang yun eh."
" Eh yung number na binigay niya?"
" Di ko alam?" naiiyak na saad niya. " Tingin ko naman nagsasabi sya ng totoo eh, Andrei totoo yung sinabi niya."
" Yung pang pacheck up ni Lolo, nasa wallet mo ba yun?" tanong ko, natigilan naman sya saka marahang tumango. " Gago ka talaga."
" kasi."
" Uwi na tayo." simangot ko, kita ko naman yung pagtulo ng luha niya. " Tang ina di na mababalik ng luha mo yung wallet mo."
" Andrei maniwala ka naman sakin oh?"
" Na alin?"
" Na may kapatid pa ko?"
" Sabi ni Lolo dalawang taon ka na nung inampon ka nila sa ampunan, may naalala ka bang may kapatid ka?" tanong ko pero marahan lang syang umiling. " May sinabi ba yung lolo mo na may kapatid ka?"
" Wala?"
" Eh pano nangyare? Russel kalokohan lang yung sinabi nung kung sino man yun!"
" Pano kung totoo?"
" Pano kung naloko ka lang?"
" Ayaw mo ba ko maging masaya?"
" Ayoko magmukha kang tanga, tangina naman Russel ikaw nalang ang inaasahan ni Lolo at kung hahayaan mong lokohin at pagmukhaing tanga ka ng mga tao, walang mangyayare sa buhay mo, sa buhay niyo ni Lolo!"
" May birth mark ako dito." saad niya saka pinakita yung leeg niya, napalunok naman ako ng mapagmasdan yung makinis na balat niya sa parteng yun, tangina bakit parang ang sarap halikan nun? Hayop nagiging bampira na ata ako ah! " At sabi niya ito raw yung palatandaan sakin ng kapatid ko." napailing lang ako, hayop bawal ko syang pagnasaan! Umiling lang ako saka inobsurb yung sinabi niya.
" Tangina di lang ikaw ang may birthmark na ganyan! Ilang bilyon ba ang tao sa mundo huh?"
" Andrei?"
" Putang ina naman Russel, kailan mo ba titigilan kakatawag sakin ng Andrei huh?"
" Uhm, may birthmark pa ko sa ano.. At alam niya yun."
" Saan?"
" Uhm sa puson." Pilit na ngiti niya. " Gusto mo makita?" saad pa niya, napalunok lang ako habang nakatingin sa mukha niya. " Gusto mo makita?"
" Alam mo Russel isang malaking kalokohan yan, kahit sino pwedeng magsabi na kapatid ka nila, Sa dami ng manloloko sa mundo, wala kang ligtas."
" Andrei naman eh, maniwala ka naman sakin oh? Ngayon lang ako nagkaroon ng pag-asa na baka may tumulong samin ni Lolo, Andrei hirap na hirap na kasi ako eh. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa, di ko na alam kung kanino ako lalapit sa mga gamot ni Lolo, Di ko na alam?" naluluhang saad niya.
" Tangina ang iyakin mo!! Tinutulungan ko naman kayo ah?"
" Di mo naman kami kadugo eh."
" Eh ano naman! Basta gusto ko kayong tulungan! Tapos!" inis na saad ko.
" Maniwala ka na kasi sakin, samahan mo naman akong umasa..umasa na magkakaroon pa kami ng pamilya ni Lolo." hikbi niya, tumingala naman ako saka nagbuga ng hangin. " Andrei ikaw may pamilya ka, pero ako? Andrei kami nalang ni Lolo at ang hirap hirap, Sobrang hirap."
" Tang ina talaga oh ang drama mo!"
" Gusto ko na sumuko, pero hindi pwede."
" Magsex tayo? Ewan ko nalang kung maisip mo pa sumuko!"
" Andrei!" nguso niya.
" Eh kasi kalokohan yan eh!"
" To naman eh, please?" saad niya saka tumungo muli nagbuga lang ako ng hangin.
" Okay okay sige, maniniwala lang ako na may kapatid ka kapag nakita ko na at napatunayan niya na kapatid ka nga niya, good news nga naman yun kasi magkakaroon na kayo ng kasama ni Lolo." kita ko naman yung pagliwanag ng mukha niya saka agad pinunasan yung luha sa mga mata niya
" Sasamahan mo na kong umasa?"
" Tang ina naman kasi malaking kalo-"
" Andrei please? May kapatid ako at may iba pa kaming pamilya ni Lolo, Di ba naniniwala ka na dun?" Saad niya, di ko lang mapigilang pagmasdan yung mga mata ni Russel nung panahong yun, mga matang gustong umasa, umasa sa isang imposibleng bagay. " Please?" Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumango. " Salamat, Andrei!!" masayang saad niya saka ako muling niyakap, hinayaang ko lang sya at pilit dinama yung init na nagmumula sa katawan niya para labanan yung lamig na nararamdaman ng katawan ko ng mga oras na yun. " Salamat talaga! Kahit bastos ka talaga, alam ko talaga mabait ka eh! Salamat salamat kasi dumating ka sa buhay ko, I mean sa buhay namin ni Lolo."
" Ano okay na?" Saad ko saka lumayo sa kanya.
" Yeah okay na." iwas niya ng tingin. " Ang gwapo mo talaga, wet look."
" Gago! Mukha bang mabait yung nakausap mo? Tangina kasi baka budol budol talaga yan eh!"
" Mukha syang mabait promise!" saad niya saka tinaas yung kanang kamay niya.
" Okay okay, bahala ka."
" Sana bumalik yung babaeng yun."
" Sana, tara na tang ina hinahanap ka na ni Lolo."
" Ikaw hindi mo ba ko hinahanap?" iwas niya ng tingin.
" Gago ka ba, kaya nga ako nandito oh kasi hinanap kita?"
" Talaga?" ngiti na niya.
" Oo!" asik ko.
" Bakit mo ko hinanap?"
"Dahil po kay Lolo, gutom na yung matanda tapos paglalandi pa inuna mo."
" Di ako lumandi noh, Ang lakas pa ng ulan eh may payong ka bang dala?"
" Wala."
" Haixt bawal ako magkasakit." nguso niya. Humugot naman ako ng malalim na hininga saka hinubad yung tshirt na suot ko.
" Ilagay mo sa ulo mo?"
" Basa na rin yan eh?"
" Dali na, mas okay na yan. Bonus pa na kita yung katawan ko." kibit ko ng balikat, napangiti naman sya saka aktong hahawakan yung dibdib ko pero agad ko tong hinawi.
" Isang libo hawak, at dahil wala ka nun, neknek mo!" sarkastikong saad ko saka nilagay sa ulo niya yung tshirt ko.
" Ewan."
" Tara na." hila ko sa kanya, " basa ka na rin naman dami mo pang arte." natatawang saad ko saka tumakbo habang hawak yung kamay niya.
" Teka lang Andrei baka madapa tayo."
" Tang ina mo kasi, halatang naglalaway ka na sa katawan ko eh, wag mo masyadong titigan baka mapanis." ngiti ko, I know gusto niya ko. Kitang kita yun sa mga palihim niyang sulyap sa katawan ko, sa bawat titig niya at ngiti alam ko iba na yung nararamdaman niya sakin.
" Assuming."
" Sus okay lang naman, handa naman akong maghintay hanggang makaipon ka eh."
" Kainis ka pa nga Andrei?"
" Saka masarap din."
" Saka mahangin."
" Saka malaki ang tite."
" Malaki ang ulo."
" Oo naman, mahaba at mataba pa." kindat ko sa kanya. " Tang ina akin na nga yang tshirt ko." hila ko ng damit ko sa ulo niya. " Basa ka na din eh."
" Kasalanan mo kasi, nakakainis ka."
" Suotin ko na ba?" nang-aakit na saad ko habang hawak yung tshirt, kita ko lang na napalunok sya saka natawa.
" Wag na muna."
" Tang ina mo nilalamig na ko eh." ngiti ko, bigla namang lumakas yung ulan na may kasabay pang kulog at kidlat na nagpaliwanag sa paligid. Dun ko lang lalo napagmasdan yung mukha ni Russel habang basang basa ng ulan.
" Andrei."
" Ano?"
" Payakap." ngiti niya saka ako niyakap. Hinayaan ko naman sya , Di ko alam kung bakit pero nung sandaling yun kakaibang ligaya at saya yung nararamdaman ng puso ko, galit na galit ang langit ngunit kabaliktaran nun yung gustong maramdaman ng isang tulad ko. ilang segundo din magkalapat yung katawan namin hanggang dahan dahan syang humiwalay. " Nakatsansing ako, ang sarap mo yakapin!" tawa niya saka tumakbo.
" Tangina mo huh!" sigaw ko sa kanya.
" Love you Andrei." sigaw din niya.
" Hayop kang bakla ka!" sigaw ko saka napailing kasabay ng isang ngiti. Bakit ba sobrang kumportable akong kasama sya, haixt at bakit ganito kasaya yung pakiramdam ko. Tangina naman oh! Nababaliw na ata ako.
---
Kinabukasan pagkauwi galing sa tugtog ay agad agad na kong nagbihis para pumunta sa bahay nila Russel, Yun yung unang beses na magcecelebrate ako ng christmas na wala si Lolo, Salamat nalang may Lolo pa si Russel. Haixt, isang ngiti lang yung pinakawalan saka lumabas ng kwarto.
" Aalis ka pa Kent?"
" Opo Ma, kala Lolo Celso lang."
" Okay sige, mag-ingat ka huh."
" Ok po." ngiti ko saka lumabas ng bahay.
" Saan ka pupunta Tol." habol sakin ni Ethan nang palabas na ko ng gate ng apartment. " Hahanapin ka nanaman sakin ng Mama mo?" nagkibit lang ako ng balikat.
" Nagpaalam ako."
" Sigurado ka? Saka pasko mamaya di ba?"
