CHAPTER 41

53 1 0
                                    

  " Tangina ka hindi ko mapigilan eh, hayop ka kasi sana di mo nalang ako sinama dito eh."
" Ewan ko sayo, kung ako lang tangina hinamon ko na ng suntukan yang Daddy mo. Di biro yung ginawa niyang pananakit sayo dati at higit sa lahat kung ano anong paninira na yung pinagkalat niya sayo at pati na sakin huh. Tangina ako adik!? Walanjo yan bakit ko sisirain yung buhay ko para lang sa droga."
" Tangina mo sinisira mo yung buhay mo sa pagcacallboy."
" Masarap na bisyo yun tanga, shut up andyan na yung demonyo." saad ko ng makita na palabas na ng pinto ng simbahan si Pastor Ted kasama yung pamilya niya, nang lumingon ako sa pwesto nung dalawang bakla ay may hawak na silang malalaking bato.
" Kent tangina kinakabahan ako." siko sakin ni Ethan. Napadako naman yung tingin sakin ni Calix kaya tinanguhan ko na sya.
" I'm sorry, Daddy!" rinig naming sigaw ni Jillian saka pinukpok ng bato yung salamin ng kotse, sumunod naman yung pagpalo ni Calix sa kabila. Nakagat ko lang yung labi ko para pigilan yung ngiti sa labi ko, nang lumingon ako kay Ethan kita ko lang yung pagnganga niya. " Daddy daddy! You're bad!"
" How dare you!" sigaw ni pastor Ted. " Tigilan niyo yan mga hayop kayo!"
" Opps, isa pa." basag pa nila sa isa.
" Oh god!" sigaw ni pastor Ted.
" Let's go, Ethan." saad ko tumalikod at sumandal sa kotse, isang ngiti lang yung pinakawalan ko, nang lumingon ako kay Ethan kita ko lang yung ngiti sa labi niya. " Tangina sarap sa pakiramdam noh?" siko ko sa kanya, nang mga oras na yun rinig na rinig parin namin yung pagsigaw ng Daddy niya kasabay ng pagtatawanan ni Calix at Jillian. Para tong musika sa pandinig ko ng mga oras na yun.
" Tangina ka Kent." bulong ni Ethan pero may ngiti sa labi. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka muling sumilip, tangina lahat ata gagawin ko para sa hayop na kaibigan ko na to. " Tol wag ka ng sumilip gago." hila niya sa damit ko.
" Gago, wag ka ngang mag-alala, tumakbo na sila."
" Bakit hindi ako mag-aalala kapag tayo napabintangan niyan, patay nanaman ako niyan."
" Malamang kilala ng Daddy mo si Calix, dun sa Fuentez nagtatrabaho Daddy mo di ba?"
" Pero?"
" Tangina makaganti ka man lang, tara na." saad ko saka sya hinila para maglakad. Marami ng tao yung nakapalibot sa kotse ni pastor Ted nun kaya hindi na kami napansin na dumaan.
" Yung kapatid mo nakita tayo." saad ko na tuloy lang sa paglalakad.
" Yeah kinindatan nga ako eh."
" Tangina mo para sakin yung kindat na yun."
" Tangina mo Kent sabing kapatid ko yun eh." suntok niya sa balikat ko na ikinatawa ko.
SI ETHAN

Nang mga oras na yun pakiramdam ko napakadaan ng mga paa ko, pakiramdam ko lumulutang ako. Masarap din pala gumanti, alam ko mali yun pero hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam yung kahit paano makabawi ka sa lahat ng sakit na ginawa niya sayo.
" Oh tama na ngiti, nakakalibog yang ngiti mo gago." asar sakin ni Kent.
" Gago! Tangina tol, makikipagsex ka ba talaga ngayon?" tanong ko kay kay Kent habang naglalakad na kami papuntang plaza kung saan tumakbo si Calix at yung Jillian. " Tangina tol, paskong pasko?"
" Di naman tayo naniniwala sa pasko di ba?" ngiti niya.
" Pero Tol."
" Tangina sali ka nalang?"
" Ayoko." iling ko agad, natawa naman sya.
" Tangina di ako makikipagsex, baka bukas o kaya sa makalawa basta hindi ngayon gago." saad niya, isang buntong hininga naman yung pinakawalan ko. " Okay ka na ba?"
" Kent salamat huh."
" Para saan?"
" Salamat kasi, hindi mo ko iniwan nung panahon kailangan ko ng kaibigan."
" Kailan ba kita iniwan?" kibit niya ng balikat. " Tangina sabi ko nga sayo dati diba makikipagsapakan ako kapag inapi ka uli ng Daddy mo? Naalala mo yung pinatanggal ka niya dati sa Bar na pinagtatrabahuhan mo?"
" Oo, nakipagsapakan ka sa may ari dahil tinanggal ako."
" Oo, tangina nakita ko yung Daddy mo nandun nung gabing yun. Hayop sya nagtatrabaho ka ng maayos tapos magkokotrabida sya."
" Salamat Kent."
" Wala yun, tol." ngiti niya. Haixt buti pa tong tanginang kaibigan kong to, kahit kailan hindi napagod na samahan ako, hindi nagsawa kahit mahirap ako pakisamahan. Isang ngiti lang yung pinakawalan ko saka sya inakbayan.
" Tol, ang bigat!"
" Ganyan ako kabigat, pero kahit kailan hindi mo ko binagsak." saad ko natigilan naman sya saka natawa.
" Tangina mo Ethan gago ka!" tulak niya sakin habang natatawa. " Napakadrama mo ngayong gabi huh."
" Gago." tulak ko din sa kanya habang may ngiti sa labi, Hindi man ako naging swerte sa pamilya atleast sa kaibigan sobra sobra pa.
Si Kent yung taong kahit anong mangyare hindi ko hahayaang mag-isa. Sinamahan niya ko nung panahong sobrang dilim ng paligid ko, kaya sasamahan ko sya bawat hakbang na gusto niyang gawin, Hindi ko man masuklian yung pagmamahal na nararamdaman niya sakin, ibibigay ko naman yung pagmamahal na handa syang ipaglaban hanggang sa huli.
Pagdating namin sa plaza ay naabutan lang namin yung dalawa na nagtatawanan, Wala ka ng makikitang tao nun sa kalsada, halos lahat ay nasa kani kanilang bahay para ipagdiwang ang pasko. Makikita mo sa paligid yung iba't ibang ilaw, yung liwanag ng malaking christmas tree na nasa pinakasentro ng plaza, yung mga parol na nakasabit sa mga poste.
" Kent." salubong samin nung Calix.
" Nagustuhan mo ba Kent." ngiti nung Jillian.
" Oo, nagustuhan ko, uhm guys pasensya na huh pero wala ako sa mood makipagsex ngayon eh? Alam niyo na Christmas?"
" I told you." ngiti ni Calix sa baklang yun.
" Haixt umasa pasensya, pero alam mo yung pagbasag namin nung salamin nun? My god that was thrilling. Nakita mo ba yung mukha ng Daddy mo? Kulang nalang magtawag sya ng sailor moon para kalabanin kami ni Calix!" natatawang saad ni Jillian, hindi ko naman mapigilang mapangiti. " Oh my god, ang ganda ng smile mo, saka yung teeth mo super white, can I taste it?" baling nito sakin.

Trombonista ng Buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon