Nasa kwarto ako nun ng bahay namin habang binibilang yung perang naipon ko, Makakatulong na to sa magulang ko. Makakatulong na kahit paano para mabawasan yung problema nila.
" Anak?" Rinig kong tawag ni Papa habang kumakatok sa pinto. Agad ko lang tinabi sa ilalim ng unan yung pera.
" Pasok Pa." saad ko, Bumukas naman yung pinto. Nakita ko lang yung malungkot na mukha ni Papa ng umupo sya sa kama habang nakatingin sa pader. " Anong problema Pa?" Tanong ko pero tumungo lang sya. " Pa, alam mo nakakapanget yung lagi kang problemado, Konting smile naman jan. Magiging okay din po lahat." ngiti ko.
" Anak, Lilipat na tayo ng bahay bukas."
" Bukas na? San tayo lilipat?" tanong ko pero umiling lang si Papa.
" Di ko alam, pinapaalis na tayo dito." saad nito hanggang makita ko yung pagsilip ng luha sa mata niya, Napalunok naman ako. " Naghahanap na ko ng apartment na pwede nating lipatan."
" May pera ba tayo pangbayad sa apartment?"
" Wala pa."
" Eh pano tayo lilipat?"
" Kent di ko alam?"
" Pa?"
" Sorry anak, sorry kung wala akong magawa." saad nito kasabay ng pagtulo ng luha, umiwas naman ako ng tingin. " Ako yung Ama sa bahay na to pero wala akong magawa para masulusyunan yung problema natin, alam ko nakadagdag ako sa utang natin dahil sa pagpapagamot ko. Anak kasalanan ko."
" Pa."
" Ni di ko alam kung saan tayo pupunta bukas, di ko alam kung pano tayo magsisimula pagkatapos nito." Umiiyak na saad niya hanggang may tumulong luha sa mata ko pero agad ko tong pinunasan. Haixt, Isa sa pinakamasakit na pwede mong maramdaman ay yung makitang umiiyak yung magulang mo. " Kung pinanganak lang siguro akong mayaman, baka naibigay ko sayo at sa Mama mo yung buhay na dapat sa inyo. Pasensya anak kung naging masaklap yung buhay mo mula pagkabata hanggang ngayon, kung mas naging mabuting Ama lang sana ako."
" Pa naman?"
" I'm sorry kung wala man lang akong maibigay sayo."
" Pa itong mukhang to oh, Sobrang gwapo ng anak niyo Pa, at dahil yun sa nagmana ako sa inyo kaya wag niyo sasabihin na wala kayong naibigay sakin."
" Patawarin mo Kent?" Saad niya na tuloy parin yung luha.
" Tang ina naman pa, wag kang umiyak?" pilit na ngiti ko.
" Kasi-"
" May pera ako pa." ngiti ko saka kinuha sa ilalim ng unan yung pera na nakuha ko sa pagcacallboy. Kita ko naman na nanlaki yung mata ni Papa saka agad pinunasan yung luha sa pisnge niya.
" San to galing?"
" Uhm.."
" San to galing? Ninakaw mo ba to huh?"
" Pa di ko gagawin yun, nakulong si Mama dahil sa bagay na yun kaya di ko yun gagayahin."
" Eh san to galing?"
" Hulog ng langit?"
" Kent, yung seryoso?"
" Uhm?"
" Kent, san to galing?"
" Uhm kasi."
" Kanino?"
" Uhm kay Ethan, Yung kabanda ko? Mayaman yun pa."
" Bakit ka binigyan ng ganito kalaking pera?"
" Wag ka ng maraming tanong pa, basta may pangbayad na tayo sa apartment."
" Anak kung sa masama to gali-"
" Pa, sa mabuti yan galing." ngiti ko. Sa masarap haha.
" Pero."
" Sige na Pa, alis na ko may tugtug pa kami ngayon sa simbahan." ngiti ko saka tumayo at kinuha yung bag ng instrument ko. " Oo nga pala pa, Kausapin ko si Ethan kung meron pang available dun sa apartment ng mommy niya, baka makamura tayo dun."
" Kent san galing to?"
" Pa, di na importante kung saan galing yan, ang importante Pa, hindi tayo matutulog sa kalsada bukas."
" Anak." saad nito saka tumayo at yumakap sakin. " Anak salamat."
" Pa naman ang corny! Sige na wag ka ng umiyak huh. Ang padre pamilya ang hinuhugutan ng lakas ng isang pamilya, kaya kung magiging mahina kayo Pa, Pano na kami ni Mama?"
" Pangako anak, magiging malakas na ko para sa inyo."
" Dapat lang Pa, wag ka ng umiyak pa huh. Alis na ko Pa." ngiti ko.
" Sige anak."
Isang ngiti lang yung pinakawalan ko pagkalabas ng bahay. Atleast kahit paano may ambag ako para di na muling masira yung pamilyang iniingatan ko.
Sa paglipas ng mga araw ay palihim ko parin tinuloy yung ginagawa ko, palihim na umaalis sa gabi at uuwi bago sumikat ang araw. Unti unti akong nalunod sa ligayang naidudulot nito sakin, unti unti akong lumulubog at kinakain ng ligayang dala ng pakikipagtalik sa kapwa ko lalake.
Dahil dito para akong napasok sa panibagong mundo, panibagong mundo na ayaw na ko bitawan, Panibagong mundong di ko na alam kung paano ko tatalikuran.
" Kent, Magkaibigan na tayo di ba?" Saad ni Ethan sakin, katatapos lang namin tumugtog sa simbahan nun at kasalukuyang kaming nag-aayos ng instrument para umuwi na.
" Oo naman, bakit? Tang ina lagi na tayong magkasama kulang nalang magsex tayo o chupain mo ko eh?"
" Uhm kasi parang may nagbago sayo?" Saad niya na ikanakunot ng noo ko.
" Nagbago?"
" Yung pananalita mo?" Pilit na ngiti niya. " Mejo sanay na ko sa pagmumura mo pero yung pananalita about sa ano."
" Sa?"
" Uhm sa alam mo na yun."
" Hindi ko alam seryoso?"
" Ang bastos na kasi ng mga sinasabi mo, nyare sayo?" Pilit na ngiti niya, natawa naman ako. Di ko na mabilang kung ilang bakla na yung dumaan sa katawan ko at hindi ko na mabilang kung anong lengwahe at iba't ibang uri ng pananalita ang narinig ng tenga ko. Mga salitang automatiko ng lumalabas sa bibig ko.
" Wag mo nalang pansinin."
" Sana mali ako ng naisip nung nakita kitang lumabas sa isang motel kasama ng isang bakla nung nakaraan araw." saad niya natigilan naman ako.
" Nakita mo ko?"
" Yeah, Nung nagsoloist ako sa antipolo? Madaling araw na ko nakauwi."
" Ah talaga, nanalo ka dun di ba? Congratz tangina alam ko naman na kaya mo yun." ngiti ko pero nanatili syang nakatingin sakin. " Sorry hindi kita nasamahan, may lakad kasi ako nun eh."
" Kent sino yung kasama mo nun?"
" Tol, wala lang yun."
" Sabihin mo na mali ako Kent, mali ako ng iniisip di ba?"
" Ano ba iniisip mo?"
" Na may nangyare sa inyo nung kasama mo?" deretsong saad niya pero nagkibit lang ako ng balikat. "Ang bata mo pa?"
" Sus apat na taon na simula nung natuto ako magjakol, Matagal tagal na training na yun." kindat ko sa kanya.
" So anong ginagawa mo?"
" Anong ginagawa ko?"
" Sino yung kasama mo nun, syota mo? Tol tang ina bakit bakla?"
" Sila yung masarap chumupa eh?"
" Ano ba naman sagot yan Kent?"
" Tang ina naman tol, Wag ka nalang makialam okay? Di porket ikaw ang may ari ng apartment na tinitirahan namin ngayon may karapatan ka ng pakialaman yung buhay ko." sarkastikong saad ko.
" Di naman sa ganun tol?"
" Ethan kung ayaw mong mag-away tayo wag mo nalang ako pakialaman okay?"
" Pero."
" Para sagutin yung tanong mo, kung anong ginagawa ko? Unang una hindi ko syota yung kasama ko nung nakita mo ko, swerte naman niyang gagong sya."
" Eh ano mo sya?"
" Isa sa mga nagbayad para matikman ako." ngiti ko, kita ko naman yung titig niya sakin. " Oo, tol nagcacallboy ako, kung ayaw mo na ko maging kaibigan okay lang basta wag mo lang akong isumbong kala Mama at Papa, kasi kapag ginawa mo yun? Susunugin ko yung tinitirahan mo."
" Kent mali yung ginagawa mo?"
" Mali ba maging masaya?"
" Masaya?"
" Oo, tol masaya ako sa ginagawa ko, Madumi para sa iba pero masarap para sakin, kumikita pa ko at higit sa lahat masaya ako."
" Kent."
" Alis na ko."
" Kent teka?"
" Di ko kailangan ng pandidiri mo, at kung sasabihin mo na binabastos ko yung lalakeng nakapako dun." turo ko sa krus kung saan nakapako si kristo na nasa sentro ng simbahang yun. " Wala akong paki sa kanya, gawa lang naman yan sa kahoy at kahit kailan hindi nagkaroon ng tenga at lalo na ng mata ang isang puno."
" Di ka naniniwala kay God?" Saad niya napalingon naman ako sa paligid ko, kaming dalawa nalang ni Ethan yung nasa balcony nun, may ilang tao pa sa loob ng simbahan pero sigurado namang hindi na ko maririnig ng mga yun.
" Hindi." kibit ko ng balikat, kita ko naman na napangiti sya. " Bakit?"
" Parehas tayo."
" Ikaw din?"
" He doesn't exist, at dahil parehas pala tayong di naniniwala sa kanya simula ngayon bestfriend na nga kita." ngiti pa niya, nagkibit naman ako ng balikat saka sinukbit yung bag ko. " Magkaibigan na talaga tayo huh?" tangina tong payatot na to, lagi kaming magkasama di parin pala kaibigan ang tingin niya sakin. " Hoy kaibigan na kita huh."
" Pataba ka muna." ngiti ko
" Kent kung di ka talaga naniniwala kay God, dapat alam mo ang birthplace niya. Kung saan nga ba galing yung tinatawag nilang Diyos." Saad niya nagbigay lang ako sarkastikong ngiti saka tinuro yung sintido ko.
" Dito, sa utak ." saad ko kita ko naman yung pagngiti niya.
" Finally."
" Finally what?"
" Finally, may tao ng makakaintindi sakin. Bestfriend na tayo huh." ngiti niya.
" Oo na, basta wag mo ko isusumbong kala Mama, tang ina kapag may nakarinig satin baka bigla tayong kuyugin dito."
" Okay di kita isusumbong, pero ititigil mo na yang ginagawa mo."
" Ulol, tititgil lang ako kapag hindi na masarap makipagsex." natatawang saad ko saka bumaba sa balcony.
Masarap makipagsex, magsex at sambahin.. So bakit ko ititigil? haha.
Palabas ako ng simbahan nun ng matanaw ko yung lalake na nakaupo sa stage habang may hawak na guitara, Ilang sandali akong tumigil sa paglalakad para mapagmasdan sya mula sa malayo.
Nakaputing t-shirt to, slacks at black shoes, nasa tabi niya rin yung bag niya habang nakapatong dito yung uniform na sinuot niya sa maghapon klase sa school.
" Gwapo sa malayo." ngiti ko saka nagsimulang humakbang papalapit sa kinaroroonan niya. Habang papalapit ako, unti unti ko na rin naririnig yung tinutugtog niya sa guitara.
" Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars." Rinig kong kanta niya, Mag-isa lang sya pero kita ko yung ngiti niya sa labi habang kumakanta.
Mestiso, mejo singkit ang mata na may matangos na ilong, Mapulang labi na parang ang sarap halikan. Mukhang ang perfect niya pero may isang bagay akong napansin sa aura niya.
Mukha syang bakla.
Natigilan lang ako ng itigil niya yung pagkanta at pagtugtog ng guitara saka dahan dahang nag-angat ng tingin hanggang magtama yung mata namin.
Tang ina, nang mga oras na yun para akong naestatwa habang magkalapat yung mga mata naming dalawa. Parang biglang tumigil ang mundo, parang may kung sinong hayop ang pumindot ng remote para tumigil kami sa tagpong yun.
Isa
Dalawa
Tatlong segundo ang lumipas.
" Why?" kunot ang noong tanong niya dahilan para matauhan ako. " How can I help you?" ngiti niya, humugot naman ako ng malalim na hininga saka binigay yung pinakagwapo kong ngiti. " May kailangan ka?" tanong niya uli marahan naman akong tumango habang may ngiti sa labi. " Ano?"
" Gusto mo bang chumupa?" ngiti ko kita ko naman napanganga sya. " Ang sarap mo tingnan habang nakanganga, pero masarap kung ipapasok ko yung titi ko jan sa bibig mo." kindat ko sa kanya. Umiling naman sya saka bumaba sa stage saka tumitig ng deretso sa mga mata ko. " So, gusto mo?"
" What are you talking about?"
" Mula jan sa pink I.d lace, jan sa uniform mo na may korte at sa fit mong tshirt, Nakalip gloss ka pa."
" So?"
" Bakla ka, So nasa harapan mo ngayon ang isa sa pinakagwapong nilalang na pinangak sa mundo at inaalok ang sariling katawan, tatangihan mo pa ba?" ngiti ko pero nagbigay lang sya ng sarkastikong ngiti.
" Your name?"
" My name? Wag mo na alamin." saad ko pero yumuko lang sya saka kinuha yung panyo kong nalaglag na pala.
" Andrei." basa niya sa nakasulat sa panyo. Tang ina naman kasi si Mama, ang hilig lagyan ng pangalan yung panyo ko. Buset!
" Akin yan." agaw ko sa panyo. " Saka hindi Andrei, Kent ang tawag sakin."
"Okay Andrei."
" Kent sabi eh."
" Bakit ayaw mo ng Andrei?"
" Wala ka ng paki, so ano? gusto mo ba chumupa? Mura lang." Natawa lang sya ng payak, tang ina ang cute ng ngiti niya.
" Bakit ayaw mo ng Andrei? I'm curious?"
" Wala ka naman atang pangbayad, nevermind nalang." simangot ko pero nilabas niya lang yung wallet niya saka nakangiting pinakita sakin.
" May pera ako?"
" Dalawang libo, sagot mo motel. Kaya mo?" sarkastikong saad ko.
" Oo kaya ko." may kumpyansang saad niya, hanggang buksan niya yung wallet niya saka pinakita yung ilang libong papel. Napangiti naman ako, may pera na! mukha pang masarap! Ayos tang ina.
" Tara?" saad ko na nagbigay ng nang-aakit na ngiti.
" Pero bago yun, bakit ayaw mo ng Andrei, Name mo naman yun di ba?"
" Eh ano bang paki mo?"
" I'm curious?"
" Sa katawan ko hindi ka curious?"
" Mas curiuos ako sa name mo?"
" Tang ina naman oh, ayoko ng Andrei kasi mukhang ang lambot, pang bakla ganun! Tang ina tara na chupain mo na ko. Gusto na kita tirahin." saad ko saka tumalikod. Nakakailang hakbang na ko ng muli akong lumingon. Nakita ko lang syang hindi umalis sa pwesto niya habang nakatingin sakin na may ngiti sa labi. "Tara?" tawag ko sa kanya pero nagkibit lang sya ng balikat saka muling umakyat sa stage at kinuha yung guitara niya. Inis naman akong bumalik. " Hoy ano?"
" What?"
" Tara na?"
" Uhm busy ako saka masyado akong cute para sayo, swerte mo naman." ngiti niya, napanganga naman ako saka di makapaniwalang tumingin sa kanya. The last time I checked, sabi ng huling salamin na kaharap ko, napakagwapo ko? " Ayoko magsayang ng dalawang libo sa isang bakla ding katulad ko."
" Hoy gago hindi ako bakla."
" Andrei?" nang-aasar na ngiti niya.
" Tang ina mo!"
" Thank you." kibit niya ng balikat saka nagsimulang tumipa sa gitarang hawak niya. " Don't you see I'm busy."
" Tang ina ayaw mo talaga? Minsan lang ako mag-alok at wala ka ng makakasex na kasing gwapo ko?"
" So what?"
" Hayop, seryoso ako gago tara na?"
" Ayoko nga Andrei?"
" Gusto mo ba ng sapak, gago ka?" Amba ko sa kanya pero ngumiti lang sya.
" Tuloy mo?" Hamon niya, nakuyom ko lang yung kamao ko saka inis na umiwas ng tingin. " Hindi kita papatulan, honestly wala akong pera."
" Ano, eh ano yung pinakita mo? Peke?"
" Secret, alis na nga ako." saad niya saka sinimulang iligpit yung gamit niya.
" Bakit ayaw mo makipagsex?"
" Ayoko lang."
" Bakit nga?"
" May regla ako ngayon, kaya bawal." natatawang saad niya saka nagsimulang maglakad.
" Tang ina mo, ginagago mo ba ko?" habol ko sa kanya.
" Pwede ba, uuwi na ko wag na ko sundan?" ngiti niya.
" Hindi kita sinusundan?"
" Whatever." asar niya saka mabilis na naglakad, gigil ko naman syang tiningnan. Ngayon lang may tumanggi sa kagwapuhan ko tang ina, baklang bakla pa! Buset virgin pa siguro tong hayop na to.
Sinuksok ko lang yung kamay ko sa bulsa saka sya sinundan, ano lihim mong hayop ka. Nang lumingon sya binigyan ko lang sya ng ngiti.
" Sinusundan mo ba talaga ko?"
" bakit ikaw lang ba pwede dumaan sa kalsadang to, may pangalan mo?"
" Wala?"
" Wala pala eh." sarkastiko kong ngiti. Inis naman syang naglakad, napangiti lang ako. Tang ina walang pwedeng tumangi sa isang Kent? Luh sa mukhang to may tatangi!?! Ang layo din ng nilakad niya hanggang tumapat sya sa isang lumang bahay, Tang ina mukha ngang mahirap.
Bago pumasok sa gate ay nagbigay pa sya ng nangaasar na ngiti saka nagwave ng kamay. Haixt nagmadali naman ako para makita yung bahay ng malapitan pero natigilan ako ng makita syang nakaluhod sa isang matandang lalakeng na nakawheelchair.
Hawak niya yung kamay nung matanda habang nagsasalita, di ko maririnig yung sinasabi niya pero bakas sa mukha ng matanda yung saya dahil sa ngiti na nasa mukha nito. Hanggang nilabas niya yung pera sa wallet saka pinakita sa matanda.
Haixt, nang mga oras na yun parang biglang bumalik yung alaala ni Lolo, Papasok ako sa gate saka agad tutuloy sa harapan niya para ipakita yung kinita kong pera sa maghapon na yun. Haixt si Lolo.
Natauhan lang ako ng lumingon yung buset na baklang tumangi sa katawan ko. Umiling lang sya saka nakataas ng kilay na lumapit sakin.
" Ano ba? hanggang dito ba talaga susundan mo ko?"
" Lolo mo?"
Continued....