NATHAN SORIANONakauwi na kami ni Denisse. Nasa garden kami, nakaupo lang ako habang tinitignan ko 'syang mag'ayos ng halaman.
"Nathan, kung alam mo lang kung ano yung totoong nararamdaman ko para sayo. Di ko alam pero nagsimula 'to nung first kiss natin. Pakiramdam ko that time ikaw na yung one true love ko. Then ito tayo pati tadhana umayon sa kapalaran natin.. Napasok tayo sa arranged marriage at 5 months na tayong kasal at habang tumatagal lalong lumalim yung love ko para sayo. Kahit madalas tayong nag'aasaran at nag'sigawan mahal talaga kita..Ang akala kong ikaw ang sisirain sa buhay ko, mali pala ako dahil ikaw pala ang bubuo nito."
Oo.......narinig ko lahat ng sinabi ni Denisse sakin kagabi. Nakapikit lang naman ako at di pa talaga ako tulog nung oras na 'yun.
Sarap ng feeling kasi alam kong pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Atleast alam kong may pag'asa ako kapag sinabi ko na sakanya ung feelings ko.
"Hoy!! Ano nginingiti ngiti mo 'dyan? Para kang sira 'dyan Nathan e."
"Ah? Wala ah.. May iniisip lang ako."
"Ano naman?!"
Lumapit 'sya sakin at naupo dito sa tabi ko."Wala.. Secret!"
"Loko! Ano nga?"
"Wala nga. Anong plano mo bukas?"
"Plano saan?"
"Birthday ko, anong plano mo?"
"Ano bang gusto mong regalo? Bibili kita mamaya."
"Talaga?"
"Oo nga.."
"Wag na, samahan mo nalang ako bukas."
"Saan?"
"magcecelebrate tayo ng birthday ko.."
"Sige. Sila Kenn at Ynna kasama ba?"
"Nope. Tayo lang dalawa.."
"Bakit tayo lang?!"
"Basta.. Tanghali tayo aalis bukas.."
"E kung Ayoko?"
"Ikikiss nalang kita."
"Hahah. Joke. Sige samahan kita magcelebrate bukas."
"Sige na, tapusin mo na yung ginagawa mo."
"Tapos na nga e. Kaya pa ako mauupo dito diba?"
"Pumasok na nga tayo sa loob"
"Sige sunod ako. Ayusin ko lang dito."
DENISSE MENDOZA SORIANO
Nasa kwarto Si Nathan. Kaya kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa para tawagan Si Leanna.
"Hello! bakit Denisse?!"
"Birthday bukas ni Nathan, ano bang pwede kong iregalo?"
"Ano bang ang napansin mong paborito 'nyang gamitin?!"
"Hmm, ang alam ko lang mahilig 'sya sa relo."
"Oh, di bumili ka. As if naman payagan 'nya akong lumabas ngayon diba?!"
"Ay oo nga.. Try mo kaya..!"
"Sige try ko. Pero alam ko di papayag yun o kaya 'sya ang magpipilit na sumama."
"Kung sasama 'sya may ok yun kasi makakapili 'sya diba?!"
"Pero hindi na surprise. Bahala na nga."
Umakyat ako at kumatok sa kwarto 'nya.
"Nathan, punta lang akong mall. Sandali lang ako."
"Ha? Samahan na kita. Wait lang."
"Hindi na. Kasama ko si Leanna e."
"Bakit kasama mo pa 'sya pwede naman ako. Ano bang bibilihin mo dun?"
"Secret nga.."
"Sige. Samahan na kita."
"Pero Nathan.."
"Hay, wala ng pero pero.. Alangan naman pabayaan kita umalis mag'isa!"
"Kaya ko naman e."
"Kahit na!"
"Sige na nga. Kainis ka!"
Nagbihis lang kami saglit saka umalis kaagad. Nagtext nalang ako kay Leanna na Si Nathan nalang ang kasama ko.
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomanceFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?