NATHAN SORIANOGrabe hindi ako makatulog ah, isang oras na akong nakahiga di parin ako makatulog.
"Nathan ok lang?" tanong nya sakin
"O, bat gising ka pa??"
"Wala di ako makatulog e. Ikaw bat gising ka pa??"
"Di ko nga alam e. Matulog ka na."
"Di ka sanay matulog sa sofa ano??!!"
"Oo na.. Kaya wag ka nang mang'asar 'dyan. Matulog ka nalang..makakatulog rin ako."
"Palit nalang tayo Nathan. Dito ka ako 'dyan.." Bumangon na sya para makipagpalitan ng pwesto sakin
"Ganito nalang, tabi nalang tayo.."
"WHAT??????? Nagpapatawa ka ba?? Sapak gusto mo???!!!" nanlaki ang mata 'nya sa sinabi ko.
"Mukha ba akong nagpapatawa? Nagtabi na rin naman tayo dati e."
"Ayoko! Palit na tayo. Bilis! Tayo na 'dyan!!" Nasa harap na 'nya ako.
"Tabi nalang tayo! Di ka rin makakatulog dito. And besides mag'asawa naman tayo e."
Hinila ko 'sya pabalik sa higaan."Sige na nga! Wag kang gagawa ng masama ha?!! Isusumbong kita kila mama at papa Nathan!"
"Oo nga. Matutulog lang tayo. Saka legal tayong mag'asawa kahit magsumbong ka ayos lang yun!"
"Kainis!!" Sabay hampas 'nya ng unan sakin
"Aray!!! Nakakarami ka na ng hampas ah!!"
"tsk...Ikaw nga 'dyan sa kiss nakarami e. Hmp!!"
Nakahiga na kami pero syempre may space parin sa pagitan namin.
DENISSE MENDOZA SORIANO
Kainis.. Mas lalo tuloy akong di makatulog.. Katabi ko ngayon 'tong masungit na'to..
"Denisse.."
"Bakit?"
"Gising ka pa?"
"Sumagot ako diba? Syempre gising pa ako."
"Ito philosopo!! Gusto mo balik nalang ako sa sofa??"
"Hindi, dyan ka nalang. Makakatulog rin ako."
"Denisse..."
"Ano nanaman??!..."
Humarap 'sya sakin.
"Matulog ka na.. Wag kang mag'alala, may respeto ako sayo Denisse."
"Alam ko Nathan. Sinabi mo na yan dati sakin. Matulog ka narin. Goodnight ulit!"
"Goodnight!"
Hindi parin ako nakatulog kaagad kahit alam kong walang gagawin masama sakin si Nathan. Nakaharap lang ako sakanya. Tinititigan sya habang natutulog.
Pagkakataon ko 'to para masabi ko sakanya ang gusto kong sabihin kaya bumulong ako sakanya.
"Nathan, kung alam mo lang kung ano yung totoong nararamdaman ko para sayo. Di ko alam pero nagsimula 'to nung first kiss natin. Pakiramdam ko that time ikaw na yung one true love ko. Then ito tayo pati tadhana umayon sa kapalaran natin.. Napasok tayo sa arranged marriage at 5 months na tayong kasal at habang tumatagal lalong lumalim yung love ko para sayo. Kahit madalas tayong nag'aasaran at nag'sigawan mahal talaga kita..Ang akala kong ikaw ang sisirain sa buhay ko, mali pala ako dahil ikaw pala ang bubuo nito."
Hanggang nakatulog narin ako...
.
.
.
.
.
.
.
8amSabay kaming nagising sa alarm..
Magkayakap kami.. Pero hindi na ako nagreact.. Okay lang sakin.. Asawa ko naman e. Charot!!!
"Good morning!" bati nya sakin habang nakayakap parin 'sya sakin
"Good morning din! Bat ang ganda ng ngiti mo??"
"Wala, maganda kasi yung kayakap ko e."
Kilig....yes magkayakap parin kami kahit gising na kami..
"Tama na nga! Bangon na dali!"
"Oo na! F I know ikaw unang yumakap sakin Denisse!"
"Kapal mo! Ikaw kaya! Kala mo di ko alam ah!"
Ngumiti lang 'sya.
"nakakarami ka na talaga ah!!Maligo ka na nga! Sila mama naka'alis na yung papunta sa business nila. Pero meron yung breakfast na inihanda. Binilin 'nya kagabi bago tayo umakyat."
Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami ni Nathan. Walang pasok ngayon. Kaya late na kami gumising.
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomansaFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?