NATHAN SORIANO"NATHAN!!!!!!!!!!!!!!"
Malakas na sigaw ni Denisse. Kaya ako nagising. Teka, nasa kwarto parin 'nya ako?! Nasa kama 'nya ako?! Magkatabi kaming natulog?!
Matapos kong sabihin sakanya na wala naman kaming ginawang masama ay niyaya ko na 'sya sa baba para magbreakfast.
"Hoy, umiiyak ka parin?"
"Hindi!! Nathan sigurado ka ba?!"
"Oo nga! Nakatulog nalang din ako sa tabi mo sa sobrang antok ko kagabi."
"Mabuti naman kung ganun."
"Kumain na tayo. Tapos maligo ka na para di tayo ma'late ha."
"Oo na, pero mauna ka na. Mag'tataxi nalang ako Nathan."
"Hindi, sabay parin tayong papasok"
"Hindi ka ba naiilang Nathan? Ha?!"
"Saan nanaman ba? Denisse ang aga ha!"
"Panu kung......."
"Panu kung ano??...."
"Wala, akyat na ako para maligo."
"Teka, kumain ka muna!"
"Sa school na ako kakain. Di pa naman ako gutom e."
Umakyat na 'sya at sumunod narin ako para maligo at magbihis.
Anu kaya yung ibig 'nyang sabihin at pinutol nya ung sinasabi 'nya? Bahala na nga.
8:00 am
Nakabihis na ako kaya lumabas na ako sa kwarto para tawagin Si Denisse.
"Denisse, tara na!"
"Andyan na po kamahalan!"
Lumabas na 'sya sa pinto. Dala 'nya pati yung laptop.
Kinuha ko yung hawak ' yang laptop.
"Wag na Nathan, kaya ko naman bitbitin yan e."
"Yung bag mo"
"Ha???!!"
"Yung bag mo pa sabi ko! Ako na ang magbubuhat!"
"Wag na kaya ko na nga. Tara na Nathan."
"Ilang aklat ang laman ng bag mo?"
"3 lang.. Magaan lang naman e."
"Ako na magbubuhat. Bilis!"
Kinuha ko na sa balikat 'nya at naglakad na ako pababa.
"Tara na ang bagal pa e."
DENISSE MENDOZA SORIANO
"Jusko!!!! Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?!!! Sobrang weird naman.. Minsan mabait, minsan sweet pero mas madalas ang cold at harsh....pero syempre ngayon sweet 'sya... Kinilig bigla!!!"
sumunod na ako sakanya kaagad dahil baka masigawan nanaman ako at pinaghintay ko 'sya.
Habang nasa kotse kami di ko maiwasang isipin 'yung nangyari kagabi.
Grabe... Nagising nalang ako na magkayakap kami... Nakakahiya buti nalang ako ang unang nagising... Pero aaminin kong masaya ako dahil nakatabi ko 'syang matulog... Alam ko naman kasi na kapag naghiwalay na kami lahat ng 'to ay wala na..
"Tahimik ka ah!"
"Ah, wala. Wag mo akong intindihin."
"Iniisip mo yung kagabi?"
"Hindi ah! Sabi mo naman wala e."
"Paano nga kung meron???"
"Nathan naman e."
"Paano nga??? Tapos magbunga yun, anong gagawin mo??"
"Di ko Alan Nathan.. Hayst!!!!! Tama na nga.. Nakakainis lang e. Ang aga'aga nang'aasar ka.!"
"Paano ang tahimik ka kasi 'dyan!! Kaya inaasar kita."
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomanceFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?