Love at First Kiss (8)

2.7K 89 1
                                    


DENISSE MENDOZA

Kanina pa ako hinihintay nila mama at papa sa baba. Siguradong masesermonan nanaman ako dahil sa bagal kong kumilos.

"Wow!! Anak bagay na bagay sayo ang suot mo at ang ganda ganda mo pa."

"Thank you pa! San pa ba ako nagmana ng kagandahan kundi kay mama diba."
Sabay ngiti ko sakanila habang pababa ako sa hagdan. Simpleng dress lang ang suot ko pero eleganteng tignan. Okay na 'to. Maganda naman ako. Charot!!

"Oo naman anak, sa mama mo lang ikaw nagmana. Tara na at para 'di tayo ma'late."

Nakarating kami sa hall ng isang hotel. Di naman ako sanay sa ganito kalaking party e. Di naman kasi kami kasing yaman ng mga taong 'to.

Nakatayo lang ako sa gilid. Wala naman kasi akong kakilala dito.

"Hay!! Dapat kasi 'di nalang ako sinamahan ni papa dito. Wala manlang akong kakilala!"

Maya'maya lumapit sakin si papa. May kasama 'syang lalaki. Sya na siguro yung bestfriend na sinasabi 'nya.

"Anak, 'sya Si Mr. Benjamin Soriano. Bestfriend ko."

"Hi Denisse! Ako ang bestfriend ng papa mo. Nice meeting you!" bati sakin ni Mr. Soriano. Saka kinamayan 'nya ako.

Pero teka.. Parang may kahawig 'sya..

"Hello po sir! I'm Denisse. Nice to meet you po!"

"Kamusta naman Denisse?"

"Ayos naman po ako Mr. Soriano."
Pormal na sagot ko.

Maya'maya ay may lumapit na lalaki sa amin.

Si Nathan?!!!!

Paanong nandito ang mayabang na 'to?!!!

"Anong ginawa mo dito?!!!!"
Mataas na boses ko.

"Ikaw bakit nandito ka?!"
Sarkastikong sagot nito mayabang na 'to.

"Oh, magkakilala pala kayo ng anak ko." sumingit na nagsalita Si Mr. Soriano.

"Anak 'nyo Si Nathan?!" Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Soriano.

"Narinig mo na diba?!! Kailangan pa bang uulitin na anak 'nya ako?!" Sabat naman ng mayabang na Si Nathan.

"By the way Denisse at Nathan. Ang party na ito ay para sa inyo." Si Mr. Soriano ang nagsalita.

"Paanong para sa amin sir?" Sa gulat ko yun ang naitanong ko.

"Ngayon ang engagement party 'nyo. And soon magpapakasal kayo ng anak ko."

"WHAT???!!!!!!! Pa, ano 'to?"
Sabay tingin ko kay papa. Sa sobrang gulat kulang nalang mahirap ako.

Ako ikakasal na!! Kay Nathan??!!

OMG!!!!! Nananaginip ba ako??!!!!

"Oo anak, umuwi ako dahil nagkasundo kami ng papa ni Nathan na ipakasal kayo."
Si papa na ang nagsalita.

Ito namang Si Nathan parang wala lang. Di manlang nagulat.

Di ko alam ang gagawin ko. Kulang nalang mahimatay ako sa narinig ko.

"Nathan!!! Magsalita ka! Di natin gusto ang isa't isa!!! Di 'to pwede!"

"Anak, huminahon ka. Yun na ang desisyon namin. Para rin 'to sayo. Saka mabait Si Nathan."  Si papa ang nagsasalita.

Di ko alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako palabas ng hotel.

Kinurot kurot ko ang braso ko. Bakasakaling magising ako kung nananaginip lang ako.

"Hay naku Denisse!!! Ano na bang nangyayari. Bat naman Si Nathan pa?!"







[A/N]

Thank you for reading!!!

Please vote.

Other works:

* Itinakda ng Tadhana

* Mahal kita, Bestfriend

Love at First Kiss (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon