Ethan.....
Continued....
SI KENT
" Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars, so I could really use wish right now, wish right now, wish right now." bulong ko sa lyrics ng isang kanta habang nakaupo ako elevated stage na nasa gilid ng simbahan.
Nag-aabang ng eroplano na dadaan sa kalangitan.
Mag-aalas otso na nun ng gabi kaya ramdam ko na yung lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko, marami ring tao sa paligid dahil ilang oras nalang ay magsisimula na din yung simba ng gabing yun. Maamoy mo sa paligid yung bagong lutong bibingka habang hinahango mula lutuang ulingan. Yung masarap na amoy ng iba't ibang kakanin na tinitinda tuwing simbang gabi. Makikita mo din sa paligid yung iba't ibang kulay ng ilaw na nakapalibot sa simbahan, Paskong pasko na.
Pero hindi iyun ang nagpaspecial sa lugar na to.
Ito yung exact place kung saan ko nakilala si Russel.
Haixt.
" Tol." rinig kong saad ni Ethan, lumingon naman ako sa kanya saka nagbigay ng ngiti. " Kain tayo?"
" Di ako nagugutom tol."
" Uhm kape?'
" Ayoko tol."
" Uhm okay?"
" Kain ka kung gusto mo, tang ina mo naman eh makakakain ka naman siguro na hindi ako kasama." saad saka muling tumingala.
" Kent." saad niya
" Bakit?"
" Kamusta ka?"
" Tang ina ka! magkasama tayo araw araw tapos kakamustahin mo ko? Gago ka ba?" Sarkastikong saad ko, natawa lang sya saka umupo sa tabi ko habang hawak yung bag ng trombone niya
" Masarap pala umupo dito? "
" Gago." simangot ko.
" Tang ina naman kasi Kent, favorite spot mo to eh."
" Oh eh ano naman?"
" Tinitingnan ko lang kung may kakaiba ba sa spot na to? Parang wala naman ah bukod sa kitang kita mo yung mga stars, Don't tell me naniniwala ka sa falling star?"
" Falling star?"
" Oo tang ina, wag kang maniwala dun alam mo yung mga astraunaut or yung mga taong nasa space station, kapag naipon na nila yung mga tae nila binabagsak nila yun sa space, then nagmumukha syang falling star kapag tinitingnan natin dito sa earth."
" Totoo?"
" Oo gago, kaya nga yung iba wish ng wish sa falling star di nila alam na falling poop na pala yung hinihilingan nila." natatawang saad ni Ethan.
" Gago ka talaga, sa falling star na nga lang nakakahiling. Kinokontra pa rin."
" Eh ano ba kasi hinihintay mo dito? Falling star nga?"
" Hindi?'
" Eh ano?"
" Airplane." payak na ngiti ko, kita ko naman yung titig niya sa mukha ko.
" Eroplano? Bakit?"
" Secret." saad ko saka kinuha yung bag niya ng trombone at binuksan yung zipper.
" Ano gagawin mo sa trombone ko?"
" Ipapasok ko yung titi ko, para isusubo mo tuwing tutugtugin mo to." ngiti ko.
" Gago." simangot niya.
" Seryoso gago, gusto kita makita na subo subo yung titi ko."
"Tang ina mo!" malutong na mura niya na ikinatawa ko. nilabas ko lang yung instrumento niya saka tinapat sa bibig ko. " Tang ina naman Kent, may laway ko yan."
" Ano naman?"
" Bahala ka nga." saad niya, ngumiti lang ako saka sinimulang hipan yung instrumentong yun, kasabay nun ay yung paglabas ng malalim na tunog mula dito. Nang lingunin ko si Ethan, kita ko lang yung tingin niya sakin kaya natawa ako.
" Tang ina bakit ganyan tingin mo? Baka mainlove ka niyang sakin gago, Wasak yang butas mo gago! "
" Tol, ano ba talaga totoong nangyare sa inyo? Sayo? Kay Russel?" Seryosong tanong niya agad ko naman iniwas yung tingin ko. " Alam ko di ko kailangan malaman pero Kent gusto kita maintindihan?"
" Tol, wag na."
" Alam ko masakit yung nangyare? Pero Kent di kita maintindihan? Yung pakikipagsex mo kung kanikanino? Yung pagpapabayad mo para makipagsex?"
" Tol, duon ako nagiging masaya?"
" Masaya? Pano?"
" tara na tol, nagutom na ko." iwas ko, aktong ibabalik ko yung trombone niya ng hawakan niya yung braso ko.
" Makikinig ako Kent, tulad ng lagi mong ginagawa tuwing nalalasing ako. Tol gusto kita pakinggan."
" Tang ina mo eh noh? Lasing ba ko?" simangot ko saka binalik yung trombone niya saka bumaba ng stage at sinabit yung trombone ko sa balikat. " Tara na tol?"
" Kent?"
" Tol, yung nangyareng yun? Isa yung bangungot. Bangungot na kahit kailan ayoko na maulit."
" Napatawad ka niya di ba?"
" Oo, bago sya nawala."
" Tol, makikinig ako?"
" Tang ina pwede ba lasingin mo muna ako?" natatawang saad ko. " Ikukwento ko sayo lahat, mula umpisa hanggang sa huli."
" Lahat?"
" Lahat, sa harap ng bote ng alak." ngiti ko
" After ng misa?"
" Inom tayo?"
" Oo?" saad niya humugot naman ako ng malalim na hininga.
" Handa ka na bang balikan lahat Kent?"
" Pano kung sabihin kong hindi pa?"
" Kent, kahit ako lang pagkatiwalaan mo? Pano kita ipagtatanggol kay tucker at dale kung wala akong alam sa totoong nangyare. Tol, gusto kita protektahan?" Seryosong saad niya pinilit ko naman magbigay ng ngiti. " Tol, naprotektahan mo ko nung kailangan kita, tol tinulungan mo ko nung kailangan ko ng tulong, pero ako? Tol wala akong nagawa nung kailangan mo ko?"
" Ethan, iba yung sakin. Niligtas mo yung sarili mo at wala ako dun."
" Pero nandun ka nung bumabangon ako, tuwing may sugat ako, Tinulungan mo ko para makakain. Tol tinulungan mo ko sa pagsisimula ko nung wala yung pamilya ko."
" Ethan wala akong sinusumbat sayo, Ginawa ko yun kasi kaibigan kita."
" Pero tol, nakakakunsensya ako na wala akong nagawa para sayo."
" Ethan madami, Nung iwan ako ni Russel pinigilan mo ko sa planong kong pagsusuicide. Tol, yung sinamahan mo ko tuwing umiiyak ako? Yung sinamahan mo ko kapag nanghihina na ko? Tol sinamahan mo ko nung gusto ko mag-isa. Ethan sobra sobra na yun." kita ko naman na may tumulong luha sa mata niya. " Tang ina naman tol, may makakita sayong umiiyak ka, baka isipin pa na binusted kita."
" Gago, Tol, bukas na bukas na yung buhay ko sayo sana buksan mo din yung buhay mo para sakin."
" Kapag binuksan ko ba yung sarili ko sayo, mamahalin mo ko?" tanong kong deretsong nakatingin sa mga mata niya.
" Kent."
" Nagbibiro lang."
" Kent kilala mo na ko, lahat ng tungkol sakin alam mo."
" Di ko pa kilala yung toto mong daddy gago, madami pa kong di alam tungkol sayo, Basta inom tayo then sex tayo after?" kindat ko sa kanya
" Sapak gusto mo?"
" Tol, patikim naman kasi?"
" Patikim ng alin?"
" Ng katawan mo gago? Pangako isang beses lang? Di na kita kukulitin?" pag-iiba ko ng usapan. Haixt handa na ba ko ikwento kung ano ba talaga totoong nangyare samin ni Russel?
Basta ang alam ko naging masaya kami, sobrang saya.
" Ewan ko sayo Kent." saad niya saka bumaba na rin sa stage at sinukbit yung bag ng instrument niya sa likod. " Iniiba mo yung usapan eh? Inom tayo mamaya huh? Gusto ko na malaman lahat."
" Okay, pero gusto ko din makilala yung Daddy mo."
" Yung demonyo kong Daddy?"
" Yung totoo mong Daddy." Seryosong saad ko. Kita ko naman na umiwas sya ng tingin. " Tol, ikwekwento ko sayo lahat pero dapat harapin mo na rin yung totoong ikaw."
" Kent."
" Yung totoong Adrian Ethan Zarate." Tumingala lang sya. " Ano, Handa ka bang ipakilala sakin kung saan nga ba galing si Adrian?" Isang buntong hininga naman yung pinakawalan niya.
" Fine Andrei, Andrei Kent Lee." saad niya, napalunok lang ako ng banggitin niya yung pangalan ko. Si Russel lang ang tumawag sakin sa pangalan na Andrei at kahit kailan hindi ko malilimutan yung boses niya tuwing binabanggit niya yung pangalan ko. Para tong musika sa pandinig ko. " Ipapakilala ko si Adrian basta ipakilala mo sakin kung sino si Andrei, Si Andrei na minahal ni Russel." Saad niya, marahan naman akong tumango.
Bukod kay Russel, Tucker and Dale wala ng nakaalam kung ano talaga nangyare ng gabing yun, Kaming apat lang.
Pero ngayon ikwekwento ko na lahat, kay Ethan at kung hindi niya ko matanggap dahil dun handa na ko basta ang alam ko,yung puso ko pinapatibok na ng isang matalik kong kaibigan at handa na kong buksan ang puso ko para sa kanya.
Tang inang yan ang corny! haha
Pagkatapos ng misa ay magkasama na kaming umuwi ni Ethan, pagkabili namin ng alak ay pumasok na kami sa bahay niya saka nagsimulang mag-ayos.
Ito na yun.
Walang umiimik samin habang tuloy yung tagay, mga mata lang namin yung nag-uusap. Tinatanya yung isa't isa. Alam ko kung may bagay man na ayaw si Ethan na pag-usapan ay yung totoo niyang Daddy, Si Mr. Harold Zarate.
" Kailan kayo huling nagkita ni Mr. Harold Zatrate?" tanong ko pero nagbigay lang sya ng sarkastikong ngiti. " Tang ina wag mo ko ngitian ng ganyan, papasubo ko sayo tong titi ko gago!"
" Fuck you, ako ang unang magtatanong." lapag niya ng tagay sa harapan ko.
" Pero."
" Kent, Anong ginawa mo kay Russel?" Seryosong tanong niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Nakagat ko lang yung labi ko saka umiwas ng tingin. " Sabi mo si Tucker at Dale ang gumahasa sa kanya pero panong nangyareng ikaw ang unang gumamit?"
" Tang ina, ako muna?"
" Pano mo sya nakumbinsi na wag magdemanda?" Muling tanong niya. " At higit sa lahat bakit sya-"
" I love him, Ethan mahal ko si Russel." putol ko sa sasabihin niya.
" Pero anong nangyare?! Tang ina tol isa sya sa mga tumulong sakin at ang totoo naiinis ako at nagagalit sa nangyare. Tol alam kong alam mo na gusto ka ni Russel pero bakit, bakit ganun yung nangyare?"
" Tol."
" Kent, anong totoong nangyare? gusto kong malaman?" tumungo lang ako kasabay yung pagpatak ng luha sa mga mata ko.
" Ni-rape ko sya sa harap ng magkapatid na Fuentez."
FLASHBACK
SI KENT
Palabas ako ng simbahan nun ng matanaw ko yung lalake na nakaupo sa stage habang may hawak na guitara, Ilang sandali akong tumigil sa paglalakad para mapagmasdan sya mula sa malayo.
Nakaputing tshirt to, slacks at black shoes, nasa tabi niya rin yung bag niya habang nakapatong dito yung uniform na sinuot niya sa maghapon klase sa school.
" Gwapo sa malayo." ngiti ko saka nagsimulang humakbang papalapit sa kinaroroonan niya. Habang papalapit ako, unti unti ko na rin naririnig yung tinutugtog niya sa guitara.
" Can we pretend that airplanes in the snight sky are like shooting stars." Rinig kong kanta niya, Mag-isa lang sya pero kita ko yung ngiti niya sa labi habang kumakanta.
Mestiso, mejo singkit ang mata na may matangos na ilong, Mapulang labi na parang ang sarap halikan. Mukhang ang perfect niya pero may isang bagay akong napansin sa aura niya.
Mukha syang bakla.
Natigilan lang ako ng itigil niya yung pagkanta at pagtugtog ng guitara saka dahan dahang nag-angat ng tingin hanggang magtama yung mata namin.
Tang ina, nang mga oras na yun para akong naestatwa habang magkalapat yung mga mata naming dalawa. Parang biglang tumigil ang mundo, parang may kung sinong hayop ang pumindot ng remote para tumigil kami sa tagpong yun.
Isa
Dalawa
Tatlong segundo ang lumipas.
" Why?" kunot ang noong tanong niya dahilan para matauhan ako. " How can I help you?" ngiti niya, humugot naman ako ng malalim na hininga saka binigay yung pinakagwapo kong ngiti. " May kailangan ka?" tanong niya uli marahan naman akong tumango habang may ngiti sa labi. " Ano?"
" Gusto mo bang chumupa?" ngiti ko.
ITUTULOY