Ethan....
Continuation.......
" Hindi pwede, madami pang pasyente. Iparegister niyo mo muna sya dun sa registrar." saad nung nurse.." Tang ina mauubusan sya ng dugo tapos di niyo aasikasuhin?"
" Edi ikaw magtanggal nung kutsilyo nun sa likod." turo nung nurse sa isang pasyente na may nakatusok na kutsilyo sa likod. " Hindi porket gwapo kayo, uunahin ko na kayo."
" Salamat kasi napansin mo na gwapo kami pero sige unahin niyo na sya." pilit na ngiti ni Ethan.
" Mabuti." irap nung nurse.
" Malabo to." napapakamot na saad ni Ethan habang sa ibang dereksyon nakatingin. Umupo naman ako sa isang upuan na andun.
" Hey kaya ko naman eh?" saad ko.
" Kaya mo? Gago ka ba? Nakita mo naman siguro yung sugat mo di ba, malaki! Namumutla ka na nga oh. Buti sana kung maliit na gasgas lang eh."
" Uhm malaking gasgas?"
" So ano gagawin natin? Hintayin kitang mamatay?"
" Tuhod lang to, makukuha to sa dasal." pilit na ngiti ko saka tumungo at nagdasal.
" Sige tingnan ko kung gagaling yan pagkatapos mo magdasal." sarkastikong saad niya, nag angat naman ako ng tingin. " Gumaling ba? Hindi di ba?" Marahan naman akong umiling.
" hindi."
" Kaya tigilan mo ko sa pagdadasal na yan, hintayin mo ko dito." saad niya saka naglakad palabas ng emergency room. Nang mga oras na yun napakarami pang dumating na hindi na maisakaso ng mga nurse at doctor, haixt.
" Nakapila ka ba iho?" saad ng matandang hirap sa paghinga.
" Hindi po, sige mauna na po kayo." ngiti ko.
" Salamat iho."
" Walang anuman po." ngiti ko. Ngayon lang ako nakapasok sa isang public hospital at hindi ganun kaorganisado yung mga tao, haixt Sana kasi di niya ko dito dinala eh.
Since nahihilo ako, yaan nalang!
Ilang minuto pa ng dumating si Ethan habang may hawak na plastik saka agad lumuhod sa harap ko. " Ano yan?" tanong ko.
" Gamot, Di ka maasikaso kaya ako na gagawa." saad niya.
" Sigurado ka?"
" Oo naman, tingin ko naman di na kailangang tahiin to eh." saad niya habang tinatanggal yung bahagi ng damit niya na tinali sa tuhod ko, napangiwi naman ako ng maramdaman yung pgsigid ng kirot.
" Dahan dahan please."
" Sure." pilit na ngiti niya saka pinunasan ng bulak yung dugo. " Mejo mahapdi to huh." Saad niya, di ko lang mapigilang ilibot yung tingin ko sa paligid, "God, Sana tulungan mo lahat ng nandito." bulong ko.
"Dahan dahan." ngiwi ko hanggang maramdaman ko yung bulak sa sugat ko, nakagat ko lang yung labi ko saka pumikit. Ang hapdi!
" Shhhh, it's okay." ihip niya dito. Habang ginagawa niya yun hindi ko lang mapigilang titigan yung mukha niya, Gwapo nga sya lalo na sa malapitan nag angat naman sya ng tingin saka pilit na ngumiti. " Masakit?"
" Yeah."
" I'm sorry, Ngayon lang ako gumamot ng sugat, natataranta kasi ako kapag nakakakita ng ganito eh." saad niya habang nilinis yung sugat ko. " Lalagyan ko na ng gasa huh."
" Okay." pilit na ngiti ko, pagkatapos niya lagyan ng gasa ay tumayo na sya saka ako inakay din tumayo.
" Ako na gagamot sa kanya." saad nung nurse na lumapit samin.