Chapter 11

85 1 0
                                    

  SI ETHAN

Hawak hawak ko ng gabing yun yung cellphone ko habang naglalakad " 1 am na, Sigurado ka bang ihahatid mo ko?" tanong ng kasabay ko maglakad pero binigyan ko lang sya ng isang ngiti.

" Sino naman nagsabi na ihahatid kita?"

" What?"

" Joke lang!" natatawang saad ko. " Ihahatid kita, Wala ka ng ngang kasama sa bahay mo ngayon, pati ba naman sa pag uwi mag isa ka parin, Ang sad ng buhay mo noh?" ngiti ko.

" Kasama ko si God, All the time."

" Seriously Nasaan sya?" tawa ko na tumingin pa sa palibot niya. " Asan sya? Pakilala mo naman ako sa imaginary friend mo?"

" Nandito sya Ethan." turo niya sa dibdib niya, Lalo naman akong natawa. " Seryoso ako."

" Ano sya nagtransform bilang dugo? Or ugat? Or what? Kung hindi mo lang naman napag-aralan sa science, Dugo po at napakaraming ugat ang nasa puso natin, Pano nangyare na anjan si God?" natawa naman sya ng payak.

" Athiest." Sarkastikong ngiti niya.

" Yeah, At ang kaharap ko ngayon ay isang tanga na naniniwala sa isang tao na binuo niya lang utak niya."

" Well I have my faith, Gusto mo ishare ko sayo."

" Faith? Yang faith mo ba na yan sang ayon sa pagtitig mo sa lips ko?" saad kong nakatingin sa kalsada, Palihim lang akong napangiti ng umiba sya ng tingin.. " Yang faith mo ba sang ayon sa gusto mo?"

" Anong gusto ko?"

" Gusto mo ko halikan."

" Absurd." iling ko. " Sino naman nagsabi na gusto kita halikan?"

" Yang Faith mo ba sang ayon sa iniisip mo habang nakatingin ka sakin, Sang ayon ba yan sa mga titig mo na para akong hinuhubaran?"

" Ano ba sinasabi mo?"

" Wala, Wag mo kasi ako tittigan baka magalit yang imaginary friend mo, kasalanan yan sabi niya." ngiti ko sa kanya, napailing naman sya.

" Ethan ano ba? Pinagtititripan mo ba ko? "

" What?"

" May girlfriend ako."

" May syota din ako." ngiti niya. " And hopefully maging asawa ko na sya soon."

" I'm not gay."

" Ooopps, Liar, Kasalanan yan." lingon ko sa kanya. " Nakita ko kayo ni Kent." natigilan naman sya sa sinabi ko. " Kawawa naman yung girlfriend mo kasi di sya pwede pumasok sa male CR."

" Nakita mo kami ni...."

" Ni Kent."

" Damn! Sya yung-"

" Shut up may syota pala huh, liar at mapupunta ka sa hell tulad ng nakasulat sa fiction book na sinasamba mo." ngiti ko saka tumigil sa tapat ng gate ng bahay nila. Ilang sandali ko naman tinitigan yung mukha niya. Tinatanya yung pagkatao nito. " Pasok ka na."

" Let me explain."

" No need, Hindi ako seloso."

" Shit, ano bang gusto mo sakin?"

" Gusto ko sayo? Uhm Tulad ng pagkagusto mo kay Kent at tulad ng pagkagusto ni Kent sakin." Ngiti ko sa kanya. " Mamili ka, Aagawin ko sya sayo o aagawin kita sa kanya?"

" Are you out of your mind?"

" Hindi ka gusto ni Kent, Kasi ako ang gusto niya."

" Hindi kita gusto kasi si Kent ang gusto ko. Naiitindihan mo ba? Si Kent." Asik ko sa kanya dahilan para matawa sya.

