NATHAN SORIANONandito na ako sa bahay. Sobrang nanlulumo ako ngayon sa sarili ko. Di ko alam ang gagawin ko.
"Nasaan ka na ba honey ko?! Miss na miss na kita.. Mahal na mahal kita.."
Biglang nagring yung phone ko.
Kenn calling...
"Pare, Nasaan ka?!"
"Dito sa bahay.. Hahanapin ko Si Denisse."
"pupunta ako 'dyan. Sasamahan kitang maghanap sakanya."
Pinutol na 'nya yung yung pag'uusap namin..
Kaya umakyat ako at pumunta sa dating kwarto ni Denisse. At may nakita akong sulat sa study table. Pero teka.. May pregnancy test kit na kasama ito. Kaya binuksan ko kaagad yung sulat at binasa..
"Nathan .. Ang sabi mo mahal mo ako, pero pinaramdam mo sakin na balewala ako. Mas naniwala ka sa kasinungalingan kesa sa taong sinasabi mong mahal mo. Bakit di mo ako hinayaan mag'explain? Sobrang sakit.. Sinaktan mo ako.. Kami ng magiging anak mo..
Mahal na mahal kita.. Sana naisip mong Di ko magagawang lokohin ka."
Umiiyak ako habang binabasa ko yung sulat 'nya.
Sa sobrang galit ko sa sarili ko pinagsusuntok ko yung pader.
Buntis 'sya.. Magkaka'baby na kami.. Pero anong ginawa ko?! Sinaktan ko 'sya.. Pinagtabuyan ko 'sya!!..
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa dumating Si Kenn..
"Pare.. Tama na.. Mahahanap rin natin 'sya.."
"Pare, pahiram ng phone mo. Tatawagan ko 'sya.. Di sasagot Si Denisse kapag number ko ang ginamit ko.."
"Ito pare..sige tawagan mo.."
Tinawagan ko 'sya at agad naman 'syang sumagot.. Umiiyak akong nagsalita...
"Denisse honey ko..ako 'to..Nasaan ka?? Pupuntahan kita.. Nagkamali ako.. I'm sorry. Mahal na mahal kita.. Sana mapatawad mo ako.. Mahal na mahal ko kayo ng magiging anak natin!!"
"Wag mo na akong hanapin Nathan..Diba ayaw mo na aking makita??! Tama na.. Sobrang sakit na.."
Saka 'nya pinutol ang tawag. At in'off ang phone 'nya..
DENISSE MENDOZA SORIANO
3 days... Pero ramdam ko parin yung sakit.. Sakit na di ko naman kasalanan..
Tumawag sakin si Nathan.
"Denisse honey ko..ako 'to..Nasaan ka?? Pupuntahan kita.. Nagkamali ako.. I'm sorry. Mahal na mahal kita.. Sana mapatawad mo ako.. Mahal na mahal ko kayo ng magiging anak natin!!"
Alam na siguro 'nya ang totoo. Pero paano mababawi ang sakit ng mga nabitawan 'nyang salita sakin?!
"Lola, lalabas po muna ako nay bibilihin lang.."
"Sige Apo. Bumalik ka kaagad ha.. Namumutla ka..ayos ka lang ba??."
"Opo Lola..babalik din po ako agad"
Lumabas ako at naglakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakarating ako sa sa Park at dun ako naupo sa duyan. Wala akong iniisip kundi Si Nathan. Kung bakit nangyari 'to samin.
LOLA LUISA
Kanina pa umalis yung batang yun bakit wala pa.. Alas dos na ng hapon at di ko pa makita. Nag'aalala naman ako. Nasaan na kaya 'sya?!..
Mga 1 oras pa ang lumipas bago 'sya nakauwi. Namumutla 'sya at sobrang taas ng lagnat 'nya.. At saka 'sya nawalan ng malay. Hindi ko alam ang gagawin ko..
"Denisse Apo ko!!!!
Dan kunin mo yung sasakyan at idala natin sa hospital Si Denisse. Sobrang taas ng lagnat 'nya....!""Sige po. Ilalabas ko yung sasakyan.."
Hanggang sa makarating kami sa hospital ay wala parin 'syang malay dahil sa sobrang taas ng lagnat.
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomanceFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?