Ethan.....
Continuation.... Part 3
" Mukha ba kong malungkot?" Ngiti niya marahan naman akong umiling. " Okay pikit mo na yung mata mo." Humugot lang ako ng malalim na hininga saka muling pinikit yung mga mata. " Ito yung ginagawa sakin ni Kenneth tuwing umiiyak ako pagkatapos saktan ni Daddy." Rinig kong saad niya naramdaman ko lang yung paghigpit ng paghawak niya sa kamay ko. " Mark lahat ng galit mo sa mundo ilagay mo sa kamay mo, yung lahat ng sakit, lahat ng sama ng loob, imbis na umiyak ipasa mo sakin lahat." Saad niya nakagat ko lang yung labi ko saka hinigpitan yung hawak sa kamay niya.
" Higpitan mo pa Mark, higpitan mo pa." Saad pa niya.
" Pero nasasaktan ka na?" Saad ko.
" Okay lang, mabawasan lang yung sakit na nararamdaman mo." Saad ni Ethan. " Kapag pagod ka na, kapag wala ka ng lakas saka ka bumitaw. Lahat natatapos, kahit luha nauubos, kapag okay ka na saka bumitaw." Saad niya niluwagan ko naman yung hawak ko sa kamay niya hanggang tuluyan bitawan niya yung kamay ko.
Dahan dahan ko lang minulat yung mata ko pero kamay niya lang yung bumungad sa mukha ko, isang kumpas lang yung ginawa niya.
" Wala na." Kumpas niya. " Magic yun." Ngiti niya.
" Magic?"
" Yeah, lahat ng bad memories, lahat ng gusto mo kalimutan pinasa mo na sakin. Wala ka ng dala dala sa loob kaya magiging masaya ka na forever!" Natatawang saad niya, napangiwi naman ako. " tangina bakit nung si kenneth gumawa sakin nun napangiti niya ko pero nung ako na gumawa sayo? Hindi ka man lang ngumiti?" Simangot niya.
" Uhm kasi ano, uhm di naman ako malungkot eh." Natatawang saad ko.
" Oo nga pala noh?"
" Yeah." Ngiti ko saka nilagay yung kamay ko sa mukha niya saka kumumpas. " Wala na." Saad ko saka ngumiti sa kanya. " magiging masaya ka na forever." saad ko, nanatili naman syang nakakatitig sa mukha ko.
Gusto ko si Ethan, mahal? Di ko alam? Physically atracted, yes but do I love him? Do I really love him? I don't know.
" Ethan?" Saad ko umiwas naman sya ng tingin.
" Ano nga uli sabi mo?"
" Sabi ko magiging masaya ka na forever." Ngiti ko sa kanya.
" kay kenneth lang ata talaga bagay yan." Natatawang saad niya.
" Mukha nga ang corny eh!" Ngiti ko.
" Pero alam mo pagkatapos namin gawin yun ni Kenneth? Kahit gaano karaming pasa yung nasa katawan ko, nakakaya ko ng ngumiti nakakaya ko ng makipaglaro sa kanya. Kahit sandali napapaniwala ko yung sarili ko na wala na talaga yung bad memories, na wala akong nararamdamang sakit, na ng mga oras na yun masaya ako."
" Ethan, yung nangyare nung gabing yun."
" Uhm pwede ba Mark kahit ngayon gabi lang kalimutan muna natin lahat, na magpanggap tayong masaya? Na magpanggap tayong okay lang lahat." Ngiti niya. " Please?"
" Pero?"
" Nasaktan ako Mark kaya please kung okay lang, ayoko na muna masaktan? Kahit ngayon lang gabi hayaan mo ko magpanggap na okay ako. Mark kahit ngayon gabi lang hayaan mo ko maging masaya, Mark kahit ngayon lang?" Seryosong saad niya, tumungo lang ako . " Just want to be happy, gusto ko makalimutan kahit sandali lang...na sya yung mahal mo." Bulong niya.
" Ethan I'm sorry."
" It's okay, but please just for tonight gusto ko ngumiti?" Pakiusap pa niya, marahan naman akong tumango.
" Okay."
" Salamat." Ngiti niya, pinilit ko naman lagyan ng ngiti yung mga labi ko. May luhang tumulo sa mata niya pero ngiti ang nakita kong rumehistro sa mga labi niga. Muli syang yumuko para kunin yung dala ko pero nanatili akong nakatingin sa kanya. " Mark ngayong gabi ayoko makarinig ng salitang sorry, wala kang ginawang mali sakin. Ayoko makita sa mata mo yung awa kasi di ko yun kailangan, ayoko ng malungkot kasi di ba masaya ka? At gusto ko maging masaya kasi masaya ka."
" Ethan."
" Magiging masaya ako kapag masaya ka, tara." Turo niya sa gate, humugot lang ako ng malalim na hininga saka pinilit ngumiti. " Oh di ba, ngiti mo lang okay na."
" Ito naman eh." Saad ko saka binuksan yung gate.
Magpapanggap ako...pagbibigyan ko sya..magpapanggap akong baka nga si Kent pa ang mahal ko.
Pinilit ko lang lagyan ng ngiti yung mga labi ko pagpasok namin sa bahay, pinilit magpanggap na hindi ko sya gustong yakapin, pinipilit magpanggap na hindi ko sya gusto halikan.
" Tulala ka nanaman?" Untag niya sakin.
" May iniisip lang ako."
" Wag mo ko isipin, uhm ano naman kita eh." Iwas niya ng tingin napatitig naman ako sa kanya na ikinangiti niya. " Joke lang saan ko ba to lalagay?"
" Uhm Sa kusina nalang." Saad ko saka kinuha sa kanya yung isang bag. " Ito sakin to."
" Edi sayo, lagay ko na sa kusina?" Ngiti niya marahan naman akong tumango.
Magpapanggap ako.. magpapanggap akong di ko sya.. mahal.
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad papunta sa hagdan, nang lingunin ko sya nakita ko lang na nakahinto rin sya, ilang segundo din ang lumipas ng maglakad sya.
" Bakit ba ganito?" Bulong ko saka pabagsak na nahiga sa kama ko. " Mahal niya ko, nasaktan ko sya. Ano na gagawin ko? Pano ba na ang isang Ethan Zarate ay nag kagusto sa tulad kong bakla? Sikat sya sa school kaya malamang maraming nagkakagusto sa kanya? Eh ako? Simple lang, nangarap na mahalin ni Kent, nangarap na maging masaya pero bakit kailangan may masaktan ako. Bakit kailangan masaktan ko yung taong... palihim na minahal ng puso ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko lang syang nakaupo sa sofa habang may hawak na papel, napalingon lang sya ng maulinagan niya yung hakbang ko dahilan para magtama yung mata naming dalawa.
Binigyan niya ko ng ngiti, pinilit ko naman yun suklian.
" Nasa room ko yung keyboard, okay lang bang dun tayo?" Pilit na ngiti ko. Natigilan naman sya. " Uhm kasi dun ko sya sineset up eh, kung dito sa baba ang daming kailangan gawin? I mean yung extensions, ayaw kasi ni Yaya na makalat eh."
" Okay lang sakin, sayo okay lang ba?"
" Uhm yeah." Tango ko.
" Edi sa kwarto." Ngiti niya saka kinuha yung gamit niya at lumapit sakin. " Kwarto, kwarto."
" Ethan hindi ako sanay na mabait ka?" Nguso ko.
" Gago, mabait naman ako pero sabi ko nga kadalasan hindi, samantalahin mo na kasi minsan lang to at baka hindi na maulit." Saad niya saka nauna ng naglakad paakyat sa hagdan. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumunod sa kanya.
" Ikaw na mauna pumasok, kwarto mo yan eh." Ngiti niya habang nasa tapat ng kwarto ko.
" Bukas naman yan eh." Ngiti ko saka pinihit yung door knob saka naunang pumasok. " Upo ka muna sa kama, wag kang mahiya." Lingon ko sa kanya. Naupo lang sya sa kama saka nilapag yung gamit niya.