SI ETHAN
Experience? Sabi nila na ang the best teacher daw sa buhay ay karanasan, totoo naman yun eh pero minsan o kadalasan may mga karanasan tayong sana hindi nalang naranasan, mga bagay na sana di nalang dumaan, mga pangyayareng sana di lang naganap. Nakaraan na sana hindi nalang nangyare.
Siguro nga kung ano man yung pinagdaanan mo, it makes you stronger, it makes who you are now pero di ba kahit gaano ka pa kalakas ngayon, Hindi na mawawala yung sugat, di na mabubura yung pilat, na di na muling mababalik yung bawat luha.
Oo malakas ka na ngayon pero kahit kailan di na mabubura na naging mahina ka noon.
--
Nakahiga ako nun sa mahabang upuan habang nanunuod ng t.v ng marinig ko yung katok sa pinto, Naupo lang ako saka nagtatakang lumingon sa pinto. " Pasok?" saad ko pero tuloy parin to sa pagkatok, humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumayo at lumapit sa pinto. " Sino yan?"
" Kuya it's me." Rinig kong saad sa labas, Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng marinig yung boses na yun. Pagbukas ng pinto ay yung ngiti ni Kenneth yung sumalubong sakin.
" Kenneth?"
" Kuya merry christmas." Bati nito sakin.
" Happy holiday, pasok ka." ngiti ko saka niluwagan yung pagkakabukas ng pinto. Kinuha ko lang yung mga paper bags na dala niya saka nilagay sa mesa. " Ang dami naman ata nito?"
" Eh syempre alam ni Mommy na hindi ka magluluto ngayon pasko." ngiti niya habang nakatitig sakin. " I miss you kuya."
" I miss you bunso." saad ko saka nagbukas ng paperbag. " Wow." kagat labing saad ko ng makita yung morcon sa isa sa mga tupper ware. " Salamat bunso dito sa food huh, pero next time wag masyadong marami baka mapagalitan pa kayo ni Daddy, okay lang naman ako dito. Marami ring niluluto yung Mama ni Kent kaya hindi naman ako zero kapag pasko." lingon ko sa kanya pero natigilan ako ng makitang nakatitig parin sya sakin. " Bakit bunso may problema?"
" Kasi kuya."
" What?"
" I miss you so much, Mom and I miss you so much." seryosong saad niya.
" Bunso." pilit na ngiti ko.
" Kuya kailan kaya uli kita makakasama kapag christmas eve?" nguso niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagbigay ng ngiti, dati excited kaming magkapatid tuwing darating yung christmas, nag-aayos ng christmas tree, nagbabalot ng mga regalo, masayang pinagmamasdan yung bawat parol na nakalagay sa harap ng bahay namin, binibilang yung bawat ilaw ng christmas lights, nag-uunahanan sa pagbukas ng regalo tuwing sasapit ang hating gabi, I miss those memories.
Hindi lang naman puro sakit yung naranasan ko sa bahay namin, may mga oras na naging masaya rin ako..lalo na kung wala si Daddy.
" Kenneth."
You'll also like
BLISS Book 2
Galing kay AlexanderBlueSebasti
445 15 1
Flower Boy
Galing kay johnyuan38
1.3K 145 23
Mr. Perfect's Flaws (BxB) FOCUS UPDATE
Galing kay FrustratedAtheist
9K 538 417
" Ilang christmas na kong nagbubukas mag-isa ng regalo sa harap ng christmas tree."
" Corny mo bunso huh." asar ko sa kanya.
" Kuya naman nagmomoment ako eh."
" Ewan ko sayo, kamusta sa bahay? Si Mommy?" pag-iiba ko ng usapan, damn ayoko umiyak sa harap niya, ayoko na tapos na ko sa pag-iyak iyak na yan.
" Okay naman sya, madami syang niluto. Sana kuya nakita mo yung malaking parol sa bahay, Super ganda. Tapos yung napakaraming Christmas lights sa gate natin super nakaka-amaze." masayang kwento niya.
" Talaga?" umupo naman sya sa upuan saka pabagsak na sumandal. " May problema ka ba?"
" Kuya, malaki nanaman ako di ba? Siguro naman maiintindihan ko na kung bakit ka sinasaktan ni Daddy." seryosong saad niya pero umiwas lang ako ng tingin. " Kuya gusto ko maintindihan, Nalulungkot kasi ako na hindi ka namin nakakasama tuwing pasko, Kuya ampon ka ba?"
" Bunso magkapatid tayo, Hawig naman tayo ah?" ngiti ko.
" Eh bakit ka sinasaktan ni Daddy?"
" Uhm kasi." saad ko saka bumuntong hininga. " Bunso hindi mo na kailangan malaman."
" Kuya naman eh, gusto ko lang malaman, gusto ko maintindihan kung bakit galit sayo si Daddy? Tingin ko nga kuya mas kamukha ka ni Daddy kesa sakin eh kaya imposibleng ampon ka. Si mommy naman ayaw sabihin kasi bawal daw pag-usapan sa bahay yun."
" Di naman kami hawig ni Daddy ah?"
" Hawig kaya kayo kuya?" Nguso niya, Nagbigay naman ako ng pilit na ngiti. " Kuya sabihin mo na sakin oh, magkapatid naman talaga tayo di ba?"
" Magkapatid tayo, kung anong dahilan ni Daddy kung bakit niya ko sinasaktan? Bunso samin nalang yun wag mo nalang alamin."
" Pero kuya?"
" Wag ka ng makulit?"
" Kasi naman eh."
" Anong gift sayo ni Daddy?" ngiti ko nalang saka umupo sa tabi niya. Tuwing pasko sobrang inggit na inggit ako kay Kenneth dahil sya lang ang binibigyan ng regalo ni Daddy, Sakin si Mommy lang ang nagbibigay ng regalo, kadalasan ang natatanggap ko kay daddy ay kundi sigaw, batok o suntok tuwing pasko, napakagandang regalo.
" Binigyan niya ko ng phone kuya." ngiti niya saka nilabas yung bagong cellphone niya.
" Wow astig."
" Hulaan mo kuya kung anong regalo ni Mommy sayo?" ngiti niya.
" Ano?"
" Hulaan mo nga eh?"
" Damit, kwintas or shoes?" ngiti ko, yun naman lagi regalo sakin ni Mommy haha, si Daddy kasi may hawak ng pera sa bahay kaya hindi ako mabigyan ni Mommy ng mamahaling regalo, di katulad ni Kenneth.
" Mali kuya."
" Eh wala naman akong nakitang gift sa paperbags ah?"
" Uhm kasi." ngiti niya saka tumayo at tumuloy sa pinto saka to binuksan. " Handa ka na kuya?"
" Ano ba kasi yan?"
" Wow ano to?" rinig kong saad ni Kent sa labas.
" Kuya Kent wag kang maingay?"
" Ano nga kasi yan?"
" Sakin yung isa Kenneth?"
" Oo, kuya syempre sabi ko kay Mommy na parang magkapatid na kayo ni Kuya kaya dapat meron ka ding gift."
" Astig to tol." silip ni Kent sa pinto.
" Ano nga kasi yan?" natatawang saad ko, ngumiti lang si Kenneth saka kinuha sa labas yung.....shit! " Damn are you serious?" manghang saad ko habang hawak ni Kenneth yung lagayan ng instrument na yun.
" Para sayo kuya." ngiti niya.
" Kenneth wag mo ko lakohin, hindi trombone laman niyan noh?"
" Tangina tol, trombone nga!" ngiti ni Kent saka pumasok habang hawak yung bagong bagong trombone na yun.
" Shit."
" Nagustuhan mo kuya? Buksan mo bilis?"
" Are you serious?"
" Tangina tol ang ganda!" saad ni Kent habang hinihimas yung instrumentong yun. Lumapit naman ako kay Kenneth saka kinuha yung lagayan saka nilapag sa sahig at binuksan, nangilid lang yung luha ko ng makita yung trombone na yun, kulay gold to pero halos makita mo na yung repleksyon mo dahil sa kintab. Shit sobrang ganda.
" Pano niyo to nabili?"
" Yung binibigay ni Daddy na panggastos niya, inipon niya saka kuya nagcontribute na rin ako jan, di kasi kaya ni Mommy yung dalawa kaya ginawan ko ng paraan kay Daddy."
" Salamat Kenneth." ngiti ni Kent dito.
" Wala yun kuya, ikaw pa ba? Kuya narin kita eh saka salamat sa pag-aalaga sa napakagwapo kong kuya huh, salamat kasi ikaw na yung naging pamilya niya habang wala kami."
" Oo naman." Kindat dito ni Kent.
" Bunso salamat talaga, alam ba to ni Daddy?"
" Hindi, hindi naman niya kailangan malaman, basta gift namin sayo yan ni Mommy, Di naman kasi sayo yung instrument mo di ba? Sa banda niyo yun kaya yan ang naisip namin ni Mommy para may sarili ka ng trombone." hindi ko naman napigilan yung pagpatak ng luha ko. " Kuya naman, iiyak ka pa ba? Ang corny mo."
" Sobrang nagustuhan ko lang tong gift niyo."
" Tangina tol, laspag na laspag na yung ginagamit natin. Ilang henerasyon na ata yung gumamit nun eh."
" Kuya, sana this Christmas masaya ka huh kahit di tayo magkakasama sana wag kang malulungkot, kasi kapag malungkot ka? Malungkot din kami ni Mommy. Miss na miss ka na namin, we really really miss you pero tama kasi si Mommy na mas mabuting mamiss ka nalang namin kesa mamatay ka sa pananakit sayo ni Daddy."
" Kenneth."
" Basta mahal ka namin huh, sobra. Wag mo iisipin na kinakalimutan ka namin kasi malabo yun kuya, araw araw naalala ka ni Mommy. Araw araw namimiss ka niya, hindi lang sya makapunta ngayon kasi aawayin lang sya ni Daddy. Mahal na mahal ka namin kuya."
" Alam ko naman bunso."
" I love you kuya, for me ikaw ang pinaka the best kuya sa buong mundo." ngiti niya saka yumakap sakin, sinagot ko naman yung yakap niya na mas mahigpit. " Wag ka ng umiyak kuya, ayoko nakikita kang umiyak eh, sawang sawa na ko."
" Hindi na." punas ko sa mukha ko.
" Merry christmas."
" Ikaw talaga." ngiti ko saka ginulo yung buhok niya.
" Kuya naman eh." nguso niya.
" Ako kenneth di mo ko yayakapin? Sabi mo kuya mo na din ako di ba?" saad ni Kent.
" Gago ka Kent ah, kapatid ko yan."
" Yakap lang naman kuya." ngiti ni Kenneth saka lumapit kay Kent at yumakap dito, natawa lang ako ng makita na pumikit pa to saka sinandal yung ulo sa dibdib ni Kent.
" Oh wag ka na magsalita Ethan, hayaan mo na yung bata." ngiti ni Kent sakin.
" Gago ka, Kenneth tama na yan."
" Ang bango mo kuya Kent saka tong dibdib mo, ang tigas tigas." hawak ni Kenneth sa dibdib ni Kent.
" Bunso ano ba?"
" Kuya naman eh?"
" Pagbigyan mo na tol."
" Gago, porket binigyan ka lang ng bagong trombone." natawa naman sya. " Oh gago ka tigilan mo yang kabastusan na lalabas jan sa bibig mo huh." asik ko sa kanya ng aktong magsasalita sya.
" Oo, hindi na."
" Uhm kuya aalis na din ako, baka umuwi na si Daddy eh."
" Nasaan ba sya?"
" Nasa simbahan lang yun."
" Sige." Saad ko saka lumapit sa kanya at yumakap.
" Merry Christmas kuya."
" Sayo din."
" Merry christmas sating tatlo." yakap din ni Kent samin. Alam ko naman na di ako kinakalimutan ni Kenneth at ni Mommy, mahal na mahal ko silang dalawa, kung may tao man akong pinagpapapasalamat na meron ako ay silang dalawa.
" Tangina tol ang ganda nito." ngiting saad ni Kent pagkaalis ni Kenneth. " Kapag nakita mo yung Mommy mo, sabihin mo thank you huh." Di naman ako nagsalita, nanatili lang akong nakaupo habang hinihimas yung instrumentong yun.
Kitang kita ko yung repleksyon ko dito. Haixt.
Ilang sandali pa ng tumabi sakin si Kent.
" Naalala mo Kent nung drums pa yung hawak natin?" lingon ko sa kanya, Bago palang kami nun sa banda at tanging drums lang yung pinapahawak samin, minsan triangle pero simula nung binigay samin yung pagiging trombonista mas lalo naming minahal yung banda, hindi nalang sya basta naging takbuhan namin kapag kailangan namin ng mapupuntahan, ang banda ang naging kasama namin sa pagsisimula at pagbuo ng mga bagong alaala, musika yung tumulong samin para muling bumangon at pagkakaibigan ang humubog samin para muling lumaban.
" Naalala ko yun, kahit sobrang sakit sa balikat magkaroon lang tayo ng lugar para matakasan lahat ng katanginahan sa mundo, okay lang." Mapait na saad niya. " Lagi ka ngang pinapagalitan dati kasi sobrang lakas ng palo mo sa drums."
" Dun ko kasi nilalabas yung galit ko."
" Alam ko, Pero nung nakita nila na mahal mo na yung banda. Naging trombonista na tayo parehas."
" Ang saya natin nun noh?" ngiti ko kay Kent, isang malalim na hininga naman yung hinugot niya saka lumingon sakin.
" Tol, gusto mo bang maging trombonista habang buhay?" tanong niya.
" Oo, Lalo na ngayon na akin na talaga tong instrumentong to." ngiti ko.
" Ako rin, pero sana dumating yung panahon na may taong magsasabi sakin na ako yung trombonista ng buhay niya." seryosong saad niya, natawa naman ako. "Gago ka Ethan seryoso ako, minsan nalang magseryoso babasagin mo pa tangina ka talaga."
" Trombonista ng buhay ko? Okay fine sana may magsabi din sakin niyan." ngiti ko.
" Sakin may pag-asa, sayo wala gago. Bitter mo sa love eh." natatawang saad ni kent saka tumayo.
" Gago."
" Hoy tangina ka, totoo!"
" Tangina mo Kent tandaan mo kapag may nagsabi sakin na ako ang trombonista ng buhay niya at maging kami, Sa lalake ka magpapakasal."
" Hayop ka!"
" Joke! Well sa ngayon ikaw ang trombonista ng buhay ko." ngiti ko sa kanya, natigilan lang sya saka mariin akong tinitigan.
" Ako?"
" Oo, at ako trombonista ng buhay mo." akbay ko sa kanya saka sya hinalikan sa pisngi.
"Sarap nun ah, tangina isa pa nga dito naman sa lips." nguso niya, natawa lang ako saka sya tinulak.
" Gago! Teka di ba sabi mo nagluluto kayo ng Mama mo? Tapos na? Ang aga pa ah?"
" Ay Tangina! Pinabibili pala ako ni Mama." nanlalaki ang matang saad niya. Natawa lang ako saka sya tinulak. Binalik naman niya sa lagayan yung instrument niya saka nilagay sa gilid. " Teka babalikan ko to, dito mo lang bawal magasgasan yan."
" Yan gago, landi kasi inuuna."
" Tangina, teka pakiss muna." aktong ilalapit niya yung mukha niya ng itulak ko sya. " Tangina mo hinalikan mo ko, paganti!"
" Lumayo ka sakin gago!" asik ko sa kanya pero ngumiti lang sya, inambahan ko naman sya ng suntok.
" Tangina mo talaga iboboto talaga kita."
" Iboboto?"
" Pinakamadamot ng taon!!" asik niya saka nakasimangot na lumabas ng pinto, natawa lang ako saka umupo sa upuan at muling kinuha yung instrument ko. Trombonista? sana makita ko ang hinaharap para malaman ko kung sino ang magsasabi, Na ako ang magiging trombonista ng buhay niya.
Ang buhay minsan parang trombone, kailangan mong hipan para magkaroon ng tunog.
Isang matamis na ngiti lang yung pinakawalan ko.
SI KENT
Maghahapon na nun ng pero katatapos ko lang maghiwa ng mga rekado para sa lulutuin ni Mama para sa noche buena. Haixt tangina naman kasi nalibang ako kanina sa bahay nila Ethan. Bagong trombone tangina ang sarap ng pamasko ko..
" Ma, bilisan mo magluto baka di umabot yan sa noche buena?" saad ko.
" Ang tagal mo kasi, pinabili lang kita kung saan saan ka pa nagstop over."
" Sus, tapos na ko dito. Alis po muna ako."
" Teka saan ka pupunta?" Tanong ni Papa habang nanunuod ng Tv.
" Magtitirik lang ako ng kandila sa puntod ni Russel."
" Ganun ba, Bumalik ka bago mag-alos dose huh?"
" Ang corny niyo, gumawa nalang uli kayo ng bagong baby para matuwa naman ako sa inyo." ngiti ko. " Ang hirap kaya ng walang kapatid, buti pa si Ethan meron kapatid na sweet eh."
" Mommy gawa daw tayo ng bagong baby." natatawang sigaw ni Papa.
" Edi ikaw magbuntis."
" Ewan ko sa inyong dalawa, alis na muna ako pa, ma." paalam ko saka lumabas ng bahay.
" Hoy, Kent." tawag sakin ni Ethan paglabas ko ng gate.
" Ano?"
" San ka pupunta?"
" Sa semennteryo."
" Sa sementeryo ka nanaman magcecelebrate ng Christmas?"
" Tangina alam ko naman na gusto mo lang sumama eh, tara na." simangot ko natawa naman sya saka sumabay sa paglalakad ko. " Naniniwala ka na sa Christmas?"
" Ulol!"
" Ah kala ko lang naman."
" Ano plano mo sa magkapatid na Fuentez, lalo na kay Dale?" Maya maya tanong niya habang naglalakad.
" Maghintay ka lang kasi may plano ako." ngiti ko.
" Anong plano? Gaganti ka?"
" Oo."
" Tol."
" Shut up Ethan, ipaparanas ko kay dale kung anong naranasan ni Russel." mapait na saad ko.
" Seryoso ka ba?"
" Itatali ko sya sa plaza saka ipapakantot sa taong bayan, kahit aso papipilahin ko tangina hanggang magkapaltos paltos yung butas niyang gago sya, kantot sa taong bayan lang pwedeng ganti sa hayop na yun. Ipapasak ko din sa butas niya yung mga tubo sa tulay na di matapos tapos" ngisi ko, natawa naman si Ethan.
" Gago ka talaga, tol kung may plano ka gumanti siguraduhin mong sa hulli hindi ikaw ang kawawa huh."
" Okay lang sayo na gumanti ako?"
" Well, kaibigan ko si Russel at kung ako lang, lintik lang ang walang ganti." Sarkastikong saad niya. " Hanggang ngayon, nangigigil parin ako dahil sa kwento mo, di ko nga alam tol baka kapag nakita ko si Dale bigla ko syang sapakin."
" Tol wag."
" Bakit?"
" Hayaan mong maniwala sya na tapos na lahat at kapag nahulog sya sa bitag ko? Tangina tubo ipapasok ko sa pwet niya."
" Tol, kakantutin ko din sya kung kailangan, maramdaman ko man lang na naiganti ko si Russel."
" So papayag ka na Ka-threesome namin?"
" Para kay Russel." lingon niya, napatango naman ako. Wow! " Naalala mo nung pasko na kasama natin si Russel?" saad niya.
" Hindi ko na makakalimutan yun tol, kaya pwede wag na paulit ulit?"
" Okay."
" Ikaw may utang ka pang kwento."
" Utang na kwento?"
" Oo, yung tungkol sa totoo mong Daddy." saad ko, bigla naman napawi yung ngiti niya sa labi. " Tol, alam mo lahat ng tungkol sakin siguro naman pwede ko ng malaman yung lahat ng tungkol sayo."
" Kailangan ba talaga?"
"Tangina mo, OO!" asik ko sa kanya. " So totoo nga na si Harold Zarate yung Daddy mo?"
" May iba pa bang kapatid si Daddy, well sya nga. Sya ang totoong Daddy ko."
" Tangina, seryoso?"
" Unfortunately yes."
" Eh di ba?"
" Basta Kent, ang alam ko lang sya ang tatay ko."
" Nakausap mo na ba sya? Alam ko sa kabilang bayan sya ngayon di ba? Alam ba niya na anak ka niya O alam man lang ba niya na nabuntis niya yung Mommy mo?"
" Alam niya yun, Nagkausap na nga kami tapos pinakain pa niya ko."
"Talaga, Ano sabi niya sayo?"
" Sinabi niya sakin?" nagbigay lang sya ng sarkastikong ngiti.
" Oo, ano sabi niya?"
" Katawan ni Kristo, syempre sinagot ko sya ng Amen." mapait na saad niya, ngumisi naman ako.
" Tangina ka talaga, yung seryoso?"
" Yun palang tol."
" Pinakain ka ng otsa? Tangina niya, para saan pa at nagpari sya kung gusto naman pala niya kumantot? Binustis pa niya yung Mommy mo, hindi ba tinuro sa seminaryo na dapat gumamit ng condom?"
" Gago."
" Kaya di talaga ako naniniwala sa simbahan kasi mismong sila yung gumagawa ng mga kasalanan na pinagbabawal nila."
" Exactly."
" Pano niya nasisikmura na humarap sa tao at magmisa gayong nabubuhay ka na anak niya?"
" Sabi nga Daddy di ba, isa daw akong malaking kasalanan. Demonyo daw ako."
" Hayop sya, di mo na kasalanan kung mas masarap ang pari kesa sa pastor." tawa ko, tinulak naman niya ko. " Biruin mo yun, may kaibigan akong anak ng isang alagad ng diyos? Wow di ba? Feeling ko tuloy pinagpala ako."
" Gago ka Kent huh." Asik niya sakin..
" Biro lang gago."
" Hindi nakakatawa."
" Sus, isipin mo Tol, para kang si Jesus eh. Ginawa kang sakripisyo ng totoong mong Daddy para sa kasalanan ng Mommy mo, pinugulpi ka sa kapatid niya."
" Shut up Kent?"
" To naman, gago kapag nilabas mo yan sa simbahan? Sigurado tanggal yang si pader."
" Wala akong plano." Simangot niya
SI ETHAN
" Wala akong plano." Simangot ko, natawa lang sya saka dumertso sa isang tindahan, Haixt Oo anak ako ng isang pari at sinusumpa ko na sa kanya ako nanggaling, Isang beses ko palang sya nakaharap, Nagsimba pa ko sa kabilang bayan para makita lang kung anong itsura niya. Nung mga oras na yun para akong demonyo na galit na nakatingin sa isang nagpapanggap na anghel. Alam ko nakilala niya ko, kitang kita yun sa tingin niya ng subuan niya ko ng otsa.
Isang buntong hininga yung ginawa ko, sana di ko na sya makita pa. Gusto ko na syang kalimutan, gustong gusto na.
Hinintay ko lang si Kent hanggang makabalik habang hawak yung ilang kandila at posporo. " kamusta nga pala kayo ni Mark?" Tanong ko sa kaniya para maiba yung usapan, haixt ayoko pag-usapan yung tanginang pinagmulan ko.
" Okay naman."
" Di mo raw sinasagot tawag niya?"
" Tinawagan ka rin niya?" saad niya agad naman akong umiwas ng tingin.
" Uhm nagtext lang."
" Ganun, hayaan mo sya. Tangina niyaya ako magsimba mamaya? Ano gagawin ko dun?"
" Talaga?"
" Oo, gago ba sya. Simula bata hindi man lang ako nakinig sa misa tapos yayain niya ko."
" Sumama ka na?"
" Gago." simangot niya, ilang minuto pa ng makarating kami sa sementeryoo, agad lang kaming dumeretso kung saan nakalibing si Lolo Celso at si Russel. " Hoy bakla, merry christmas." Saad ni kent habang nagtitirik ng kandila. Natawa lang ako saka umupo sa katapat na puntod.
" Kapag sumagot yan baka tumakbo ka gago!" asar ko sa kanya.
" Wag ka ngang maingay."
" Ewan ko sayo, Kahit ano naman kausap mo jan di na rin maririnig."
" Lolo celso baka pati jan sa langit hinahayaan mong lumandi yang apo niyo huh? Nako tangina niya babatukan ko talaga sya, at kayo malamang jan na kayo naghahoneymoon ng asawa niyo." saad pa ni Kent, Maghahapon na nun kaya malamig na yung simoy ng hangin, humiga lang ako sa damuhan saka pinagmasdan yung kalangitan, maririnig mo na yung panaka nakang pagpapalipad ng kwitis kung saan saan.
Ilang oras nalang, isang pasko nanaman ang lilipas.
Ilang minuto na kong nakahiga nun ng ipikit ko yung mata ko saka dinama yung simoy ng hangin sa lugar na yun, hinayaan ko lang tong dumampi sa balat ko habang dinadama ko yung katahimikan.
Ito na ko ngayon, malayong malayo na sa batang laging may pasa sa mukha, laging duguan ang labi, laging nakakatulog sa cabinet kung saan ako kinukulong ni Daddy.
Ito na ko ngayon, malakas na at hindi na muling pagpapaapi pa.
Ilang sandali pa ang lumipas hanggang maramdaman ko yung pagpatong sakin ng kung sino saka ako mapusok na hinalikan sa labi, nanlaki naman yung mata ko saka tinulak kung sino man yun.
" Kent tangina mo!" asik ko sa kanya.
" Tangina ang sarap mo kasi tingnan habang nakahiga, nakaganti na ko haha." tawa niya saka nahiga sa damuhan. " Sarap talaga ng lips mo gago."
" Kadiri ka gago." punas ko sa labi ko. " gago ka talaga Kent, Sapakin kita eh!" simangot ko.
" Ang damot mo, kiss lang naman ah?"
" Ewan ko sayo." saad ko saka nahiga malapit sa kanya.
" Sex tayo dito?"
" Gago ka Kent huh, sarap sarap ng higa ko tapos bigla kang manghahalik,. Gago!" Haixt, tangina nitong si Kent alam ko may gusto sya sakin pero..AYT! Kung di ko lang to kaibigan matagal ko na tong binugbog eh.
" Masarap naman ako humalik kaya okay lang yan."
" Ewan, tapos ka na ba makipag-usap sa lapida?"
" Tapos na."
" Tumatawag nanaman si Mark oh." abot ko sa kanya ngcellphone ko.
" Hayaan mo na wag mo sagutin, ayoko nga magsimba gago."
" Gusto ka nga daw makasama manuod ng paglakad ng mga parol mamaya."
" Yung panunuluyan?"
" Oo, gago."
" Ayoko nga, kahit isang beses di pa ko nakanuod ng ganun."
" Di ka pala nakakapanuod nun eh, edi sumama ka kay Mark?"
" Tangina parol na naglalakad? Kalokohan? Nakapanuod ka na ba nun?"
" Oo, isang beses."
" Ilang taon na tayong magkasamang nagpapasko, di ka naman umaalis kapag christmas eve ah?"
" Nung nasa amin pa ko?"
" Huh?"
" Bata pa ko nun." pilit na ngiti ko.
" Eh di ba-"
" Hello Mark." sagot ko sa tawag.
" Tangina ka talaga Ethan." bulong ni Kent.
" kasama ko sya, Oo daw sige sasama sya mamaya." saad ko inagaw naman ni Kent yung cellphone.
" Sasama din daw si Ethan." saad niya, inis ko naman syang sinuntok sa braso.
" Ayoko gago!"
" Sige bye, Sunduin mo kami ni Ethan, hindi ako pupunta kapag di mo kami sinundo." saad niya saka pinatay at binalik sakin yung cellphone.
" Tangina mo bahala ka jan, ayoko sumama."
" Gago, kahit hilahin kita basta madala lang kita sa simbahan gagawin ko."
" Ayoko nga?"
" Okay sige ayaw mo? Chupain mo ko, di na kita pipiliting sumama?"
" Kent tangina mo?"
" Gago kayang kaya kita gahasain, wag mo ko subukan Ethan." Sarkastikong saad niya.
" Tang-" naramdaman ko naman yung mahigpit na paghawak niya sa braso ko, kita ko naman sa mata niya yung naghahamon na tingin." Gago ka Kent huh!"
" Sasama ka o hindi?"
" Kent naman eh."
" Di ako nagbibiro, Gago matagal na kong libog na libog sayo kaya kung ayaw mo maranasan ang kayang gawin ng libog, sumama ka mamaya."
" bakit ba kasi?"
" Wala lang, hindi lang ako kumportable kapag kami lang ni Mark, tangina para kaming magsyota kapag kaming dalawa lang magkasama."
" Tangina, oo na. Sasama na ko."
" Talaga?"
" Bitawan mo na ko?" simangot ko, binitawan naman niya ko saka inunan yung mga braso niya sa damuhan. " Tangina mo naman."
" Sasama ka na, hahalikan kita kapag binawi mo pa."
" Gago ka Kent alam ko naman na type mo ko kaso tangina sumosobra ka na kakatsansing eh." ngiwi ko natawa naman sya. " Tangina nito, kung di lang talaga kita kaibigan gago matagal na kitang iniwasan."
" Edi pasensya kasi kaibigan mo ko." ngiti niya.
" Ewan ko sayo Kent."
" Wag ka ng madaming sinasabi, shut up ayaw ni Lolo celso ng maingay."
" Kahit sumigaw ako gago di ako maririnig niyan." saad ko, napako naman yung tingin ko sa kalangitan, haixt. " Kent pakiusap lang huh, hanggang kaibigan lang tol. Wala namang talo talo gago." inis na saad ko natawa naman sya.
" Tangina mo Ethan huh hindi ako ganun."
" Eh-"
" Hawak lang, halik lang? Tangina mo ang damot mo. Wag kang mag-alala nirerespeto parin kita bilang kaibigan. Kasi kung hindi gago matagal ng wasak yang pwet mo."
" Eh kasi-"
" Matagal nanaman kitang binibiro ng ganun ah, gago nalaman mo lang na may gusto ako sayo nilagyan mo ng malisya yung mga biro ko, tangina mo." simangot niya, natigilan naman ako. Oo nga noh, high school palang naman kami niyaya na niya ko makipagsex haha, buhay pa si Russel niniakawan na niya ko ng halik. Haixt.
" Sabagay." saad ko.
" Oh di ba. Gago ka pala eh! Malisyoso." asik pa niya, natawa lang ako saka sya tinulak, natawa lang sya. " May respeto ako sayo Gago, magalit ka kapag kinantot na kita."
" Oo na." saad ko habang pinagmamasdan yung kalangitan. " Basta walang talo talo para wala tayong problema."
" Ewan ko sayo." lingon niya sakin. " Di ko nga maimagine na tayo eh, puta parehas tayong lalakeng lalake tapos magiging tayo, hayop na yun kalokohan!" iling niya. " Kaya pwede kalimutan mo nalang na may gusto ako sayo, tangina tol hindi ko na yun iniisip."
" Right." ngiti ko. Ilang sandali naman kaming nabalot ng katahimikan, parehas lang kaming nakatingin sa langit habang nakahiga sa damuhan, nang mga sandaling yun parang parehas namin ayaw ng ingay. Parehas gusto damhin yung paligid, hayaan hipan kami ng hangin.
Hanggang maramdaman ko na nagba-vibrate nanaman yung cellphone ko, nang tingnan ko kung sino yung tumatawag nakita ko lang yung pangalan ni Mark.
" Si Mark?" lingon ko sa kanya. " Di mo ba dala yung phone mo?"
" Hindi, wag mo na sagutin." saad niya.
" Okay." nilagay ko lang sa pagitan namin yung cellphone saka muling tumingin sa kalangitan.
" Kent."
" Oh?"
" Yung seryoso wala ka ba talagang nararamdaman kay Mark?"
" Bakit mo natanong?"
" Eh kasi sumasama ka parin sa kanya kapag niyaya ka niya, eh kilala kita eh di ka naman mahilig magmall? Di ka rin naman nanunuod ng sine pero pumayag ka nung niyaya ka ni Mark." Payak na tawa naman yung narinig ko sa kanya. " So, meron ka na ngang nararamdaman?"
" Sabi mo bigyan ko ng chance di ba? Sabi mo malay ko sya pala yung new beginning ko, kaya yun sinusubukan ko."
" So?"
" So far tol, nageenjoy ako asarin sya. Tangina sabihan ko lang sya na kakantutin ko sya namumula na eh." ngisi niya. " Sigurado ka ba talagang nakantot mo na yun, tangina parang virgin eh."
" May nararamdaman ka na nga?"
" Wala pa tol." saad niya, nang lingunin ko sya nakita ko lang yung pilit na ngiti niya. " Sinusubukan kong may maramdaman sa kanya pero tangina wala eh, libog meron pero hanggang maari pinipigilan ko yun, sabi mo nga di ba makipagsex ako sa kanya kapag mahal ko na sya. Wag kang mag-alala gagawin ko yun, hanggang biro lang naman yung mga sinasabi ko sa kanya."
" Mahuhulog ka rin sa kanya, mabait naman si Mark eh."
" Yun nga eh sobrang bait? Ni titi hindi kayang bigkasin."
" Si Russel din naman ah?"
" Hoy manyakis din yun, palihim kung manghipo yun eh." natatawang saad niya. " At tol ayoko ng panibaging Russel okay."
" Eh ano gusto mong gawin ni Mark para mahalin mo sya?"
" Ewan, Ikaw di mo sya gusto?"
" Huh bakit ako?"
" Wala lang, natanong ko lang?"
" Straight ako gago, Babae ang gusto ko."
" Tangina tol di na ko naniniwala jan sa straight straight mo. Nakipagsex ka na kay Mark kaya kahit anong gawin mo may bahid ka na. Imposibleng di mo naiisip na mangyare uli yung nangyare sa inyo, eh sabi mo sakin di ba masarap."
" Hindi ah." tanggi ko.
" Gago, di ako naniniwala. Bahagi na sya ng pagkatao mo kaya wag mo ko lokohin, kaso wag kang mainlove kay Mark gago."
" Bakit?"
" Kasi ako ang gusto niya, Mahirap ako kalaban tol."
" Tangina mo! Anong mahirap kalaban?"
" Look, tingnan mo nahihirapan ako mahalin si mark kasi ikaw ang gusto ko, kaya malamang mahihirapan syang mahalin ka kasi ako ang gusto niya, ganun lang yun gago."
" Nakakatawa." sarkastikong saad ko.
" Di ako nagbibiro gago, tara na uwi na tayo." saad niya saka tumayo. Bwiset sasama nga pala ako sa simbahan mamaya.
" Tol ayoko na kasi sumama mamaya?"
" Wag mo ko inisin Ethan."
" Haixt, badtrip ka Kent grabe."
" Teka pano naglalakad yung parol sa simbahan, ano yun nilalagyan sila ng paa?"
" Gago hindi, tradition dito yun tapos di mo alam?"
" Aba malay ko dun, wala naman ako paki sa simbahan?"
" Bakit naman ako?
" Eh pano nga naglalakad?"
" Para lang syang naglalakad sa hangin, ganun. Di ba tatlo yung malaking parol sa simbahan?"
" Oh?"
" Yung paglakad ng parol, sabay yun sa panunuluyan, yung pagdadala nung sanggol na jesus sa sabsaban."
" Di ba nakwento mo sakin na hindi kayo pinapayagan magsimbang gabi ng Daddy mo, eh pano mo napanuod yun?"
" Basta." saad ko saka nauna ng naglakad. " Uwi na tayo."
SI MARK
" Kuya, sunduin natin sila Kent sa kanila." saad ko pagpasok ng kwarto ni Kuya, naabutan ko lang syang nakaharap sa computer niya habang naglalaro ng online games. Wala syang suot na pang itaas kaya pilit kong iniiwas yung tingin ko dito.
" Bakit kailangan sunduin pa?" saad niya saka humarap sakin.
" Sige na kuya saka manuod ka narin ng paglakad ng parol?"
" What?" Kunot ang noong saad niya. " What's that?"
" Basta tradition dito yun tuwing christmas eve mass."
" Magseserve ka ba? Pasko ah?"
" Manunuod lang ako kuya, kasama sila Kent."
" Sila?"
" Pati kasi si Ethan kasama."
" Himala ata kasama niyo si Ethan? Baka nagsasawa na si Kent kasama ka."
" Kuya naman eh." saad ko saka umupo sa kama niya muli naman syang humarap sa computer niya. " Kuya please?"
" Anong oras ba kasi yan?"
" 10 pm yung start ng mass." ngiti ko.
" Eh mag-aalasyete na ah? Saka 10pm baka abutan tayo ng christmas sa labas?"
" Di yan kuya?"
" Ano ba kasi meron sa paglakad ng mga parol na yan?"
" For me kasi, Magical yun kuya kaya every year ko syang pinapanuod. Kapag nagsisimula na lumakad yung parol para ka ng nasa ibang mundo kasabay ng pagkanta ng choir, haixt kuya dapat makita mo yun." ngiti ko saka pabagsak na nahiga sa kama. Wala atang paskong hindi ko napanuod yung tradition na yun at tingin ko ngayon taon ang magiging pinaka-espesyal.
" Oo na sige."
" Talaga sasama ka?"
" Yeah, lumabas ka na ng kwarto baka kailangan ni Yaya Glenda ng tulong. Ang dami mong pinaluto eh ilan lang naman tayo dito?"
" Si Kuya Jetro di ba sya pupunta?"
" I Dont know."
" Papuntahin mo para may kasama tayo."
" Baka kung saan saan lumalandi yun, hayaan mo nalang." saad niya saka tumayo, agad ko naman iniwas yung tingin ko. Fine he's really hot per yun lang. " Labas ka na maliligo na ko." nakagat ko lang yung labi ko saka tumango.
" Okay, thanks kuya."
" Kung hindi lang kita mahal aixt." rinig kong saad niya ng aktong bubuksan ko yung pinto. Dahan dahan lang akong lumingon. " Out?"
" Love you Kuya." ngiti ko saka lumabas ng kwarto, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka sumandal sa pinto ng kwarto niya. Alam ko pilit sinusubukan ni Kuya na kalimutan yung nararamdaman niya sakin, Gusto ko sya iwasan pero gusto ko rin yung pakiramdam na may kapatid.
Pagpasok sa kwarto ko ay muli ko lang dinial yung number ni Ethan., kainis naman kasi di sinasagot ni Kent yung cellphone niya. Ilang sandali pa tong nagring pero hindi rin sinagot ni Ethan. Kainis! Basta susunduin namin sila mamaya.
Continued.....