DENISSE MENDOZA SORIANOHindi ako galit sa asawa ko. Sobrang nasaktan lang talaga ako. Kaya ayaw ko paring kausapin ang asawa ko.
"Honey ko.. Pinagsisisihan ko yung ginawa ko.. Kasalanan ko lahat.. Pero sana naman mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita honey ko.. Ikaw ang buhay ko, kayo ng magiging anak ko. Kung wala kayo hindi ko kakayanin. Please. Nagsisisi na ako. Miss na miss na kita..sabihin mo sakin kung anong gusto mo.. Gagawin ko..please..."
Hindi ko napigilang magsalita..
"Sinabi mo sakin na maghiwalay na tayo. Yun ang gusto ko!""No!! Hindi.. Hindi tayo maghihiwalay honey ko..hindi ko kaya..mahal na mahal kita."
"Please.... Ayoko na.. Sobra akong nasaktan.. Gusto ko umuwi sa amin.. Ihatid mo ako please.."
"Honey ko...please.. Wag mo naman akong iwan.. Hindi ko kaya.."
"Kaya mo.. 3 araw Nathan.. Natiis mo ako, ok sana kung talagang ginawa ko... kaso hindi e..."
Di ko na napigilang umiyak sa harap 'nya."Honey ko, naalala mo sabi mo sakin hindi tayo bibitaw diba? Kung may problema tayo aayusin natin diba? Ha?!"
Hindi ako sumagot. Nagagawa ko lang naman 'to dahil nasaktan ako..
"Honey ko makinig ka sakin.. Tignan mo ako.. Mahal na mahal natin ang isa't isa diba?!.. Itatapon mo nalang ba ito?! Oo nagkamali ako.. Nasaktan kita.. Pinagsisisihan ko na..bigyan mo naman ako ng chance.. Please.. Lahat gagawin ko para sayo..Para satin honey ko.."
Saka 'nya ako niyakap. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang totoo kasi ay Ayoko naman 'syang mawala sakin dahil sobrang mahal na mahal ko 'sya.Hanggang sa nakatulog ako habang yakap 'nya ako. 3 araw din talaga kasi akong walang tulog kaka'isip ko sakanya.
NATHAN SORIANO
Nakatulog si Denisse kaya binatayan ko nalang 'sya. Naupo nalang ako sa sahig at sumandal sa kama sa tabi 'nya wala rin kasi akong tulog kaya nakatulog narin ako.
Hanggang sa naramdaman kong hinawakan 'nya ang kamay ko kaya ako nagising.
"Bakit honey ko?! Nagugutom ka ba?! Anong gusto mo, Ibibili kita.."
Niyakap lang niya ako at saka 'sya umiyak.
"Shhhh. Tahan na Honey ko.. Wag kang umiyak.. Mahal na mahal kita.."
"Mahal na mahal kita honey.. Nasaktan lang talaga ako.. Pero okay na ako.."
Niyakap ko rin 'sya.. Saka ko hinalikan sa noo..
"Aalagaan ko kayo ng magiging anak natin honey ko.. Bakit di mo agad sinabi sakin?!"
"Nung gabing yung sasabihin ko sana sayo.. Kaso..." Hindi 'nya itinuloy...
"Kasalanan ko honey.. I'm sorry.. Mahal mo parin ako diba?!"
"Hindi naman yung magbabago e. Kahit hindi tayo magka'ayos andito ka lagi sa puso ko.."
"Salamat honey ko..... Lagi ka lang din sa puso ko.."
Ngayon ok na yung pag'uusap namin ng asawa ko.
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomanceFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?