SI ETHAN
Nakapikit ako ng mga oras na yun pero hindi ako tulog, Ramdam ko yung galaw ng sasakyan, mahigit dalawang oras na rin yung byahe namin.
Haixt kapag si Kent talaga ang kasama mo kailangan tangapin mo lahat ng kababuyan na lalabas sa bibig niya! Kawawa naman si Mark, pero kanina alam ko nung hinawakan niya yung ari ko, kita sa mata niya na gusto niya yung ginawa niya.
Nang masiguradong tulog na si Kent ay dinilat ko na yung mata ko, tang ina kasi baka kung ano nanaman maisipan ng gagong to.
" Gising ka?" Rinig kong saad ni Harvey.
" I think so?" natatawang saad ko.
" Tulog na yang kaibigan mo."
" Yeah, naghihilik na eh. Si Mark tulog?"
" Yeah, Salamat nga pala sa pagsama samin ni Mark huh."
" Wala yun, kaya mo pa ba?"
" Kaya ko pa mejo inaantok pero okay pa ko."
" Kung gusto mo ako muna magdrive?"
" Marunong ka?"
" Yeah, may student license naman ako."
" Really?"
" Pinagdadrive ko kasi dati mommy ko, so kumuha ako ng lisensya. Kung inaantok ka na, tulog ka muna."
" Are you sure? Seriously bro pumipikit na yung mata ko."
" Yeah, Mcarthur highway na tayo eh. Nakapunta na ko ng bagiuo so alam ko naman papunta dun."
" Inaatok na talaga ko , di mo naman siguro ibabangga tong baby ko di ba?" natatawang saad niya.
" Syempre hindi." saad ko tinigil naman niya sa gilid ng kalsada yung sasakyan saka sya lumipat sa upuan ko at ako naman papunta sa driver seat.
" Tulog muna ako Ethan huh."
" Sure." saad ko saka muling pinaandar yung kotse. Habang nagdadrive hindi ko lang mapigilan pagmasdan si Mark habang natutulog sa tabi ko. Natatakpan ng hoody yung mata niya kaya tanging mapupulang labi niya lang yung nakikita ko.
Nang lumingon ako kay Kent, Kita ko lang na mahimbing na syang natutulog habang suot na yung jacket ni Harvey. Alam ko hindi parin sya nakakamove on sa nangyare, haixt kung sakin nangyare yun? Baka di ko kayanin kaya bilib din ako dito kay Kent, sobrang tatag. Maraming beses ko na syang nakitang umiyak pero pagkalipas ng ilang oras, nagbibiro na sya ulit. Pilit tinatago yung sakit na nararamdaman, pilit kinukubli yung hapdi ng sugat.
Kent, di kita iiwan. Pangako yan
Ilang minuto na ko nagdadrive ng gumalaw si Mark dahilan para mapasandal yung ulo niya sa bintana, napangiti naman ako ng mapagmasdan yung makinis niyang leeg.
" Mark." kalabit ko sa kanya. " Mangangalay yung ulo mo." Saad ko pero wala akong nakuhang sagot. " Mark, ayos ka?" muli kong kalabit pero wala parin kaya tinigil ko na yung kotse sa gilid ng kalsada.
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tinanggal yung seatbelt ko. Nang lingunin ko yung dalawa sa backseat ay mahimbing parin silang natutulog. Nang muli kong tingnan si Mark kita ko lang na bahagyang nakabukas yung labi niya, Ang ganda talaga ng lips niya.
Ilang segundo lang ako ansa ganung pwesto habang malaya kong natitigan yung mukha niya, aixt Ethan may syota ka, tang ina mo huh at lalong hindi ka bakla, sinubukan mo lang makipagsex. One time is enough!
Aixt pero yung mukha niya talaga, Hindi sya payat pero hindi rin sya mataba. Haixt ang sarap nga hawakan ng katawan niya, ang sarap niya yakapin.
Nilapit ko lang yung mukha ko sa mukha niya para mapagmasdan lalo kung gaano kainosente yung mukha niya, mukha syang highschool student.