" Wag mong sabihing naniniwala ka sa Christmas?" ngiti ko, natawa naman sya. Bisperas ng pasko nun at busyng busy ang lahat ng tao well maliban sa pamilya ko, tangina hindi kami eglesia pero di kami nagcecelebrate ng pasko.. " Okay kung naniniwala ka sa Christmas, edi Merry Christmas."
" Gago." simangot niya natawa naman ako.
" Nagmumura ka na rin huh."
" Hindi christmas ang sinecelebrate ko, Holiday so dapat ang greetings mo sakin ay happy holiday. Christmas is shit you know." inis na saad niya. " San ka ba pupunta?"
" Kala Russel."
" Sama ako?"
" Huh?"
" Wala naman akong gagawin dito, tatanungin lang ako ng parents mo kung nasaan ka."
" Are you sure? Christmas ang icecelebrate nila dun."
" Tol, hindi ako naniniwala kay God, pero alam ko yung salitang pakikisama." saad niya, napatango naman ako. " Pakikisama!" ulit niya. " Bwiset naman tol, makisama ka naman? Ang boring kaya dito?"
" Sabagay, tara." ngiti ko saka naglakad, sumabay naman sya sakin.
" Don't tell me tol, si Russel nakasex mo na rin?"
" May nararamdaman akong libog sa kanya pero parang nawalan na ko ng gana isex yung baklang yun."
" Bakit?"
" Kawawa eh, saka mahal na mahal yun ng Lolo niya."
" Wow may awa ka pala?"
" Oo naman gago." saad ko habang naglalakad kasabay ni Ethan. " Uwi din ako mamaya samin, tutulungan ko lang sila magluto sa handa. Ikaw di ka ba uuwi sa inyo?"
" Hindi eh."
" Magcecelebrate ka ng christmas mag-isa?"
" Magcecelebrate ako ng holiday mag-isa, di nga ako naniniwala sa Christmas tol." sarkastikong saad niya.
" Oo na." asar ko sa kanya.
" This past few weeks lagi kang nakala-Russel huh, ano meron?"
" Namimiss ko si Lolo, eh yung Lolo ng baklang yun super bait tapos tingin pa sakin apo niya din kaya sobrang natutuwa ako, pakiramdam ko kasama ko uli yung Lolo ko."
" Nakakwentuhan ko kasi si Russel nung isang beses, syempre hindi ko na sinabi sayo.."
" Tang ina ang daldal talaga nun, pati ikaw kinakausap?"
" Well ako unang kumausap sa kanya, mejo nacurious kasi ako bakit lagi kang nasa kanila. Mukha namang mabait si Russel makadiyos nga lang."
" Mabait naman pero, lakas tol eh. Gwapong gwapo sa sarili ay mali pala gandang ganda sa sarili niya. "
" Huh bakit?"
" Di niya raw ako papatulan, bang ganda daw kasi niya para sakin. Pero tang ina alam ko libog na libog na yun sakin, malas nga lang niya kapatid na turing ko sa kanya."
" So hindi ka makikipagsex sa kanya?"
" Hindi, ayoko."
" Bakit?"
" Kasi naiisip ko si Lolo Celso, masasaktan sya kapag umiyak si Russel, tol Inposibleng mahalin ko yung baklang yun kaya sigurado masasaktan lang sya sakin. Ayoko sya paasahin."
" Parang imposible naman kasing magtagal yung ganung relayson kaya imposible talaga tol."
" Di ba?"
" Oo, Kaya ikaw wag ka ding pa-fall, kung tingin mo di mo naman sya mamahalin , wag mo syang bigyan ng dahilan para umasa na baka one day mahalin mo rin sya." kibit ng balikat ni Ethan, isang butong hininga naman yung pinakawalan ko. " Bakit?"
" Wala lang, ayoko kasi maramdaman niya na lumalayo ako sa kanya, Tol gusto niya ng kapatid."
" Oh?"
" Ang hirap, sa sobrang gwapo kong to kahit ano atang gawin ko mapafall parin sakin yung baklang yun eh." iling ko na ikinatawa niya. " Hoy gago totoo."
" Gwapo mo eh, Kung ako sayo ganito nalang, Enjoy mo nalang yung company niya. Kung mafall sya pagkatapos masaktan, okay lang yun , normal naman yun di ba so the best thing you can do siguro is yung wag syang iwan."
" Wow."
" Maikli lang yung buhay tol, ano ba yung bigyan mo sya ng konting kilig na pwede niyang baunin habang buhay." lingon niya sakin habang may ngiti sa labi.
" Hindi ka against sa same sex relationship?"
" Relationship ba yung sinabi ko? Sabi ko pikiligin mo lang?" ngiwi niya
" Eh kasi?'
" Pero for me it doesn't matter naman, simbahan lang naman ang may ayaw nung bagay na yun, Kung masaya yung dalawang tao, okay lang they are just making their life, not mine."
" Sabagay." ngiti ko, may sense talagang kausap tong gagong to bukod sa nagkakas

To be continued....

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon