Love at First Kiss (18)

2.6K 70 2
                                    


NATHAN SORIANO

"Hintayin kita sa parking lot or dito nalang?"

Nakaupo kami sa bench sa ilalim ng puno. Malapit sa classroom nila.

"Sa parking lot nalang Nathan. Pag dito kasi Nakakahiya. Tignan mo napapalingon parin sila satin,"

"Bahala ka nga! Pinapansin mo kasi sila e."

"Palibhasa hindi ikaw yung nilalait nila kaya wala kang pakialam Nathan e."

"Ano nanaman ba?! Bakit kasi nakikinig ka sakanila?"

"halata namang sinasadya nilang lakasan para mainsulto ako e."

"Yaan mo lang kasi. Masasanay ka rin."

"Selfish! Unfair ka talaga!"

"Anong sabi mo?"

"Wala, sige na papasok na ako. Dyan ka na!"

Hay mga babae talaga harap intindihin. Kainis!




DENISSE MENDOZA SORIANO

Grabe naman mga tao dito sa University. Kung maka'react na kasama ako ni Nathan luging lugi sila. Paano pa kaya kung malaman nilang 5 na kaming kasal?!..

Hay! Kaloka.

Katabi ko sina Leanna at Mikhailla habang nagdidiscuss yung professor namin.

"Hoy! Tulala ka 'dyan!"
Si Leanna. Siniko ako.

"Wala bes, Si Nathan kasi."

"Bakit nag'away ba kayo?"
Si Mhikailla. Sabay hinawakan ang kamay ko.

"Bruha! hindi! Naasar lang ako. Unfair kasi 'sya."

"Hayaan mo na bes.. Mahal mo naman e." sagot naman ni Leanna.

Yes. Alam nina Leanna at Mikhailla na mahal ko na Si Nathan. Sila lang pinagsabihan ko kasi mga bestfriend ko sila.

5pm

Tapos na ang klase namin.

"Mag bes, mauna muna ako ah. Nanjan na ang kamahalan."
Si Nathan ang tinutukoy ko. Naghihintay 'sya sa tapat ng pinto.

"Sige Denisse! Ingat."
Sagot nilang dalawa.

"Nathan sabi ko sa parking lot mo nalang ako hintayin e."

"Dito rin naman ako dadaanan kaya dito nalang."

"Tignan mo sila, nakatingin nanaman satin."

"Hayaan mo sila, tara na nga."
Sabay akbay 'nya sakin.

"Hoy kamahalan, alisin mo nga yang kamay mo sa balikat ko!"

"Arte mo! Gustong gusto mo naman."

"Ayos ka ah! Di ko naman sinabing akbay mo ako e."

Hindi na nagsalita ang loko. Pasaway talaga. Pangit ngiti pa ha.! Kaasar. Ano naman kaya ang plano nitong mayabang na 'to?!!!!

"Sakay na Denisse."

Sumakay na ako at di na nagsalita.

"Nathan, San tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi ah!"

"Wag ka nang magtanong Denisse."

"Saan nga?!"

"Sa mall"

"Oh? Anong gagawin natin dun? Ibaba mo na ako at sasakay nalang ako ng taxi. Ikaw nalang pumunta mag'isa."

"Gusto kong manuod muna tayo ng sine! Ayaw mo ba?"

"May tatapusin pa akong project Nathan. Wala akong oras para 'dyan! Si Ynna nalang yayain mo!"

"Oh, paano napasok Si Ynna sa usapan Denisse?"

"Di mo ba halatang gusto ka 'nya?!! Sya nalang yayain mo. Ibaba mo na ako dito."

Lalo 'nyang binilisan ang pagmamaneho.
"Hindi ko 'sya gusto! Nagseselos ka ba Denisse??!!"

"Hoy hindi ah! May project lang akong tatapusin at kailangan kong ipasa bukas."

Love at First Kiss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon