Harvey....
Continuation....
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumalikod at nagsimulang humakbang." Adrian." Rinig kong tawag sakin ni mommy, lumingon naman ako.
" Mom." Umiiyak na saad ko.
" Kuya." Saad ni Kenneth sa tabi nito. Naglakad naman papalapit sakin si Mommy saka ako niyakap. " Kuya pasok ka na?"
" Anak, Namiss kita."
" Mom, hindi ko kayang pumasok. I know birthday niyo pero Mommy di ko po talaga kaya."
" Anak."
" Mom, I'm sorry."
" Adrian wala dyan yung daddy mo."" Wala naman jan talaga yung daddy ko eh." punas ko ng luha ko. " Mom, Ethan ang pangalan ko hindi Adrian, Matagal ko ng kinalimutan yung pangalan na yun."
" I'm sorry anak." Nakatungong saad ni Mommy.
" Happy birthday Mommy, I love you and I miss you so much." ngiti ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. " Papasok na po ako sa school."
" Kuya pasok ka muna please, Sabay ka na samin magbreakfast?" saad ni Kenneth.
" Bunso, naiintindihan mo naman ako di ba?"
" Oo kuya, pero sobrang miss na namin ni mommy na makasabay ka kumain, kuya kahit ngayon lang? Wala naman si Daddy jan eh, maaga sya pumunta sa opisina."
" Bunso?"
" Kuya please?" nguso niya, napabuntong hininga naman ako habang nakatitig sa mukha ni mommy.
" Please anak?"
" Kuya Please? Miss na miss ka na namin ni mommy? Kuya pumayag ka na kahit ngayon lang?"
" Please, kahit ito nalang yung gift mo for my birthday?"
" Sige po." Saad ko saka kinuha yung maliit na box sa bulsa ko. " Pero ito po yung totoong gift Mommy." ngiti ko, napangiti naman to saka kinuha yung box at binuksan.
" Di ko naman to kailangan anak eh, Pagbigyan mo na kami ng kapatid mo na makasabay ka namin uli kumain?"
" Alright, sasabay ako para sayo Mom."
" Yes kuya salamat." yakap sakin ni Kenneth.
" Thank you anak."
Sabay sabay naman kaming pumasok sa gate, dito sa lugar na to naging impyerno yung buhay ko, Dito sa bahay na to.
Pagpasok sa bahay na yun, nilibot ko lang yung tingin ko. Sa bawat sulok ata ng bahay na to umiyak ako, mula sa mga cabinet na pinagkulungan sakin ni Daddy hanggang sa ilalim na sofa na lagi kong pinagtataguan tuwing darating sya.
Pinikit ko lang yung mata ko ng maramdaman yung pamumuo ng luha sa mga mata ko.
" Wag sad memories ang alalahanin mo kuya, Yung good memories dapat. Kuya di ba dito mo ko tinuruan magchess?" ngiti ni Kenneth na tinuro yung center table na nasa pinakagitna ng sala. Dun din tumama yung mukha ko ng isang beses suntukin ako ni Daddy. " Kuya look, dito tayo laging naghahabulan di ba? Natatandaan mo?" ngiti ni Kenneth marahan naman akong tumango. Dun din ako pinaluluhod ni Daddy kapag may nagawa akong maling bagay. " Kuya happy memories? Nating tatlo nila mommy kapag wala si Daddy, Mommy naman kasi ngumiti ka? Natatawa si kuya kapag nakikita yung sungki mo sa ngipin di ba?" saad pa ni kenneth natawa naman ako.
" Bunso alam mo talaga kung pano ako patawanin."
" Yan kuya, sobrang gwapo mo kaya kapag nakangiti ka."
" Namiss ko yung ngiti mo anak." Ngiti ni mommy, lalo naman akong natawa ng makita yung sungki sa ngipin niya.
" Buti talaga mommy di ko namana yang sungki niyo sa unahan.