Love at First Kiss (6)

3K 87 0
                                    


DENISSE MENDOZA

"Langya talaga 'yung mayabang na 'yun!!!"

Yan lang ang paulit ulit kong sinasabi habang nakaupo ako sa bench na nasa ilalim ng puno. Kasama ko? Sino pa ba? Si Leanna at Mhikailla.

"Hoy Denisse.. Bakit kasi pinatulan mo pa 'sya kahapon e. Paano 'yan kapag kumalat na ang balita at nakarating na sa mga bully na stalker ni Nathan ha?" si Leanna ang nagtanong saken.

"Eh 'sya naman ang lumapit saken kanina. Inagahan ko na ngang pumasok, nagcross pa landas namin."

"Hay naku Denisse.. Siguradong alam na 'yun ng mga babaeng nagkakagusto kay Nathan." Si Mhikailla naman ang sumagot.

"Hay bahala na!! Kung ano mangyari bahala na. Kaya ko naman siguro ang sarili ko. Saka basta anjan kayo. Kaya lang Mhikailla at Leanna..........."

"Ano?!!! Bat pinutol mo?! Kaya lang ano??!!"
Sabay silang nagsalita.

"Yung first kiss ko kasi sakanya galing... Sabi ko dapat sa one true love ko yun kaso kinuha ng mayabang na 'yun!!!! Kainis. Langya talaga!"

Tumawa ang dalawa.

"Aba!!! Tama bang tawanan ninyo ako?!!"

"Dibale isang Nathan Soriano naman ang kumuha ng first kiss mo!" Si Mhikailla ang sagot.

"Grrrr! Kainis kayo. Akala ko pa naman kakampi ko kayo e."

"Aysus! Di naman mabiro 'tong bestfriend namin". Si Leanna ang nagsalita.

"Tara na nga, pumasok na tayo sa klase natin baka ma'late tayo."
Yaya ko na sakanila para matapos na ang usapan ito.

Mabilis na lumipas ang maghapon. Uwian nanaman. Syempre sabay parin kami nila Leanna at Mikhailla na mag'aabang ng jeep at uuwi.

Habang naglalakad kaming tatlo ay sinusundan nila kami ng tingin.

Malamang alam na nila 'ying nangyari kanina. Hay! Bahala nga sila. Kahit pag'usapan nila ako wala na akong pakialam.

Agad agad naman kaming nakasakay mg jeep. Hay salamat walang humarang sakin para awayin ako..

Parang pagod na pagod ako pagdating ko sa bahay. Diretsyo agad ako sa kwarto. Nahiga, nag'iisip.........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nag'iisip.......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Halla!!!! Bat di mo maalis sa isip mo Si Nathan?!!!!"

Oo simula nung hinalikan 'nya ako kaninang umaga di ko alam pero....

'di na 'sya nawala sa isip ko...



"Kainis ka Nathan!!!!"
Sigaw ko. Okay lang kasi wala naman Si mama. Mamaya pa 'yun uuwi.


NATHAN SORIANO

Gabi na ako umuwi, sinamahan ko pa kasi si Kenn sa mall.

Ganun parin, wala sila mama at papa. Bukas pa sila darating.

Tanging Si manang lang ang kasama ko dito sa bahay.

Nasa terrace ako ng kwarto ko.

At bigla nalang akong napangiti.

Bakit? At kapag ipipikit ko naman ang aking mata nakikita ko 'sya..

"Ok lang na 'sya ang first kiss ko. Maganda 'sya. Malambot ang mga labi 'nya at Pati narin ang kamay 'nya."

Yun lang ang nasabi ko.

"Nathan? Ano bang pinagsasasabi mo? Gumanti ka lang sa babaeng 'yun. Bakit iniisip mo 'sya?" kausap ko ang sarili ko.

Pumasok na ako at nahiga....






Pero........
.
.
.
.
.
.
.
.
Na'iisip ko parin 'sya.







[A/N]

Thank you for reading...
Nagustuhan 'nyo po ba? Please vote po.

Other works:

*Kuya and I

*Itinakda ng Tadhana

*Mahal kita, Bestfriend

Love at First Kiss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon