DENISSE MENDOZAMonday.........
Nakakatamad pumasok pero 'di ako pwedeng tamarin...
Everyday routine ko na bago bumangon ay i'check ang Facebook at instagram account ko.
6:30
Kailangan ko nang bumangon. Bumaba na ako at ready na ang almusal ko. Kumain ako, naligo at nagbihis.
Si mama nga pala ay maagang umaalis. Siya narin kasi ang nagbabantay ng school supplies na business namin.
7:30
Aalis na ako kahit 8:30 pa ang klase ko, mahirap kaya magcocommute.
Oo nga pala, Engineering student ako at maaga pa nung dumating ako sa classroom namin. Kaya lumabas muna ako at naupo muna ako sa bench sa ilalim ng puno. Wala pa yung dalawang asungot sa buhay ko. Joke lang. Bestfriend ko.
"Hoy!!!!"
Sa gulat ko halos mahulog ako sa kinauupuan ko.
"Loko talaga kayo noh?? Gusto 'nyo bang mahulog ako dito at mapagtawanan ng makakakita?"
"Halla, nagalit ang bruha!! Namiss ka lang namin." Si Mhikailla
"Namiss ka 'dyan para dalawang araw lang tayong 'di nagkita miss kaagad?!" Sabay ngiti ko sakanila.
"Kunyari ka pa!!! Miss mo rin naman kami." Si Leanna naman ang nagsalita.
"Aysus!!! Naglambing pa ang mga bruha!! Syempre miss ko kayong dalawa. Kayo lang naman ang asungot sa buhay ko e"
At nagtawanan kaming tatlo.
Nakaupo parin kami sa bench. Marami naring studyante na pumapasok.
"Denisse at Leanna, ang dami talagang gwapo dito sa University ano?!"
"Oh, ano naman ngayon kung marami? Sagot ko
"Ay bitter ang bruha oh!" Si Leanna naman
"Tignan mo yun, Si Nathan yun diba?!" Si Leanna parin
"Oh e ano naman kung 'sya si Nathan?!"
"Lokaret!!!! Ikaw talaga Denisse!!! Isa lang naman 'sya sa pinaka'gwapo dito sa University." Si Mhikailla naman ang nagsalita.
"Naku!! Kayong dalawa pag'untugin ko kaya kayo para magising kayo sa katotohanan na hindi tayo magugustuhan ng katulad 'nyang mayaman. Syempre mayaman din ang gusto 'nya at maganda."
"Grabe!! Ang dami mong sinabi Denisse!!!!! Bitter ka talaga!! Di nga tayo kasing yaman nila. Bawi naman tayo sa ganda! Lalo ka na!"
Sagot ni Leanna."Hahaha, pumasok na nga tayo sa loob. Baka madatnan pa tayo dito ng professor natin dito."
NATHAN SORIANO
Sanay na ako sa ganito.
Busy ang parent's ko. Marami silang business. Madalas pa nga sa abroad pa sila nag'stay.
Kaya kahit mayaman kami, marami akong alam gawin. Masarap akong magluto, mga gawaing bahay. Alam ko rin yan.
Sa school lang naman ako masungit e. Ang dami kasing babaeng nagpapapansin. Lahat sila 'di ko pinapansin. Turn off ako sa mga babaeng ganun.
Well 'di ko pa kasi nasubukang ma'inlove. Gusto pag na'inlove ako e sa taong makakasama ko na sa future.
8:00 na pero nakabihis na ako kaso 8:30 ang klase ko. Architecture student nga pala ako.
Pero maya'maya pa ako aalis. May kotse naman ako e. 10 minutes drive lang yung school mula dito sa amin.
[A/N]
Thank you for reading...
Nagustuhan 'nyo po ba? Please vote po.Other works:
*Kuya and I
*Itinakda ng Tadhana
*Mahal kita, Bestfriend
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomanceFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?