NATHAN SORIANONaihatid ko na Si Denisse sa klase 'nya. Hanggang dun ba naman pinag'titinginan kami.
Nasa klase na ako wala pang professor at kakarating lang ni Kenn.
"Pare, ano yung narinig ko sabay daw kayong pumasok ni Denisse? At magkaholding hands pa daw kayo?"
Natawa lang ako.
"Oo pare. Wala namang masama dun alam mo naman na kasal kami diba?""Oo alam ko yun. Tapatin mo nga ako Pare. Inlove ka na ba sakanya?"
"Oo, mahal ko na 'sya. Ito yung way ko para masabi ko sakanya na mahal ko 'sya. Kasi kung itatago namin sa lahat, parang wala lang e."
"Sigurado ka na ba pare? Mahal ka rin ba 'nya?"
"Hindi ko alam, pero ang alam ko mahal din nya ako."
"Paano mo naman nasabi yun pare?"
"Wala pakiramdam lang. Basta. Ako lang nakaka'alam nun pare."
"Naku, bahala ka Nathan. May nangyari na siguro sa inyo ano?!"
"Hoy Kenn! Wag kang Bastos! May respeto ako sakanya ah. Saka alam mo namang hiwalay kami ng kwarto."
"Joke lang pare. Defensive ka masyado. Hahah"
"Aba pagtawanan pa ako oh! Sinabi ko nga sakanya na mahal ko 'sya e."
"Oh??? Anong sagot 'nya?!"
"Nagjojoke daw ako. Twice na yun. Di 'sya naniwala sakin pare."
"Hahahha, nakakatawa ka pare. Paano maniniwala yun e sabi mo dati di mo 'sya magugustuhan."
"Kaya nga e. Dibale marami pang time para masabi ko sakanya."
Ang bilis ng oras. Lunch break na.
Pumunta na ako sa klase ni Denisse. Sakto tapos narin ang klase 'nya.
"Tara, sa canteen."
"Si Kenn? Bat di mo kasama?"
"Busy 'sya. Let's go Denisse."
DENISSE MENDOZA SORIANO
Kainis naman, halos lahat nakatingin sakin. Pinag'uusapan pa kami. At take note naririnig ko pa! Grrrr! Kesyo anong meron ako?! Bakit ako ang kasama?! Ano bang pinakain ko?! O ginayuma ko ba?!
Kaloka!!!!!!! Di ba pwedeng inlove kasi 'sya saken???!
JOKE!!!! Asa ako diba????!
"Bakit 'di ka kumakain 'dyan?"
"Sino bang makakakain kung pinag'titinginan at pinag'uusapan ka ha?! Hayst!!"
"Hayaan mo kasi sila! Masasanay din mga 'yan! Dali kain na"
Tumayo pa 'sya at tinabihan ako. Kanina kasi magkatapat lang kami.
"Nathan naman, bakit tumabi ka pa?!"
"Kumain ka na kasi! Dali na!"
"Oo na, ayan na kakain na. Kainis! Ano nginingiti ngiti mo 'dyan Nathan ha???!"
"Wala, ang cute mo kasi!"
"Halla, anu akala mo saken teddy bear? Cute??!!! Tse!!"
"Bilisan mo na 'dyan. Ang bagal mong kumain. Cute ka naman talaga e."
"Wag mo nga akong tatawaging cute! Kaasar ka Nathan!"
"Bakit pa tinawag ba ulit kitang cute, hahalikan mo ba ako?! Ha?!"
"Aba!!! Kapal mo rin ano?!!! Asa ka pa!! Naku!"
Hanggang sa natapos kaming kumain at nakabalik ba kami sa klase namin.
BINABASA MO ANG
Love at First Kiss (EDITING)
RomanceFirst Kiss? Simula nung hinalikan 'nya ako di na 'sya nawala sa isip ko. Love na kaya ang tawag dun?