" Presto! So totoo nga? May gusto ka nga sa kanya?" tawa niya. " Wala naman akong nakita sa Cr so ibig sabihin may ginawa kayo dun? Sakristan ka pa naman tapos ginawa niyo yun sa simbahan? Kasama mo si God all the time di ba? So nasaksihan niya yun?" ngiti niya umiwas naman ako ng tingin.

" Wala kaming ginawa ni Kent, hinalikan niya lang ako."

" Nagpahalik ka naman, well anyway I have to go." saad niya saka sya nilampasan agad naman akong lumingon sa kanya.

" Ethan!" tawag niya sakin lumingon naman ako. " Gusto mo ko? Si Kent ang gusto ko at hindi ikaw." Nagkibit naman ako ng balikat.

" Sabihin mo yan sa syota mo, I'm sure mag asawang sampal ang dadapo diyan sa napakacute mong pisngi." ngiti ko.

" Shit."

" Magkaiba tayo ng pinaniniwalaan pero sisiguraduhin ko na parehas tayo ng nararamdaman, Bye Mark." ngiti ko saka tumalikod at nagsimulang maglakad. Ilang hakbang na yung ginawa ko ng biglang may humigit sa braso ko dahilan para muli ako maharap.

Oh shit! Nanlaki lang yung mata ko ng maramdaman yung paghalik na yun sa labi ko. Agad ko naman syang tinulak.

" Bakit mo ko hinalikan?" Asik ko sa kanya.

" Gusto ko lang." Saad ni Mark saka hinawakan yung kamay ko at naglakad papunta sa bahay nila habang hila hila ako.

" Teka?"

" Gusto mo ko di ba? Tulad ng pagkagusto ko kay Kent?"

" Uhm ano kasi."

" Shut up." saad niya habang binubuksan yung gate. " Oo tama ka, gusto kita ikiss, oo tama ka hinuhubaran kita sa utak ko. Masaya ka na?"

" Oh Shit, seriously?"

" Yeah." ngiti niya saka ako hinila papasok sa bahay nila.

" Hoy teka, bakit mo ko dinala dito." saad ko pero bigla niya na kong hinalikan, mapusok yung halik na yun pero nanatili lang akong nakatayo. Nag maghiwalay yung labi namin kita ko lang yung titig niya sa mukha ko.

" Ngayon gabi lang please, gusto mo ko di ba?" Tanong niya, pinilit ko anman tumango. Tang ina ka talaga Kent katawan ko pa ata kapalit ng pagtulong ko sa mukha anghel na to. " Gusto ko lang maranasan."

" Ang alin?"

" Makipagsex?"

" Nanunuod yung sinasabi mong Panginoon?" natigilan naman sya.

" I'm sorry." iwas niya ng tingin.

" Takot ka noh?"

" I'm sorry."

" Timothy 1:7."

" What?"

" God says, I have not given you a spirit of fear."

" So what are you trying to say?"

" Test of faith? Kiss me kung naniniwala ka sa verse na yan, n a hindi ka dapat matakot." ngiti ko.

" Shit, mark what are you thinking." bulong niya. Napangiti naman ako, let see kung hanggangsaan ang faith ng anghel na to. " I'm sorry Ethan, Thanks sa pagpapaalala."

"What? Kiss me?"

" I'm sorry hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag nang-"

" John 1:9 and Romans 8:1. God says, I Forgive you." ngiti ko kita ko naman yung titig niya sa mukha ko. " Napatawad ka na niya, Now, kiss me?"

" I Can't do it Ethan."

" Philippians 4:13, you can do all things." saad ko. " All things Mark."

" You're impossible, my god!"

" Luke 18:27. God says, All things are possible?" ngiti ko saka hinawakan yung kamay niya. " Now tell me, tutol ba si God sa gusto mong mangyare ngayon?" Marahan naman syang umiling habang nakatitig sa mukha ko. " Where's your room?" ngiti ko.

" Why?"

" Dun natin gawin?" ngiti ko kita ko naman yung paglunok niya.

ITUTULOY  

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon